SlideShare a Scribd company logo
1 of 8
Liwayway A. Arceo
Si Liwayway A. Arceo ay isang
kilalang manunulat, editor at scriptwriter para
sa radyo. Ayon sa isang kritikong nag-aral
ukol sa panahon ng dekada sitenta, feminista
na ang turing kay Liwayway Arceo. Ito ay
bago pa man mauso ang katagang feminista.
Si Arceo ang may-akda ng mga
natatanging nobela gaya ng Canal de la
Reina (1985) at Titser (1995). Ipinalimbag
rin ang iba't ibang koleksyon ng maikling
kwento gaya ng Ina, Maybahay, Anak at iba
pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak
na Cruz (1990), at ang Mga Kuwento ng
Pag-ibig (1997). Ang kanyang kuwentong
"Uhaw ang Tigang na Lupa" ay nanalo ng
ikalawang gantimpala sa Pinakamabuting
Maikling Likha noong 1943.
Halos lahat ng kanyang mga gawa ay
inilimbag sa pamantasan ng Ateneo de
Manila at Unibersidad ng Pilipinas.
Bukod sa pagiging isang manunulat, ipinakita rin ni Arceo ang kanyang husay
bilang isang aktres. Ipinamalas niya ito sa isang Hapon at Pilipinong pelikula na
pinamagatang Tatlong Maria.
Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang Carlos Palanca para sa Maikling
Kwento sa Tagalog (1962); isang Gawad CCP para sa Literatura na inihandog ng
Cultural Center of the Philippines (1993); isang Doctorate sa Humane Letters, honoris
causa, mula sa University of the Philippines (1991); ang Catholic Authors Award mula sa
Asian Catholic Publishers (1990), at ang Gawad Balagtas Life Achievement Award para
sa Fiction mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Writers Union of the
Philippines or UMPIL) noong 1998.
Namatay siya noong 1999 sa edad na 75.
Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat
ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng
iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na
lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino.
Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay
tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng
kahalagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang
lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Filipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng
paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog, sa
kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno.
Mga pangunahing aklat ni Arceo ang sumusunod:
* Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998);
* Mga Bathalang Putik (1998)
* Titser (1995)
* Canal de la Reina (1985)
* Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998)
* Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997)
* Mga Maria, Mga Eva (1995)
* Ang Mag-anak na Cruz (1990)
* Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo (1992)
* Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968).
Sumulat din siya ng biyograpikong nobela si Arceo at kabilang dito ang Ako. . . Si Clara
(1990) na hinggil sa buhay ni Santa Clara ng Assissi; Claret, ang Misyonero (1988) na
hinggil sa pundador ng Misyong Claretian; at Francisco ng Assissi na hinggil sa buhay
ng pundador ng ordeng Fransiskano.
Mga tuluyang nobela
Ilan sa tuluyang nobelang nalathala ni Arceo sa magasing Liwayway at sinubaybayan ng
libo-libong mambabasa ang sumusunod: Tulad sa Bituin (1956); Topo-topo (1956-
1957); Sa Abo ng Lumipas (1957); Hanggahan ng Pangarap (1957); Kung Sakali
man at Salát (1958); Sa Habang Panahon (1957-1958); Huwad na Dambana (1957-
1958); Mga Doktor sa Bukid (1959); Ikaw ay Akin (1962); Kung Saan Ka man
Naroroon (1964); Lydia Ansaldo, M.D. (1964); Dalawang Kalbaryo (1964); Tatak ng
Pagkakasala (1965); Kulay Rosas ang Pag-ibig (1964-965); Iba-ibang Kulay ng Pag-
ibig (1966); Liza (1966); Isa ang Susuko (1966); Ang Panigbugho (1966); Hiram na
Laya (1965-1966); Ipakipaglaban Mo Ako (1966-1967); Daigdig na Kristal (1967);
Ginto sa Dulo ng Bahaghari (1967-1968); Minsan Lamang ang Gabi (1968); Ikaw
ang Ilaw Ko (1968); Bahaghari sa Lupa (1969); Nagbabagang Paraiso (1969-1970);
Sa Pinto ng Impiyerno (1970); Bawal na Paraiso (1971); Hanggang sa Kabila ng
Langit (1972); Piitang Ginto (1972); Dalawang Daigdig (1973-1974); Saan man at
Kailan man (1973); at Krus ang Aking Budhi (1976-1977).
Ang kakatwa ay malimit mapagkamalang pag-aari ni Arceo ang magasing
Liwayway dahil ang pangalan niya ay "Liwayway" din. Bukod pa rito, naging mataas na
pamantayan si Arceo bilang manunulat at editor ng nasabing magasin, na nakatulong
nang malaki upang lumaki ang sirkulasyon nito at umabot sa halos kalahating milyong
sipi kada linggo. Ang iba pang tuluyang nobela na hindi binanggit dito ay nasa aklatan
ngayon ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila University. Inihabilin ni Arceo
ang karamihan sa kaniyang antigong papeles, aklat, at memorabilya doon sa aklatan ng
UP noong 28 Agosto 1993 at sa Ateneo Library of Women's Writing (ALIWW) noong
28 Nobyembre 1994. Ang iba pa niyang natitirang aklat at memorabilya ay nasa dating
tahanan niya sa Project 6, Lungsod Quezon, at nakahanda para sa Liwayway A. Arceo
Foundation na itinatag ng kaniyang anak na abogadong si Florante.
Mga nobeleta
Sumulat din ng maiikling nobela si Arceo at ilan dito ang kumita nang malaki,
gaya ng Hanggang sa Kabila ng Langit (1991); Paano Kita Iiwan (1993); Ang Sabi ni
Vic (1993); Si Dina, Si Rosauro, Si Demetria (1993); Laro ng Tadhana (1993);
Buhayin Mo Po ang Anak Ko (1993); Isang Ina. . . Isang Anak (1993); Kahit Ikaw ang
Huling Lalaki (1993); Gabing Payapa, Gabing Tahimik (1993); Huwad na Paraiso
(1993).
Ang paglaganap ng nobeletang Filipino ang nagpagiba sa dati noong moog ng
