3. Tunggalian
Hango sa salitang
“tunggali” na
tumutukoy sa
pagtatalo o
hidwaan
Dahilan o
mga dahilang
ibinibigay para
sa o laban sa
isang bagay.
( UP Diksyunaryong Filipino
2001)
4. Sa tunggalian nakabatay ang dramatikong aksiyon
ng anumang naratibo ( Merriam-Webster’s
Reader’s Handbook 1997).
Sang-ayon pa kay Wolf “conflict is a clash of
wants”
Sa paniniwala ni Ayn Rand, isang kilalang
nobelista at pilosopo, sa kaniyang aklat na The Art
of Fiction: A Guide for Writers and Readers,
nagwikang, “since plot is essentially conflict , you ,
must look for a good conflict.”
5. Halimbawa ng hidwaan sa mga sinaunang
naratibo
1. Nagkasubukan ng galing ang dalawang higante at sila’y nagbatuhan
ng putik sa isat-isa. Pagkaraan ng mahabang labanan, napansin
nilang nagkalat ang mga dambuhalang putik sa paligid. Ito ang
pinaniniwalaang pinagmulan ng Chocolate Hills sa lalawigan ng
Bohol.
2. Nagkasamaan ng loob sina Araw at ang Buwan kaya may oras na
madilim at maliwanag.
3. Naghinanakit ang inang maysakit kaya naisumpa niya ang batang si
Pina na magkaroon ng maraming mata.
4. Nagtagisan ng talino sina Pagong at Matsing; nagpabilisan naman
sa pagtakbo sina Kuneho at Pagong.
6. Ang Paglikha ng
Eksena
Kailangan ng
tunggalian para
maging kuwento ang
isang akda.
Kailangan ng aksiyon
o kilos .
7. Mga Halaga ng Tunggalian
Ayon kay Stanley Colbert. “Conflict equals drama.”
Dagdag pa ng ilan, “Conflict is the essence of Drama.”
Nakalilikha ang tunggalian ng interesanteng tauhan.
Ang tunggalian ay nakatutulong sa pag-unlad at edukasyon ng mga
tauhan sa kuwento. Hal. Sina Crisostomo Ibarra, Amanda Bartolome
ng Dekada ’70 at Lea Bustamante ng Bata, Bata, Paano Ka
Ginawa?
Sa pamamagitan ng tunggalian maipamamalas sa mambabasa ang
mga realidad ng buhay sa matalinghagang pamamaraan.
Nagsisilbi rin itong daluyan ng mga pagpapahalaga, ideolohiya, at
tradisyong kinakandili ng lipunan.
8. Ang mga Bukal ng Tunggalian
Edad
Uri o klase
Ideolohiya at
Relihiyon
Lahi Etnisidad
Sekswalidad at
Kasarian
9. PISIKAL
SOSYOLOHI
KAL
KLASIKA
L
SIKOLOHIK
AL
Pakikipagbuno at
pakikipaglaban ng tao sa
kapwa niya tao.
Kadalasang kalaban ng
tauhan o bayani ang
kanyang kapalaran.
Pakikipaglaban ng tao sa
lipunan, sa tradisyon, sa
namamayaning pulitika at
ideya ng kinagisnang bayan.
Pakikipaglaban ng
tauhan sa kaniyang sarili.
01
Mga Uri ng Tunggalian
03
02
04
18. Mga Prinsipyo sa Pagsulat at Pagsusuri sa
Nilalaman ng Kuwento
Kalinawan
Kapani-paniwala
Kawili-wili
Dating o Bisa
Bisyon
19. Gabay sa Pagbabasa sa Elemento ng Tunggalian
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Aktibo o pasibo ba siya sa pagdedesisyon at paglutas ng kaniyang mga problema?
3. Ano ang tunggaliang kaniyang kinakaharap?
4. Ano ang mga hakbang niya para maisaayos ang tunggaliang iyon?
5. Ang hakbang ba na kaniyang isinagawa ay lilikha ng bagong suliranin?
6. Ano ang mga pahiwatig sa susunod na hakbang o isasagawa ng tauhan? Agad ba
itong matutukoy o malihim ang pangunahing tauhan?
7. Pakiramdaman ba ang umuusad na galaw ng kuwento? Kapana-panabik ba o
lubhang napakabagal? Umiinit ba ang mga eksena habang binabasa ang kuwento?
8. Ilagay ang iyong sarili sa sitwasyon ng tauhan.nakakasimpatya ka ba sa kaniyang
kinalalagyan? Pareho ba kayo ng mga prinsipyo o sinusunod na kaugalian?
9. Gagawin mo rin ba ang ginagawa ng isang tiyak na tauhan?
20. Suyuan sa Tubigan
Macario Pineda
Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan
sina Ka Albina, kasama ang anak na dalagang si Nati
at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila
ang mga matong ng kasangkapan at pagkain.
Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito
at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kani-
kaniyang araro. Habang naglalakad, nagkakatuwaan
sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay
nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.
21. Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang
nagtatrabaho. Ang iba naman ay katatapos lamang sa pagtilad at
habang nagpapahinga ay nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan.
Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina
Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay
Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi.
Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng
binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si
Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang ang
sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay
laging nahuhuling nakatingin say Pilang. Makakain, inumpisahan nila
ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada. Masasaya
silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa tulung-
tulong na paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan.
22. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na nagkasubukan
sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Pagpapakitang bilis
sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw.
Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam
na alam ang dahilan. Nauna si Pastor, sumusunod
lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo
ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore
kaya nahuhuli, samantalang magaling ang kalabaw ni
Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore
sa layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya
sa sobrang pagod.
23. Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang
kalabaw niya at sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga
kasama. Samantalang si Ore ay hinimas-himas pa muna ang batok ng
kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa paghinga.
Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan at ipinagpatuloy ang ginagawa
niya. Lumapit si Ore sa mga kasamahang mapulang-mapula ang mukha
at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na malinis na naman sa
pantalon at walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang
kalabaw ni Pastor. Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Nati at
Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan ni Pilang si Ore
at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore. Nagwakas
ang kuwento sa pahiwatig na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-
aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.
24. 1. Anu-ano ang mga internal na tunggalian ng mga lalaking tauhan sa kuwento?
2. Anu-ano naman ang mga internal na tunggalian ng dalawang dalaga sa kuwento?
3. Anu-ano ang ugat ng tunggalian sa kuwentong ito?
4. Tukuyin ang lantad at pangunahing eksternal na tunggalian sa kuwento. Sa palagay mo,
ano ang sinisimbolo nito?
5. Mapagtimpi ba ang estilo ni Macario Pineda kaugnay sa tunggalian sa mga tauhan? Ano
ang bukal ng tunggalian ng kuwento?
6. Kung nakalunan sa kasalukuyang panahon ang kuwento, paano kaya itatangghal at
isasabuhay ang tagisan ng pagkalalaki?
7. Paano naman sinusukat ang pagkalalaki sa kuwento?
8. Anu-ano ang mga katangian ng babae na inilarawan sa kuwento? Ito kaya ang
pinagmulan ng tunggalian ng kalalakihan sa akda?
Tanong: