Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Islam
1. ISLAM
Islam (Arabiko: الإ سلام ; al-islām), "pagsuko
(sa kalooban ng Diyos)" ay isang
pananampalatayang monoteismo at ang
ikalawang pinakamalakingrelihiyon sa
mundo. Ito ay isang Abrahamikong
relihiyon kasama
ng Kristiyanismo at Hudaismo kaya't
malapit na kamag-anak ng
mgapananampalatayang ito.[1] Naniniwala
ang mga tagasunod ng Islam na kilala
bilang mga Muslim[2] na ipinahayag
ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang
banal na salita sa sangkatauhan sa
pamamagitan ng maraming mga naunang
mga propeta, at ni Muhammad na siyang
hulingpropeta ng Islam.[3]
Kahulugan
Pinakapayak na kahulugan ng Islam ang
"pagtanggap at pagpapasailalim o pagsuko
sa kagustuhan ni Allah."[3] Maaari rin itong
mangahulugang "pagtutuon" o "paglalaan"
(dedikasyon) sa Diyos.[1]
Si Muhammad ( 4] (محمد ] ang nagtatag ng
Islam at tinuturing ng mga Muslim bilang
isang sugo(messenger) at propeta
ng Diyos ( الله Allah) at ang huling
tagapagdala ng batas sa magkakasunod
na mga propetang Islamiko. Dahil dito, si
Muhammad ay itinuturing ng mga Muslim
na tagapagpanumbalik ng hindi
nalikong(uncorrupted) orihinal
na monteistikong pananampalataya (islām)
ni Adan, Noe, Abraham, Moises,Hesus at
iba pang mga propeta.
Ang kwebang Hira sa bundok na Jabal
al-Nour na ayon sa paniniwalang Muslim
ang lugar na pinagtanggapan ng unang
pahayag ni Muhammad.
Siya ay ipinanganak noong 570 CE sa
siyudad ng Arabia na Mecca. Siya ay
naulila sa batang edad at pinalaki ng
kanyang tiyuhing si Abu Talib. Siya ay
kalaunang nagtrabaho bilang isang
mangangalakal gayundin din bilang isang
pastol at unang nakapag-asawa sa edad na 25.
Sa pagiging hindi masaya sa kanyang buhay,
siya ay tumungo sa isang kweba sa mga paligid
na kabundukan upang magnilay nilay
Noong 632 CE, mga ilang buwan pagkatapos ng
pagbalik nito sa Medina mula sa
kanyang Pilgrimaheng Pagpapaalam, si
Muhammad ay nagkasakit at namatay. Sa
panahon ng kanyang katamayan, ang karamihan
sa Arabian Peninsula ay naakay sa Islam at
kanyang napag-isa ang mga tribo ng Arabia sa
isang relihiyosong Muslim na politiya. Ang mga
pahayag(o Ayah) na literal na nangangahulugang
"mga tanda [ng diyos]" na iniulat ni Muhammad na
kanyang natanggap hanggang sa kanyang
kamatayan ay bumubuo ng mga bersikulo o talata
ng Qur'an at itinuturing ng mga Muslim bilang
"salita ng diyos" at batayan ng relihiyong Islam.
Bukod sa Qur'an, ang buhay ni Muhammad at
mga tradisyon(sunnah) ay pinanghahawakan din
ng mga Muslim. Ang kanyang mga ginawa ay
binatikos ng kanyang mga tagasunod at kalaban
sa loob ng mga siglo.[3]
Ang Kalipato, 622–750
██ Paglawig ng Islam sa ilalim
ni Muhammad, 622–632
██ Paglawig ng Islam sa ilalim ng
mga Kalipang Rashidun, 632–661
██ Paglawig ng Islam sa ilalim ng
Kalipatong Umayyad, 661–750
2. KALIPATO
Rashidon
Umayyod
Abbasid
Fatimid
Ayyubid
Mamluk
Ottoman
Ahmadiyya(1908 kasalukuyan)
Khilafat
Wakas ng kalipato
Ang artikulong ito ay bahagi
ngseryeng:
Islam
Mga paniniwala
Pagiging isa ng Diyos
Mga propeta ·Mga nahayag na aklat
Mga anghel · Predestinasyon
Araw ng Resureksiyon
Mga pagsasanay[itago]
Paghahayag ng
pananampalataya ·Dasal
Pag-aayuno · Paglilimos ·Pilgrimahe
Mga teksto at mga
batas[itago]
Quran · Sunnah · Hadith
Fiqh · Sharia · Kalam
Kasaysayan at Mga
pinuno[itago]
Kapanahunan · Muhammad
Ahl al-Bayt · Sahaba
Rashidun · Imamata
Kalipata · Paglaganap ng Islam
Kultura at lipunan[itago]
Akademiko · Mga hayop · Sining
Kalendaryo · Mga bata
Dawah · Demograpiko
Mga pestibal · Mga moske
Pilosopiya · Politika
Agham · Mga babae
Desisyon ng fatwa sa isang
kaso ng Muslim na naging Kristiyano: "Ang
taong ito ay gumawa ng
apostasya(pagtiwalag sa Islam). Siya ay
binibigyan ng pagkakataon na humingi ng
tawad at kung hindi niya ito gagawin ay
dapat siyang patayin ayon sa Shariah(batas
Islamiko). Tungkol naman sa kanyang mga
anak. Hanggang sila ay bata, sila ay
itinuturing na Muslim ngunit kung sila'y
tumutuntong na sa adolesensiya(mula 10
hanggang 13 taong gulang) at kung sila ay
mananatili sa Islam, sila ay Muslim. Kung
sila ay aalis sa Islam at hindi humingi ng
tawad, sila ay dapat patayin."
