1. StuDocu is not sponsored or endorsed by any college or university
Panahon ng Himagsikan
Electrical engineering (Bicol University)
StuDocu is not sponsored or endorsed by any college or university
Panahon ng Himagsikan
Electrical engineering (Bicol University)
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
2. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
Lagom-Pananaw:
Sa modyul na ito malalaman ng
mga mag-aaral ang mga
pahayagan sa panahon ng
Himagsikan. Kung sino-sino ang
mga manunulat sa panahon ng
himagsikan at ang ilan sa mga akda ng mga ito.
Layunin: Pagkatapos
mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito. Ang
mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakakagunita ng mga datos tungkol sa mga panitikan at manunulat sa panahon ng himagsikan.
B. Nakakapagpaliwanag ng sariling hinuha tungkol sa panitikan sa panahon ng himagsikan.
C. Nakakapagtala sa journal ng kaniyang mga natutunan sa paksa ng modyul na ito.
Panimulang Gawain: Ah! At Huh?
Sa isang papel gumawa ng isang tsart katulad ng nasa ibaba. Isulat ang tatlong bagay
na alam niyo na tungkol sa paksa at dalawang bagay na inyong katanungan sa paksa.
AH! HUH?
1.
2.
3.
1.
2.
Simula:
Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga
propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at
pananamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan.
Ang mga mabubuting hangarin ng Inang Espanya para sa Pilipinas ay nasasalungat pa
rin ng mga Prayleng naghahari dito.
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
3. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
Nang dahil sa pangyayaring iyon, ilan sa mga mamamayang Pilipinong kabilang
sa pangkat ng “La Liga Filipina” (isang samahang sibiko na pinaghihinalaang
mapanghimagsik at naging dahilan ng pagkakatapon sa Dapitan ni Rizal na siyang
nagtatag nito) na tulad nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Jose
Palma, Pio Valenzuela, at iba pa, ay nagsipagsabi na “wala nang natitirang lunas kun ‘di
ang maghimagsik.” Ang naging laman ng panitikan ay pawing pagtuligsa sa
pamahalaan at simabahan at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at
maghanda nang matamo ang inaasam na kalayaan.
Mapapansing sa panahon ito ay ipinamalas ng mga Pilipino ang kanilang galit sa
mg Kastila. Alam na ‘tin na hindi nagtamo ng ganap na kalayaan at pagbabago sa
panulat na ginagamit ng mga propagandista kaya sa panahong ito ay sandata naman
ang kanilang ginamit. Sa panahon ng himagsikan ay naging maalab ang pambansang
damdaming makabayan sa ating panitikan.
ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN
Ang panahong ito’y nahahati sa dalawa – Panahon laban sa Kastila at Panahon
laban sa mga Amerikano.
Bagama’t maikli ang panahong nasasakop, maraming mga pangyayari ang
naganap at naging makaysaysayan sa bayan. Kabilang sa mga ito’y ang pagkakaroon ng
pagpapalit ng pamamahala sa pamahalaan.
Mga araling pagkatuto
Aralin 1: Mga taluktok ng tahasang
paghihimagsik
Ang kinikilalang taluktok o pinakalider ng tahasang paghihimagsik ay sina
Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Apolinario Mabini. Tunghayan na ‘tin ang kani-
kanilang naging dahilang ambag sa bayan.
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
4. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
ANDRES BONIFACIO
- Isinilang sa Tondo Maynila noong Disyembre 30,
1863.
- Sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro ang
kaniyang mga magulang
- Dahil sa maaga silang naulila, Si Bonifacio bilang
panganay sa anim na magkakapatid ay siyang
gumanap bilang ama at ina kahit siya ay 14 taong
gulang pa lang noon.
- Napilitan siyang tumigila sap ag-aaral at
maghanapbuhay.
- Gumawa siya ng abanikong papel at ipinagbili niya sa Meisic Tondo, at kung may
oras pa siya ay gumagawa siya ng mga karatula at paskil para sa mga bahay-
kalakal.
- Naging mensahero rin siya sa Fleming and Company ngunit
- Nagsumikap si
- Kilalang-kilala si Andres Bonifacio bilang “AMA NG DEMOKRASYANG
PILIPINO,” ngunit higit sa lahat, bilang “AMA NG KATIPUNAN” sapagkat
siya ang namuno sa pagtatatag ng samahang “KATAAS-TAASAN,
KAGALANG-GALANGANG KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN.”
