PANIMULA
Ang papel na ito na may paksang “ Pagkilala sa wikang Tuwali ng Ifugao: Pagtangkilik sa
sariling atin”ay naglalaman ng wika at kultura ng Ifugao. Laman ng pag-aaral na ito ang pagkilala sa mga
ponema, morpema at istruktura ng wikang Ifugao, mga nakolektang korpus bilang tiyak na karanasan sa
ilang metodolohiyang pangliggwistika, kabatiran sa mga mahahalagang kagamitan upang
makapagsagawa ng pananaliksik at pagpapahalaga sa wika at kultura ng nasabing lugar.
Balik-tanaw sa katuturan ng wika at wika ng Ifugao
Ayon kay Cruz (1998), sa pamamagitan ng wika ay nagkakaunawaan at nagagawa ng tao ang
mga bagay-bagay na may kabuluhan sa kanilang buhay. Sa lalong ikabubuti ng talastasan, mahalaga ring
isaalang-alang ang mga aspektong may tuwirang kinalaman sa gawaing ito tulad ng dimensyong sosyo-
kultural, ang kapaligiran o sitwasyon at ang kayarian ng wika, istruktura at balarila.
Dagdag pa niya na sa elementong sosyo-kultural ang relasyon ng mga taong kasangkot ay
mahalaga. Sa talastasan ang mga salik na sosyo-kultural ng mga nag-uusap ay masusuri tulad ng uri ng
pagkatao o personalidad, propesyon o uri ng hanap-buhay, pinagmulan o kinalakihan ng tao at edad o
gulang. Ang paraan ng paglilipat mensahe sa gawaing pasalita ay barayti ng wika. Higit na maraming
Ingles ang hiram na salita sa pagbigkas kaysa pasulat sa dahilang oras o panahon ang kailangan upang
makapag-isip. Sa usapan ay bigla, sa pasulat nama‟y may mahabang oras upang mag-isip.
Gamit ang konsepto ng wika at etnolinngwitika o ang pag-aaral ng linggwahe ng isang gurpong
etniko at kung saan ito rin ay tumatalakay sa pag-aaral ng relasyon ng wika at kultura ng isang lahi at
kung paano tingnan ng isang etnikong grupo ang mundo, ang Ifugao, bilang bahagi ng Pilipinas ay
naintindihan ng mananaliksik bunsod ng nasabing konsepto. Sabi nga ni Wilfredo V. Villacorta
“Nakatutulong ang isang wika sa pagbubuklod ng mga mamamayan kung nakaugat ito sa kanilang kultura
at karanasan”
Mga nakolektang korpus bilang tiyak na karanasan sa ilang metodolohiyang panglinggwistika
Sa bahaging ito ng pag-
aaral inilahad ang datos na nakuha
ng impormante upang suriin.
Labinlimang salita lamang ang
isinama ng mga nagsuri upang
gamitin sa paglalarawan ng ilang
bahagi ng palatunugan ng wikang
Hanayan 2 Tsart sa mga Patinig sa
Filipino
1 Harap Sentro Likod
2
Mataas
i u3
Gitna e o3
Mababa a
Hanayan 1 Mga Katinig sa Wikang Tuwali
PARAAN NG
PAGBIGKAS
P U N T O N G A R T I K U L A S Y O N
sa
labi
ngipin
at labi
gilagid
(alveolar)
ngala-
ngala
velum titigukan
(glottal)
pasara (stop) p
b
t
d
k ?
prikatib s h
afrikit ts /ch
nasal m n
likwid l, r
malapatinig w y
PAG-IIMBENTARYO SA IBA’T IBANG T
Gamit ang mga
nalolektang korpus, sinunod ng
mga mananaliksik ang mga
hakbang o pagsusuri ng ponema
upang mapahalagahan ang wika
at kulturan ng Ifugao(Tuwali)
bilang sariling atin.
IFUGAO.
Narito ang labinlimang salita at ang kaukulang transkripsyon o notasyong ponemiko:
.
Ang unang hakbang ay ang pag-uuri-uri ng mga naitalang mga tunog ayon sa punto at paraan ng
artikulasyon at ang pagbibigay-haka sa mga mapag sususpetsahang pares. Ang pinagsususpetsahang mga
tunog na maaaring mga alopono lamang ng iisang ponema ay magkasamang binilugan.
