Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyalismo sa China. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa Imperyalismo sa China.
1. Lesson 30-J: Imperyalismo sa China
• Marco Polo – Siya ay ang unang Europeong nakapunta sa kalupaan ng China. Siya ay naging matalik
na kaibigan ng emperador ng Yuan Dynasty. Ang pagpunta ni Marco Polo sa China ang isa sa mga
dahilan upang pumunta ang mga Europeo sa Asya.
• Qing Dynasty – Ito ay ang huling dinastiya sa Tsina. Ito ay mula 1644 hanggang 1912. Ito ay ang
panahon kung saan nagkaroon na ng imperyalismo o impluwensiya ang mga Europeo sa Tsina.
• First Opium War – Ito din ay tinatawag na “Anglo-Chinese War”. Ito ay mula Marso 18, 1839 hanggang
Agosto 29, 1842. Ang naging dahilan ng Unang Digmaang Opyo ay ang pagbabawal ni Lin Zexu, isang
espesyal na komisyoner na itinalaga ng emperador, sa pagbebenta ng mga opyo na galing sa India na
ikinagalit ng mga Briton. Natalo ng mga Briton ang mga Tsino.
Treaty of Nanking – Ito ay isang tratado sa pagitan ng Gran Britanya at ng Qing Dynasty na nagtapos
ng Unang Digmaang Opyo noong Agosto 29, 1842.
Mga Napag-usapan sa Treaty of Nanking:
1. Obligado magbayad ang mga Tsino ng anim na milyon na silver dollars para sa mga nasirang opium
na pinasira ni Lin Zexu
2. Pagbibigay sa British ang teritoryo ng Hong Kong
3. Pagbubukas ng iba’t-ibang himpilan, katulad ng Canton, Xiamen, Fuzhou, atbp.
• Second Opium War – Ito ay ang digmaan sa pagitan ng Anglo-French (Britain at France) at ng Qing
Dynasty. Ang nagsilbing mitsa ng digmaan ay ang hindi pagtupad ng mga British sa mga nilagdaang
terms o kasunduan sa China. Isa pang dahilan ay ang pagtatangkang paglason ng mga Tsino sa mga
Europeo na naninirahan sa Tsina.
Battle of Canton – Ito ay ang digmaan sa pagitan ng Britain at China sa Canton noong Disyembre 28
hanggang 31 ng taong 1857. Noong Disyembre 28, 1857, binomba ng mga Briton ang Canton umaga’t-
gabi. Halos 500 ang namatay na sundalong Chinese dahil sa digmaan.
Treaty of Tianjin – Ito ay ang Katawagan sa mga tratadong nilagdaan ng mga europeong bansa
kasama ang Qing Dynasty noong Hunyo 1858.
Mga Nilagdaang Kasunduan sa Treaty of Tianjin:
1. Labing-isang himpilan ay bubuksan para sa kalakalan
2. Kalayaan sa lahat ng mga Kristiyano sa China
3. Karapatan sa lahat ng mga foreigners na maglakbay sa China sa anumang layunin
4. Karapatan sa paglalayag ng mga dayuhang bangka, Kahit mga digmaang pangbarko, sa Ilog
Yangtze