- Hamak ang pinaggalingang kalagayan sa buhay ni Andres Bonifacio, kaya’t
sinasabing ang kaniyang natutuhan ay pawing galing sa “Paaralan ng
Karanasan”.
- Lubha siyang mapagbasa at ang isa sa kaniyang nabasa ay ang “Noli” at “Fili” ni
Rizal na siyang lalong nagpatingkad ng kaniyang diwang himagsik.
- Binasa niya rin ang Les Miserables, The wandering Jew, ang mga buhay ng mga
Presidente ng Amerika, ang rebolusyon ng Pransiya, atbp.
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
5. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
- Nang siya’y magbinata ay umibig at nagpakasal siya kay Monica ngunit hindi
iyon naging matagal ito ay namatay ng dahil sa sakit na ketong. Noong 1892,
nakilala niya si Gregoria De Jesus, hindi naglaon sila ay ikinasal. Si Gregoria de
Jesus ang hinirang bilang Lakambini ng Katipunan.
- Umanib siya sa “La Liga Filipina” na itinatag ni Rizal noong 1892.
- Itinatag niya ang katipunan na siyang naging saligan ng diwang Malaya nang
ipatapon si Rizal sa Dapitan, Mindanao.
- Siya ay lalong nakilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat, ngunit
mayroon din naman siyang naging akdang naagpaalab sa himagsikan at naging
bahagi ng ating Panitikan.
- Ang kaniyang mga naging ambag sa Panitikan ay karaniwang nahihinggil sa
pamahalaan, lipunan, pilosopiya, at pulitika.
- Ginamit niya ang sagisag na Agap-ito, Bagumbayan, at May pag-asa. Sa
katipunan niya ginamit ang sagisag na Magdiwang.
- Nanguna siya sa “Sigaw ng Pugad Lawin.
- Pinapatay sa Bundok-Buntis noong 10, 1897 sa Maragondon, Cavite.
Narito ang ilan sa kaniyang mga akda:
Katungkulag Gawin ng Mga Anak ng bayan
Nahahalintulad ito sa Sampung utos ng Dios ang pagkakahanay ng kartilyang ito.
Ito ang ipinapalagay na kaniyang pinaka “obra maestro” na ang pinakahangarin
ay ang pagpapalaganap ng nasyonalismong Pilipino.
Huling Paalam
Salin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios” ni Rizal.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Isang tulang katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. Del Pilar.
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
6. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
Ito ay isang tula ng pag-ibig sa bayan, hindi baling mamatay kung ang dahilan ay
pagtatangol sa kalayaan.
Ito’y katulad ng tula ni M. H. Del Pilar na may gayon din na pamagat.
Unang nalathala ito sa pahayagang Ang Kalayaan.
Katapusang Hibik ng Pilipinas
Ang tulang ito ay nagpapahayag ng poot at pagbabanta sa mga sumakop sa ating
bansa. Ito rin ay tulang pagpapatuloy sa mga diwang sinismulan ni
Hermenegildo Flores sa kaniyang tulang “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”
na sinagot ni Marcelo H. Del Pilar sa kaniyang “Sagot ng Espanya sa Hibik ng
Pilipinas”
Ang dapat na Mabatid ng mga Tagalog
Ito ay isang panawagan sa kaniyang mga kababayan upang buksan ang isip at
hanapin ang katwiran.
Naglalaman ito ng paglalagom ng kasaysayan ng Pilipino bago dumating ang mga
kastila hanggang sa kanilang pamamahala sa buong kapuluan.
Binanggit dito ang pagkakaroon ng mga pagbabago sa pamumuhay hanggang sa
mapakinabangan ito ng mga kastila.
Katipunang Marahas ng mga Anak ng Bayan
Ito ay isang panawagan sa mga kababayan upang ihanda ang loob ng bawat isa sa
pakikihamok. Tagumpay ang inaasahan niya sapagkat nasa kanila ang “Katwiran
at Kabanalang gawa”.
Decalogo ng Katipunan (El Verdadero Decalogo)
Isinulat ito ni Andres Bonifacio upang maging kautusan ng mga kasapi sa
katipunan ngunit dahil sa pagbibigay at paggalang niya kay Jacinto, ay itinabi na
niya ang kartilyang ito.