Nasals
Ang unang pares na susuriin natin ay ang [p] at [b]. Kapwa natatagpuan ang mga ito sa pusisyong
inisyal ng salita, kaya‟t walang plagay na tumutukoy sa pusisyon ang maaaring ibigay. Maaaring ang
dahilan ay ang kasunod na mga ponema, kaya‟t subukin natin ang ganitong tabulasyon:
Lumabas sa tabulasyon na ang [p] at [b] ay wala sa distribusyong komplimentaryo. Maaaring
magbigay tayo ng ibang palagay na ang [p] at [b] ay naiipluwensyahan ng ikalawang kasunod na katinig.
Kung susubukin natin ang nasabing palagay ay ganito ang lalabas sa tabulasyon:
Unahan ng l s d r p n m t
FILIPINO IFUGAO (TUWALI)
Maganda [ Machikit ]
Ikaw [ He?ah ]
Siya [ Hiya ]
Sila [ Chicha ]
Tayo [ Chitu‟u ]
Sigaw [ Pum?o‟ ]
Isa [ Oha ]
Takbo [ Bumti ]
Sayaw [ Munsala ]
Kanta [ Munkanta ]
Salamat [ Monhana ]
Langoy [ Lotop ]
Mabuti [ Maphod ]
Nag-aral [ Mumiskul ]
Itusok [ Lutop ]
Unahan Unahan Unahan Unahan Unahan
ng [i] ng [e] ng [a] ng [o] ng [u]
[p] /
[b] /
[p] / / / / /
[b] /
Lumitaw na ang [p] at [b] ay kapwa matatagpuan sa unahan ng [m], kaya‟t hindi matatanggap ang
palagay. wala paring magiging pakinabang sa tabulasyon sa itaas sapagkat napakarami ng mga pusisyong
katatagpuan ng mga sinusuring tunog, kayat di sapat ang data. Makapagbibigay tayo ng kongklusyon na
ang [p] at [b] ay wala sa distribusyong komplimentaryo. Samakatuwid, ang [p] at [b] ay maituturing natin
na magkaibang ponema.
Ang Ikalawang pares na susuriin nati ay ang [m] at [n].Madaling mapapansin sa corpus na ang
[m] ay matatagpuan sa pusisyong inisyal. Samakatuwid ay maaari tayong magbigay ng palagay na ang
[m] ay matatagpuan lamang sa pusisyong inisyal, samantalang ang [n] ay sa pusisyong midyal lamang.
Subukin natin kung maaari ang palgay na ito:
Midyal Inisyal
[ m ] /// ////
[ n ] ///
Lumabas na tama ang palagay, kaya‟t makapagbibigay tayo ng kongklusyon na ang [m] at [n] ay
mga alopono ng isang ponema. Maaari na natin ngayong palitan ang transkripsyong [Monhana] ng
[Momhana]. Ngunit gagamitin pa rin natin ito ng [ ] sa halip na / / sapagkat hindi panatin natitiyak ang
„status‟ o kalagayan ng ibang tunog ng salita.
Ang pares ng [o ] at [u ], humigit-kumulang, ay may katangiang katulad din ng dalawang pares na
nakaraan. Subukin kung gayon nga. Suriin na rin ang iba pang pinagsususpetsahan na pares.
Habang sinusuri ang nalalabi pang mga pinagsususpetsahang mga pares ng tunog upang alamin kung
ang mga iyon ay nasa distribusyong komplimentaryo o mga alopono lamang isang ponema, lagi rin
namang isaaalang-alang ang mga ebidensya na magpapatunay na ang mga sinusuring tunog ay
magkaibang ponema. Ang isang pinakamadali at pinakapayak na paraan ay maghanap ng „minimal pairs‟
o mga pares minimal. Gaya ng napag-aralan na natin , matitiyak natin na ang dalawang tunog ay
magkaibang ponema kapag ang mga ito ay nagkokontrast o nagsasalungatan sa magkatulad na kaligiran.
