2. PAGHINUHA
Naitanong mo ba sa iyong sarili kung saan
nagmula ang wika? Saan nga kaya ito nagmula?
Isulat sa kahon sa iyong mga hinuha kung paano
at saan nagmula ang wika.
3.
4. 1. Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon
Ang mga teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng
Wika ay matatagpuan Sa Banal na Aklat. Sa Genesis 2:20
naisulat na at pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga
hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat
ganid Sa parang. Ayon sa bersong ito, magagamit
kasabay ng pagkalalang sa tao ay ang pagsilang din ng
wika na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Sa Genesis
11:1-9 naman ay ipinakikita ang pinagmulan ng
pagkakaiba- iba ng wika. Basahin ang sumusunod na mga
berso mula sa Bibliya.
Genesis 11: 1-9 Ang Bagong Magandang Balita Bilbliya
5. 1. Ebolusyon
Ayon sa mga antropologo, masasabi raw na sa
pagdaan ng panahon ang mga tao ay nagkaroon ng mas
sopistikadong pag-isip. Umunlad ang kakayahan ng
taong tumuklas ng mga bagay na kakailanganin nila
upang mabuhay kayâ sila ay nakadiskubre ng mga
wikang kanilang ginamit sa pakikipagtalastasan. Sa
huling bahagi ng ikalabindalawang siglo, ang mga iskolar
ay nagsimulang mag-usisa kung paanong ang tao ay
nagkaroon ng mga wika. Nagsulputan ang sumusunod
na mga teoryang nagtatatangkang ipaliwanag ang
pinagmulan ng wika.
6. a. Teoryang Ding Dong
Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa
panggagaya ng mga Sinaunang tao sa mga tunog ng
kalikasan. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang boom ay
palaging naikakabit sa pagsabog, splash sa paghampas
ng tubig sa isang bagay, at whoosh sa pag-ihip ng hangin.
Sinasabing ang paggaya sa mga tunog ng kalikasan ay
bunga ng kawalan ng kaalaman sa mga salita ng mga
Sinaunang tao. Ipinakikita ng teoryang ito na ang lahat ng
bagay ay may sariling tunog na maaaring gamitin upang
pangalanan ang bagay na iyon. Malaking tulong ang
paggaya ng mga tunog sa paglikha nila ng sariling wika.
7. b. Teoryang Bow-Wow
Katulad ng leoryang Ding-Dong, ang wika raw
ay nagmula sa panggagaya ng mga sinaunang
tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop,
katulad ng bow-wow para sa áso, ngiyaw para
sa pusa, kwak-kwak para sa pato, at moo para
sa báka. Pinaniniwalaang nabuo ng mga
primitibong tao ang kanilang mga unang salita
sa panggagaya sa mga ito. Sinasabi pang
kagaya ng mga sanggol na nag-uumpisang
magsalita, ginagaya ng mga ito ang mga tunog
na kanilang naririnig. Hindi rin nakapagtataka
kung bakit tinawag na "tuko" ang tuko. Ngunit
marami ang hindi sang-ayon sa teoryang ito
sapagkat sa bawat bansa ay naiiba ang tawag
8. c.Teoryang Pooh-Pooh
Isinasaad ng teoryang ito na nagmula
raw ang wika sa mga salitang namutawi
sa mga bibig ng sinaunang tao nang
nakaramdam Sila ng masisidhing
damdamin tulad ng tuwa, gálit, sákit,
sarap, kalungkutan, at pagkabigla. Ang
patalim ay tinawag na ai ai sa Basque sa
kadahilanang ai ai ang winiwika kapag
nasasaktan. Ang ibig sabihin ng ai ai sa
Basque ay “aray.”
9. c.Teoryang Ta-Ta
Batay sa teoryang ito, may koneksiyon
ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa
paggalaw ng dila. Ito raw ay naging
sanhi ng pagkatuto ng taong Iumikha ng
tunog at matutong magsalita. Ayon sa
mga nag-aral ng ebolusyon ng tao, ang
salita raw ay mula sa mga galaw at
kumpas na humantong sa pagkilala ng
wika.
10. c. Teoryang Yo-he-ho
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay
nabuo mula sa pagsasama-sama, lalo
na kapag nagatrabaho nang
magkakasama. Ang mga tunog o himig
na namumutawi sa mga bibig ng tao
kapag silá ay nagtatrabaho nang sama-
sama ay sinasabing pinagmulan ng
wika.
12. 1.Teoryang Pandarayuhan
Kilala rin ang teoryang ito sa
taguring wave migration theory na
pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer,
isang Amerikanong antropologo noong
1916. Naniniwala si Beyer na may
tatlong pangkat ng taong dumating sa
Pilipinas na nagpasimula ng lahing
Pilipino. Ang mga ito ay ang mga grupo
ng Negrito, Indones, at Malay.
13.