1. Ibigin mo ang Dios nang buong puso
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
7. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
2. Laging isaisip na ang tunay nap ag-ibig sa Dios ay ang pag-ibig sa bayan at sa
kapwa tao
3. Ang lahat ng mabubuti mongg hangarin ay makakmtan kung ikaw ay mahinahon,
matiyaga, makatwiran, at may pag-asa sa iyong Gawain.
4. Pangalagaang katulad ng iyong karangalan ang mga kautusan at mga hangarin ng
K.K.K.
5. Katungkulan mong iligtas ang buhay na nasa panganib sa pagpupumilit na
matupad anng isang marangal na hanagarin, kahit na mapilitang ihandog mo ang
iyong sariling buhay at yaman.
6. Bayaang ang sariling pag-uugali at pangingilos sa pagtupad ng ating tungkulin ay
maging uliran nang iba.
7. Bahaginan mo ng iyong yaman ang baawat dukkha at taong kulang-palad sa loob
ng iyong makakaya
8. Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikakabuhay ay nagpapahayag ng
tunay na pagmamahal sa sarili, asawa, sa anak, kapatid at kababayan.
9. May parusa sa bawat salarin at taksil, at gantimpala sa lahat ng mabubuting
gawa. Manalig na ang pinupuntahan ng K.K.K ay kaloob ng Maykapal,
samaktuwid ang hangad ng bayan ay hangad din niya.
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkaadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? wala na nga, wala.
Ulit-ulitin nang basahin ng isip
At isa-isahing talastasing pilit
Ang salita’t buhay na limbag at titik
Ng sangkatauhan ito’y namamasid.
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
8. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
Sa tapat na puso ng sino’t alin man
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat
Kalakhan din niya’y isinisiwalat
Walang mahalagang hindi inihahandog
ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod.
Buhay may abuting magkalagot-lagot.
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki
na hinahandugan ng buong pagkasi
na sa lalong mahal nakapangyayari
at guinogugulan ng buhay na iwi.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan
Siya’y ina’t tangi na kinamumulatan
Ng kawili wiling liwanag ng araw
Na nagbigay init sa lunong katawan
Sa kania’y utang ang unang pagtanggap
Ng simuy ng hanging nagbibigay lunas
Sa inis na puso na sisingap-singap
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap
Kalakip din nito’y pagibig sa bayan
Ang lahat ng lalung sa gunita’t mahal.
EMILIO JACINTO
- Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong Disyembre 15,
1875.
- Ang kaniyang mga magulang ay sina Mariano Jacinto
at Josefa Dizon.
- Nag-aral siya sa San Juan de Letran at sa Pamantasan
ng Sto. Tomas.
- Sumapi siya sa Katipunan sa gulang na 18 at siya ang
pinakabata sa kilusan.
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
9. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
- Naging dalubhasa siya sa wikang Tagalog dahil ito ang opisyal na wikang
ginagamit sa pakikipagtalastasan.
- Naging kaibigan at tagapayo siya ni Andres Bonifacio.
- Ginamit niya ang sagisag na PINGKIAN at DIMAS-ILAW.
- Siya ang naging utak ng katipunan at naging patnugot ng pahayagan ng
katipunan, ANG KALAYAAN.
- Naaakit niya ang mga tao na sumali sa kilusan sa pamamagitan ng kaniyang mga
artikulo.
- Siya ang nagsulat ng “Kartilya ng katipunan” na naglatag ng mga batas at
prinsipyo ng Katipunan at nagsilbing gabay para sa mga kasapi nitó. Isinulat din
niya ang “Liwanag at Dilim”, “Sa mga Kababayan” at marami pang iba.
- Habang siya ay nangangampanya laban sa mga kastila sa Mahayhay, Laguna ay
dinapuan siya ng sakit at namatay noong Abril 16, 1899.
NARITO ANG ILAN SA KANIYANG MGA AKDA:
Ang Liwanag at Dilim
Ito ay kodigo ng Rebolusyon. Kalipunan ito ng mga sanaysay ni E. Jacinto na may
iba’t ibang paksa, gaya ng “Ningning at ang Liwanag”, “Ako’y umaasa”,
“Kalayaan”, “Ang Tao’y Magkapantay”, “Ang pag-ibig”, “Ang gumawa”, “Bayan at
ang mga pinuno”, at ang “Maling Pananampalataya”
Pahayag
Ito ay isang manipestong humihikayat sa kaniyang mga kababayan upang
ipaglaban ang kalayaan.
