1. HandoutsaFilipino #01
Ano ang Balagtasan?
Ito ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula.
Ito ay isang makabagong uri ng Duplo
Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay
nasa ilalim ng Amerika.
Lumang tradisyon ng patulang pagtatalo
a. Karagatan
b. Batutian
c. Duplo
Mga Katawagan sa Batalagtasan
1. Tulang Balitao ng mga Aklanon
Ito ay isang biglaang debate ng babae at
lalaki.
2. Tulang Siday ng mga Ilonggo
Ito ay ang sagutan ng mga kinatawan o
sugo ng dalawang pamilyang
nakikipagnegosasyon sap ag-iisang
dibdib ng dalaga at binata.
3. Tulang Pamalaye ng mga Cebuano
Tulad ng Siday, ito ay ang sagutan ng
mga kinatawan o sugo ng dalawang
pamilyang nakikipagnegosasyon sap ag-
iisang dibdib ng dalaga at binata.
4. Bukanegan ng mga Ilokano
Ito ay mula sa pangalan ni Pedro
Bukaneg, ang itinuturing na Ama ng
Panitikang Ilokano.
5. Crisotan ng mga taga Pampanga
Ito naman ay mula sa pangalan ni Juan
Crisostomo Soto, ang Ama ng
Panitikang Pampanga.
Ginagamit ng Manunulat upang maipahiwatig ang
kanilang palagay sa aspetong politika atnapapanahong
mga pangyayari at usapan.
Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong
noong Marso 28, 1924.
Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng
kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas
o Araw ni Balagtas.
Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong
Balagtas. Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging
Balagtasan na ang tawag dito.
Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924.
Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng
iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina
José Corazón de Jesús at Florentino Collantes, kaya
naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang
Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na
makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre
18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose
Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng
Balagtasan. Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si
"Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan
sa Balagtasan noong 1920.
Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-
uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang
magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at
pagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa publiko.
Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng
bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na
magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas
may makabuluhang pangangatuwiran.
Mga Elemento ng Balagtasan
1. TAUHAN
a. Lakandiwa
Siya ang tagapagpakilala ng paksa ng
paglalabanan sa tulaan ng dalawang
mambabalagtas.
Siya rin ang tagapamagitan o tagapagbigay-
hatol ayon sa katwirang inilahad tungkol sa
paksa, tikas, tinig at kakayahang umakit sa
mga nakikinig.
2. b. Mambabalagtas
Tawag sa taong nakikipag balagtasan o
makatang lumalahok dito na karaniwang
sumusulat ng pyesa ng balagtasan.
Makata ang gumagawa ng tula, mga akda at
nagwagi na sa larangan ng pagsulat.
c. Manonood
Sila ang mga tagapakinig sa isang
pagtatanghal ng balagtasan. Sila ay isa sa
mga pangangailangan sa ganitong uri ng
presentasyon. Ang kahusayan ng ga
mamababalagtas at masusukat sa reaksyon
ng mga manonood. Ang taginting ng
kanilang mga palakpak ay isang inspirasyon
para sa kanila.
2. PAKSA
Ito ay bagay na pinag-uusapan o tatalakayin
upang ganap na maipaliwanag at
maunawaan ang konteksto nito. Pumapasok
ang isyu ng pinagtatalunan na
nangangailangan ng malawak na kaalaman
sa paksa upang maliwang na maibigay ang
sariling panig at kaalaman ukol dito.
Tema ng mga sumusunod na paksa:
a. Politika – Ito ay ang tunggalian ng mga
lapian sa kapangyarihan at pangangasiwa
ng pamahalaan.
b. Pag-big – ito ay makapangyarihan at
dakilang damdaming nag uugnay sa isa't-
isa.
c. Karaniwang Bagay - mga bagay sa paligid
na maituturing na mahalaga.
d. Kalikasan - lahat ng bagay na nasa loob ng
daigdig na hindi ginawa ng tao.
e. Lipunan - pangkat ng mga taong nabibilang
sa iba't-ibang uri dahil sa kanilang
kalagayan sa buhay at sa kanilang
pamantayang pangkabuhayan.
f. Kagandahang-asal – kagandahan ng pag-
uugali
3. PINAGKAUGALIAN
a. Sukat - ang sukatay tumutukoy sa bilang ng pantig
sa bawat taludtod.
b. Tugma - ang tawag sa pagkakapareho ng tunog ng
dulo ng mga talutod sa panulaan.
Dalawang uri ng tugma:
Tugmang ganap - natatapos ang mga talutod
sa patinig o sa impit na tunog.
Tugmang diganap – ang mgataludtod ng tula
ay nagtatapos sa katinig.
c. Indayog - tinatawag ding aliw-iw ang indayog. Ito
ay tumutukoy sa tono kung paano binibigkas ang
mga taludturan ang pagtaas at pagbaba ng bigkas
ng mga patinig ng ga salita sa isang taludtod.
4. MENSAHE
ito ay tawag sa ideya at damdaming nais iparating
ng kabuuan ng ano mang sasabihin, teksto o akda
tulad ng balagtasan. Binubuo ito ng simbolo na
binibigyang kahulugan at isinatitik para
maunawaan ang mensahe, nangangahulugan na
hindi naging mabisa ang paglalahad nito.