Inihanda ni:
DONNA G. DELGADO-OLIVERIO,MATF
Father Saturnino Urios University
Butuan City
MGA PARES
MINIMAL
“Siyáng lagging-lungti ang lumiligalig sa katawan
ng payapang paghihinyay, upang igiit; Laging may
lugar ang isang lagging-lungting lungsod sa hangal
na teklado ng lagás na tadyang.”
— Lungting Lungsod Lunggati,
Rio Alma, 2013
Ang pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na
magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon o
kaligiran ay tinatawag na pares minimal. Karaniwang ginagamit ang pares minimal
sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog ng magkakahawig ngunit
magkakaibang ponema. Kung gagamiting halimbawa ang mga ponemang /p/ at /b/
ng Filipino, makikitang ang dalawang ponemang ito ay magkatulad sa punto ng
artikulasyon sapagkat kapwa labial o panlabi. Magkatulad din ang mga ito sa
paraan ng artikulasyon sapagkat kapwa istap o pasara. Ngunit ang /p/ ay
binibigkas nang walang tinig samantalang ang /b/ ay mayroon. Dahil sa
pagkakaibang ito, ang kahulugan ng isang salita ay nababago sa sandaling ang isa
ay ipalit sa isa. Ang salitang “pala” [shovel], halimbawa, ay magbabago ng
kahulugan sa sandaling ang /p/ ay palitan ng /b/ - “bala” [bullet]
ANG PARES MINIMAL
Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa
magkatulad na kaligiran – pala:bala. Nasa magkatulad na
kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang
kinalalagayan – kapwa nasa pusissyong inisyal: na kung aalisin ang
/p/ at /b/ sa mga salitang pala at bala, ang matitira ay
dalawang anyong magkatulad – ala at ala. Ano ang ibig sabihin
nito? Magkatulad ang kaligiran ng /p/ at /b/. Sa ganitong
kalagayan ay masasabing natin na ang pagkakaiba sa kahulugan
ng pala at bala ay dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil
sa alin man tunog sa dalawang salita. Kung gayon, ang /p/ at /b/
ay masabingmagkaibang ponema sa Pilipino sapagkat kapag
inilagay sa magkatulad na kaligiran na tulad nga ng pala at bala,
nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita.
Mesa (table) – Misa (Mass)
Tela (cloth) – Tila (it seems)
Yari (made of) – Wari (perhaps)
Sipag (industrious) – Hipag (In-laws)
Tula (poem) – Dula (play/drama)
Butas (hole) – Botas (boots)Halimbawa:
Tingnan naman natin ang halimbawa ng pares ng salita na pala:alab.
Nasa magkatulad na kaligiran ba ang /p/ at /b/? Wala, sapagkat ang /p/ ay nasa
pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong inisyal
ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong pinal. Samaktwid, hindi
magagamit ang pala:alab na halimbawa upang ipakita na ang /p/ at /b/ ay
magkaibang ponema.
Sa halimbawa naming kape:kafe ay nasa magkatulad na kaligiran ang /p/ at /f/.
Ngunit hindi natin nasasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi
nakapagpapabago ang mga ito sa kahulugan ng salita. Magkatulad ang kahulugan ng
kape at kafe. Samaktuwid, ang /f/ ay hindi pa maituturing na ponema sa Filipino. Sa
Ingles ay malinaw na magkaibang ponema ang /p/ at /f/, tulad ng makikita sa mga
pares minimal na pin:fin, pan:fan, past:fast, at iba pa. *************
MGA SANGGUNIAN:
AklatAklat
Montera, Godfrey
G. 2013.
Komunikasyon sa
Akademikong
Filipino. Likha
Publications: Cebu
City
Aklat
Zamora, Nina
Christina et al.
Komunikasyon sa
Akademikong Filipino.
Mutya Publishing,
Inc.: Malabon City
Santiago, Alfonso O.