A Mi Madre (Sa aking Ina)
- Isang madamdaming Oda.
A La Patria
- Ang ipinapalagay na kaniyang obra maestro.
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
10. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
Sa May Nasang Makisanib sa Katipunang ito
Ito ay isinulat upang maging pamantayan ng mga ugaliin ng mga sasapi sa
katipunan. Ito ay mga dapat sundin ng mga kasapi.
1. Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isang malaki at banal na
kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag
2. Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi
sa talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.
3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pagibig sa
kapua at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang
Katuiran.
4. Maitim man at maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y
magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman,
sa ganda…; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.
5. Ang may mataas na kalooban inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili;
ang may hamak na kalooban inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.
6. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.
7. Huag mong sasayangin ang panahun; ang yamang nawala’y
magyayaring magbalik; nguni’t panahong nagdaan na’y di na muli
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
11. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
pang magdadaan. Value of time
8. Ipagtanggol mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi.
9. Ang taong matalino’y ang may pagiingat sa bawat sasabihin, at
matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
10. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng
asawa’t mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang
patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din.
11. Ang babai ay huag mong tignang isang bagay na libangan lamang,
kundi isang katuang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan;
gamitan mo ng buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at
alalahanin ang inang pinagbuhata’t nagiwi sa iyong kasangulan.
12. Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huag
mong gagawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba.
13. Ang kamahalan ng tao’y wala sa pagkahari, wala sa tangus ng ilong
at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Dios wala sa mataas
na kalagayan sa balat ng lupa; wagas at tunay na mahal na tao, kahit
laking gubat at walang nababatid kundi ang sariling wika, yaong may
magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri; yaong di
napaaapi’t di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
12. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
lumingap sa bayang tinubuan.
14. Paglaganap ng mga aral na ito at maningning na sumikat ang araw
ng mahal na Kalayaan dito sa kaabaabang Sangkalupuan, at sabugan
ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkalahi’t
magkakapatid ng ligaya ng walang katapusan, ang mga ginugol na
buhay, pagud, at mga tiniis na kahirapa’y labis nang natumbasan.
Kung lahat ng ito’y mataruk na ng nagiibig pumasuk at inaakala niyang
matutupad ang mga tutungkulin, maitatala ang kaniyang ninanasa sa
kasunod nito.
APOLINARIO MABINI
- Siya ay isinilang sa Talaga, Tanawan,
Batangas noong Hulyo 22, 1864.
- Lubos silang mahirap kung kaya naman
patigil –tigil siya sa kaniyang pag-aaral ngunit
hindi iyon naging sagabal para sa kaniya.
- Nagtapos siya ng abogasya sa Pamantasan ng
Sto. Tomas
- Nagturo sa munting paaralan ni Melchor
Virrey para matustusan ang kaniyang pag-
aaral. Namasukan din siya bilang isang
utusan sa isang sastreng nagngangalang
Raymundo Alindada.
- Napukaw ang kaniyang dadaming makabayan ni Mabini nang pumasok bilang
katulong na notario ni Numeriano Adriano.
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
13. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
- Marami siyang isinulat sa Kastila at Tagalog at ang tema ng kaniyang isinulat ay
tungkol sa pulitiko, pamahalaan at pilosopiya.
- Ginamit niya ang sagisag panulat na KATABAY.
- Noong 1890, dinapuan siya ng sakit at dahil sa kahirapan ay hindi siya
nakapagpagamot na naging dahilan ng pagkamatay dahilan ng pagkamatay ng
katawan o pagkalumpo.
- Dinakip siya ng mga Amerikano nang sumiklab ang Pilipino-Amerikano at dinala
siya ospital sa halip na bilangguan dahil sa kaniyang pagiging lumpo.
- Nang magkaloob ng amnestiya si Gobernador Heneral Primo De Rivera noong
Mayo 17, 1897 ay nakalaya si Mabini.
- Ipinatapon siya ni Heneral McArthur sa Guam noong 1901.