Kaya‟t sa pagpili ng mga pares minimal, ay tiyakin na ang pagkakaiba ng dalawang salita ay dahil sa
pagsasalungatan o pagkokontrast ng dalawang tunog na sinusuri at hindi dahil sa ibang bahagi ng mga
salita. Kung ibig nating malaman kung magkaibang ponema ang [o] at [u] sa Ifugao, hindi nating
maaaring kuning pares minimalang tulad ng „Lotop‟ [Lo:top] „Langoy‟ at „Lutop‟ [Lu:top] „Itusok‟
sapagkat kung sa baybay man ay malinaw na nagkakaiba lamang sa unang titik ang dalawang salitang ito,
mapapansing sa transkripsyong ponemiko ay hindi lamang isang ponema ang kanilang ipinagkakaiba:
Halimbawa:
Lotop /Lo:top?/
Lutop /Lu:top?/
Mapapatunayan na hindi ang [o] at [u] ang nagbibigay ng pagkakaiba sa dalawang halimbawang
salita kundi ang [?] na matatagpuan sa bias ngunit hindi sa visa.
Ang mga pares minimal, kung sabagay ay may kahirapang hanapin sa isang wika, lalo na kung ang
corpus ay hindi sapat. Sa Pilipino, tulad sa Ingles, ay may kadaliang humanap ng mga pares minimal,
kung ihahalintulad sa ibang wika. Gayunpaman, mapapatutunayan din kung minsan ay may mga
pagkakataong mahirap humanap ng mga pares minimal sa Pilipino. Ang pares minimal ay mahalaga pag
matatagpuan , ngunit tandaan na hindi ngayo‟t walang makitang pares minimal upang ipakita ang
pagsasalungatan ng pinagsususpetsahang dalawang tunog, hindi nangangahulugang ang nasabing mga
tunog ay mga alopono na ng iisang ponema.
Malayang pagpapalitan o „free variation‟ ay isa pa ring paraan ng pag-alam kung ang dalawang tunog
ay magkaibang ponema o mga alopono lamang ng iisang ponema. Sinasabing na kapag ang dalawang
tunog ay malayang nagpapalitan , ang dalawang tunog na ito ay matatagpuan sa magkakatulad na
kaligiran. Sa unang tingin, maipagkakamaling mga pares minimal ang dalawang salitang ito . Subalit ang
dalawang salitang ito ay hindi maituturing na mga pares minimal sapagkat ang isang pares minimal ay
kailangang magkaroon ng pagkakaiba hindi lamang sa tunog kundi gayon din sa kahulugan.
Sa bahaging ito, nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang ponema, morpena at istruktura ng wikang ifugao
batay sa paggamit sa pangungusap o batay sa pagbibigay ng kilos o paraang pa-Pandiwa. Halimbawa:
FILIPINO IFUGAO(
TUWALI)
Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap
Takbo Bumti Binumti Munbutbutian Bumti
Kanta Kanta Nunkanta Munkakanta Munkanta
Sayaw Taya Nanayo Manmannayo Manayo
Sa diksasyon naman tungkol sa mga tunog ng wika sa naunang pangsusuri, nakita natin ang
mahigpit na relasyon ng mga tunog sa mga salita ng wika. Ngayon naman, pinagtuunan ng mga nagsuri
ang mga salita at ng istrukyur nito sa iba pang mga salita.
Sa huling bahagi ng papel na ito, ibinigay ang maikling pagbubuod ng mga datos na nakalap mula
sa impormante. Ang ikalimang hakbang ng pagsususri, Pagkatapos ng pagsususri sa pinangkat na mga
tunog, ay ang muling pakikipagkita sa importante upang magtipon pa ng mga kinakailangang data ng
kanyang pagsusuri at upang tiyakin ang mga bagay-bagay na ang importante lamang ang makapagbibigay
liwanag.
Pagpapahalaga sa wika at kultura ng Ifugao
Ang pag-aaral na ito ay marapat lamang na talayin ng mga nagpapakadalubhasa sa wika sapagkat
ditto nakasalalay ang pagpapaunlad ng mga wika sa bansa. Ito ay magsilbi nawang tuntungan sa iba pang
mga mag-aaral at guro na bumuo ng mga hakbangin upang mas mapahalagahan ang iba pang mga wika sa
Pilipinas na sariling atin.