komiks. Itinaas ng gaya ng mga akda ni Arceo ang kalidad ng mga kuwento at nobelang
pangkomiks, at hinatak ang mambabasa na magtuon sa bagong libangan: libro.
Dulang panradyo at pantelebisyon. Si Arceo ang kauna-unahang manunulat na Filipino
na sumulat ng soap opera sa radyo. Ang kaniyang dulang Ilaw ng Tahanan na
isinahimpapawid ng DZRH, DZMB, at DZPI ay nagsimula noong Marso 1949 at
nagwakas lamang noong Hulyo 1958. Tinipon ni Arceo ang lahat ng kaniyang orihinal na
iskrip, kasama ang mga notasyon, at nakabuo ng 36 tomo na halos sumalamin sa isang
mahabang panahon ng pamilya at lipunang Filipino. Nagkaroon din ng adaptasyon ang
nasabing dula, at ito ay isinalin sa iskrip na pantelebisyon. Ipinalabas ang Ilaw ng
Tahanan sa telebisyon noong 1978. Lingid sa kaalaman ng nakararami, si Arceo ang
manunulat sa likod ni Tiya Dely Magpayo.
Buod ng nobelang Titser
Isang pag-ibig ang sumibol kay Amelita ng makilala niya si Mauro, ang kanyang
guro.Ang siyang dahilan kung kaya’t ang kanyang kinuhang kurso ay ang maging guro.
Ang maging titser ay lubhang tinutulan ng kanyang ina na si Aling Rosa. Sapagkat ang
nais ni Aling Rosa ay maging kagaya ni Amelita ang kanyang mga kapatid na may
“titulo” ," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala
na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa
kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si
Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na
sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng
kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa
pampublikong paaralan ng kanilang bayan. Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling
Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil
sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya
at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng
mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito,
at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang
buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na
sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng
maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na
patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang
inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.
Sa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang
kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong
manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng
hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa
pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya
ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.
Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata.
Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang
para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit
kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba
ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano
itong masama laban sa kanyang pamilya.
Matagal na panahon man ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni
Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong
makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay
naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman
nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si
Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata,
ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni
Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si
Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang
mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-
asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak.
At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali. At siya’y humingi ng tawad kay
Amelita at Mauro.
Buod ng Canal dela Reina
Binalikan ni Caridad de los Angeles ang lugar kung saan unang namulat ang
kanyang mga mata, ang Canal de la Reina, makalipas ang ilang taon mula nang lisanin
niya ito dulot ng sunog bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit
sumikip ang kanyang dibdib nang maratnang ang lupang noo’y tila paraiso sa kanya ay
isa nang larawan ng kahirapan dahil sa mga iskwater at sa ‘di kanais-nais na tanawin at
amoy.
Nagtungo siya sa Canal de la Reina kasama ang asawang si Salvador at ang mga
anak na sina Leni at Junior upang bisitahin ang kanilang lupa na ipinagkatiwala pa ng
mga ninuno niya kay Osyong. Ngunit hindi niya inaasahan na ang lupang ipinamana sa
kanya ay ipinagbili ni Osyong sa usurerang si Nyora Tentay nang mabaon ito sa utang. Sa
suliraning ito nag-umpisa ang pagkakaugnay-ugnay ng mga tauhan sa bawat isa.
Ipinapakita lamang na mahalaga ang lugar sa buhay ng tao.
Nagdemanda si Caridad patungkol sa pagmamay-ari ng lupa. Hindi naman siya
inurungan ni Nyora Tentay. Hindi naging hadlang ang kanilang kasarian bilang babae na
maging matigas at malakas ang loob. Si Caridad ay suportado ng kanyang mapagmahal
na pamilya. Naninindigan sila sa katotohanang maibabalik sa kanila ang lupa sa tulong ni
Atty. Agulto, kahit may kahirapang kalabanin si Nyora tentay dahil pinapakilos nito ang
kanyang pera upang impluwensyahan ang mga opisyal.
Nakatulong sa paglutas sa kaso si Gracia, ang manugang ni Nyora Tentay na
minatapobre ng matanda noong naninirahan pa sa kaniya. Masama ang loob ni Gracia
kay Nyora Tentay at kay Victor na kaniyang hiniwalayang asawa. Nalaman ni Gracia ang
tungkol sa kaso nang masabi sa kanya ni Dado, asawa ng yumaong si Paz na kaibigan
niya. Si Paz bago mamatay ay naging pasyente pa ni Leni. Nagkapalagayan kaagad ng