- Nagbalik siya sa Pilipinas noong 1903 sapagka’t siya dinapuan ng mabigat na
karamdaman
- Namatay siya noong Mayo 13, 1903
- Siya ang itinuring na utak ng Himagsikan at Dakilang Lumpo.
NARITO ANG ILAN SA KANIYANG MGA AKDA:
1. Programa Constitutional Dele Republika Filipina
- Palatuntunang pansaligang batas ito ng Pilipinas. Ito ay naglalaman ng mga
balak para sa pamahalaan at edukasyon ng bansa.
2. El Desarollo Caida Dela Republica Filipina
- Naglalaman ito ng mga paliwanag tungkol sa pagtaas at pagbaba ng Republikang
Pilipinas
3. El simil de Alejandro
- Ito ay tumutuligsa sa pamahalaang Amerikano at nagbigay-diin sa katapatan ng
mga tao. Dahil dito ay nahatulan siyang ipatapon sa Guam. Ito ay nalathala sa
pahayagang “El Liberal”.
4. El Verdadero Decalogo
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
14. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
- Ito ay isang kathang naglalarawan ng tagapagpalaganap ng pagkamakabayan o
nasyonalismong Pilipino.
- Ito’y nilakipan niya ng mga tagubilin sa huling bahagi bilang isang paalala.
- Naglalaman din ito ng mga tuntuning moral sa ikakagaling ng lipunan-maging
mapagmahal sa katotohanan, katarungan at kasipagan.
- Isinulat niya itong noong Mayo, 1898.
Ibigin mo ang Diyos at ang iyong karangalan nang higit sa lahat. Ang Diyos ang
batis ng lahat ng katotohanan, karunungan at lahat ng gawain. Ang karangalan
ang nag-uutos upang maging matapat, mabait at masipag sang isang tao.
Sambahin ang Diyos sa paraang minamarapat ng iyong budhi.
Linangin mo ang mga katangiang kaloob sa iyo ng Diyos.
Ibigin mo ang iyong bayan sunod sa Diyos at sa iyong karangalan.
Pagsumikapan mong lumigaya ang iyong bayan nang una sa iyong sarili sapagkat
kung maligaya ang bayan ang lahat ng naninirahan ay maligaya rin.
Pagsumikapan mong makamit ang kasarinlan ng iyong bayan. Ang kaniyang
kasarinlan ay kalayaan mo.
Kilalanin lamang ang kapangyarihan ng inihalal mo sapagkat ang kapangyarihan
ay galing sa Diyos at dahil sa ang Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan ng budhi
ng bawat tao.
Pagsumikapang makapagtatag ng isang Republika sa iyong bayan.
Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili.
Itangi mo ang iyong kababayan higit sa kapwa mo.
JOSE V. PALMA
- Isinilang siya sa Tondo Maynila noong Hunyo 6, 1876
- Naging kaibigan niya si Gregoria del Pilar, ang pinakabatang heneral sa hukbong
manghihimagsik
- Sumapi siya sa himagsikan kahit mahina ang kaniyang katawan.
- Inaliw niya ang mga kasapi sa samahan sa pamamagitan ng kaniyang pagtula at
pag-awit.
- Ginamit niya ang sagisag na DAPITHAPON
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
15. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
- Ang kaniyang mga tula at tinipon sa isang aklat at pinamagatan na
“MELANCOLICAS” (Mga Panimdim)
- Isinulat niya ang PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS sa wikang Kastila at
nilapatan ito ng tugtugin ni Julian Felipe.
- Pagkatapos ng digmaang Kastila-Amerikano naging mamahayag siya sa El
Commercio, La Moda Filipina, La Patria, La Union at Revista Catolica.
- Binawian siya ng buhay noong Pebrero 12, 1903.
Aralin 2: Ang mga pahayagan nang panahon ng
himagsikan
Hindi naging mabisa noong panahon ng Himagsikan ang mga katha. Ang mga
sanaysay at pahayagan ang naging behikulo sa pagpapabatid sa mga tao ng mga tunay
na nangyayari sa kapaligiran. Ito ang naging mabisang tagaakay sa mga tao upang
tahakin ang landas tungo sa pagkakaroon ng kalayaan
Sa layuning maipaabot sa daigdig ang kahilingan at mithiin para sa bayan ng mga
maghihimagsik nating mga kababayan, marami ring mga pahayagan ang naitatag at
nailimbag nang panahon ng himagsikan.
