Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Editoryal

74,490 views

Published on

Published in: Education

Editoryal

  1. 1. Editoryal Ni Jovina Lazo
  2. 2. Kahulugan • Ang editoryal ay hindi lamang kinakasangkapan upang hatakin ang mambabasa na pumaling sa isang panig ng pananaw o paniniwala, bagkus upang kumbinsihin—kung hindi man tahasang pilitin—ang sinumang awtoridad o pinatutungkulan na pumanig at gawin kung kinakailangan ang mungkahi ng isang publikasyon. (Roberto Añonuevo, 2008)
  3. 3. • Isang lathalahin sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng puna ng editor at kauri nito. • Ang isa sa pinakamagaling na katuturan ng editoryal ay yaong nagsasabing ang artikulong ito’y isang ambag sa pakikipagtalo sa isang paksang napapanahon. (Miller)
  4. 4. • Ang Editoryal o pangulong-tudling ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa. • Ito ay tinatawag ding tinig ng pahayagan. http://www.takdangaralin.com/filipino/editoryal/editoryal-pagsulat-ng- editoryal-o-pangulong-tudling/
  5. 5. Wikipedia • Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng isang pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon.
  6. 6. • Ang editoryal ay isang artikulong sinulat ng editor at / o kauri nito batay sa umiiral na mahahalagang balita upang magbigay-puri, manuligsa, magpaunawa, magturo, o sa mga kinauukulan.
  7. 7. May pinagkaiba ba ang editoryal sa balita?
  8. 8. Balita Editoryal • Batay sa mga napapanahong pangyayari . • Hindi maaaring magbigay ng opinyon tanging mga katotohanan lamang • Batay sa mga napapanahong balita • Ito ay nagsasaad ng puna o pakikipagtalo .
  9. 9. Ang masalimuot na mga balita ay hindi ipinagwawalambahala ng mga editor ng pahayagan, nagbibigay sila ng kanilang mga kuro-kuro at matalinong mga puna na kalimitang may himig mapagbuo. Ang mga editor ng mga pahayagang pampaaralan ay nagbibigay rin ng mabisang lunas sa mga suliranin ng paaralan na kapaki- pakinabang kung malulutas agad, o kaya naman dahil sa kanilang puna ay nabubuksan nila ang isip ng mga mag-aaral, guro’t tagapamahala.
  10. 10. May pinagkaiba ba ang editoryal sa sanaysay?
  11. 11. Sanaysay Editoryal • Ito’y isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon, at iba pa ng awtor hinggil sa isang paksa sa alinmang larangan o kaalaman, maging pampulitika, panlipunan, pang- edukasyon, panrelihiyon, pang-araw-araw na gawain at iba pa. • Mas malawak ang gamit. • Maaring matawag na sanaysay. • Hinahango sa mga balitang pangkasalukuyan. • Karaniwang nakikita lamang sa dyaryo at magasin.
  12. 12. • Ang ilang editoryal na lumalabas sa mga pahayagang gaya ng Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Manila Bulletin, at Philippine Standard Today ay maituturing na isa nang ganap na sanaysay na mahaba kaysa editoryal ng mga pangunahing tabloyd sa bansa na gaya ng Abante, Balita, Bulgar, at Tano • Gayunman, ang mga editoryal sa tabloyd ay maituturing na makabagong bersiyon ng “dagli” na nagtutuon sa isang isyu, at maikli kung ikokompara sa editoryal ng malalaking pahayagan. Ayon ka Robert Anonuevo
  13. 13. • karaniwang binubuo ng 200 salita o higit pa— kailangang pagtuunan nito ang isang paksa lamang at gumamit ng pagdulog na payak na makaaabot sa hinagap ng masa upang maisilid ang lahat ng opinyon, puna, mungkahi, at kuro- kuro sa gaya ng politika, ekonomiya, kultura, isports, at kaugnay na lárangan
  14. 14. Editor o Patnugot • Ang patnugot ay isang tagasulat ng pangulong tudling o editoryal.
  15. 15. Mga Katangiang Dapat taglayin ng isang Editoryal
  16. 16. 1. Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang na ideya. 2. Kailangan itong maging malinaw 3. Kailangan itong maging makatwiran. 4. Bawat sabihing katwwiran ay kailangang may patunay. 5. Kailangang makatotohanan 6. Kailangan itong magtagaly ng katangiang nakalilibang bukod pa sa nakawiwili. 7. Kailangan itong umiwas sa pagmumura ni sa pagsesermon.
  17. 17. 1. Ang editoryal ay kailangang magtaglay ng isa lamang na ideya. • Maaring ang suliranin ay manggalig sa isang balita ng isang pahayagang pang-araw,araw na may kinalaman sa buhay at suliranin ng mga mag-aaral o ng mamamayan, basta”t iyoy isang pakasang napapanahong pahalagahan o isang suliraning hindi pa tiyak ang kalutasan.
  18. 18. 2. Kailangan itong maging malinaw • Kailangang iukol ang unang talataan sa pagsasaad na muli ng kanilang katwiran nang malinaw, ngunit maikli
  19. 19. 3. Kailangan itong maging makatwiran. • Simulan ang artikulo sa mga bagay na hindi kilala patungo sa lalong hindi kilala o di kaya’y mula Kailangan itong maging makatwiran maliit na detayepatungo sa konklusyon • Gumamit ng tayutay
  20. 20. 4. Bawat sabihing katwwiran ay kailangang may patunay. • Kailangang lakipan ito ng mga katibayan bilang patunay sa binibigyang katuwiran
  21. 21. 5. Kailangang makatotohanan • Pagsasangguni sa mga aklat, magasin, lathalain, journal na may kaugnayan sa paksa.
  22. 22. 6. Kailangan itong magtagaly ng katangiang nakalilibang bukod pa sa nakawiwili. 7. Kailangan itong umiwas sa pagmumura ni sa pagsesermon.
  23. 23. Mga Uri ng Editoryal
  24. 24. 1. Editoryal na nagpapabatid. 2. Editoryal na nagpapakahulugan 3. Editoryal na pumupuna at nagbibigay ng reforma 4. Pagpaparangal at pagbibigay-puri 5. Nagpapahalaga sa mga natatanging araw 6. Paglalahad na nababatay sa tahasang sabi. 7. Paglilibang