14. Nasira ang teorya ni Beyer nang matagpuan ng
pangkat ng mga arkeologo ng Pambansang
Museo ng Pilpinas sa pangunguna ni Dr. Robert
B. Fox ang harap ng isang bungo at 1sang buto
ng panga sa yungib ng Tabon sa Palawan
noong 1962. Ang natagpuang bungong8 to ng
tao ang nagpatunay na mas unang dumating sa
Pilipinas ang tao kaysa sa Malaysia na
sinasabing siyang pinanggalingan ng mga
Pilipino.
15.
16. Sa mga makabagong impormasyong
nakalap noong 1962, lumalabas na unang
nagkaroon ng tao sa Pilipinas kaysa sa
Malaysia at sa Indonesia. Pinatunayan din
nina Landa Jocano sa kanyang pag-aaral
ukol sa kasaysayan ng Pilipinas sa UP
Center for Advanced Studies noong 1975
at ng mga mananaliksik ng National
Museum na ang bungong natagpuan ay
kumakatawan sa unang lahing Pilipino sa
Pilipinas.
17.
18. 1. Teoryang Pandarayuhan mula sa Rehiyong
Austronesyano
Isa sa pinakabagong teorya tungkol sa
pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang Teorya ng
Pandarayuhan mula sa rehiyong
Austronesyano. Pinanimiwalaan ng teoryang ito
na ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing
Austronesian. Ang Austronesian ay hinango sa
salitang Latin na auster na nangangahulugang
"south wind" at nesos na ang ibig sabihin ay
"isla.
21. Pagkatapos ng mga katutubo, ang mga
Kastila naman ang nandayuhan sa
Pilipinas. Layunin nilang ikintal sa isip at
puso ng mga katutubo ang Kristiyanismo.
Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang
"barbariko, di sibilisado at pagano as mga
katutubo noon kung kaya't dapat lamang
nilang gawing sibilisado ang mga tao sa
pamamagitan ng kanilang
pananampalataya.
22. . Ang mga ordeng ito
ay ang Agustino,
Pransiskano,
Dominiko, Heswita,
at Rekoleto.
23. Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap
ng Kristiyanismo, ang mga misyonerong Espanyol
mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo. Nakita
nilang mas madaling matutuhan ang wika ng isang
rehiyon kaysa ituro sa lahat ang wikang Espanyol.
Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng kanılang
relihiyon mas magiging kapani-paniwala at mas
mabisa kung ang mismong banyaga ang nagsasalita
ng wikang katutubo. Dahil dito ang mga prayle ay
nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-
panggramatika, katekismo at mga kumpesyonal para
sa mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong
wika
24. Nasa kamay ng mga misyonerong nasa ilalim ng
pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng mamamayan
noong panahon ng mga Espanyol. Naging usapn ang
wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino. Iniutos ng Hari
na gamitin ang wikang katutubo sa pagtuturo ngunit hindi
naman ito nasunod. Nagmungkahi naman si Gobernador
Tello na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol. Sina
Carlos I at Felipe II naman ay naniniwalang kailangang
maging bilingguwal ng mga Pilipino. Iminungkahi naman ni
Carlos I na ituro ang Doctrina Christiana gamit ang wikang
Espanyol. Sa huli napalapit ang mga katutubo sa mga prayle
dahil sa wikang katutubo ang ginamit nila samantalang
napalayo naman sa pamahalaan dahil sa wikang Espanyol
ang gamit nila.
25.
26. Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol
sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng
katutubo noong ika-2 ng Marso 1634. Nabigo ang
nabanggit na kautusan kaya si Carlos ll ay
lumagda ng isang dekrito na inuulit ang probisyon
ng nabanggit na kautusan. Nagtakda rin siya ng
parusa para sa mga hindi susunod dito. Noong
Disyembre 29, 1972, si Carlos IV ay lumagda sa
isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang
wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa
pamayanan ng mga Indio.
27. Mababatid sa parte ng kasaysayang ito
na nanganib ang wikang katutubo.Sa
panahong ito, lalong nagkawatak-watak
ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at
nasakop ng mga Espanyol ang mga
katutubo. Hindi nila itinamin sa isipan ng
mga Pilipino ang kahalagahan ng isang
wikang magbibigkis ng kanilang mga
damdamin.
29. Matapos ang mahigit na tatlong daang
taong pananahimik dahil sa pananakop
ng mga Espanyol, namulat ang mga
mamamayan sa kaapihang kanilang
dinaranas. S pananong to, maraming
mga Pilipino ang naging matindi ang
damdaming nasyonalismo. Nagtungo
sila sa ibang bansa upang kumuha ng
mga karunungan.
30. Nagkaroon din ng kilusan ang
propagandista noong 1872 na siyang
naging Simula ng kamalayan upang
maghimagsik. Itinatag din nina Andres
Bonifacio ang Katipunan. Ang wikang
Tagalog ang ginamit sa kanilang mga
kautusan at pahayagan. Ito ang
sinasabing unang hakbang tungo sa
pagtataguyod ng wikang Tagalog.
