1. BALAGTASAN
Makalipas ang larong karagatan at duplo, ang huli naman ay tinatawag na Balagtasan.
Balagtasan
Isang pagtatalo at pagpapalitan ng kuru-kuro at matuwid na tradisyong patula.
Dito’y may paksang pinagtatalunan na may magkabilang panig ay nagtatalo at nagmamatuwi
sa pamamagitan ng mga tugma-tugmang salita sa dulo ng taludtod, maharaya, matalinghagga
at madalumat.
Ang ganitong tula ay sumusunod din sa tamang bilang ng pantig sa isang taludtod, may
indayog at may katayugan ang kaisipang inihahanay, mga nagtutunggaling makata na sa
tuwina’y may taglay na paliwanag at kahulugan. Ang aliwang ito ay ipinapapalaganap sa
sariling-sarili ng mga Pilipino.
Malimit itong marinig sa radyo, telebisyon at malimit namang masaksihan sa tanghalan,
handaan, paligsahan at iba pang pagkakatong lalo ng sa mga paaralan.
Ang Balagtasan ng Katagalugan ay nagmula kay Francisco Baltazar, siya ang tinaguriang
Ama ng Balagtasan dahil siya ang Ama ng Tulang Tagalog o Tulang Pilipinong Balagtas,
sagisag na ginamit noong panahon ng mga Kastila na pinag-uugatan ng katawagang
“Balagtasan” Francisco Balagtas “Unang Makatang Lauredo ng Pilipinas” at “Prinsipe”
ng mga Makatang Tagalog.
Si Atty. Patricio A. Dionisio ang kauna-unahang sumulat ng Balagtasan at ito’y unang
nalathala sa pahayagang “Telembang” na kung saan ay nakilala sina Corazon de Jesus at
Florentino Collantes bilang unang mambabalagtas sa paksang “Bulaklak ng Kalinis-
linisan” na ginanap sa Instituto de Mujeres at ang naging Lakandiwa naman si Lope K.
Santos.
Sa kabilang dako ay mauuri pa ring Balagtasan anumang pagdebateng pagtatalong o patula. Ang
mahalaga ay ganitong paligsahan ay may paksang pinagtatalunan kailangang liwanagin at
pangatwiranan ng nagtutunggaling makata. Kailangang kumpleto ang mambibigkas na nasa
magkabilang panig at paninindigan gayundin ay may lakandiwa. Ang Balagtasan ay maaaring
pagtatalong pasulat. Ang mahalaga ay naroon ang nilalaman at mensahe ng paksa para sa mga
mambabasa. Subalit kahit ano pamang anyo ito isagawa, higit na kapaki-pakinabang ang pabigkas
sapagkat bukod sa mensahe matutuhan din ang wastong paraan ng pagbigkas, paghahanay ng
kaisipan, lalim ng talisalitaan, bilis ng pag-iisip at pagmamatuwid ng mga kasaping dito’y naglalaban,
gayundin ay matatalos ang pagtitimbang-timbang ng lakandiwa batay sa mga katibayan at patunay
na inilahad ng mga nagtutunggaling makata.