Balita sa Pamamahayag

16,171 views

Published on

Katuturan, Uri, Anyo

0 Comments
7 Likes
Statistics
Notes
  • Be the first to comment

No Downloads
Views
Total views
16,171
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
2
Actions
Shares
0
Downloads
1,024
Comments
0
Likes
7
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Balita sa Pamamahayag

  1. 1. Mischelle D. Mariano BSE IV-A BALITA: TINIG, LAKAS AT TAGAPAG-UGNAY Fil 110: Pamamahayag
  2. 2. Ang tsismis ba ay balita?
  3. 3.  Isang napakalaking responsibilidad ang paglalahad ng balita, dahil maaari itong sumira o bumuo o ayon na rin sa tungkuling ginagampanan ng pahayagan KATUTURAN NG BALITA
  4. 4. KATUTURAN NG BALITA  Ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay na naganap na, nagaganap o magaganap pa.
  5. 5. KATUTURAN NG BALITA  Anumang mahalagang impormasyon na nasasalig sa napapanahong pangyayari o di- karaniwang nagaganap at may kahulugan sa mga mambabasa.
  6. 6. “Ang anumang hindi mo nalalaman ngayon ay maituturing na balita, anumang bago o kapaki-pakinabang sa iba ay mahalagang malaman ng tao.” -Turner Catledge, The New York Times
  7. 7. KATANGIAN NG BALITA 1. Ganap na Kawastuhan – bawat pahayag, pangalan, edad, petsa, tirahan at pangyayari ay tumpak 2. Timbang – naglalaman ng mahahalagang detalye hinggil sa tunay na pangyayari 3. Walang Kinikilingan – hindi nagtataglay ng personal na opinyon ng manunulat, dapat na isulat ang dalawang panig ng istorya 4. Kaiklian at Kalinawan – dapat maikli at malinaw dahil ang pangunahing layunin nito ay magpabatid
  8. 8. Uri ng Balita: Ayon sa Nilalaman
  9. 9. AYON SA NILALAMAN  Pang-agham at Teknolohiya Halimbawa: OYSI isinulong ang magandang kalidad ng tubig “Once we alter the water cycle, we suffer the consequences,” pahayag ni Vicente S. Paragas, Exec. Director ng National Water Resources Board (NWRB) tungkol sa tema ng 7th Annual Meeting at Scientific Converntion ng Oustanding Young Scientist Inc.
  10. 10. AYON SA NILALAMAN  Pampalakasan o Pang-isports Halimbawa: Nilampaso ng Philadelphia ang Orlando sa iskor na 78-70 sa naganap na championship noong Sabado sa sariling home court ng Orlando magic.
  11. 11. AYON SA NILALAMAN  Pangkaunlarang Komunikasyon - isang uri ng marketing at public opinion research na ginagamit sa paglinang ng mabisang komunikasyon o ang gamit ng komunikasyon upang mapalawig ang pangkaunlarang sosyal
  12. 12. URI NG BALITA: AYON SA PNAGBABATAYAN/PINAGKUKUNAN
  13. 13. 1. Batay sa Tala Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga talang nakalap mula sa talaan ng pulisya, ospital at iba pang ahensya. AYON SA PINAGBABATAYAN
  14. 14. Halimbawa: Ayon sa talang inilahad ng PAG- ASA, 20 katao na ang natukoy na namatay at walo pa ang nawawala dahil sa landslide na naganap sa Koronadal bunsod ng Bagyong Lorenzo.
  15. 15. AYON SA PINAGBABATAYAN 2. Batay sa aksyon Ang manunulat / mambabalita ay naroon mismo sa lugar na pinangyarihan ng aksyon o pangyayari.
  16. 16. Halimbawa: “Sama-sama nating tatahakin ang tuwid na daan dahil kayo ang boss ko!” Iyan ang tinuran ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA na kasalukuyang ginaganap sa Upper House.
  17. 17. 3. Batay sa Talumpati Kung ang pinagkukunan ng datos ay ang talumpati ng mga kilalang tao. AYON SA PINAGBABATAYAN
  18. 18. Halimbawa: “Giyerang nukleyar, mabilis na pagtaas ng populasyon sa kapaligiran, ang mga ito ang tatlong pangunahing panganib na nakaamba sa sangkatauhan ngayon.” Ito ang pahayag ni Gng. Nora de Leon, research Division Chief ng National Pollution Control Commission, kaugnay ng pagdiriwang ng Environmental Consciousness Week sa Mataas na Paaralang Clarion.
  19. 19. 4. Batay sa pakikipanayam Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga taong sangkot o may alam sa pangyayari. AYON SA PINAGBABATAYAN
  20. 20. Halimbawa: Nangako si Dr. Lumen Paras, tagapamahal ng Division of City Schools, Manila na tutulong na makalikom ng pondong pampagawa ng annex ng Manila High School upang makatugon sa lumalaking bilang ng mag-aaral. Ginawa ng tagapamahala ang pangakp sa panayam na isinagawa noong mini-press conference sa naturang paaralan, Setyembre 15.
  21. 21. DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG MABISANG PAMATNUBAY
  22. 22. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Mabisang Pamatnubay: 1. Gumamit ng payak na pangungusap. Halimbawa: Gagampanan ni Karen Maneja, patnugot ng Golden Fork, ang papel na bida sa dulang Hamlet ni Shakespeare na itatanghal sa susunod na buwan.
  23. 23. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Mabisang Pamatnubay: 2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Paano at Bakit sa isang pangungusap lamang. Halimbawa: Buksan ang aklat sa pahina 9. 
  24. 24. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Mabisang Pamatnubay: 3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o di-karaniwang salita sa isang pangungusap. Halimbawa: (palarawan) Ang malinis na batis na kanilang pinaliliguan ay may malilinis na batong may kadulasan.
  25. 25. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Mabisang Pamatnubay: 4. Iwasan ang pag-uulit ng mga sugnay, parirala at mga iba pang katulad nitong gramatikong kayarian. Halimbawa: Apat na pasahero sa jeep ang tumilapon dahil sa banggaang naganap sa Shaw Boulevard. Ang apat na pasahero sa jeep ay malubhang nasugatan.
  26. 26. MGA HAKBANG O GABAY SA PAGSULAT NG BALITA
  27. 27. Mga Hakbang/Gabay sa Pagsulat ng Balita 1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap. 2. Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan. 3. Unahing itampok ang pinakamahalagang datos bilang pamatnubay.
  28. 28. Mga Hakbang/Gabay sa Pagsulat ng Balita 4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan ng datos at kaniyang katungkulan. Sa muling pagbanggit sa kanya ay gamitin na lamang ang G. at apelyido ng lalaki at Bb. o Gng. at apelyido ng babae o anumang titulo na angkop sa kanya.
  29. 29. 5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita. 6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos. 7. Gawing maikli ang talata. 8. Gumamit ng mga payak na salita. 9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-iba ibahin ang haba nito. Mga Hakbang/Gabay sa Pagsulat ng Balita
  30. 30. 10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysa sa balintiyak. 11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa magkahiwalay na talata. 12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong sangkot sa balita. 13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang 9 at gawing tambilang ang 10 pataas. Mga Hakbang/Gabay sa Pagsulat ng Balita
  31. 31. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG! 

×