1979. Panimulang
Linggwistika. Rex Book
Store: Quezon City
Aklat
Santiago, Alfonso O. at
Tiangco, Norma G.2003.
Makabagong Balarilang
Filipino.Rex Book Store:
Manila City.
01
02 03
04
MARAMING
SALAMAT!
LIKE AND FOLLOW

MGA PARES MINIMAL NG WIKANG FILIPINO

  • 1.
    Inihanda ni: DONNA G.DELGADO-OLIVERIO,MATF Father Saturnino Urios University Butuan City MGA PARES MINIMAL
  • 2.
    “Siyáng lagging-lungti anglumiligalig sa katawan ng payapang paghihinyay, upang igiit; Laging may lugar ang isang lagging-lungting lungsod sa hangal na teklado ng lagás na tadyang.” — Lungting Lungsod Lunggati, Rio Alma, 2013
  • 3.
    Ang pares ngsalita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon o kaligiran ay tinatawag na pares minimal. Karaniwang ginagamit ang pares minimal sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog ng magkakahawig ngunit magkakaibang ponema. Kung gagamiting halimbawa ang mga ponemang /p/ at /b/ ng Filipino, makikitang ang dalawang ponemang ito ay magkatulad sa punto ng artikulasyon sapagkat kapwa labial o panlabi. Magkatulad din ang mga ito sa paraan ng artikulasyon sapagkat kapwa istap o pasara. Ngunit ang /p/ ay binibigkas nang walang tinig samantalang ang /b/ ay mayroon. Dahil sa pagkakaibang ito, ang kahulugan ng isang salita ay nababago sa sandaling ang isa ay ipalit sa isa. Ang salitang “pala” [shovel], halimbawa, ay magbabago ng kahulugan sa sandaling ang /p/ ay palitan ng /b/ - “bala” [bullet] ANG PARES MINIMAL
  • 4.
    Pansinin na angmga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran – pala:bala. Nasa magkatulad na kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang kinalalagayan – kapwa nasa pusissyong inisyal: na kung aalisin ang /p/ at /b/ sa mga salitang pala at bala, ang matitira ay dalawang anyong magkatulad – ala at ala. Ano ang ibig sabihin nito? Magkatulad ang kaligiran ng /p/ at /b/. Sa ganitong kalagayan ay masasabing natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin man tunog sa dalawang salita. Kung gayon, ang /p/ at /b/ ay masabingmagkaibang ponema sa Pilipino sapagkat kapag inilagay sa magkatulad na kaligiran na tulad nga ng pala at bala, nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita.
  • 5.
    Mesa (table) –Misa (Mass) Tela (cloth) – Tila (it seems) Yari (made of) – Wari (perhaps) Sipag (industrious) – Hipag (In-laws) Tula (poem) – Dula (play/drama) Butas (hole) – Botas (boots)Halimbawa:
  • 6.
    Tingnan naman natinang halimbawa ng pares ng salita na pala:alab. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang /p/ at /b/? Wala, sapagkat ang /p/ ay nasa pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa pusisyong pinal. Samaktwid, hindi magagamit ang pala:alab na halimbawa upang ipakita na ang /p/ at /b/ ay magkaibang ponema. Sa halimbawa naming kape:kafe ay nasa magkatulad na kaligiran ang /p/ at /f/. Ngunit hindi natin nasasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagpapabago ang mga ito sa kahulugan ng salita. Magkatulad ang kahulugan ng kape at kafe. Samaktuwid, ang /f/ ay hindi pa maituturing na ponema sa Filipino. Sa Ingles ay malinaw na magkaibang ponema ang /p/ at /f/, tulad ng makikita sa mga pares minimal na pin:fin, pan:fan, past:fast, at iba pa. *************
  • 7.
    MGA SANGGUNIAN: AklatAklat Montera, Godfrey G.2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City Aklat Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon City Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City Aklat Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila City. 01 02 03 04
  • 8.