  25. 25. Editoryal na nagpapabatid • Ito’y nagbibigay kaalaman o linaw sa ilang pangyayaring hindi gaanong maunawaan.
  26. 26. Editoryal na nagpapakahulugan • Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban ay pinipiga nito ang hahantungang kahulugan ng isang balita, pangyayari o kalagayan.
  27. 27. pumu • Matamang tumutuligsa ito sa tiwaling hakbangin ng makapangyarihan, samahan, lipunan, karaniwang mamayan, at iba pa. at nagmumungkahi ngreforma
  28. 28. parangal • Pinapahalagahan ang kinauukulan sa pamamagitan ng mga pangungusap na busog sa diwang mabulaklak, subalit matapat.
  29. 29. 5. Nagpapahalaga sa mga natatanging araw
  30. 30. Mga bahagi ng isang editoryal
  31. 31. Panimula • Nagpapakilala ng paksa. Kailangang ito'y maikli ngunit makatawag pansin. Katawan • Kalimitang binubuo ng dalawa o mahigit pang talataan na nagsusuri o nagpapaliwanag sa punong ideya, sa tulong ng mga katibayan na nagpapatingkad sa paglalahad ng sariling kuro-kuro • Katawan- Ipinapahayag ang opinyon o kuru-kuro ng patnugot. Pro (pagpanig) Con (pagsalungat)
  32. 32. • Ipinapahayag ang bahaging panghihikayat sa mambabasa sang-ayon sa kaisipang nais ikintal ng editoryal. Wakas • Maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng may-akda.
  33. 33. Mga Teknik sa Pagsulat ng Panimula a. Pagtatanong b. Paglalahad ng paksa c. Pagsasalaysay ng isang pangyayari o insidenteng may kaugnay sa paksa d.Pagsipi e. Kapansin pansin na panimula f. Kuru-kurong laban o sang-ayon sa paksa g. Mungkahi o tagubilin ukol sa paksa
  34. 34. Pagsulat ng Pangulong Tudling
  35. 35. Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsulat ng Pangulong Tudling 1. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang akkitin ang mambabasa. 2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ngpaglalahad ng mga katibayan nang maayos at malinaw.
  36. 36. • 3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip.. - gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simula. - gumamit ng paghahambing at pag-iiba iba. - gumamit ng magkatulad na kalagayan. - banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalayagan.
  37. 37. • 4. Tapusin nang naangkop. 5. Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang wakas. 6. Huwag mangaral o magsermon (No preaching). Ilahad lamang ang katwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling pagpapasya. 7. Sunduin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat-kaisahan (unity), linaw (charity), pagkakaugnay-ugnay (coherence), at diin (emphasis).
  38. 38. Salamat …
  39. 39. • Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik; Teresita T. Galang, Lu R. Samson, Alita G. Agapay http://prezi.com/gadfvzfivp2c/editoryal/
  40. 40. wiki • Tatlong bahagi ng editoryal[baguhin] • Naglalaman ng tatlong bahagi ang balangkas ng editoryal: • Panimula, kung saan binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin. Kailangang ito'y maikli ngunit makatawag pansin. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang ito'y batay sa balita o isang pangyayari. Maaaring gumamit ng alinman sa panimula: isang tanong, isang salawikain, pasalaysay na panimula, tuwirang sabi • Katawan, kung saan sumusuri, nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na paraan. Nagbibigay ito ng tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng editoryal. Dito rin isinusulat ang pananaw ng awtor tungkol sa isyu na pinaguusapan. • Pangwakas, na maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng may-akda. • Mga uri ng editoryal[baguhin] • Pagsasalaysay. Ipinaliliwanag ang kahalagahan o kahulugan ng isang balita, kalagayan, o ideya. • Paglalahad. Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari. • Pangangatwiran Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago. • Paglalarawan. Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan. • Pagtutol. Dito ang may-akda ay nagbibigay ng kanyang panig at ipaglalaban niya ito upang makumbinsi ang mga nagbabasa. • Nagpapaaliw Nakakabigay ito ng ngiti at halakhak habang naglalahad ng katotohanan. • Espesyal na okasyon Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng isang okasyon.
  41. 41. ta • Mga Uri ng Editoryal • 1. Nagpapakahulugan. Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan o kahulugan ng isang mahalagang pangyayari. • 2. Nagpapabatid. Ito’y nagbibigay kaalaman o linaw sa ilang pangyayaring hindi gaanong maunawaan. • 3. Namumuna at nagpapabago. Pumupuna ito sa isang kalagayan ng isang tao, o ng isang paraan ng pag-iisip sa layuning makakuha ng mga kapanig sa paniniwala at kung mangyayari’y makapagbunsod ng pagbabago. • 4. Nagpaparangal at nagbibigay-puri. Nagbibigay ito ng papuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa, nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang katangi-tanging Gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na may nagawang pambihirang kabutihan. • 5. Nagpapahalaga sa natatanging araw. Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng mga tanging araw o okasyon. • 6. Nanlilibang. Hindi ito karaniwang sinusulat. Ang paraang ginagamit ditto ay di-pormal, Masaya, kung minsan ay sentimental, at karaniwang maikli lamang

×