SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
Canal de la Reina
ni Liwayway A. Arceo
I.

Tagpuan

Umikot ang kalamnan ng nobela sa bayan ng Canal de la Reina
isang tunay na pook sa Tundo, Maynila kung saan isinilang ang manunulat na si
Liwayway A. Arceo. Ito‘y kaayon ng daang Juan Luna, karugtong ng maikling lansangang Fajardo.
Katulad ng nasaksihan ni Arceo maraming taon na ang nakalipas, ang estero ng Canal de la Reina ay mabughaw-bughaw, malinaw, malinis, at walang
amoy ang tubig. Ganoon din ang pagsasalarawan sa Canal de la Reina sa nobela kung saan bago sumapit ang panahon ng Martial Law noong 1972 ay naratnan nang maburak,
mabaho at pinamumugaran ng samu‘t saring pagkatao ng mga iskwater, na mistulang pinamumunuan ng usurerang si Nyora Tentay.
Sa tagpuan mababatid ang tunay na kalagayan ng lipunan at ang pag-uugali sa isyung napapanahon kung susuriin sa aspetong sosyo-ekonomikal at sosyopolitikal. Ang lugar ng Canal de la Reina ay simbolo ng kahirapan. Ito rin ang panahon ng aktibismo ng mga mag-aaral sa kolehiyo at unibersidad dahil sa pasama ng pasamang
gobyerno kung saan ang mahihirap ay lalong humihirap at ang mayayaman ay lalong yumayaman. Dito nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan
sa pagtatalo ukol sa loteng
nasa Canal de la Reina ni Caridad, pangunahing tauhan, na inaangkin naman ng usurerang si Nyora Tentay.
Ngunit ibinalanse pa rin ng sining ni Arceo na gawing sagisag ng pagbangon ang Canal de la Reina kaugnay ng pagdalaw ng isang malakas na bagyo, si
Gloring, at binaha ang buong Gitnang Luzon, kasama ang Kamaynilaan noong Hunyo 27 - 31, 1972. Ganoon din ang nagyaring pagbaha sa nobela. Ipinababatid sa nobela na
ang lahat ng suliranin ng mga tao ay napawi at nabigyan ng panibagong simula nang dahil sa baha na luminis hindi lamang sa lugar, kundi pati na rin sa pagkatao ng mga
kinasasakupan ng Canal de la Reina.
II.

Mga Tauhan
Ang mga tauhan sa nobela ay binubuo ng dalawang pamilya: ang pamilya de los Angeles at ang pamilya Marcial kaugnay ang kani-kanilang mga katiwala, si Osyong
at si Ingga.
A. Ang pamilyang de los Angeles –larawan ng maayos at may pagkakaisang pamilya. Sa mga wika nila sa nobela at sa pagsasalarawan ng may-akda malalaman na ang
pamilyang ito ay may pinag-aralan at mayroon sa buhay.
1. Salvador
Pamumuhay: inhinyero ng gawaing-bayan
Padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad. Ang pagiging responsableng ama at asawa ay nasalamin sa mga salitang binitiwan niya. Ang katangian niya ay
magandang halimbawa ng katangian ng lalaki—tahimik ngunit palaging may laman ang sinasabi, at rasyonal sa pagharap ng mga suliranin. Bilang haligi ng
tahanan, inuunawa niya ang kalagayan ng bawat miyembro ng pamilya at sinusuportahan niya kung ang katwiran naman ay tama.
2. Caridad
Pisikal: Hindi na karaniwan ang taas ni Caridad ihambing man sa mga babaing banyaga. Makinis ang kanyang kutis, matangos ang ilong, manipis ang mga labi
at singkit ang mga mata.
Pamumuhay: Dating Caridad Reynante na naging maybahay ni Salvador. Napakamaunawain niyang ilaw ng tahanan. Sa mga pananalita niya mababalangkas
na mayroon siyang pinag-aralan at lumaki siya sa maayos na pamilya. Siya ang may-ari ng isang lote sa Canal de la Reina na pilit inaagaw ni Nyora Tentay
ngunit nananatili pa rin ang tatag ng kanyang kalooban. Ang pagiging maalalahanin niya bilang asawa ni Salvador at bilang ina nina Leni at Junior ay umaabot
sa mga taong humihingi sa kanya ng tulong.
3.

4.

Leni
Pisikal: maganda at mahilig sa pabangong Jasmine
Pamumuhay: panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad. Naipakilala sa nobela ang husay niya sa larangan ng Medisina nang makuha niya ang
unang pwesto sa Medical Board Exam. Espesyalidad niya ang Pediatrics. Isa siyang responsableng babae sapagkat maibigin siya sa pamilya at sa kapwa. Bilang
isang doktora ay ginagawa talaga niya ang kaniyang tungkulin kahit dumating pa ang bagyo at pagbaha. Sa kabila naman ng kanyang pagiging interno ay hindi
niya kinakalimutang samahan sa bista sa korte ang kanyang ina at buong pamilya.
Junior
Pisikal: Si Salvador de los Angeles, Jr. ay mas bata kay Leni ng limang taon ngunit mabulas at matipuno. Mas matangkad siya kay Caridad, bahagyang may
alon ang buhok na mahaba ngunit hindi naman lumalampas sa kwelyo ng polo shirt. Taglay nito ang bukas ng mukha ni caridad. Ang pagkakahati ng buhok nito
sa gitna ay lumilikha ng wari ay makapal na bangs. Malapad ang mga balikat. Siksik ang mga kalamnan. Makisig magdala ng damit. Karaniwan nitong suot ang
pantalong maong na hindi nakalupi ang laylayan at puting T-shirt. Hindi rin palasuot ng sapatos, maliban kung may klase.
Pamumuhay: Isa siyang kabataan na dating aktibo sa aktibismo dahil mahilig siya sa mga usapin patungkol sa politika at gobyerno. Sa katunayan, ang tunay
niyang nais na kurso ay abogasya ngunit nang tutulan ito ng kanyang mga magulang ay kumuha na lang siya ng kursong Architecture sa isang unibersidad. May
katwiran ang mga pahayag ni Junior bilang isang kabataang Pilipino ngunit naging mabuti at masunuring anak pa rin siya dahil alam niyang walang magagawa
ang pagdaing ng mga mamamayan sa gobyernong nakasara ang mga pintuan. Tumulong na lang siya sa mga rescue operations nang magbaha. Mas mainam an
ginawa niyang paggawa kaysa pagngawa.

5.

B.

