Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa relihiyong Zoroastrianism. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang paniniwala ng relihiyong Zoroastrianism
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
AP 7 Lesson no. 14-D: Zoroastrianism
1. Lesson 14-D: Zoroastrianism
Ang relihiyong Zoroastrianism ay isa sa mga pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Umusbong noong 5th
Century B.C.E. Ang relihiyong Zoroastrianism ay may 2.6 na milyon na tagasunod sa rehiyon ng India at
Persia (Iran)
Mga Paniniwalang Zoroastrianism:
Naniniwala sa iisa at supremong diyos na nakakahigitsa anumang tao o bagay
Zoroaster o Zarathustra – nagtatag ng relihiyong Zoroastrianism
Ahura Mazda – supremong diyos na pinaniniwalaan ng mga tagasunod ng Zoroastrianism;
tagapagtanggol ng hustisya; sumusimbolo ng kaalaman, kadalisayan, at lakas
Angra Mainyu – ispiritung pangwasak; sagisag ng kasinungalingan at pandaraya
Zend Avesta – primaryong Koleksyon ng mga banal na teksto ng Zoroastrianism
Naniniwala ang mga Zoroastrians na ang mundo ay ang lugar kung saan naglalaban ang kampon ng
kabutihan at kasamaan. Pinaniniwalaan din nila na ang bawat tao ay may kanya-kanyang gampanin at
responsibilidad upang mapaunlad ang sanktidad atkadalisayan ng ating pag-iral sa pamamagitan ng
pag-iwas sa mga masasama
Naniniwala ang mga Zoroastrians na ginawa ng Diyos ang hindi nakikita at mga mundong hindi nakikita
gamit ang kanyang astral body atkanyang sariling liwanag. Ito ay sagrado at banal
Naniniwala ang mga Zoroastrians na ang bawat tao ay banal at nakikibahagi sa spiritual nature ng Diyos.
Pinanganak ang tao ng dalisay at mayroong magpagpipilian kung susundin nila ang turo at aral ng Diyos
o sundin ang mga gawain ng kasamaan
Naniniwala ang mga Zoroastrians na ang kamatayan ay ang resulta ng pag-alis ng kaluluwa sa katawan
ng isang tao o hayop. Ang sanktidad at kadalisayan ng katawan ay nawawala kapag namatay na ang
isang tao o pag-alis ng kaluluwa sa katawan
Naniniwala ang mga Zoroastrians sa mga ritwal na chanting bilang isang paraan na pagtatag ng
kaayusan at kadalisayan sa daigdig atang mga buhay ng mga mandarasal
Naniniwala na iisa lamang ang daanan, at ito ay ang daanan ng katotohanan
Tinatanggi nila ang monasticism
Ang tubig at apoy ang ahente ng kadalisayan