Morpolohiya o Palabuuan
Nagmula sa salitang Griyego na “morph” na nangangahulugang
porma at hugis; at “logo” o diskurso, teorya o siyensya.
Ito ay pag-aaral o pagsusuri sa kahalagahan ng morpema sa
isang wika at pagsasamasama nito upang makabuo ng isang salita.
.
Morpema
Galing sa katagang morpheme
sa ingles na kinuha naman sa
salitang griyego – Morph (anyo o
yunit) + eme (kahulugan).
Sa payak na kahulugan, ito ay
ang pinakamaliit na yunit ng
isang salita na nagtataglay ng
kahulugan.
Ang salitang makahoy ay may dalawang
morpema: (1) ang unlaping [ma-] at ang
salitang- ugat na [kahoy]. Taglay ng
unlaping [ma-] ang kahulugang
“marami” na isinasaad ng salitang-
ugat. Sa salitang makahoy, maaaring
masabi ang ibig sabihin nito’y
“maraming kahoy”
Halimbawa
Morpema
I. Anyo ng Morpema
II. Uri ng Morpema
ayon sa kahulugan
III. Uri ng pagbabagong
Morpoponemiko
1. Morpemang binubuo ng
isang ponema o morpemang
ponema
2. Morpemang binubuo ng
panlapi o di-malayang
morpema
3. Morpemang binubuo ng
salitang-ugat o malayang
morpema
ANYO NG
MORPEMA
Morpemang binubuo ng isang
ponema o morpemang
ponema
Ito ang anyo ng morpema na may kahulugang taglay
na nagsasaad ng kasarian kapag naikabit sa
salitang-ugat.
Halimbawa nito ang /a/ na may kahulugang ukol sa
kasariang pambabae at /o/ na panlalaki.
Halimbawa:
• Doktor-Doktora
• Senyor-Senyora
Hindi lahat ng mga salitang may inaakalang morpemang (a) na
ikinakabit ay may morpema na. Tulad ng salitang maestro na
naging maestra. Ang mga ponemang /o/ at /a/ na ikinakabit ay
hindi mga morpema dahil wala naman tayong mga salitang
(maestr).
Halimbawa:
Bombero- na hindi (bomber) at /o/, /a/
Kusinero- na hindi (kusiner) at /o/, /a/
Abugado- na hindi (abugad) at /o/, /a/
Morpemang binubuo ng panlapi o
di-malayang morpema
Ito ang anyo ng morpema na
hindi nakatatayong mag-
isa. Ito ay kinakailangang
maikabit sa salitang-ugat
upang magkaroon ng ganap
na kahulugan(panlapi). Ang
mga ingklitik gaya ng ba,
po,pa,ho,na,nga,man,daw at
raw ay kabilang dito.
Morpemang
Panlapi
Kahulugan Salitang-ugat Bagong Morpema
Ma- Pagkakaroon ng
katangiang taglay
Bait Mabait
Um- Pagganap sa
kilos
Awit Umawit
-an Lugar na
pinaglalagyan
Aklat Aklatan
Ma- Nagsasaad ng
pagkakaroon
Pera Mapera
Morpemang binubuo ng
salitang-ugat o malayang
morpema
Ang mga morpemang ito ay
nagtataglay ng kahulugan sa
ganang sarili.
Binubuo ng salitang-ugat na may
salitang payak, mga salitang
walang panlapi.
Uri ng Morpema ayon sa
kahulugan
1. Morpemang may kahaulugang
pangnilalaman o leksikal.
Ang mga morpemang pangnilalaman ay binubuo ng
pangalan at panghalip bilang nominal, pandiwa at
mga panuring na pang-abay at pang-uri.
Halimbawa:
Aso- pangalan
Maganda- pang-uri
Kahapon- pang-abay
Tumatakbo- pandiwa
Siya-panghalip
2. Morpemang may kahulugan pangkayarian
Ang mga morpemang ito ay walang kahulugan taglay
hangga’t di naisasama sa iba pang morpema na
magpapalinaw ng kahulugan ng buong pangungusap.
Ito ay binubuo ng mga pananda at mga pang-
ugnay.
Pananda- si, sina, ng, mga, ang mga, ay
Pang-angkop- na, -ng
Pang-ukol ukol sa/kay, alinsunod sa/kay, sa, ayon
sa/kay
Pangatnig- at, subalit, datapwa’t, ngunit
3. Derivasyunal
Ito ang morpemang may pinaghanguan o pinagmulan.
Nabubuo ang morpemang derivasyunal sa pamamagitan
ng pagkakabit ng alinmang uri ng morpema o
salitang kinakabit sa ibang morpema na
nagpapabago sa uri ng gramatika. May pagbabago sa
kahulugan ng salita dahil sa pagbabagong
nabubuong salita.
Halimbawa:
Awit(song)- mang-await (singer)
Sulat(letter)- manunulat (writer)
Nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng
mga morpemang panlapi sa pandiwa sa iba’t
ibang aspekto. Walang pagbabagong
nagaganap sa kategoryang sintaktika ng mga
salitang kung saan ito nakakabit.
Halimbawa:
Kumain
Kakain
kumakain
4. Infleksyunal.