Osyong
Pisikal: Si Precioso Santos ay yumaong kababata ni Caridad ngunit naging mahalaga ang papel niya sa nobela.
Pamumuhay: Mula sa mga ninuno ni Caridad at ni Osyong ang pagtitiwalang humantong sa isang pagkasira. Ipinagkatiwala sa kanya ang pagbabantay sa
lupang minana ni Caridad sa Canal de la Reina ngunit napilitan siyang ibenta ang lupa kay Nyora Tentay nang mabaon siya sa utang.
Ang pamilyang Marcial - Magulo ang pamilyang ito sapagkat si Nyora Tentay lang ang maaaring masunod, walang maayos na komunikasyon kaya nagkakasamaan ng
loob.
1. Nyora Tentay
Pisikal: Si Vicenta Marcial ay isang matandang babaing hindi kukulangin sa anim na pung taong gulang, puti ang buhok at may matalim na mga mata. Palagi
siyang nagpapaypay ng anahaw, at tuwing kikiling ay kumikislap ang mga ga-mais na brilyante sa magkabilang tainga. Pinatitigas ang mukha niya ng manipis
na mga labi na waring laging nakatiim. Pangahan siya, may kaanyuan ng isang agila na nag-aabang ng masisila, laluna kung pinatitigas ang leeg at naniningkit
ang mga mata sa pagsipat sa isang bagay.
Pamumuhay: Si Nyora Tentay na ang bumubuhay sa lahat halos ng naninirahan sa Canal de la Reina. Dahil sa kanyang pagiging usurera, ang kanyang
tindahan ay siyang kinukunan ng pagkain ng lahat ng nakapaligid sa kanya. Simula nang mabyuda siya ay pera na lang ang kanyang ninanasa sa buhay. Siya
ang utangan at ang tubo ay 20% kada buwan. Kung hindi makakabayad ng utang ang mga tao ay kinakamkam niya ang mga kagamitan. Marumi nga ang
pagkatao ni Nyora Tentay, at isa siyang matapobre. Sa kanya, hindi ang kasiyahang maibibigay ng pera ang mahalaga, kundi kung paano niya magagamit ang
pera para pagsamantalahan ang iba. Nais niyang maangkin ang buong kahabaan ng pampang ng Canal de la Reina kaya handa niyang ipaglaban ang pag-angkin
niya sa lupa ni Caridad.
2.

Victor
Pisikal: matangkad, malakas
Pamumuhay: Isa siya sa dalawang anak ni Nyora Tentay. Dumedepende at sunud-sunuran siya kay Nyora Tentay kaya nang mapangasawa niya si Gracia ay
mas pinili pa niyang pakisamahan ang kanyang ina kaysa sa kanyang asawa at sa anak na si Gery. Binubusog siya ng salapi ni Nyora Tentay ngunit hindi
maikakaila na mahal na mahal niya ang kanyang sariling pamilya.
3. Gracia
Pisikal: Maputi ang kutis, kitang-kita sa kanyang postura ang pagi-ging matatag at mahinahon, na ang sumbat ay nakaguhit sa buong mukha kahit tikom ang
mga labi.
Pamumuhay: Piano teacher
Siya ang asawang hiniwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan ni Nyora Tentay. Sa kabila ng pagkakahiwalay sa asawa ay napagsikapan niyang iahon sa hirap at
mabigyan ng magandang pamumuhay ang anak na si Gery. Marami siyang sumbat at hinanakit kay Nyora Tentay at kay Victor. Isa rin siya sa mga nakakaalam
ng mga pangyayari sa lupa ni Caridad sa Canal de la Reina. Sa lahat ng bagay ay pinananatili niya ang pagiging mahinahon upang ipamukha na kaya niyang
tanggapin anumang pait na dulot ng katotohanan sa buhay.
4. Gery
Pisikal: Matangkad, matipuno. Tila pinagbiyak na bunga ang mukha ni Victor at Gery. Kagalang-galang at pinagpipitagan, na nagbigay kay Victor ng
damdamin ng kaliitan at walang kabuluhan.
Pamumuhay: Lumaki siya kapiling ang kanyang ina na si Gracia. Nasasabik siya sa pagmamahal ng isang ama at lola ngunit hindi lingid sa kanya ang
simpatya sa sinapit ni Gracia sa tahanan ni Nyora Tentay.
Si Geronimo M. Marcial, M.D. ay may sariling klinika sa Pediatrics. Bilang doktor, ginagawa niya ang kanyang tungkulin. Isa siyang pribadong doktor ngunit
nang makilala si Leni ay tumulong na rin siya sa pagboboluntaryo sa paggamot nang magkaroon ng pagbaha, at tuluyan na siyang nagpasya na gawing bahagi si
Leni ng kanyang buhay hanggang sa kamatayan.
5. Ingga
Pamumuhay: Si Dominga Canlas ay alila ni Nyora Tentay na inaapi at ipinagduduldulang hampas-lupa. Nakabaon siya sa utang kay Nyora Tentay ngunit
nang dahil sa pagbaha ay nagkaroon siya ng pagkakataong layasan ang matanda. Siya ang kumuha ng bayong ng kayamanan ni Nyora Tentay upang
maghiganti. Ngunit pumayag pa rin siyang ibalik ang bayong ayon sa payo ng pamilyang de los Angeles na sumaklolo sa kanya.
C.

III.