loob si Gracia at ang pamilya ni Caridad, maging ang mga anak na kapwa doktor, si Gery
at Leni.
Simula nang dumating si Caridad sa buhay ni Nyora Tentay ay tila natauhan na si
Ingga sa pagmamalupit sa kanya ng matanda. Nang dumating ang isang napakalakas na
bagyo na tumangay at luminis sa Canal de la Reina at iba pang bahagi ng Kamaynilaan,
nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tauhan. Ang tubig dulot ng baha ang
naging dahilan ng pagsibol ng kabutihan. Nang tangayin ang mga tao sa Canal de la
Reina kasama na si Nyora Tentay, inagaw ni Ingga ang mga alahas sa katawan at ang
bayong ng kayamanan ni Nyora Tentay upang makapaghiganti. Kapwa sila nakaligtas sa
baha. Si Ingga ay napunta sa Sampaguita Health Center kung saan siya sinundo ni Junior,
nagboluntaryong sumama sa rescue operation, upang iuwi sa bahay ng mga de los
Angeles. Si Nyora Tentay naman ay napunta sa paaralang-bayan ng Lakandula, at
nabaliw nang hindi makita ang kanyang bayong.
Sa kabila ng kasamaan ni Nyora Tentay ay isinauli pa rin ng pamilya de los
Angeles ang bayong ni Nyora Tentay na kinuha ni Ingga. Naroon ang mga papeles ni
Nyora Tentay ngunit nanaig pa rin ang pagiging patas sa puso ng pamilya de los Angeles.
Naibalik na ni Junior ang bayong ngunit hindi pa rin nakakakilala si Nyora
Tentay; kahit si Victor na kaniyang anak ay hindi pa rin niya makilala. Ito ang naging
magandang dahilan ni Victor upang makalapit sa kanyang minamahal na anak, si Gery na
isang manggagamot. Hindi man espesyalista si Gery sa pag-iisip ay inirekomenda niya
ang kanyang Lola Tentay sa isang kakilalang doktor sa mental hospital. Sa panahong
iyon din sa loob ng klinika ni Gery muling nagkatagpo si Victor at si Gracia. Nanliit si
Victor sapagkat sa kabila ng pagiging babae ni Gracia ay nagawa nitong itaguyod si Gery
sa marangal at marangyang pamumuhay samantalang siya ay naging sunud-sunuran
lamang kay Nyora Tentay.
Naramdaman ni Victor na gusto na niyang maging responsible at independenteng
lalaki. Hindi maitatanggi na mahal pa rin niya si Gracia kung kaya’t naglakas-loob na
siyang bumukod ng bahay kay Nyora Tentay nang bumalik na sa katinuan ang matanda.
Ayaw na niyang maging alipin ng salapi ng kanyang ina.
Napatunayan na sa korte na si Caridad ang tunay na may-ari ng lupang inaangkin
ni Nyora Tentay, sa tulong ng pagtestigo ni Tisya, asawa ng yumaong si Osyong na
naging katuwang sa pagbabantay noon sa lupa. Wala ng magagawa pa ang matanda kundi
tanggapin ang kanyang pagkatalo. Nagbabadya ito ng mabuting simulain, total ay hindi
na pinayagan ang mga iskwater sa Canal de la Reina. Malinis na talaga ang lugar.
Karagdagan sa kagalakan ng pamilya de los Angeles ay ang pagkamit ni Leni sa
unang pwesto ng Medical Board Exam bilang babae at pinakabatang doctor. Kasama sa
pagbati at pagbisita ni Gery kay eni ang ama nitong si Victor.
Ang naging wakas ng nobela ay tipikal na hinahanaphanap ng mga Pilipino na
pagsikat ng araw matapos ang malakas na unos. Nagkasundo na ang pamilya de los
Angeles at ang pamilya Marcial mula nang ikasal ang anak ni Caridad at Salvador na si
Leni, at ang anak ni Victor at Gracia na si Gery. Ang dalawa ay magkakaroon na ng
sariling klinika na disenyo ni Junior. Si Junior naman ay pinayagan nang kumuha ng
kursong abogasya matapos ang kasalukuyang kursong arkitektura. Si Ingga ay bumalik
na sa kanyang probinsya. Si Nyora Tentay ay tinanggap na ang pagkatalo. At si Victor at
Gracia naman ay nagkakasundo na rin.
Sa Canal de la Reina nangyari ang masalimuot na bagay, ngunit kaloob pa rin na dito
umusbong ang pagbangon at pag-asa sa mas masiglang bukas. Ngunit hindi pa roon
matatapos ang lahat; sapagkat nagbabadya ang pagdedeklara ng Martial Law sa bansa.
Buod ng Uhaw sa Tigang na Lupa
Naging kapansin pansin sa dalgita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito
makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan
ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang
siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang batang
puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw. Palagi niyang namamalas
ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa nito, pinagmamasdan
niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang
labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata
ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.
Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib
at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi
ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng
ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang
larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak
na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at
tanggapan nito.
Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama
na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng
puso ay hindi pagibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang
ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at
patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya. Nagsalita ang maysakit at sinabing
magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na
kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang
maysakit at nagkatitigan sila ng ina. Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong
nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”.
Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal.
Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala
nang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng
lumisan.