MULING PAKIKIPAGKITA SA IMPORMANTE PARA SA MAS KARAGDAGANG DATA

Wikang tuali ifugao

  • 1.
    PANIMULA Ang papel naito na may paksang “ Pagkilala sa wikang Tuwali ng Ifugao: Pagtangkilik sa sariling atin”ay naglalaman ng wika at kultura ng Ifugao. Laman ng pag-aaral na ito ang pagkilala sa mga ponema, morpema at istruktura ng wikang Ifugao, mga nakolektang korpus bilang tiyak na karanasan sa ilang metodolohiyang pangliggwistika, kabatiran sa mga mahahalagang kagamitan upang makapagsagawa ng pananaliksik at pagpapahalaga sa wika at kultura ng nasabing lugar. Balik-tanaw sa katuturan ng wika at wika ng Ifugao Ayon kay Cruz (1998), sa pamamagitan ng wika ay nagkakaunawaan at nagagawa ng tao ang mga bagay-bagay na may kabuluhan sa kanilang buhay. Sa lalong ikabubuti ng talastasan, mahalaga ring isaalang-alang ang mga aspektong may tuwirang kinalaman sa gawaing ito tulad ng dimensyong sosyo- kultural, ang kapaligiran o sitwasyon at ang kayarian ng wika, istruktura at balarila. Dagdag pa niya na sa elementong sosyo-kultural ang relasyon ng mga taong kasangkot ay mahalaga. Sa talastasan ang mga salik na sosyo-kultural ng mga nag-uusap ay masusuri tulad ng uri ng pagkatao o personalidad, propesyon o uri ng hanap-buhay, pinagmulan o kinalakihan ng tao at edad o gulang. Ang paraan ng paglilipat mensahe sa gawaing pasalita ay barayti ng wika. Higit na maraming Ingles ang hiram na salita sa pagbigkas kaysa pasulat sa dahilang oras o panahon ang kailangan upang makapag-isip. Sa usapan ay bigla, sa pasulat nama‟y may mahabang oras upang mag-isip. Gamit ang konsepto ng wika at etnolinngwitika o ang pag-aaral ng linggwahe ng isang gurpong etniko at kung saan ito rin ay tumatalakay sa pag-aaral ng relasyon ng wika at kultura ng isang lahi at kung paano tingnan ng isang etnikong grupo ang mundo, ang Ifugao, bilang bahagi ng Pilipinas ay naintindihan ng mananaliksik bunsod ng nasabing konsepto. Sabi nga ni Wilfredo V. Villacorta “Nakatutulong ang isang wika sa pagbubuklod ng mga mamamayan kung nakaugat ito sa kanilang kultura at karanasan” Mga nakolektang korpus bilang tiyak na karanasan sa ilang metodolohiyang panglinggwistika Sa bahaging ito ng pag- aaral inilahad ang datos na nakuha ng impormante upang suriin. Labinlimang salita lamang ang isinama ng mga nagsuri upang gamitin sa paglalarawan ng ilang bahagi ng palatunugan ng wikang Hanayan 2 Tsart sa mga Patinig sa Filipino 1 Harap Sentro Likod 2 Mataas i u3 Gitna e o3 Mababa a Hanayan 1 Mga Katinig sa Wikang Tuwali PARAAN NG PAGBIGKAS P U N T O N G A R T I K U L A S Y O N sa labi ngipin at labi gilagid (alveolar) ngala- ngala velum titigukan (glottal) pasara (stop) p b t d k ? prikatib s h afrikit ts /ch nasal m n likwid l, r malapatinig w y PAG-IIMBENTARYO SA IBA’T IBANG T Gamit ang mga nalolektang korpus, sinunod ng mga mananaliksik ang mga hakbang o pagsusuri ng ponema upang mapahalagahan ang wika at kulturan ng Ifugao(Tuwali) bilang sariling atin.
  • 2.
