2. Ang Magkakaibigan
Tagpuan: Sa loob ng mall...
Tina: Beshy, kailangan pa bang isuot ‘tong faceshield?
Lovie: Oo naman, mamaya huhulihin ka pa ng sekyu dito. Kahit andito tayo sa
loob ng mall kailangan pa ring isuot iyan dahil ‘yan ang nararapat.
Jamie : Tama nga naman beshy. Bilisan n’yo na at ako’y tomguts na. Kanina pa
tayo hinihintay ni Jobee..ha ha ha!
Rene: Ako rin. Hindi ako nakapag-almusal dahil napagalitan ni mudra.
Jamie: Talaga?
Rene: Charot lang! Madali ka namang maniwala. Dihens lang masarap ang ulam
namin kanina…
Tina: Ganon?.. Eh di Arat na! Sariling Katha ni Nimfa V.
Lara
3. PAGTUKOY SA PAGKAKAIBA NG
KATOTOHANAN SA HINUHA,
OPINYON AT PERSONAL NA
INTERPRETASYON NG KAUSAP
4. KATOTOHANAN (FACTS)
•Ito ay mga pahayag na may matibay na
ebidensya at may pinagbatayan. Ito ay
gumagamit ng mga pananda katulad ng:
sang-ayon sa, batay sa, pinatutunayan ni, at
iba pa.
5. •Halimbawa: Mababasa sa aklat na Panitikang
Pilipino 8, pahina 25, na ang epiko ay isang
mahabang tulang nagsasalaysay ng
pakikipagsapalaran o mga ginawa ng isa o
higit pang bayani o maalamat na mga nilalang.
6. HINUHA O HULA
•Ito ay kadalasan mong ginagamit kapag ikaw
ay nagbabasa ng isang akda o kuwento. Ito ay
mga pahayag na inaakalang mangyayari batay
sa isang sitwasyon. Ito’y gumagamit ng mga
pananda katulad ng: baka..,marahil..,tila.., at iba
pa.
7. •Halimbawa:
Sa palagay ko, ang tulang “Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio ay
tungkol sa kaniyang pagmamahal sa bayan.
•
8. OPINYON
•Ang opinyon naman ay ang iyong palagay o kuro-
kuro tungkol sa isang bagay o pangyayari. Ito ay
walang tiyak na pinagbatayan kundi ang iyong sarili
lamang. Gumamit ito ng mga panandang: sa tingin
ko, sa aking palagay, para sa akin, at iba pa.
9. Halimbawa:
Kung ako ang tatanungin, mas marami ang
sang-ayon sa ipinatupad na No Face to
Face Classes dahil sa banta ng COVID-19.
10. •Ang personal na interpretasyon ay
nakabatay sa sariling kaisipan o pananaw
lamang ng isang tao.
12. Panuto:
Tukuyin kung ang sumusunod na mga
pahayag ay isang katotohanan, hinuha,
opinyon o personal na interpretasyon. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
13. 1. Kung gusto mong makakain ay magbabanat ka ng
buto.
2. Ang buhay ay puno ng mga pagsubok na
kailangang harapin.
3. Ayon sa PAG-ASA buong linggong magiging
maulan sa Kabisayaan.
4. Sa aking palagay, kailangang maging disiplinado ng
mga Pilipino upang tuluyang masugpo ang COVID-
19.
14. 5. Nakita kung umalis sina Ana at Mike kasama ang
nanay nila na may dalang basket. Marahil ay
mamamalengke silang tatlo.
6. Gabi-gabi ay nag-aaral ng kaniyang leksyon si Ben
kaya nang dumating ang bigayan ng card hindi na
nagtaka si Aling Melly sa nakuhang grado ng anak.
7. Kailangan mong maging matalino upang
magtagumpay sa buhay.
8. Sa palagay ko, kapag maraming bibili ng mga
paninda mo ay mauubos kaagad at matutuwa ang inay.
15. 9. Sa mga datos na inilabas ng World Health
Organization, higit na mabilis makahawa ang UK
variant ng COVID-19.
10. Para sa akin, mas ligtas tayo kung mananatili
lamang tayo sa ating mga tahanan.
16. Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan
ng (√) tsek kung ito ay positibong pahayag at (x) ekis naman kung
negatibong pahayag.
_____1. Hindi maganda ang pangyayari sa taong 2020 dahil sa
pandemya.
_____2. Sa kabila ng kahirapan ay patuloy pa ring lumalaban ang mga
Pilipino.
_____3. Naku! Isyu dito, isyu doon. Ang gulo na ng mundo.
_____4. Mabuti na lamang dumating na sa Pilipinas ang vaccine na
makakapuksa sa corona virus.
_____5. Bawat isa ay may mabuting natutuhan dahil sa mga
pinagdaanan sa
17. _____6. Nakakaaliw ang iyong ipinakitang palabas kanina.
_____7. Nakakasira sa mata ang sobrang gamit ng gadyet.
_____8. Maraming magagandang tanawin at lugar ang
matatagpuan sa Pilipinas.
_____9. Madaling makakalap ng impormasyon ang pag gamit
ng socialmedia.
_____10. Mas lalong naghirap ang lahat gawa ng COVID19.
18. Gawain 2.
Basahin at unawain ang isang komentaryong
panradyo kaugnay ng Freedom of Information Bill (FOI)
na makikita sa iyong Batayang Aklat sa Filipino 8 pahina
142 at sagutin ang gawain sa ibaba.
Panuto: Isa-isahin ang mga positibo at negatibong
pahayag batay sa tekstong binasa. Sundin ang hanay sa
ibaba at isulat sa iyong sagutang papel.