More Related Content

What's hot

Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikanguestaa5c2e6
 
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''Rey Reyes Jr.
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikanyahweh19
 
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoAng Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoMckoi M
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wikaAudrey Jana
 
Pagsasaling Wika - Filipino 3
Pagsasaling Wika - Filipino 3Pagsasaling Wika - Filipino 3
Pagsasaling Wika - Filipino 3Jenny Reyes
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaMarie Louise Sy
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonMarlene Forteza
 
Panitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng HaponesPanitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng Haponesmenchu lacsamana
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santosclairearce
 
Akdang Patula
Akdang PatulaAkdang Patula
Akdang PatulaSCPS
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang TalesEL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang TalesRyan Emman Marzan
 

What's hot (20)

Urbana at Feliza
Urbana at FelizaUrbana at Feliza
Urbana at Feliza
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng LiwanagIbong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
 
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
 
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang FilipinoAng Kapanahunan ng Nobelang Filipino
Ang Kapanahunan ng Nobelang Filipino
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Tatlong Maria (nobela)
Tatlong Maria (nobela)Tatlong Maria (nobela)
Tatlong Maria (nobela)
 
Pagsasaling Wika - Filipino 3
Pagsasaling Wika - Filipino 3Pagsasaling Wika - Filipino 3
Pagsasaling Wika - Filipino 3
 
Panitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikanoPanitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikano
 
Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastila
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikan
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
 
Panitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng RepublikaPanitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng Republika
 
Panitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng HaponesPanitikan sa Panahon ng Hapones
Panitikan sa Panahon ng Hapones
 
Kontemporaryong Panitikan
Kontemporaryong PanitikanKontemporaryong Panitikan
Kontemporaryong Panitikan
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santos
 
Akdang Patula
Akdang PatulaAkdang Patula
Akdang Patula
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang TalesEL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
 

Similar to Obra.liwayway arceo

Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatArlyn Anglon
 
Nagbibihis na ang nayon
Nagbibihis na ang nayonNagbibihis na ang nayon
Nagbibihis na ang nayonisabel guape
 
Jose Abad at Genoveva Edroza Matute
Jose Abad at Genoveva Edroza MatuteJose Abad at Genoveva Edroza Matute
Jose Abad at Genoveva Edroza MatuteZeus David Tesoro
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaRosalie Orito
 
Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...
Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...
Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...Jcnitafan
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanJenita Guinoo
 
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Arianne Falsario
 
Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla
 Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla
Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro AbadillaJhade Quiambao
 
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptxFIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptxmarryrosegardose
 
Rehiyon vii gitnang bisayas
Rehiyon vii gitnang bisayasRehiyon vii gitnang bisayas
Rehiyon vii gitnang bisayasMjMercado4
 
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdfrehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdfmelliahnicolebeboso2
 
panahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptxpanahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptxMarife Culaba
 
Paghahambing sa-mga-kilalang-kritiko-sa-pilipinas
Paghahambing sa-mga-kilalang-kritiko-sa-pilipinasPaghahambing sa-mga-kilalang-kritiko-sa-pilipinas
Paghahambing sa-mga-kilalang-kritiko-sa-pilipinasNikz Balansag
 

Similar to Obra.liwayway arceo (20)

Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
 
ULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptx
ULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptxULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptx
ULAT-SA-REHIYON 3 AT 4.pptx
 
Nagbibihis na ang nayon
Nagbibihis na ang nayonNagbibihis na ang nayon
Nagbibihis na ang nayon
 