Iba pang mga Tauhan
1. Paz – yumaong pasyente ni Leni mula sa Canal de la Reina. Siya ang nakaakit kay Leni na alamin ang tungkol sa buhay, na asawa ni Dado at kaibigan ni
Gracia.
2. Tisya - asawa ng yumaong si Osyong na naging katuwang sa pagbabantay noon sa lupa; tumestigo sa korte.
Buod
Binalikan ni Caridad de los Angeles ang lugar kung saan unang namulat ang kanyang mga mata, ang Canal de la Reina, makalipas ang ilang taon mula nang
lisanin niya ito dulot ng sunog bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit sumikip ang kanyang dibdib nang maratnang ang lupang noo‘y tila paraiso sa
kanya ay isa nang larawan ng kahirapan dahil sa mga iskwater at sa ‗di kanais-nais na tanawin at amoy.
Nagtungo siya sa Canal de la Reina kasama ang asawang si Salvador at ang mga anak na sina Leni at Junior upang bisitahin ang kanilang lupa na ipinagkatiwala
pa ng mga ninuno niya kay Osyong. Ngunit hindi niya inaasahan na ang lupang ipinamana sa kanya ay ipinagbili ni Osyong sa usurerang si Nyora Tentay nang mabaon ito
sa utang. Sa suliraning ito nag-umpisa ang pagkakaugnay-ugnay ng mga tauhan sa bawat isa. Ipinapakita lamang na mahalaga ang lugar sa buhay ng tao.
Nagdemanda si Caridad patungkol sa pagmamay-ari ng lupa. Hindi naman siya inurungan ni Nyora Tentay. Hindi naging hadlang ang kanilang kasarian bilang
babae na maging matigas at malakas ang loob. Si Caridad ay suportado ng kanyang mapagmahal na pamilya. Naninindigan sila sa katotohanang maibabalik sa kanila ang
lupa sa tulong ni Atty. Agulto, kahit may kahirapang kalabanin si Nyora tentay dahil pinapakilos nito ang kanyang pera upang impluwensyahan ang mga opisyal.
Nakatulong sa paglutas sa kaso si Gracia, ang manugang ni Nyora Tentay na minatapobre ng matanda noong naninirahan pa sa kaniya. Masama ang loob ni
Gracia kay Nyora Tentay at kay Victor na kaniyang hiniwalayang asawa. Nalaman ni Gracia ang tungkol sa kaso nang masabi sa kanya ni Dado, asawa ng yumaong si Paz
na kaibigan niya. Si Paz bago mamatay ay naging pasyente pa ni Leni. Nagkapalagayan kaagad ng loob si Gracia at ang pamilya ni Caridad, maging ang mga anak na
kapwa doktor, si Gery at Leni.
Simula nang dumating si Caridad sa buhay ni Nyora Tentay ay tila natauhan na si Ingga sa pagmamalupit sa kanya ng matanda. Nang dumating ang isang
napakalakas na bagyo na tumangay at luminis sa Canal de la Reina at iba pang bahagi ng Kamaynilaan, nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tauhan. Ang
tubig dulot ng baha ang naging dahilan ng pagsibol ng kabutihan. Nang tangayin ang mga tao sa Canal de la Reina kasama na si Nyora Tentay, inagaw ni Ingga ang mga
alahas sa katawan at ang bayong ng kayamanan ni Nyora Tentay upang makapaghiganti. Kapwa sila nakaligtas sa baha. Si Ingga ay napunta sa Sampaguita Health Center
kung saan siya sinundo ni Junior, nagboluntaryong sumama sa rescue operation, upang iuwi sa bahay ng mga de los Angeles. Si Nyora Tentay naman ay napunta sa
paaralang-bayan ng Lakandula, at nabaliw nang hindi makita ang kanyang bayong.
Sa kabila ng kasamaan ni Nyora Tentay ay isinauli pa rin ng pamilya de los Angeles ang bayong ni Nyora Tentay na kinuha ni Ingga. Naroon ang mga papeles
ni Nyora Tentay ngunit nanaig pa rin ang pagiging patas sa puso ng pamilya de los Angeles.
Naibalik na ni Junior ang bayong ngunit hindi pa rin nakakakilala si Nyora Tentay; kahit si Victor na kaniyang anak ay hindi pa rin niya makilala. Ito ang
naging magandang dahilan ni Victor upang makalapit sa kanyang minamahal na anak, si Gery na isang manggagamot. Hindi man espesyalista si Gery sa pag-iisip ay
inirekomenda niya ang kanyang Lola Tentay sa isang kakilalang doktor sa mental hospital. Sa panahong iyon din sa loob ng klinika ni Gery muling nagkatagpo si Victor at
si Gracia. Nanliit si Victor sapagkat sa kabila ng pagiging babae ni Gracia ay nagawa nitong itaguyod si Gery sa marangal at marangyang pamumuhay samantalang siya ay
naging sunud-sunuran lamang kay Nyora Tentay.
Naramdaman ni Victor na gusto na niyang maging responsible at independenteng lalaki. Hindi maitatanggi na mahal pa rin niya si Gracia kung kaya‘t naglakasloob na siyang bumukod ng bahay kay Nyora Tentay nang bumalik na sa katinuan ang matanda. Ayaw na niyang maging alipin ng salapi ng kanyang ina.
Napatunayan na sa korte na si Caridad ang tunay na may-ari ng lupang inaangkin ni Nyora Tentay, sa tulong ng pagtestigo ni Tisya, asawa ng yumaong si
Osyong na naging katuwang sa pagbabantay noon sa lupa. Wala ng magagawa pa ang matanda kundi tanggapin ang kanyang pagkatalo. Nagbabadya ito ng mabuting
simulain, total ay hindi na pinayagan ang mga iskwater sa Canal de la Reina. Malinis na talaga ang lugar.
Karagdagan sa kagalakan ng pamilya de los Angeles ay ang pagkamit ni Leni sa unang pwesto ng Medical Board Exam bilang babae at pinakabatang doctor.
Kasama sa pagbati at pagbisita ni Gery kay eni ang ama nitong si Victor.
Ang naging wakas ng nobela ay tipikal na hinahanaphanap ng mga Pilipino na pagsikat ng araw matapos ang malakas na unos. Nagkasundo na ang pamilya de
los Angeles at ang pamilya Marcial mula nang ikasal ang anak ni Caridad at Salvador na si Leni, at ang anak ni Victor at Gracia na si Gery. Ang dalawa ay magkakaroon
na ng sariling klinika na disenyo ni Junior. Si Junior naman ay pinayagan nang kumuha ng kursong abogasya matapos ang kasalukuyang kursong arkitektura. Si Ingga ay
bumalik na sa kanyang probinsya. Si Nyora Tentay ay tinanggap na ang pagkatalo. At si Victor at Gracia naman ay nagkakasundo na rin.
Sa Canal de la Reina nangyari ang masalimuot na bagay, ngunit kaloob pa rin na dito umusbong ang pagbangon at pag-asa sa mas masiglang bukas. Ngunit
hindi pa roon matatapos ang lahat; sapagkat nagbabadya ang pagdedeklara ng Martial Law sa bansa.

IV.

