1. Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan
sa Ikalawang na Baitang
Time Allotment: 40 mins.
I. Layunin:
sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. naitatala ang pangunahing pangangailangan ng pamilya;
b. nabibigay ang kahulugan ng salitang badyet; at
c. nasasaisip ang kahalagahan ng pagbabadyet.
II. Paksang Aralin:
Ang Pamumuhay sa Komunidad
III. Sanggunian:
Ang Araling Panlipunan 2
Teacher’s Guide pahina 58
Learner’s Module pahina 169
IV. Kagamitan:
Tsart, manila paper, mga parirala at pangungusap na isinulat sa paper strip.
V. Pamamaraan:
A. Paggaganyak:
Sino sa inyo ang parehong magulang ang nagtatrabaho? Sino naman ang isa
lang, si tatay o si nanay lang ang nagtatrabaho? Kumuha nang tig-isa.
Sa inyong pamilya sino ang nag-iisip kung anong dapat bayaran, anong
magiging ulam at pati sa baon?
B. Paglalahad:
Basahin ang mga pahina 171.
PANGANGAILANGAN IBANG PINAGLALAANAN
pagkain
damit
baon sa eskwela
sabon
bigas
asin
pangulam
gamot
2. C. Paglalagom/Pagpapahalaga:
Ang bawat pamilya ay may mga pangangailangan upang mabuhay
nang maayos.
Ang bawat pamilya ay dapat matutung magbadyet upang
mapagkasya ang kinikitang pangunahing pangangailangan.
May malaking epekto ang uri ng hanapbuhay ng mga tao sa
kanilang pangangailangan sa araw-araw.
May pagkakaiba-iba ang uri ng pamumuhay ng mga tao dahil iba-
iba ang hanapbuhay at laki ng kinikita nila.
D. Paglalapat:
Sagutan ang Gawin Mo: D sa pahina 174
E. Pagtataya:
Gawin ang Natutuhan Ko sa pahina 175
VI. Takdang-Aralin:
Sagutan ang Gawin Mo: C sa pahina 173.