    IFUGAO. Narito ang labinlimangsalita at ang kaukulang transkripsyon o notasyong ponemiko: . Ang unang hakbang ay ang pag-uuri-uri ng mga naitalang mga tunog ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at ang pagbibigay-haka sa mga mapag sususpetsahang pares. Ang pinagsususpetsahang mga tunog na maaaring mga alopono lamang ng iisang ponema ay magkasamang binilugan. Nasals Ang unang pares na susuriin natin ay ang [p] at [b]. Kapwa natatagpuan ang mga ito sa pusisyong inisyal ng salita, kaya‟t walang plagay na tumutukoy sa pusisyon ang maaaring ibigay. Maaaring ang dahilan ay ang kasunod na mga ponema, kaya‟t subukin natin ang ganitong tabulasyon: Lumabas sa tabulasyon na ang [p] at [b] ay wala sa distribusyong komplimentaryo. Maaaring magbigay tayo ng ibang palagay na ang [p] at [b] ay naiipluwensyahan ng ikalawang kasunod na katinig. Kung susubukin natin ang nasabing palagay ay ganito ang lalabas sa tabulasyon: Unahan ng l s d r p n m t FILIPINO IFUGAO (TUWALI) Maganda [ Machikit ] Ikaw [ He?ah ] Siya [ Hiya ] Sila [ Chicha ] Tayo [ Chitu‟u ] Sigaw [ Pum?o‟ ] Isa [ Oha ] Takbo [ Bumti ] Sayaw [ Munsala ] Kanta [ Munkanta ] Salamat [ Monhana ] Langoy [ Lotop ] Mabuti [ Maphod ] Nag-aral [ Mumiskul ] Itusok [ Lutop ] Unahan Unahan Unahan Unahan Unahan ng [i] ng [e] ng [a] ng [o] ng [u] [p] / [b] /
  • 3.
    [p] / // / / [b] / Lumitaw na ang [p] at [b] ay kapwa matatagpuan sa unahan ng [m], kaya‟t hindi matatanggap ang palagay. wala paring magiging pakinabang sa tabulasyon sa itaas sapagkat napakarami ng mga pusisyong katatagpuan ng mga sinusuring tunog, kayat di sapat ang data. Makapagbibigay tayo ng kongklusyon na ang [p] at [b] ay wala sa distribusyong komplimentaryo. Samakatuwid, ang [p] at [b] ay maituturing natin na magkaibang ponema. Ang Ikalawang pares na susuriin nati ay ang [m] at [n].Madaling mapapansin sa corpus na ang [m] ay matatagpuan sa pusisyong inisyal. Samakatuwid ay maaari tayong magbigay ng palagay na ang [m] ay matatagpuan lamang sa pusisyong inisyal, samantalang ang [n] ay sa pusisyong midyal lamang. Subukin natin kung maaari ang palgay na ito: Midyal Inisyal [ m ] /// //// [ n ] /// Lumabas na tama ang palagay, kaya‟t makapagbibigay tayo ng kongklusyon na ang [m] at [n] ay mga alopono ng isang ponema. Maaari na natin ngayong palitan ang transkripsyong [Monhana] ng [Momhana]. Ngunit gagamitin pa rin natin ito ng [ ] sa halip na / / sapagkat hindi panatin natitiyak ang „status‟ o kalagayan ng ibang tunog ng salita. Ang pares ng [o ] at [u ], humigit-kumulang, ay may katangiang katulad din ng dalawang pares na nakaraan. Subukin kung gayon nga. Suriin na rin ang iba pang pinagsususpetsahan na pares. Habang sinusuri ang nalalabi pang mga pinagsususpetsahang mga pares ng tunog upang alamin kung ang mga iyon ay nasa distribusyong komplimentaryo o mga alopono lamang isang ponema, lagi rin namang isaaalang-alang ang mga ebidensya na magpapatunay na ang mga sinusuring tunog ay magkaibang ponema. Ang isang pinakamadali at pinakapayak na paraan ay maghanap ng „minimal pairs‟ o mga pares minimal. Gaya ng napag-aralan na natin , matitiyak natin na ang dalawang tunog ay magkaibang ponema kapag ang mga ito ay nagkokontrast o nagsasalungatan sa magkatulad na kaligiran. Kaya‟t sa pagpili ng mga pares minimal, ay tiyakin na ang pagkakaiba ng dalawang salita ay dahil sa pagsasalungatan o pagkokontrast ng dalawang tunog na sinusuri at hindi dahil sa ibang bahagi ng mga salita. Kung ibig nating malaman kung magkaibang ponema ang [o] at [u] sa Ifugao, hindi nating maaaring kuning pares minimalang tulad ng „Lotop‟ [Lo:top] „Langoy‟ at „Lutop‟ [Lu:top] „Itusok‟ sapagkat kung sa baybay man ay malinaw na nagkakaiba lamang sa unang titik ang dalawang salitang ito, mapapansing sa transkripsyong ponemiko ay hindi lamang isang ponema ang kanilang ipinagkakaiba: Halimbawa: Lotop /Lo:top?/ Lutop /Lu:top?/ Mapapatunayan na hindi ang [o] at [u] ang nagbibigay ng pagkakaiba sa dalawang halimbawang salita kundi ang [?] na matatagpuan sa bias ngunit hindi sa visa.