Mensahe/Reaksyon
Ginamitan ni Liwayway Arceo ng simbolismo at iba‘t ibang teoryang pampanitikan ang nais niyang ipabatid sa mambabasa. Sa bawat Teorya ay nakapaloob
ang kanyang mensahe.
Mapapansin sa nobela ang paggamit ng Teoryang Feminismo sa pagkatao nina Caridad, Nyora Tentay, Gracia at Leni na kapwa hindi nagpadaig sa bawat
hamon ng buhay. Pinatutunayan na ang kanilang kasarian bilang babae ay hindi naging hadlang upang makamit nila ang tagumpay anumang hirap ang kabakahin nila sa
buhay.
Lumitaw din ang Teoryang Markismo sa pagtutunggalian ni Nyora Tentay at ng mga taong kanyang inapi bago pa man tuluyang tangayin ng baha ang Canal de
la Reina. Kapansin-pansin ang paglalabanan ng malakas at mahina, mayaman at mahirap upang imulat ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap
sa lipunan, kagaya ng sa kaso ni Caridad, ni Gracia at ni Ingga kay Nyora Tentay. Ang kagandahan dito ay hindi gumanti ng masama sa masama ang mga naapi; bagkus
ang kanilang katapatan at kabutihan ang naging dahilan ng pagsuko ni Nyora Tentay.
Kaugnay nito ang Teoryang Humanismo, na nagbigay-pansin sa magagandang saloobin ng pamilya de los Angeles, ni Gracia at ni Gery.
Isa pa sa mga teorya ay ang eksistensyalismo na pinatunayan ng pagbukod ni Victor mula sa pagiging sunud-sunuran kay Nyora Tentay, na pinangunahan na
noon pa man ni Gracia. Kahanga-hanga ang ginawang pagpapasya na harapin ang anumang maaaring kahantungan. Naipakita nila ang lakas ng paninindigan na maging
malaya sa pagbuo ng desisyon at kung paano ito haharapin.
Nahahayag din ang Romantisismo na nagbibigay-halaga sa kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito nang mangyari ang
malaking pagbaha, na naging sanhi ng pagbabagong buhay ng mga tao lalo na sa Canal de la Reina. Ang tubig na isinisimbolo ni Arceo na panglinis ay tunay ngang mabisa
sa anumang aspeto ng buhay. Ang tubig, lumilinis ng dumi sa ating kapaligiran at katawan, higit sa lahat ang papel ng tubig na Aral ay lumilinis sa ating puso at kaluluwa
kung tayo ay sasampalataya sa Dios na Maylikha.
Kahit na isang piksyon lang ang nobela, hindi maikakaila ang paggamit ni Arceo ng Teoryang Naturalismo, pinasidhing katangian ng teoryang Realismo.
―Itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga tao. Mas detalyado ang paglalarawan ng mga kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay
ng tao. Tinitignan ang tao na parang hayop na pinag-eeksperementuhan sa isang laboratoryo. Natural sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan: mayaman at mahirap,
babae at lalaki, mabait at masama.‖ Nasasalamin sa Canal de la Reina ang ganitong pangyayari, na hanggang sa kasalukuyan ay pasama pa ng pasamang kalagayan dahil sa
katiwalian.
Ang paggamit ni Arceo ng Teoryang Imahismo ang nakatutulong sa mga mambabasa na mabilis na maunawa ang nilalaman at mensahe ng nobela sa
pamamagitan ng malinaw at tiyak na paglalarawan na tumatatak sa isipan.
Masasabing si Liwayway A. Arceo ay isang manunulat na Moralistiko dahil ginagamit niya ang akda na instrumentong paghahanguan ng mga aral na maaaring
gumabay sa mga mambabasa. Ang kanyang pamamaraan ay sosyolohikal sapagkat ang akdang Canal de la Reina ay produkto ng mga pangyayari sa lugar at panahon na
kanyang pinagmulan. Nagmistulan siyang boses ng kanyang panahon. At maitutulad din ang kanyang akda bilang bayograpkial dahil ang mga isinulat niya ay
naimpluwensyahan ng kanyang mga karanasan.
―Pag umuulan, lahat ay sumisibol sa kagdahan.‖
Kahit gaano pa kasalimuot ang isang bagay ay marapat nating ipagpasalamat iyon sa May Lalang. Dahil hindi Niya tayo bibigyan ng suliraning hindi natin
kayang lampasan. Ang ulan o bagyo man ay gumagawa lang ng kanyang tungkulin upang tayo ay linisin at lalo pang pagtibayin. Iyan ang salamin ng ating mga suliranin.
Gayun pa man, ang lahat ay mahahayag sa kawakasan. Ang mabuti ang siyang mananaig at ang masama ang siyang malulupig. Napakapalad ng ating kapalaran kung may
Dios tayong kinikilala. Daigin natin ng mabuti ang masama, sukdulan mang pumatak ang ating mga luha. Ang pangako naman ay nakaabang at Kanyang igaganti ang
bawat patak ng luha na naipon Niya sa kanyang botelya.

More Related Content

What's hot

Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Lily Salgado
 
Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptx
Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptxAkdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptx
Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptx
RheaSaguid1
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikan
SCPS
 

What's hot (20)

Teoryang romantisismo at realismo
Teoryang romantisismo at realismoTeoryang romantisismo at realismo
Teoryang romantisismo at realismo
 
Ang Kwintas
Ang KwintasAng Kwintas
Ang Kwintas
 
Kabanata IX - El Filibustersimo
Kabanata IX - El Filibustersimo Kabanata IX - El Filibustersimo
Kabanata IX - El Filibustersimo
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)
 
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
 
Canal De La Reina
Canal De La ReinaCanal De La Reina
Canal De La Reina
 
Ang sarsuwela at ang mga uri ng dula
Ang sarsuwela  at ang mga uri ng dulaAng sarsuwela  at ang mga uri ng dula
Ang sarsuwela at ang mga uri ng dula
 
Ang Matanda at ang Dagat (Nobela).pptx
 Ang Matanda at ang Dagat (Nobela).pptx Ang Matanda at ang Dagat (Nobela).pptx
Ang Matanda at ang Dagat (Nobela).pptx
 
Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptx
Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptxAkdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptx
Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia Week 8.pptx
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikan
 
Paglisan Buod
Paglisan BuodPaglisan Buod
Paglisan Buod
 
Mga kritikong pilipino at dayuhan
Mga kritikong pilipino at dayuhanMga kritikong pilipino at dayuhan
Mga kritikong pilipino at dayuhan
 
Teoryang Romantisismo
Teoryang RomantisismoTeoryang Romantisismo
Teoryang Romantisismo
 
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El FilibusterismoKaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
 
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at KaralitaanEl Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
 
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
 
katuturan ng tula at sangkap
katuturan ng tula at sangkapkatuturan ng tula at sangkap
katuturan ng tula at sangkap
 
EDITED SUNDIATA lesson for third quarter in Grade 10.pptx
EDITED SUNDIATA lesson for third quarter in Grade 10.pptxEDITED SUNDIATA lesson for third quarter in Grade 10.pptx
EDITED SUNDIATA lesson for third quarter in Grade 10.pptx
 