31. Nang panahong iyon sumibol sa mga
manghihimagsik na Pilipino ang kaisipang "isang
bansa, isang diwa "laban sa mga Espanyol. Pinili
nilang gamitin ang tagalog sa pagsulat ng mga
sanaysay, tula, kuwento, liham, at mga talumpati na
punumpuno ng damdaming makabayan. Masisidhing
damdamin laban sa mga Espanyol ang pangunahing
paksa ng kanilang mga isinulat. Kahit si Rizal at iba
pang propagandista na sumulat na gamit ang wikang
Espanyol ay nakababatid na ang wika ay malaking
bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan
nila.
32. Masasabing ang unang
konkretong pagkilos ng mga Pilipino
ay nang pagtibayin ang Konstitusyon
ng Biak-na-Bato noong 1899.
Ginawang opisyal na wika ang
Tagalog bagama't walang isinasaad
na ito ang magiging wikang
pambansa ng Republika.
33. Nang itinatag ang Unang Republika sa
pamumuno ni Aguinaldo, isinaad sa Konstitusyon
na ang paggamit ng wikang Tagalog ay opsiyonal.
Doon lamang sa mga gawaing nangangailangan ng
paggamit ng wikang Tagalog ito gagamitin.
Sinasabing ang pamamayani ng mga ilustrado sa
Asembleyang Konstitusyonal ang pangunahing
dahilan nito. Nais ding maakit ni Aguinaldo ang mga
di Tagalog. Nakalulungkot isiping naging biktima ng
politika ang wikang Tagalog. Nag- uumpisa pa
lamang sana itong lumago ay napailalim na naman
ito sa dayuhang wika.
34. PROGRESS DEFINITION TEST
Naunawaan mo ba ang mga pinagdaanang
pangyayari ng ating wika sa naunang tatlong
panahon na nabanggit sa araling ito? Isulat sa
linya ang mga mahahalagang pangyayari sa
bawat kahon.
1. Panahon ng mga Katutubo
2. Panahon ng mga Espanyol
3. Panahon ng Rebolusyong Pilipino
35. PAGBIBIGAY – REAKSIYON
Basahin ang mga pahayag.
Sang- ayon ka ba sa mga ito?
Mayroon bang ibang kaisipang
nais mong iugnay sa mga ito?
Gamit ang estratehiyang Read
and React, ilahad na iyong
sariling opinion, pananaw o
kongklusyon hinggil sa mga
pahayag na tumatalakay sa
36. 1.Read: Ayon kay Jean-Jacques Rousseau,
"Ang pagkalikha ng wika ay hindi nagmula sa
pangangailangan nito ngunit nanggaling sa
silakbo ng damdamin. Ang pangangailangan
ay maaaring makapaghati-hati sa mga tao at
magtulak sa kanilang magkanya-kanya,
ngunit ang silakbo ng damdamin ang
nagtutulak na mamutawi sa bibig ng mga tao
ang iyak, halakhak, sigaw, galit na maaaring
pinagmulan ng sinaunang wika."
37. 2. Read: Sinasabing malaking bahagi ng
ginawa ng mga katutubo noon ay hindi
na matagpuan sapagkat sinunog na ng
mga dayuhang Espanyol ang mga ito
dahil kagagawan daw ito ng diyablo.
Maliban sa dahilang iyon, nabuo sa
kanilang sarili na magiging sagabal iyon
sa pagpapalaganap nila ng
pananampalatayang Katoliko.
38. 3. Read: Noong panahon ng mga
Espanyol, naging malaking usapin ang
wikang gagamitin sa pagpapalawak ng
Kristiyanismo. Naniniwala ang mga
Espanyol noong mga panahong iyon na
mas mabisa ang paggamit ng
katutubong wika sa pagpapatahimik sa
mamamayan kaysa sa libong sundalong
Espanyol.
39. 4. Read: Matagumpay na
nahati at nasakop ng mga
Espanyol ang mga katutubo.
Hindi nila itinanim sa isipan ng
mga Pilipino ang kahalagahan
ng isang wikang magbibigkis
ng kanilang mga damdamin.
40. 5. Read: Naging biktima
ng politaka ang wikang
Tagalog. Nag-uumpisa pa
lamang sana itong lumago
ay napailalim na naman ito
sa dayuhang wika.
41. STATEMENT CRITICISM
Magsaliksik ng mga pananaw na iba’t
ibang awtor tungkol sa naging takbo ng
mga pangyayari sa kasaysayan ng ating
wikang Pambansa. Isulat sa kahon ang
iyong nasipi at ilahad ang iyong
pananaw ukol dito. Isulat kung ikaw ay
sumasang-ayon o sumasalungat sa
kanilang pananaw at pangatwiran ito
42. PAG SULAT NG JOURNAL (15 PTS.)
Isulat sa journal notebook ang sagot sa
tanong ito:
Kailangan ba talagang alamin ang kasaysayan
upang maunawaan ang kahalagahan ng
paggamit ng wikang Pambansa? Ipaliwanag.
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang
wikang mauunawaan ng lahat?
Sa iyong palagay, totoo nga kayang ang wika ay
malaking bahagi upang magpabuklod ang
mamamayan? Ipaliwanag.