Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Mother Tongue Based Multilingual Education Grade 2
1. Banghay-Aralin sa Mother Tongue Based Multi-Lingual Education
sa Ikalawang na Baitang
Time Allotment: 40 mins.
I. Layunin:
sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. nababasa nang may pang-unawa ang kuwentong binubuo ng mga salitang pinag-
aralan;
b. nakakabasa ng sariling likha na may wastong intonasyon at ekspresyon.
II. Paksang Aralin:
Katangian ko bilang isang mag-aaral
III. Sanggunian:
MAPEH 2
Teacher’s Guide pp.386-390
Learner’s Module pp. 450-453
IV. Kagamitan:
tsart, manila paper, mga parirala at pangungusap na isinulat sa paper strip.
V. Pamamaraan:
A. Paggaganyak:
Basahin ang mga salita at pangungusap:
lumiliban – “Si Mona ay hindi lumiliban. Araw-araw-araw siayang pumapasok
sa paaralan.
nangunguna – “Siya ang nangunguna sa klase. Siya ang pinakamagaling sa lahat
ng aralin.
ipagbigay-alam – “Dapat mong ipagbigay-alam ang gagawin mo. Sabihin mo sa
kanya aang iyong plano.
B. Paglalahad:
Basahin ang kwento sa pahina 152-153, “Ang Batang Matapat”
Ano muli ang pamagat ng ating kwento?
Sinu-sino ang mga tauhan sa ating kuwento?
Pansinin ninyo ang kwentong ating binasa (magpokus muna sa unang
talata), paano ang pagkakasulat ng unang pangungusap? Paano ito sinimulan?
Sa bawat pangungusap, paano ito sinisimulan? Paano ito nag tatapos?
Bukod sa “tuldok”, ano pa ang mga bantas na inyong nakikita?
Magbigay ng halibawang pangungusap sa paggamit ng tuldok, kama at
tandang pananong. Gamitin ito nang mayroong tamang intonasyon
1. Ikaw Mona ay isang batang matapat.
2. Si Mona ay isang batang mahirap ngunit matalino, mabait, at masipag.
3. Sino kaya ang may-ari nito?, ang tanong ni Mona sa sarili.
2. C. Paglalahat:
D. Paglalapat:
Basahin ang mga sumusunod na salita ayon sa tamang papantig na baybay
nito.
mahirap silid-aralan nakamasid
nangunguna ipagbigay alam tularan
kinikita watawat huwaran
Tandaan:
* Sa bawat talata, nakapasok ang unang pangungusap sa talata.
* Ang bawat pangungusap ay nagtatapos sa isang bantas, tuldok kung nagsasalaysay,
kama sa panandaliang paghinto sa pagbasa ng pangungusap at tandang pananong kung
nagtatanong.
* Binibasa natin ang ang bawat salita na may diin sa tamang pantig at baybay nito.
* Binabasa din natin ang bawat pangungusap nang may tamang ekspresyon.