Dagli
DagliDagli
Dagli
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
 
Jose Abad at Genoveva Edroza Matute
Jose Abad at Genoveva Edroza MatuteJose Abad at Genoveva Edroza Matute
Jose Abad at Genoveva Edroza Matute
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...
Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...
Pagsusuri ng Araw ng mga Buldoser at Dapithapon ng isang bangkang papel sa bu...
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalan
 
Kang-So-Hye-FILES.pptx
Kang-So-Hye-FILES.pptxKang-So-Hye-FILES.pptx
Kang-So-Hye-FILES.pptx
 
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
 
Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla
 Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla
Naiambag ni Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptxFIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Rehiyon vii gitnang bisayas
Rehiyon vii gitnang bisayasRehiyon vii gitnang bisayas
Rehiyon vii gitnang bisayas
 
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdfrehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
 
panahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptxpanahon ng hapon.pptx
panahon ng hapon.pptx
 
Paghahambing sa-mga-kilalang-kritiko-sa-pilipinas
Paghahambing sa-mga-kilalang-kritiko-sa-pilipinasPaghahambing sa-mga-kilalang-kritiko-sa-pilipinas
Paghahambing sa-mga-kilalang-kritiko-sa-pilipinas
 
DULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdfDULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdf
 

More from Rosalie Orito

Kasadya niining taknaa
Kasadya niining taknaaKasadya niining taknaa
Kasadya niining taknaaRosalie Orito
 
Comparative analysis on various farming techniques in the philippines
Comparative analysis on various farming techniques in the philippinesComparative analysis on various farming techniques in the philippines
Comparative analysis on various farming techniques in the philippinesRosalie Orito
 
Natural farming system
Natural farming systemNatural farming system
Natural farming systemRosalie Orito
 
Rpms and-21st-century-skills-inventory-new-competencies
Rpms and-21st-century-skills-inventory-new-competenciesRpms and-21st-century-skills-inventory-new-competencies
Rpms and-21st-century-skills-inventory-new-competenciesRosalie Orito
 
88 things every professional should know or else word
88 things every professional should know or else word88 things every professional should know or else word
88 things every professional should know or else wordRosalie Orito
 
Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13Rosalie Orito
 
Pamahiin.final.rosalie
Pamahiin.final.rosaliePamahiin.final.rosalie
Pamahiin.final.rosalieRosalie Orito
 
Teaching profession handout a closer look on educational system of the diffe...
Teaching profession handout a closer look on educational system of  the diffe...Teaching profession handout a closer look on educational system of  the diffe...
Teaching profession handout a closer look on educational system of the diffe...Rosalie Orito
 
Familycodeed12lesson plan
Familycodeed12lesson planFamilycodeed12lesson plan
Familycodeed12lesson planRosalie Orito
 

More from Rosalie Orito (20)

Summative.evolution
Summative.evolutionSummative.evolution
Summative.evolution
 
Noche buena
Noche buenaNoche buena
Noche buena
 
Maglipay kita
Maglipay kitaMaglipay kita
Maglipay kita
 
Kasadya niining taknaa
Kasadya niining taknaaKasadya niining taknaa
Kasadya niining taknaa
 
Gatas ng ina
Gatas ng inaGatas ng ina
Gatas ng ina
 
Aral ng langit
Aral ng langitAral ng langit
Aral ng langit
 
Comparative analysis on various farming techniques in the philippines
Comparative analysis on various farming techniques in the philippinesComparative analysis on various farming techniques in the philippines
Comparative analysis on various farming techniques in the philippines
 
Natural farming system
Natural farming systemNatural farming system
Natural farming system
 
Rpms and-21st-century-skills-inventory-new-competencies
Rpms and-21st-century-skills-inventory-new-competenciesRpms and-21st-century-skills-inventory-new-competencies
Rpms and-21st-century-skills-inventory-new-competencies
 
88 things every professional should know or else word
88 things every professional should know or else word88 things every professional should know or else word
88 things every professional should know or else word
 
Demo for ed12
Demo for ed12Demo for ed12
Demo for ed12
 
Isang punungkahoy
Isang punungkahoyIsang punungkahoy
Isang punungkahoy
 
Orito
OritoOrito
Orito
 
Rose.1pdf
Rose.1pdfRose.1pdf
Rose.1pdf
 
Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13
 
Pamahiin.final.rosalie
Pamahiin.final.rosaliePamahiin.final.rosalie
Pamahiin.final.rosalie
 
Pagdedebate format
Pagdedebate formatPagdedebate format
Pagdedebate format
 
A closer look
A closer lookA closer look
A closer look
 
Teaching profession handout a closer look on educational system of the diffe...
Teaching profession handout a closer look on educational system of  the diffe...Teaching profession handout a closer look on educational system of  the diffe...
Teaching profession handout a closer look on educational system of the diffe...
 