Similar to Canal de-la-reina

Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...
Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...
Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...
Jcnitafan
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
Arlyn Anglon
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Mae Garcia
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Rodel Moreno
 
El filibusterismo report
El filibusterismo reportEl filibusterismo report
El filibusterismo report
jergenfabian
 
Noli me tangere kabanata 41 42
Noli me tangere kabanata 41 42Noli me tangere kabanata 41 42
Noli me tangere kabanata 41 42
mojarie madrilejo
 

Similar to Canal de-la-reina (20)

Canal De la Reina
Canal De la ReinaCanal De la Reina
Canal De la Reina
 
Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...
Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...
Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1 TO 10
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1 TO 10EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1 TO 10
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 1 TO 10
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Dr.pptx
Dr.pptxDr.pptx
Dr.pptx
 
Mga tauhan sa el filibusterismo
Mga tauhan sa el filibusterismoMga tauhan sa el filibusterismo
Mga tauhan sa el filibusterismo
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 
Panahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunanPanahon ng bagong lipunan
Panahon ng bagong lipunan
 
Noli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptxNoli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptx
 
Ang Renaissance (Ikalawang Bahagi)
Ang Renaissance (Ikalawang Bahagi)Ang Renaissance (Ikalawang Bahagi)
Ang Renaissance (Ikalawang Bahagi)
 
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dcAdam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Filipino kasaysayan ng el fili
Filipino  kasaysayan ng el filiFilipino  kasaysayan ng el fili
Filipino kasaysayan ng el fili
 
Panahon kastila
Panahon kastilaPanahon kastila
Panahon kastila
 
El filibusterismo report
El filibusterismo reportEl filibusterismo report
El filibusterismo report
 
Noli me tangere kabanata 41 42
Noli me tangere kabanata 41 42Noli me tangere kabanata 41 42
Noli me tangere kabanata 41 42
 
Q2 5. SARSUWELA.pptx
Q2 5. SARSUWELA.pptxQ2 5. SARSUWELA.pptx
Q2 5. SARSUWELA.pptx
 
Kuwentong Pambata
Kuwentong PambataKuwentong Pambata
Kuwentong Pambata
 

Recently uploaded

AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
DonnaMaeSuplagio
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
PaulineMae5
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
AizaStamaria3
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
EugeneBarona1
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 

Recently uploaded (20)

AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 

Canal de-la-reina

  • 1. Canal de la Reina ni Liwayway A. Arceo I. Tagpuan Umikot ang kalamnan ng nobela sa bayan ng Canal de la Reina isang tunay na pook sa Tundo, Maynila kung saan isinilang ang manunulat na si Liwayway A. Arceo. Ito‘y kaayon ng daang Juan Luna, karugtong ng maikling lansangang Fajardo. Katulad ng nasaksihan ni Arceo maraming taon na ang nakalipas, ang estero ng Canal de la Reina ay mabughaw-bughaw, malinaw, malinis, at walang amoy ang tubig. Ganoon din ang pagsasalarawan sa Canal de la Reina sa nobela kung saan bago sumapit ang panahon ng Martial Law noong 1972 ay naratnan nang maburak, mabaho at pinamumugaran ng samu‘t saring pagkatao ng mga iskwater, na mistulang pinamumunuan ng usurerang si Nyora Tentay. Sa tagpuan mababatid ang tunay na kalagayan ng lipunan at ang pag-uugali sa isyung napapanahon kung susuriin sa aspetong sosyo-ekonomikal at sosyopolitikal. Ang lugar ng Canal de la Reina ay simbolo ng kahirapan. Ito rin ang panahon ng aktibismo ng mga mag-aaral sa kolehiyo at unibersidad dahil sa pasama ng pasamang gobyerno kung saan ang mahihirap ay lalong humihirap at ang mayayaman ay lalong yumayaman. Dito nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa pagtatalo ukol sa loteng nasa Canal de la Reina ni Caridad, pangunahing tauhan, na inaangkin naman ng usurerang si Nyora Tentay. Ngunit ibinalanse pa rin ng sining ni Arceo na gawing sagisag ng pagbangon ang Canal de la Reina kaugnay ng pagdalaw ng isang malakas na bagyo, si Gloring, at binaha ang buong Gitnang Luzon, kasama ang Kamaynilaan noong Hunyo 27 - 31, 1972. Ganoon din ang nagyaring pagbaha sa nobela. Ipinababatid sa nobela na ang lahat ng suliranin ng mga tao ay napawi at nabigyan ng panibagong simula nang dahil sa baha na luminis hindi lamang sa lugar, kundi pati na rin sa pagkatao ng mga kinasasakupan ng Canal de la Reina. II. Mga Tauhan Ang mga tauhan sa nobela ay binubuo ng dalawang pamilya: ang pamilya de los Angeles at ang pamilya Marcial kaugnay ang kani-kanilang mga katiwala, si Osyong at si Ingga. A. Ang pamilyang de los Angeles –larawan ng maayos at may pagkakaisang pamilya. Sa mga wika nila sa nobela at sa pagsasalarawan ng may-akda malalaman na ang pamilyang ito ay may pinag-aralan at mayroon sa buhay. 1. Salvador Pamumuhay: inhinyero ng gawaing-bayan Padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad. Ang pagiging responsableng ama at asawa ay nasalamin sa mga salitang binitiwan niya. Ang katangian niya ay magandang halimbawa ng katangian ng lalaki—tahimik ngunit palaging may laman ang sinasabi, at rasyonal sa pagharap ng mga suliranin. Bilang haligi ng tahanan, inuunawa niya ang kalagayan ng bawat miyembro ng pamilya at sinusuportahan niya kung ang katwiran naman ay tama. 2. Caridad Pisikal: Hindi na karaniwan ang taas ni Caridad ihambing man sa mga babaing banyaga. Makinis ang kanyang kutis, matangos ang ilong, manipis ang mga labi at singkit ang mga mata. Pamumuhay: Dating Caridad Reynante na naging maybahay ni Salvador. Napakamaunawain niyang ilaw ng tahanan. Sa mga pananalita niya mababalangkas na mayroon siyang pinag-aralan at lumaki siya sa maayos na pamilya. Siya ang may-ari ng isang lote sa Canal de la Reina na pilit inaagaw ni Nyora Tentay ngunit nananatili pa rin ang tatag ng kanyang kalooban. Ang pagiging maalalahanin niya bilang asawa ni Salvador at bilang ina nina Leni at Junior ay umaabot sa mga taong humihingi sa kanya ng tulong. 3. 4. Leni Pisikal: maganda at mahilig sa pabangong Jasmine Pamumuhay: panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad. Naipakilala sa nobela ang husay niya sa larangan ng Medisina nang makuha niya ang unang pwesto sa Medical Board Exam. Espesyalidad niya ang Pediatrics. Isa siyang responsableng babae sapagkat maibigin siya sa pamilya at sa kapwa. Bilang isang doktora ay ginagawa talaga niya ang kaniyang tungkulin kahit dumating pa ang bagyo at pagbaha. Sa kabila naman ng kanyang pagiging interno ay hindi niya kinakalimutang samahan sa bista sa korte ang kanyang ina at buong pamilya. Junior Pisikal: Si Salvador de los Angeles, Jr. ay mas bata kay Leni ng limang taon ngunit mabulas at matipuno. Mas matangkad siya kay Caridad, bahagyang may alon ang buhok na mahaba ngunit hindi naman lumalampas sa kwelyo ng polo shirt. Taglay nito ang bukas ng mukha ni caridad. Ang pagkakahati ng buhok nito sa gitna ay lumilikha ng wari ay makapal na bangs. Malapad ang mga balikat. Siksik ang mga kalamnan. Makisig magdala ng damit. Karaniwan nitong suot ang pantalong maong na hindi nakalupi ang laylayan at puting T-shirt. Hindi rin palasuot ng sapatos, maliban kung may klase. Pamumuhay: Isa siyang kabataan na dating aktibo sa aktibismo dahil mahilig siya sa mga usapin patungkol sa politika at gobyerno. Sa katunayan, ang tunay niyang nais na kurso ay abogasya ngunit nang tutulan ito ng kanyang mga magulang ay kumuha na lang siya ng kursong Architecture sa isang unibersidad. May katwiran ang mga pahayag ni Junior bilang isang kabataang Pilipino ngunit naging mabuti at masunuring anak pa rin siya dahil alam niyang walang magagawa ang pagdaing ng mga mamamayan sa gobyernong nakasara ang mga pintuan. Tumulong na lang siya sa mga rescue operations nang magbaha. Mas mainam an ginawa niyang paggawa kaysa pagngawa. 5. B. Osyong Pisikal: Si Precioso Santos ay yumaong kababata ni Caridad ngunit naging mahalaga ang papel niya sa nobela. Pamumuhay: Mula sa mga ninuno ni Caridad at ni Osyong ang pagtitiwalang humantong sa isang pagkasira. Ipinagkatiwala sa kanya ang pagbabantay sa lupang minana ni Caridad sa Canal de la Reina ngunit napilitan siyang ibenta ang lupa kay Nyora Tentay nang mabaon siya sa utang. Ang pamilyang Marcial - Magulo ang pamilyang ito sapagkat si Nyora Tentay lang ang maaaring masunod, walang maayos na komunikasyon kaya nagkakasamaan ng loob. 1. Nyora Tentay Pisikal: Si Vicenta Marcial ay isang matandang babaing hindi kukulangin sa anim na pung taong gulang, puti ang buhok at may matalim na mga mata. Palagi siyang nagpapaypay ng anahaw, at tuwing kikiling ay kumikislap ang mga ga-mais na brilyante sa magkabilang tainga. Pinatitigas ang mukha niya ng manipis na mga labi na waring laging nakatiim. Pangahan siya, may kaanyuan ng isang agila na nag-aabang ng masisila, laluna kung pinatitigas ang leeg at naniningkit ang mga mata sa pagsipat sa isang bagay. Pamumuhay: Si Nyora Tentay na ang bumubuhay sa lahat halos ng naninirahan sa Canal de la Reina. Dahil sa kanyang pagiging usurera, ang kanyang tindahan ay siyang kinukunan ng pagkain ng lahat ng nakapaligid sa kanya. Simula nang mabyuda siya ay pera na lang ang kanyang ninanasa sa buhay. Siya ang utangan at ang tubo ay 20% kada buwan. Kung hindi makakabayad ng utang ang mga tao ay kinakamkam niya ang mga kagamitan. Marumi nga ang pagkatao ni Nyora Tentay, at isa siyang matapobre. Sa kanya, hindi ang kasiyahang maibibigay ng pera ang mahalaga, kundi kung paano niya magagamit ang pera para pagsamantalahan ang iba. Nais niyang maangkin ang buong kahabaan ng pampang ng Canal de la Reina kaya handa niyang ipaglaban ang pag-angkin niya sa lupa ni Caridad. 