Ilang sa mga pahayagan noon ang:
Herald de la Revolucion – naglalathala ng mga dekretong pamahalaang
mapaghimagsik, mga balita, at mga akda sa Tagalog na pawang gumigising sa
damdaming makabayan. Limbag ito sa Unang Republika ng Pilipinas noong
1898. Itinaguyod nito ang kaisipang pampulitika. Nang lumaon, naging Heraldo
Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de
Filipinas. Tumagal ang pahayagang ito mula ika- 28 ng Detyembre, 1898
hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang damdaming
makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
16. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
La Independencia – pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng
pagsasarili ng Pilipinas. Itinatag ito noong ika- 3 ng Setyembre, 1898.
La Republica Filipina – itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
La Libertad – pinamatnugutan ni Clemente Zulueta.
Kalayaan – Ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896.
Pinamatnugutan ito ni Pio Valenzuela.
Diario de Manila – ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang
limbagan nito kaya’t may katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero.
Ang Bayang Kahapis-hapis – Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.
Ang Kaibigan ng Bayan – Lumabas noong 1898.
Buod:
Ang pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan noong 1892 ang naging babala ng
pagtatagumpay ng mga propagandista. Gayunman, hindi naman nanlupaypay ang mga
ibang masigasig sa paghingi ng reporma. Ang iba’t hindi naniniwalang reporma ang
kailangan, naniniwala silang kailangan na ng marahas na pagbabago.
Nagbago ang takbo ng panahon sa pagkakatatag ng Katipunan noong gabi mismo
nang mabalitaang ipinatapon si Rizal sa Dapitan. Si Andres Bonifacio kasama nina
Velentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano at ilan pang may
diwang makabayan ay lihim na nagpulong noong ika-7 ng Hulyo, 1892 sa isang bahay
sa Azcarraga. Itinatag nila ang Kataastaasang Kagalang-galangan na Katipunan nang
manga Anak nang Bayan (K.K.K.) o Katipunan. Nagsanduguan sila at inilagda sa
pamamagitan ng kani- kaniyang mga dugo ang kanilang pangalan bilang kasapi ng
samahan.
Ang mga manunulat na natampok sa panahong ito’y sina Andres Bonifacio (Ama
ng Katipunan) at Emilio Jacinto (Utak ng Katipunan). Kabilang dito Pio Valenzuela.
Ang wikang natatampok nang panahong ito’y ang Tagalog. Kung sa panulat man ni
Bonifacio’y sinasabi niyang ang dapat mabatid ng mga Tagalog, mababasa namang ang
tinutukoy dito’y ang mamamayang Pilipino, hindi naman niya matatawag na mga
Pilipino sapagkat ang mga Pilipino noo’y ang mga Kastilang ipinanganak sa Pilipinas,
hindi rin naman maaaring gamitin ang Indio sapagkat ito’y panlilibak ng mga Kastila.
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221
17. GE 11: ANG PANITIKAN NG PILIPINAS
PAGTATAPOS AT PAGTATASA NG MODYUL
Gawain 1:
Magsaliksik ng iba pang mga akda nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto,
Apolinario Mabini, at Jose Palma. Ibigay ang
kahalagahan ng mga iyon sa kasalukuyang panahon.
Gawain 2: Pagsulat sa Journal
Itala sa journal ang mga obserbasyon, pananaw, reaksyon at
konklusyong kaugnay ng araling sa modyul na ito.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Gawain 3: Mga tanong na sasagutin:
1. Bakit mahalaga ang pagkalikha ni Jose V. Palma sa himno Nacional Filipino?
Ipaliwanag.
2. Pumili ng isang akdang pinakagusto sa panahon ng himagsikan. Gumawa ng
usapan at isadula ito sa klase.
3. Ano-ano ang mga pangyayari na nagbunsod sa mga unang Pilipino upang
maghimagsik laban sa mga Kastila?
4. Ano ang inyong pananaw sa mga pangyayaring naganap at nagbago ang takbo ng
panitikan sa panahong ito?
5. Ano-ano ang katangian ng mga panitikan ng Himagsikan?
Downloaded by Azi Prems (carrington.carter95@gmail.com)
lOMoARcPSD|13120221