Familycodeed12lesson plan
Familycodeed12lesson planFamilycodeed12lesson plan
Familycodeed12lesson plan
 

Recently uploaded

AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 

Recently uploaded (20)

AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 

Obra.liwayway arceo

  • 1. Liwayway A. Arceo Si Liwayway A. Arceo ay isang kilalang manunulat, editor at scriptwriter para sa radyo. Ayon sa isang kritikong nag-aral ukol sa panahon ng dekada sitenta, feminista na ang turing kay Liwayway Arceo. Ito ay bago pa man mauso ang katagang feminista. Si Arceo ang may-akda ng mga natatanging nobela gaya ng Canal de la Reina (1985) at Titser (1995). Ipinalimbag rin ang iba't ibang koleksyon ng maikling kwento gaya ng Ina, Maybahay, Anak at iba pa, Mga Maria, Mga Eva, Ang Mag-anak na Cruz (1990), at ang Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997). Ang kanyang kuwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa" ay nanalo ng ikalawang gantimpala sa Pinakamabuting Maikling Likha noong 1943. Halos lahat ng kanyang mga gawa ay inilimbag sa pamantasan ng Ateneo de Manila at Unibersidad ng Pilipinas. Bukod sa pagiging isang manunulat, ipinakita rin ni Arceo ang kanyang husay bilang isang aktres. Ipinamalas niya ito sa isang Hapon at Pilipinong pelikula na pinamagatang Tatlong Maria. Ilan sa mga natanggap niyang parangal ay ang Carlos Palanca para sa Maikling Kwento sa Tagalog (1962); isang Gawad CCP para sa Literatura na inihandog ng Cultural Center of the Philippines (1993); isang Doctorate sa Humane Letters, honoris causa, mula sa University of the Philippines (1991); ang Catholic Authors Award mula sa Asian Catholic Publishers (1990), at ang Gawad Balagtas Life Achievement Award para sa Fiction mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (Writers Union of the Philippines or UMPIL) noong 1998. Namatay siya noong 1999 sa edad na 75. Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng kahalagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Filipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng
  • 2. paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno. Mga pangunahing aklat ni Arceo ang sumusunod: * Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998); * Mga Bathalang Putik (1998) * Titser (1995) * Canal de la Reina (1985) * Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998) * Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997) * Mga Maria, Mga Eva (1995) * Ang Mag-anak na Cruz (1990) * Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo (1992) * Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968). Sumulat din siya ng biyograpikong nobela si Arceo at kabilang dito ang Ako. . . Si Clara (1990) na hinggil sa buhay ni Santa Clara ng Assissi; Claret, ang Misyonero (1988) na hinggil sa pundador ng Misyong Claretian; at Francisco ng Assissi na hinggil sa buhay ng pundador ng ordeng Fransiskano. Mga tuluyang nobela Ilan sa tuluyang nobelang nalathala ni Arceo sa magasing Liwayway at sinubaybayan ng libo-libong mambabasa ang sumusunod: Tulad sa Bituin (1956); Topo-topo (1956- 1957); Sa Abo ng Lumipas (1957); Hanggahan ng Pangarap (1957); Kung Sakali man at Salát (1958); Sa Habang Panahon (1957-1958); Huwad na Dambana (1957- 1958); Mga Doktor sa Bukid (1959); Ikaw ay Akin (1962); Kung Saan Ka man Naroroon (1964); Lydia Ansaldo, M.D. (1964); Dalawang Kalbaryo (1964); Tatak ng Pagkakasala (1965); Kulay Rosas ang Pag-ibig (1964-965); Iba-ibang Kulay ng Pag- ibig (1966); Liza (1966); Isa ang Susuko (1966); Ang Panigbugho (1966); Hiram na Laya (1965-1966); Ipakipaglaban Mo Ako (1966-1967); Daigdig na Kristal (1967); Ginto sa Dulo ng Bahaghari (1967-1968); Minsan Lamang ang Gabi (1968); Ikaw ang Ilaw Ko (1968); Bahaghari sa Lupa (1969); Nagbabagang Paraiso (1969-1970); Sa Pinto ng Impiyerno (1970); Bawal na Paraiso (1971); Hanggang sa Kabila ng Langit (1972); Piitang Ginto (1972); Dalawang Daigdig (1973-1974); Saan man at Kailan man (1973); at Krus ang Aking Budhi (1976-1977). Ang kakatwa ay malimit mapagkamalang pag-aari ni Arceo ang magasing Liwayway dahil ang pangalan niya ay "Liwayway" din. Bukod pa rito, naging mataas na pamantayan si Arceo bilang manunulat at editor ng nasabing magasin, na nakatulong