  • 4.
    Ang mga paresminimal, kung sabagay ay may kahirapang hanapin sa isang wika, lalo na kung ang corpus ay hindi sapat. Sa Pilipino, tulad sa Ingles, ay may kadaliang humanap ng mga pares minimal, kung ihahalintulad sa ibang wika. Gayunpaman, mapapatutunayan din kung minsan ay may mga pagkakataong mahirap humanap ng mga pares minimal sa Pilipino. Ang pares minimal ay mahalaga pag matatagpuan , ngunit tandaan na hindi ngayo‟t walang makitang pares minimal upang ipakita ang pagsasalungatan ng pinagsususpetsahang dalawang tunog, hindi nangangahulugang ang nasabing mga tunog ay mga alopono na ng iisang ponema. Malayang pagpapalitan o „free variation‟ ay isa pa ring paraan ng pag-alam kung ang dalawang tunog ay magkaibang ponema o mga alopono lamang ng iisang ponema. Sinasabing na kapag ang dalawang tunog ay malayang nagpapalitan , ang dalawang tunog na ito ay matatagpuan sa magkakatulad na kaligiran. Sa unang tingin, maipagkakamaling mga pares minimal ang dalawang salitang ito . Subalit ang dalawang salitang ito ay hindi maituturing na mga pares minimal sapagkat ang isang pares minimal ay kailangang magkaroon ng pagkakaiba hindi lamang sa tunog kundi gayon din sa kahulugan. Sa bahaging ito, nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang ponema, morpena at istruktura ng wikang ifugao batay sa paggamit sa pangungusap o batay sa pagbibigay ng kilos o paraang pa-Pandiwa. Halimbawa: FILIPINO IFUGAO( TUWALI) Pangnagdaan Pangkasalukuyan Panghinaharap Takbo Bumti Binumti Munbutbutian Bumti Kanta Kanta Nunkanta Munkakanta Munkanta Sayaw Taya Nanayo Manmannayo Manayo Sa diksasyon naman tungkol sa mga tunog ng wika sa naunang pangsusuri, nakita natin ang mahigpit na relasyon ng mga tunog sa mga salita ng wika. Ngayon naman, pinagtuunan ng mga nagsuri ang mga salita at ng istrukyur nito sa iba pang mga salita. Sa huling bahagi ng papel na ito, ibinigay ang maikling pagbubuod ng mga datos na nakalap mula sa impormante. Ang ikalimang hakbang ng pagsususri, Pagkatapos ng pagsususri sa pinangkat na mga tunog, ay ang muling pakikipagkita sa importante upang magtipon pa ng mga kinakailangang data ng kanyang pagsusuri at upang tiyakin ang mga bagay-bagay na ang importante lamang ang makapagbibigay liwanag. Pagpapahalaga sa wika at kultura ng Ifugao Ang pag-aaral na ito ay marapat lamang na talayin ng mga nagpapakadalubhasa sa wika sapagkat ditto nakasalalay ang pagpapaunlad ng mga wika sa bansa. Ito ay magsilbi nawang tuntungan sa iba pang mga mag-aaral at guro na bumuo ng mga hakbangin upang mas mapahalagahan ang iba pang mga wika sa Pilipinas na sariling atin. MULING PAKIKIPAGKITA SA IMPORMANTE PARA SA MAS KARAGDAGANG DATA