TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
Rose.1pdf
1. Pusong Sawi sa Pag-ibig
Ni Rosalie T. Orito
BSED III-Filipino
Unang tibok ng puso ko,
Sa iyo natagpuan ito,
Wari'y sinag ng araw ang pag-ibig mo,
Na nagbigay liwanag sa madilim na mundo ko.
Mga alaala nating nagdaan,
Ay puno ng pagmamahalan,
Tawanan at luhaan,
Ay hindi ko malilimutan.
Noon akala ko'y ikaw na,
Ngunit ngayon ay biglang nagbago ka,
Iniwan mo akong nag-iisa,
Sa ibang babae, ikaw ay sumama.
Patak ng mga luha ko’y hindi mabilang,
Dahil sa mga pangako mong ako lamang,
At sa mga alaalang nagdaan,
Puso ko ngayon ay labis na nasaktan,
Mundo ko'y nagbago,
Sa pagkawala mo,
Pilit kong magbago para sa'yo,
Ngunit hindi ko magawa ito.
Gusto kitang kalimutan,
Ngunit isip ko lang ang nagbulag-bulagan,
Hindi ang puso kong ikaw lang ang laman,
Na tanging sigaw nito'y iyong pangalan.