2. Victor Pisikal: matangkad, malakas Pamumuhay: Isa siya sa dalawang anak ni Nyora Tentay. Dumedepende at sunud-sunuran siya kay Nyora Tentay kaya nang mapangasawa niya si Gracia ay mas pinili pa niyang pakisamahan ang kanyang ina kaysa sa kanyang asawa at sa anak na si Gery. Binubusog siya ng salapi ni Nyora Tentay ngunit hindi maikakaila na mahal na mahal niya ang kanyang sariling pamilya. 3. Gracia Pisikal: Maputi ang kutis, kitang-kita sa kanyang postura ang pagi-ging matatag at mahinahon, na ang sumbat ay nakaguhit sa buong mukha kahit tikom ang mga labi. Pamumuhay: Piano teacher Siya ang asawang hiniwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan ni Nyora Tentay. Sa kabila ng pagkakahiwalay sa asawa ay napagsikapan niyang iahon sa hirap at mabigyan ng magandang pamumuhay ang anak na si Gery. Marami siyang sumbat at hinanakit kay Nyora Tentay at kay Victor. Isa rin siya sa mga nakakaalam ng mga pangyayari sa lupa ni Caridad sa Canal de la Reina. Sa lahat ng bagay ay pinananatili niya ang pagiging mahinahon upang ipamukha na kaya niyang tanggapin anumang pait na dulot ng katotohanan sa buhay. 4. Gery Pisikal: Matangkad, matipuno. Tila pinagbiyak na bunga ang mukha ni Victor at Gery. Kagalang-galang at pinagpipitagan, na nagbigay kay Victor ng damdamin ng kaliitan at walang kabuluhan. Pamumuhay: Lumaki siya kapiling ang kanyang ina na si Gracia. Nasasabik siya sa pagmamahal ng isang ama at lola ngunit hindi lingid sa kanya ang simpatya sa sinapit ni Gracia sa tahanan ni Nyora Tentay. Si Geronimo M. Marcial, M.D. ay may sariling klinika sa Pediatrics. Bilang doktor, ginagawa niya ang kanyang tungkulin. Isa siyang pribadong doktor ngunit nang makilala si Leni ay tumulong na rin siya sa pagboboluntaryo sa paggamot nang magkaroon ng pagbaha, at tuluyan na siyang nagpasya na gawing bahagi si Leni ng kanyang buhay hanggang sa kamatayan. 5. Ingga Pamumuhay: Si Dominga Canlas ay alila ni Nyora Tentay na inaapi at ipinagduduldulang hampas-lupa. Nakabaon siya sa utang kay Nyora Tentay ngunit nang dahil sa pagbaha ay nagkaroon siya ng pagkakataong layasan ang matanda. Siya ang kumuha ng bayong ng kayamanan ni Nyora Tentay upang maghiganti. Ngunit pumayag pa rin siyang ibalik ang bayong ayon sa payo ng pamilyang de los Angeles na sumaklolo sa kanya.
  • 2. C. III. Iba pang mga Tauhan 1. Paz – yumaong pasyente ni Leni mula sa Canal de la Reina. Siya ang nakaakit kay Leni na alamin ang tungkol sa buhay, na asawa ni Dado at kaibigan ni Gracia. 2. Tisya - asawa ng yumaong si Osyong na naging katuwang sa pagbabantay noon sa lupa; tumestigo sa korte. Buod Binalikan ni Caridad de los Angeles ang lugar kung saan unang namulat ang kanyang mga mata, ang Canal de la Reina, makalipas ang ilang taon mula nang lisanin niya ito dulot ng sunog bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit sumikip ang kanyang dibdib nang maratnang ang lupang noo‘y tila paraiso sa kanya ay isa nang larawan ng kahirapan dahil sa mga iskwater at sa ‗di kanais-nais na tanawin at amoy. Nagtungo siya sa Canal de la Reina kasama ang asawang si Salvador at ang mga anak na sina Leni at Junior upang bisitahin ang kanilang lupa na ipinagkatiwala pa ng mga ninuno niya kay Osyong. Ngunit hindi niya inaasahan na ang lupang ipinamana sa kanya ay ipinagbili ni Osyong sa usurerang si Nyora Tentay nang mabaon ito sa utang. Sa suliraning ito nag-umpisa ang pagkakaugnay-ugnay ng mga tauhan sa bawat isa. Ipinapakita lamang na mahalaga ang lugar sa buhay ng tao. Nagdemanda si Caridad patungkol sa pagmamay-ari ng lupa. Hindi naman siya inurungan ni Nyora Tentay. Hindi naging hadlang ang kanilang kasarian bilang babae na maging matigas at malakas ang loob. Si Caridad ay suportado ng kanyang mapagmahal na pamilya. Naninindigan sila sa katotohanang maibabalik sa kanila ang lupa sa tulong ni Atty. Agulto, kahit may kahirapang kalabanin si Nyora tentay dahil pinapakilos nito ang kanyang pera upang impluwensyahan ang mga opisyal. Nakatulong sa paglutas sa kaso si Gracia, ang manugang ni Nyora Tentay na minatapobre ng matanda noong naninirahan pa sa kaniya. Masama ang loob ni Gracia kay Nyora Tentay at kay Victor na kaniyang hiniwalayang asawa. Nalaman ni Gracia ang tungkol sa kaso nang masabi sa kanya ni Dado, asawa ng yumaong si Paz na kaibigan niya. Si Paz bago mamatay ay naging pasyente pa ni Leni. Nagkapalagayan kaagad ng loob si Gracia at ang pamilya ni Caridad, maging ang mga anak na kapwa doktor, si Gery at Leni. Simula nang dumating si Caridad sa buhay ni Nyora Tentay ay tila natauhan na si Ingga sa pagmamalupit sa kanya ng matanda. Nang dumating ang isang napakalakas na bagyo na tumangay at luminis sa Canal de la Reina at iba pang bahagi ng Kamaynilaan, nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tauhan. Ang tubig dulot ng baha ang naging dahilan ng pagsibol ng kabutihan. Nang tangayin ang mga tao sa Canal de la Reina kasama na si Nyora Tentay, inagaw ni Ingga ang mga alahas sa katawan at ang bayong ng kayamanan ni Nyora Tentay upang makapaghiganti. Kapwa sila nakaligtas sa baha. Si Ingga ay napunta sa Sampaguita Health Center kung saan siya sinundo ni Junior, nagboluntaryong sumama sa rescue operation, upang iuwi sa bahay ng mga de los Angeles. Si Nyora Tentay naman ay napunta sa paaralang-bayan ng Lakandula, at nabaliw nang hindi makita ang kanyang bayong. Sa kabila ng kasamaan ni Nyora Tentay ay isinauli pa rin ng pamilya de los Angeles ang bayong ni Nyora Tentay na kinuha ni Ingga. Naroon ang mga papeles ni Nyora Tentay ngunit nanaig pa rin ang pagiging patas sa puso ng pamilya de los Angeles. Naibalik na ni Junior ang bayong ngunit hindi pa rin nakakakilala si Nyora Tentay; kahit si Victor na kaniyang anak ay hindi pa rin niya makilala. Ito ang naging