  • 3. nang malaki upang lumaki ang sirkulasyon nito at umabot sa halos kalahating milyong sipi kada linggo. Ang iba pang tuluyang nobela na hindi binanggit dito ay nasa aklatan ngayon ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila University. Inihabilin ni Arceo ang karamihan sa kaniyang antigong papeles, aklat, at memorabilya doon sa aklatan ng UP noong 28 Agosto 1993 at sa Ateneo Library of Women's Writing (ALIWW) noong 28 Nobyembre 1994. Ang iba pa niyang natitirang aklat at memorabilya ay nasa dating tahanan niya sa Project 6, Lungsod Quezon, at nakahanda para sa Liwayway A. Arceo Foundation na itinatag ng kaniyang anak na abogadong si Florante. Mga nobeleta Sumulat din ng maiikling nobela si Arceo at ilan dito ang kumita nang malaki, gaya ng Hanggang sa Kabila ng Langit (1991); Paano Kita Iiwan (1993); Ang Sabi ni Vic (1993); Si Dina, Si Rosauro, Si Demetria (1993); Laro ng Tadhana (1993); Buhayin Mo Po ang Anak Ko (1993); Isang Ina. . . Isang Anak (1993); Kahit Ikaw ang Huling Lalaki (1993); Gabing Payapa, Gabing Tahimik (1993); Huwad na Paraiso (1993). Ang paglaganap ng nobeletang Filipino ang nagpagiba sa dati noong moog ng komiks. Itinaas ng gaya ng mga akda ni Arceo ang kalidad ng mga kuwento at nobelang pangkomiks, at hinatak ang mambabasa na magtuon sa bagong libangan: libro. Dulang panradyo at pantelebisyon. Si Arceo ang kauna-unahang manunulat na Filipino na sumulat ng soap opera sa radyo. Ang kaniyang dulang Ilaw ng Tahanan na isinahimpapawid ng DZRH, DZMB, at DZPI ay nagsimula noong Marso 1949 at nagwakas lamang noong Hulyo 1958. Tinipon ni Arceo ang lahat ng kaniyang orihinal na iskrip, kasama ang mga notasyon, at nakabuo ng 36 tomo na halos sumalamin sa isang mahabang panahon ng pamilya at lipunang Filipino. Nagkaroon din ng adaptasyon ang nasabing dula, at ito ay isinalin sa iskrip na pantelebisyon. Ipinalabas ang Ilaw ng Tahanan sa telebisyon noong 1978. Lingid sa kaalaman ng nakararami, si Arceo ang manunulat sa likod ni Tiya Dely Magpayo.
  • 4. Buod ng nobelang Titser Isang pag-ibig ang sumibol kay Amelita ng makilala niya si Mauro, ang kanyang guro.Ang siyang dahilan kung kaya’t ang kanyang kinuhang kurso ay ang maging guro. Ang maging titser ay lubhang tinutulan ng kanyang ina na si Aling Rosa. Sapagkat ang nais ni Aling Rosa ay maging kagaya ni Amelita ang kanyang mga kapatid na may “titulo” ," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan ng kanilang bayan. Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro. Sa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro. Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba
  • 5. ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya. Matagal na panahon man ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag- asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali. At siya’y humingi ng tawad kay Amelita at Mauro.
  • 6. Buod ng Canal dela Reina Binalikan ni Caridad de los Angeles ang lugar kung saan unang namulat ang kanyang mga mata, ang Canal de la Reina, makalipas ang ilang taon mula nang lisanin niya ito dulot ng sunog bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit sumikip ang kanyang dibdib nang maratnang ang lupang noo’y tila paraiso sa kanya ay isa nang larawan ng kahirapan dahil sa mga iskwater at sa ‘di kanais-nais na tanawin at amoy. Nagtungo siya sa Canal de la Reina kasama ang asawang si Salvador at ang mga anak na sina Leni at Junior upang bisitahin ang kanilang lupa na ipinagkatiwala pa ng mga ninuno niya kay Osyong. Ngunit hindi niya inaasahan na ang lupang ipinamana sa kanya ay ipinagbili ni Osyong sa usurerang si Nyora Tentay nang mabaon ito sa utang. Sa suliraning ito nag-umpisa ang pagkakaugnay-ugnay ng mga tauhan sa bawat isa. Ipinapakita lamang na mahalaga ang lugar sa buhay ng tao. Nagdemanda si Caridad patungkol sa pagmamay-ari ng lupa. Hindi naman siya inurungan ni Nyora Tentay. Hindi naging hadlang ang kanilang kasarian bilang babae na maging matigas at malakas ang loob. Si Caridad ay suportado ng kanyang mapagmahal na pamilya. Naninindigan sila sa katotohanang maibabalik sa kanila ang lupa sa tulong ni Atty. Agulto, kahit may kahirapang kalabanin si Nyora tentay dahil pinapakilos nito ang kanyang pera upang impluwensyahan ang mga opisyal. Nakatulong sa paglutas sa kaso si Gracia, ang manugang ni Nyora Tentay na minatapobre ng matanda noong naninirahan pa sa kaniya. Masama ang loob ni Gracia kay Nyora Tentay at kay Victor na kaniyang hiniwalayang asawa. Nalaman ni Gracia ang tungkol sa kaso nang masabi sa kanya ni Dado, asawa ng yumaong si Paz na kaibigan niya. Si Paz bago mamatay ay naging pasyente pa ni Leni. Nagkapalagayan kaagad ng loob si Gracia at ang pamilya ni Caridad, maging ang mga anak na kapwa doktor, si Gery at