Panulaan-Amerikano.pptx report in panulaang Filipino
1. Tanong ko, sagot Mo!
Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat at ang bawat
ay sasagutan ang inihandang mga katanungan ng guro sa
pamamagitan ng pagtaas ng tamang sagot.
3. Numero mo, Ipaliwanag Mo!
Ang guro ay may inihandang mga flaglets na may numero na
ibibigay sa mga mag-aaral. Bubunot ang guro ng numero sa
isang kahon at kung sino ang may hawak ng numerong ito ang
siyang magpapaliwanag.
4. Ang Tula sa Panahon ng Aklatang Bayan
Yumabong ng husto ang tula sa panahong ito. Si Francisco
Balagtas ay hindi maikakailang produkto ng kaniyang panahon. Sa
kanyang isinulat ay mababakas ang labis na sentimentalismo ng
kaniyang panahon.
5. Ang Mga Manunulat ng Panahon
Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) – ang Makata ng Puso ang siyang
higit sa kaninoman ay nakamana ng korona’t sentro ng pinsel at papel ni
Francisco Baltazar. (Halimbawa: Bayan Ko)
Lope K. Santos – ang Makata ng Buhay sa kaniyang mga tula mababakas ang
pagkamata sa pamamagitang ng pagbanggit ng mga bagay-bagay sa buhay,
lalong lalo na itong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid. (Halimbawa:
Pagtatapat)
6. Pedro Gatmaitan – nagpakita ng pag-unawa sa kalagayang
panlipunan. Taong 1913 nang kaniyang paksain ang tungkol sa
maselan na temang nauukol sa lipunang feudal.
Iñigo Ed Regalado – isang kuwentista, nobelista at
mamahayag. Tinalakay niya sa kanyang tula ang buhay sa
daigdig, bagay-bagay sa lapaligiran at di-mapapasubaling
katotohanan ng buhay. (Halimbawa: Bugtong)
7. Florentino Collantes – kapanahon ni Jose Corazan de
Jesus at mahigpit niyang kaagaw sa titulong Hari ng
Balagtasan. (Halimbawa: Ang Halik)
Julian Cruz Balmaceda – kilalang mandudula,
mananalaysay, nobelista, mananaliksik at makata. Siya
ay naging patnugot ng Surian sa Wikang Pambansa.
8. Balagtasan – isang patulang pagtatalo na higit na
nakilala sa pagtangkilik ng dakilang Sinse ng Panginay na
si Francisco “Balagtas” Baltazar. Ang kauna-unahang
balagtasan ay ginanap sa bulwagan ng Instituto de
Mujeres noong 1924, ang nagtagisan ng talion ay sina
Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes.
9. Balagtasan-Balitaw – anyong dulang Cebuano na pinagsanib ang
duplo at balitaw.May pagkakataong ang banghay ng
pagliligawan sa balitaw ay nagiging sanhi ng pagtatalo sa isang
paksang hindi romantiko.
Batutian – mimetiko at satirikong pagtatalong patula na may
kayarian ng isang dula na pinangalanan sa makatang si Jose
Corazon de Jesus.
10. Bukanegan – mimetikong pagtatalong patulang nagbuhat sa
pangalang Pedro Bukaneg na itinuturing na Ama ng Panulaang
Ilocano. Kahawig ito ng Balagtasan at Batutian ng mga Tagalog.
Crissotan – mimetikong pagtatalong patula buhat sa pangalang
Crisostomo Sotto, ang Ama ng Panulaang Pampango. Pagtatalong
kahawig ng Balagtasan at Batutian ng Tagalog at Bukanegan ng
Ilokano.
11. PANAHON NG ILAW AT PANITIK
Nagsimula ang paglitaw ng magasing Liwayway noong 1922,
nakilala muna sa tawag na Photo News. Nagwakas sa taong 1932 sa
pagkakaatag ng Panitikan, isang kapisanang itinuturing na siyang
sakdalista at aristokrata ng panulaang Pilipino.
12. Katangian ng Pampanitikan
Tinatawag itong panahon ng pagpapalaganp o popularisasyon.
Patuloy pa ring kinawiwilihan ng mga mababasa ang mga kuwentong
nauukol sa tapat at dakilang pag-ibig.Nagkaroon ng pag-iisp at lakas
ng loob na gumawa ng hakbang upang maiangat ang pamantayan at
pataasin ang kilatis ng mga nasusulat ng panahong iyon.
13. ANG MGA MAKATA:
Amado V. Hernandez – makata ng Manggagawa. Ang tula niya ay
naglalantad ng tinatawag na kamalayang panlipunan.
Julian Cruz Balmaceda – haligi ng panitikang Pilipino. Makata,
mandudula, kuwentista, nangangatha, dalubwika at naging patnugot
ng Surian ng Wikang Pambansa.
14. Ildefonso Santos – makata ng kariktan ng kaniyang mga
pananalitang ginagamit ngunit kakambal nito ang katayugan ng
diwang ipinapahayag.
Ang Guryon o Saranggola – sumisimbolo sa pangarap ng tao
sa buhay. Kung gaano katayog ang pangarap at kung paano ito
makakaabot sa nais nitong abutin.
15. PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN
Sumasakop sa panahong nalalapit nang magwakas ang
pananakop ng mga Amerikano. Nabigyan ng Malasariling
Pamahalaan ang mga Pilipino sa pamumuno ni Pangulong Manuel
Luis Quezon na siyang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.
16. Ang Tula
Pinakanaging makulay na tinatawag na “paghihimagsik” ni
Alejandro Abadilla. Ang “pinaghimagsikan” ni Abadilla ay ang porma
at hitsura ng tula lalong-lalo na ang kaanyuang nagtataglay ng sukat
at tugma subalit panahon at kasaysayan ang nagpabulaan dito.
Winasak niya ang matibay at makipot na bakod na kinapapalooban ng
magandang panulaan. Ang tula’y angkaroon ng bagong hugis, ng
bagong anyo.