magandang dahilan ni Victor upang makalapit sa kanyang minamahal na anak, si Gery na isang manggagamot. Hindi man espesyalista si Gery sa pag-iisip ay inirekomenda niya ang kanyang Lola Tentay sa isang kakilalang doktor sa mental hospital. Sa panahong iyon din sa loob ng klinika ni Gery muling nagkatagpo si Victor at si Gracia. Nanliit si Victor sapagkat sa kabila ng pagiging babae ni Gracia ay nagawa nitong itaguyod si Gery sa marangal at marangyang pamumuhay samantalang siya ay naging sunud-sunuran lamang kay Nyora Tentay. Naramdaman ni Victor na gusto na niyang maging responsible at independenteng lalaki. Hindi maitatanggi na mahal pa rin niya si Gracia kung kaya‘t naglakasloob na siyang bumukod ng bahay kay Nyora Tentay nang bumalik na sa katinuan ang matanda. Ayaw na niyang maging alipin ng salapi ng kanyang ina. Napatunayan na sa korte na si Caridad ang tunay na may-ari ng lupang inaangkin ni Nyora Tentay, sa tulong ng pagtestigo ni Tisya, asawa ng yumaong si Osyong na naging katuwang sa pagbabantay noon sa lupa. Wala ng magagawa pa ang matanda kundi tanggapin ang kanyang pagkatalo. Nagbabadya ito ng mabuting simulain, total ay hindi na pinayagan ang mga iskwater sa Canal de la Reina. Malinis na talaga ang lugar. Karagdagan sa kagalakan ng pamilya de los Angeles ay ang pagkamit ni Leni sa unang pwesto ng Medical Board Exam bilang babae at pinakabatang doctor. Kasama sa pagbati at pagbisita ni Gery kay eni ang ama nitong si Victor. Ang naging wakas ng nobela ay tipikal na hinahanaphanap ng mga Pilipino na pagsikat ng araw matapos ang malakas na unos. Nagkasundo na ang pamilya de los Angeles at ang pamilya Marcial mula nang ikasal ang anak ni Caridad at Salvador na si Leni, at ang anak ni Victor at Gracia na si Gery. Ang dalawa ay magkakaroon na ng sariling klinika na disenyo ni Junior. Si Junior naman ay pinayagan nang kumuha ng kursong abogasya matapos ang kasalukuyang kursong arkitektura. Si Ingga ay bumalik na sa kanyang probinsya. Si Nyora Tentay ay tinanggap na ang pagkatalo. At si Victor at Gracia naman ay nagkakasundo na rin. Sa Canal de la Reina nangyari ang masalimuot na bagay, ngunit kaloob pa rin na dito umusbong ang pagbangon at pag-asa sa mas masiglang bukas. Ngunit hindi pa roon matatapos ang lahat; sapagkat nagbabadya ang pagdedeklara ng Martial Law sa bansa. IV. Mensahe/Reaksyon Ginamitan ni Liwayway Arceo ng simbolismo at iba‘t ibang teoryang pampanitikan ang nais niyang ipabatid sa mambabasa. Sa bawat Teorya ay nakapaloob ang kanyang mensahe. Mapapansin sa nobela ang paggamit ng Teoryang Feminismo sa pagkatao nina Caridad, Nyora Tentay, Gracia at Leni na kapwa hindi nagpadaig sa bawat hamon ng buhay. Pinatutunayan na ang kanilang kasarian bilang babae ay hindi naging hadlang upang makamit nila ang tagumpay anumang hirap ang kabakahin nila sa buhay. Lumitaw din ang Teoryang Markismo sa pagtutunggalian ni Nyora Tentay at ng mga taong kanyang inapi bago pa man tuluyang tangayin ng baha ang Canal de la Reina. Kapansin-pansin ang paglalabanan ng malakas at mahina, mayaman at mahirap upang imulat ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa lipunan, kagaya ng sa kaso ni Caridad, ni Gracia at ni Ingga kay Nyora Tentay. Ang kagandahan dito ay hindi gumanti ng masama sa masama ang mga naapi; bagkus ang kanilang katapatan at kabutihan ang naging dahilan ng pagsuko ni Nyora Tentay. Kaugnay nito ang Teoryang Humanismo, na nagbigay-pansin sa magagandang saloobin ng pamilya de los Angeles, ni Gracia at ni Gery. Isa pa sa mga teorya ay ang eksistensyalismo na pinatunayan ng pagbukod ni Victor mula sa pagiging sunud-sunuran kay Nyora Tentay, na pinangunahan na noon pa man ni Gracia. Kahanga-hanga ang ginawang pagpapasya na harapin ang anumang maaaring kahantungan. Naipakita nila ang lakas ng paninindigan na maging malaya sa pagbuo ng desisyon at kung paano ito haharapin. Nahahayag din ang Romantisismo na nagbibigay-halaga sa kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito nang mangyari ang malaking pagbaha, na naging sanhi ng pagbabagong buhay ng mga tao lalo na sa Canal de la Reina. Ang tubig na isinisimbolo ni Arceo na panglinis ay tunay ngang mabisa sa anumang aspeto ng buhay. Ang tubig, lumilinis ng dumi sa ating kapaligiran at katawan, higit sa lahat ang papel ng tubig na Aral ay lumilinis sa ating puso at kaluluwa kung tayo ay sasampalataya sa Dios na Maylikha. Kahit na isang piksyon lang ang nobela, hindi maikakaila ang paggamit ni Arceo ng Teoryang Naturalismo, pinasidhing katangian ng teoryang Realismo. ―Itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga tao. Mas detalyado ang paglalarawan ng mga kasuklam-suklam na pangyayari sa buhay ng tao. Tinitignan ang tao na parang hayop na pinag-eeksperementuhan sa isang laboratoryo. Natural sa teoryang ito ang pagkakahati ng lipunan: mayaman at mahirap, babae at lalaki, mabait at masama.‖ Nasasalamin sa Canal de la Reina ang ganitong pangyayari, na hanggang sa kasalukuyan ay pasama pa ng pasamang kalagayan dahil sa katiwalian. Ang paggamit ni Arceo ng Teoryang Imahismo ang nakatutulong sa mga mambabasa na mabilis na maunawa ang nilalaman at mensahe ng nobela sa pamamagitan ng malinaw at tiyak na paglalarawan na tumatatak sa isipan. Masasabing si Liwayway A. Arceo ay isang manunulat na Moralistiko dahil ginagamit niya ang akda na instrumentong paghahanguan ng mga aral na maaaring gumabay sa mga mambabasa. Ang kanyang pamamaraan ay sosyolohikal sapagkat ang akdang Canal de la Reina ay produkto ng mga pangyayari sa lugar at panahon na kanyang pinagmulan. Nagmistulan siyang boses ng kanyang panahon. At maitutulad din ang kanyang akda bilang bayograpkial dahil ang mga isinulat niya ay naimpluwensyahan ng kanyang mga karanasan. ―Pag umuulan, lahat ay sumisibol sa kagdahan.‖ Kahit gaano pa kasalimuot ang isang bagay ay marapat nating ipagpasalamat iyon sa May Lalang. Dahil hindi Niya tayo bibigyan ng suliraning hindi natin kayang lampasan. Ang ulan o bagyo man ay gumagawa lang ng kanyang tungkulin upang tayo ay linisin at lalo pang pagtibayin. Iyan ang salamin ng ating mga suliranin. Gayun pa man, ang lahat ay mahahayag sa kawakasan. Ang mabuti ang siyang mananaig at ang masama ang siyang malulupig. Napakapalad ng ating kapalaran kung may Dios tayong kinikilala. Daigin natin ng mabuti ang masama, sukdulan mang pumatak ang ating mga luha. Ang pangako naman ay nakaabang at Kanyang igaganti ang bawat patak ng luha na naipon Niya sa kanyang botelya.