3. A. Balik-Aral
1. Sino ang nangasiwa sa palabas?
2. Anong tawag sa tambalang tinig nina Chananay at
Marianito
3. Ano ang pilit na pinapagawa ni Donya Consolacion kay
Sisa?
Sagot: Kumanta at Sumayaw
Sagot: Tenyente Mayor, Don Filipo
Sagot: Crispino e la Comare
5. D. Buod
Kabanta 41
Dahil sa nangyari hindi dalawin
ng antok si Ibarra
, kaya naisipan nitong gumawa sa
kanyang laboratoryo.
Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang
panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang
kanyang panauhin ay si Elias.
6. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra.
Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may
sakit si Maria Clara.
Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa
Batangas
at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala
itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra
ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
7. Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang
kaguluhan nangyari sa liwasan. Sinabi ni Elias na kilala
niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Ang
mga ito ay mga sibil. Ang ama ng magkakapatid na
patayin sa palo ang mga sibil na nanggulo sa liwasan.
Pero dahil sa may utang na loob ang magkapatid kay
Elias, sila ay madaling napakiusapan nito. Hindi na
kumibo si Ibarra, kaya nagpaalam na si Elias. Nagbihis at
nanaog na si Ibarra habang sinisisi ang sarili sa
pagkakasakit ng kasintahan. Tutungo siya sa bahay ni
Kapitan Tiyago. Sa daan nakasalubong niya ang isang
maliit na lalaking nakaitim at may pilat sa kaliwang
pisngi. Ito ay si Lucas at kapatid ng taong madilaw na
namatay sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan.
8. Nabanas ng husto si Ibarra sa pangungulit ni Lucas na kung
magkano raw ang ibabayad sa pamilya ng kanyang kapatid.
Sinabi ni Ibarra na magbalik na lamang si Lucas dahil dadalaw
ito sa isang maysakit. Ska na nila pinag-usapan ang tungkol sa
pagbabayad. Mauubos na ang pagtitimpi ni Ibarra, kaya
tinalikuran niya kaagad si Lucas.
Sinundan ng masamang tingin ni Lucas si Ibarra sabay bulong
sa sariling si Ibarra ay apo nga talaga ng nagbilad sa init sa
kanyang ama at iisa ang dugong nananalaytay sa kanilang mga
ugat… subalit kapag ito (Ibarra) ay mahusay magbayad ng
mataas, sila ay magiging mabuting kaibigan.
9. Mahalagang Tanong
Kung ikaw si Donya Victorina, pipiliin mo
rin bang magpanggap na kastila para lang
mag mukang mayaman? Bakit?
10. -
Pinag-uusapan ng magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiago kung
alin ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na
lumaki, o ang krus sa Matahong na nagpapawis. Nais malaman
ni Tiago kung alin sa dalawang ito ang higit na mapaghimala.
Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos ang dalawang
ito upang gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria. Natigil
ang pag-uusap ng magpinsan nang mayroong tumigil sa harap
ng bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de Espadaña, na
inaanak ng kamag-anak ni Padre Damaso at tanging kalihim ng
lahat ng ministro sa Espanya. Inaasahan ni Tiago ang mga
dumating na panauhin. Pagkatapos na maipakilala ni Victorina
si Linares, sinamahan sila ni Tiago sa kani-kanilang silid.
Kabanata 42
Malungkot sa bahay ni kapitan tiago dahil may
Sakit si Maria Clara.
11. Sa biglang tingin, aakalain na si Donya Victorina ay isang
Orofea. Siya ay isang ginang na may edad na 45, pero
ipinamamalitang siya ay 32 taong gulang lamang. Noong bata
at dalaga pa siya at kapani-paniwalang maganda ito. Kaya,
hindi siya nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at ang pinangarap
niyang mapangasawa ay isang dayuhan. Isa siyang social
climber at ibig na mapabilang sa mataas na antas ng lipunan.
Ngunit, ang bitag na inihanda niya ay walang nasilo. Nalagay
siya sa pangangailangan na kailangang makapangasawa siya ng
dayuhan. Napilitan siyang masiyahan sa isang maralitang
Kastila na taga-Espanya itinaboy ng bayang Extremadura at
ipinadpad ng kapalaran sa Pilipinas. Ang kastilang ito ay
Tiburcio de Espanada na may 35 taong gulang,ngunit mukha
pang matanda kay Donya Victorina.
12. Nakarating siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa
barko dumanas siya ng katakot-takot na pagkahilo at nabalian
pa ng paa. Nahihiya na siyang magbalik sa Espanya, dahil
ipinasya na niyang manatili sa Pilipinas. Eksaktong 15 araw siya
sa bansa nang matanggap siya sa trabaho dahil sa tulong ng
mga kababayang Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-aral
pinayuhan siya ng mga kababayan na humanap nang
magandang kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na
isang mediko na ang tanging puhunan ay ang pagiging kastila.
Ayaw sana niyang sumunod dahil nahihya siya, pero dahil sa
gipit na gipit na siya,wala siyang mapagpipilian kundi sumunod
sa payo.
13. Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang
tagapagbaga ng mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga
mesa at upuan pero wala talagang kaalam-alam sa
panggagamot. Sa una mabana ang singil. Lumalaon pataas ng
pataas, sinamantala niya ng husto ang pagtitiwala ng mga
Indio. Dahil dito, umaasa siya na tuloy-tuloy na ang kanyang
pagyaman. Ngunit, nagsumbong ang mga tunay na mediko sa
Protomediko de Manila na siya ay pekeng doktor. Nawalan na
siya ng pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga
kakilala’t kababayan subalit napangasawa nga niya si Donya
Victorina.
14. Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang
pulut-gata. Ilang araw ang nagtagal bumili ng aranya at karomata si
Donya Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas
para sa gamit nilang mag-asawa. Binihisan din niya ng husto ang
asawa para magmukhang kagalang-galang. Ang Donya ay
nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea. Nagpusod-
Espanyola at naglagay ng mga palamuti sa katawan. Ilang buwan ang
lumipas, Ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa Espanya
manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang anak na tatawaging
rebolusyunario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat
nakalimbag sa mga tarheta nito ang Donya Victorina de los Reyes de
de Espadaña.
Dumaan ang tatlong buwan, ang inaasahang pagbubuntis ng Donya
ay naunsiyami kayat wala siyang magawa kundi ang manatili sa
“lupaing ito ng mga salvaje.” Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga
hilot at manggagamot, ngunit wala ring nangyari. Hindi siya
nagkaanak.
15. Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng
anak, naibunton niya ang kanyang ngitngit sa asawa nito.
Parang maamong kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng
Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo, kapag nagagalit ang
Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung minsan
nama’y hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng bahay.
Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na
maglagay ng titulong medicina at cirugia. Tumutol ang Don
sapagakat pamemeke na naman ang gagawin niyang
panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at sumunod na
lamang sa Donya. Tunay na amini’t hindi, siya ay Ander de
Saya.
Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat
na:Dr. DE ESPADAÑA, ESPESYALISTA SA LAHAT NG URI NG
SAKIT at ito ay ikinabit sa kanyang bahay.
16. Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang kastila sa
kanyang mga ari-arian sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan
ang mga Pilipino. Ipinakaon naman ng Don ang pamangkin si
Alfonso Linares de Espadana na nag-aaral ng pagkamananggol,
sa gastos ng Donya.
Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Padre Salvi.
Dati ng kakilala ng mag-asawa ang pari, kaya si Linares na
lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabakan na ni Donya
Victorina ang pamimintas sa mga tag-lalawigan at
pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng iba
pang nasa mataas na poder sa estado. Pero, namangha ang
Donya nang sabihin ni Tiago na kadadalaw lamang ng Kapitan-
Heneral sa kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang
Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi
na lamang na nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si
Maria disin sanay’ nakadaupang palad nila ang Heneral.
17. Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si
Maria na noon ay nakahiga sa isang kamagong na
nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria ay may
taling panyo na basa ng agua colonia at nakakumot ng puti.
Nasa tabi ang dalawang kaibiganng babae at si Andeng na
may hawak ng punpon ng azucena.
Naitanong naman ni Linares kay Padre Salvi kung saan si
Padre Damaso, sapagakat may dala itong sulat-tagubilin para
rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag
ang loob ni Linares. Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang
dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Ang
iniresetang gamot niya ay: Sa umaga ay liquen con
leche, jarabe de altea at dalawang pildoras ng cinoglosa.
Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linarez na nabigla
sapagkat nakatoun ang kanyang mga mata at isip kay Maria
na lubhang nagagandahan.
18. Saglit nanautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linares sa
magandang mukha ni Maria nang sabihin ni Padre Salvi na
dumating na si Padre Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang
niya sa sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad, payat at
hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay
Maria Clara.
19. E. Halagang Pangkatauhan
“Dahil lang sa may sakit kinalilimutan na ninyo ang
patay? Dahil ba sa mahirap lang kami?” (Lucas)
F. Paliwanag
Dapat nating itrato ang lahat ng pantay pantay, dapat
bigyan natin ng respeto ang mga mahihirap, hindi dahil
mahirap sila, ay wala na silang magagawa. Tayong may
mga kaya, dapat natin silang tulungan dahil kailangan
nila kung ano meron tayo, kaya dapat nating ibahagi sa
kanila kung ano mang meron tayo.
20. 1. Mentalidad na Kolonyal
- Nagpakasal sa isang Kastila si Donya Victorina
upang mag mukang kastila at makapangyarihan.
- Nagsusuot ng mga palamuti sa katawan si Donya
Victorina para mag mukang kagalang galang.
- Pinipilit ni Donya Victorina na siya ay isang kastila.
2. Kahinaan ng mga Pilipino
- Sinamantala ni Tiburcio ang mga Pilpino sa
presyo ng mga gamot.
21.
22. TAMA O MALI
1. 6 ang pakay ni Elias kay Ibarra
2. Si Lucas ay kapatid ng Taong Dilaw
3. Nagkaunawaan at naging magkaibigan ang mag asawang De
Espadana
4. Nadatnan nila Dona victorina ang Kapitan Henral
5. Ano ang ginagamit na pangalan ni Donya Victorina kapag
pumipirma?
6. Sino ang pamangkin ni Don Tiburcio? (buong pangalan)
7. Ano ang ginagawa ni Linares ng dumating si Padre Salvi?
TAMA O MALI
1. 6 ang pakay ni Elias kay Ibarra
2. Si Lucas ay kapatid ng Taong Dilaw
3. Nagkaunawaan at naging magkaibigan ang mag asawang De
Espadana
4. Nadatnan nila Dona victorina ang Kapitan Henral
5. Ano ang ginagamit na pangalan ni Donya Victorina kapag pumipirma?
6. Sino ang pamangkin ni Don Tiburcio? (buong pangalan)
7. Ano ang ginagawa ni Linares ng dumating si Padre Salvi?
23. 8. Ano ang kapansin pansin kay Padre Damaso nang
dalawin si Maria Clara?
9.Sino ang unang dinalaw ni Padre Damaso
pagkatapos niya magkasakit?
10.Ano ang tunay na pangalan ni Donya Victorina?
24. 1. mali
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Victorina de los Reyes de de Espadana
6. Alfonso Linares de Espadana
7. Kumakain ng agahan
8. Maputla at Malungkot
9. Maria Clara
10. Victorina De los Reyes