Leni. Simula nang dumating si Caridad sa buhay ni Nyora Tentay ay tila natauhan na si Ingga sa pagmamalupit sa kanya ng matanda. Nang dumating ang isang napakalakas na bagyo na tumangay at luminis sa Canal de la Reina at iba pang bahagi ng Kamaynilaan, nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga tauhan. Ang tubig dulot ng baha ang naging dahilan ng pagsibol ng kabutihan. Nang tangayin ang mga tao sa Canal de la Reina kasama na si Nyora Tentay, inagaw ni Ingga ang mga alahas sa katawan at ang bayong ng kayamanan ni Nyora Tentay upang makapaghiganti. Kapwa sila nakaligtas sa baha. Si Ingga ay napunta sa Sampaguita Health Center kung saan siya sinundo ni Junior, nagboluntaryong sumama sa rescue operation, upang iuwi sa bahay ng mga de los Angeles. Si Nyora Tentay naman ay napunta sa paaralang-bayan ng Lakandula, at nabaliw nang hindi makita ang kanyang bayong. Sa kabila ng kasamaan ni Nyora Tentay ay isinauli pa rin ng pamilya de los Angeles ang bayong ni Nyora Tentay na kinuha ni Ingga. Naroon ang mga papeles ni Nyora Tentay ngunit nanaig pa rin ang pagiging patas sa puso ng pamilya de los Angeles.
  • 7. Naibalik na ni Junior ang bayong ngunit hindi pa rin nakakakilala si Nyora Tentay; kahit si Victor na kaniyang anak ay hindi pa rin niya makilala. Ito ang naging magandang dahilan ni Victor upang makalapit sa kanyang minamahal na anak, si Gery na isang manggagamot. Hindi man espesyalista si Gery sa pag-iisip ay inirekomenda niya ang kanyang Lola Tentay sa isang kakilalang doktor sa mental hospital. Sa panahong iyon din sa loob ng klinika ni Gery muling nagkatagpo si Victor at si Gracia. Nanliit si Victor sapagkat sa kabila ng pagiging babae ni Gracia ay nagawa nitong itaguyod si Gery sa marangal at marangyang pamumuhay samantalang siya ay naging sunud-sunuran lamang kay Nyora Tentay. Naramdaman ni Victor na gusto na niyang maging responsible at independenteng lalaki. Hindi maitatanggi na mahal pa rin niya si Gracia kung kaya’t naglakas-loob na siyang bumukod ng bahay kay Nyora Tentay nang bumalik na sa katinuan ang matanda. Ayaw na niyang maging alipin ng salapi ng kanyang ina. Napatunayan na sa korte na si Caridad ang tunay na may-ari ng lupang inaangkin ni Nyora Tentay, sa tulong ng pagtestigo ni Tisya, asawa ng yumaong si Osyong na naging katuwang sa pagbabantay noon sa lupa. Wala ng magagawa pa ang matanda kundi tanggapin ang kanyang pagkatalo. Nagbabadya ito ng mabuting simulain, total ay hindi na pinayagan ang mga iskwater sa Canal de la Reina. Malinis na talaga ang lugar. Karagdagan sa kagalakan ng pamilya de los Angeles ay ang pagkamit ni Leni sa unang pwesto ng Medical Board Exam bilang babae at pinakabatang doctor. Kasama sa pagbati at pagbisita ni Gery kay eni ang ama nitong si Victor. Ang naging wakas ng nobela ay tipikal na hinahanaphanap ng mga Pilipino na pagsikat ng araw matapos ang malakas na unos. Nagkasundo na ang pamilya de los Angeles at ang pamilya Marcial mula nang ikasal ang anak ni Caridad at Salvador na si Leni, at ang anak ni Victor at Gracia na si Gery. Ang dalawa ay magkakaroon na ng sariling klinika na disenyo ni Junior. Si Junior naman ay pinayagan nang kumuha ng kursong abogasya matapos ang kasalukuyang kursong arkitektura. Si Ingga ay bumalik na sa kanyang probinsya. Si Nyora Tentay ay tinanggap na ang pagkatalo. At si Victor at Gracia naman ay nagkakasundo na rin. Sa Canal de la Reina nangyari ang masalimuot na bagay, ngunit kaloob pa rin na dito umusbong ang pagbangon at pag-asa sa mas masiglang bukas. Ngunit hindi pa roon matatapos ang lahat; sapagkat nagbabadya ang pagdedeklara ng Martial Law sa bansa.
  • 8. Buod ng Uhaw sa Tigang na Lupa Naging kapansin pansin sa dalgita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi. Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw. Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya, ang pagbabasa nito, pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat. Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik. Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama. Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito. Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina. Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya. Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan. Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina. Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”. Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal. Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.