3. ZOROASTRIANISMO
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Zoroastrianismo
Ang Faravahar na pinaniniwalaang
depiksiyon ng isang fravashi
Mga pangunahing paksa
Ahura Mazda
Zarathustra
aša (asha) / arta
Mga anghel at demonyo
Mga Amesha Spenta · Mga Yazata
Mga Ahura · Mga Daeva
Angra Mainyu
Kasulatan at pagsamba
Avesta
Gathas · Yasna
Vendidad · Visperad
Yashts · Khordeh Avesta
Ab-Zohr
The Ahuna Vairya Invocation
Fire Temples
Mga salaysay at mga alamat
Dēnkard · Bundahišn
Book of Arda Viraf
Book of Jamasp
Story of Sanjan
Kasaysayan at kultura
Zurvanism
Calendar · Festivals
Marriage
Eschatology
Mga tagasunod
Mga Zoroastrian sa Iran
Mga Parsi · Mga Irani
Ang Zoroastrianismo /ˌzɒroʊˈæstriənɪzəm/ na tinatawag
ring Mazdaismo at Magianismo ay isang relihiyong batay sa
mga katuruan ng propetang si Zoroaster na kilala rin
bilang Zarathustra sa Avestan. Ito ay dating isa sa
pinakamalaking mga relihiyon. Ito ay malamang na
itinatag noong mga panahong bago ang ika-6 siglo BCE sa
silanganing bahagi ng Dakilang Iran. Sa Zoroastrianismo,
ang manlilikhang si Ahura Mazda ay buong mabuti at
walang kasamaan na nagmumula sa kanya. Kaya sa
Zoroastrianismo, ang kabutihan at kasamaan ay may
dalawang mga natatanging mga pinagmumulan na ang
masama (druj) ay sumusubok na wasakin ang nilikha ni
Mazda (asha) at ang mabuti ay sumusubok na panatilihin ito.
Bagaman si Ahura Maza ay hindi imanente sa daigdig,
ang kanyang nilikha ay kinakatawan ng mga Amesha
Spenta at malaking bilang ng ibang mga Yazata na sa
pamamagitan ng mga ito ay ang mga gawa ng diyos ay
ebidente sa sangkatauhan at sa pamamagitan ng mga
ito ay ang pagsamba kay Maza ay dinirekta. Ang
pinakamahalagang mga teksto ng relihiyong ito ang
Avesta na ang malaking bahagi ay nawala at ang
karamihan ay mga liturhiya lamang ang umiiral. Ang mga
nawalang bahagi nito ay tanging malalaman sa mga
sanggunian at maikling mga sipi sa mga kalaunang akda
mula ikasiyam at ikalabing isang siglo. Sa ilang anyo, ito
ay nagsisilbi bilang relihiyong pambansa o pang-estado
ng malaking bahagi ng mga taong Iranian sa loob ng
maraming mga siglo. Ang relihiyong ito ay naging kaunti
nang ang Imperyong Achaemeniday sinakop ni Alexander
the Great at pagkatapos ay gumuho at nagkahati hati. Ito ay
kalaunang unti unting itinuring na mababa ngIslam mula
ikapitong siglo CE at patuloy sa pagbagsak
ng imperyong Sassanid. Ang kapangyarihang
pampolitika ng pre-Islamikong mga dinastiyang Iranian
ay nagbigay sa Zoroastrianismo ng malaking prestihiyo
sa mga sinaunang panahon at ang ilang mga
4. ZOROASTRIANISMO (paniniwala)
Mga paniniwala
Ang mga Zoroastrian ay naniniwala na
may isang pangkalahatan at
transendenteng diyos na si Ahura Mazda.
Siya ang isang hindi nalikhang manlilikha
na ang lahat ng pagsamba ay huling
pinatutungkulan. Ang nilikha ni Ahura
Mazda na ebidente bilang asha,
katotohanan at kaayusan ang pagsalungat
sa kaguluhan na ebidente bilang druj,
kasinungalingan at kawalang kaayusan.
Ang nagreresultang alitan ay
kinasasangkutan ng buong uniberso
kabilang ang sangkatauhan na may
aktibong papel na ginagampanan sa alitan.
Ang Zoroastrianismo ay nagsasaad na ang
aktibong partisipasyon sa buhay sa
pamamagitan ng mga mabubuting gawa ay
kailangan upang masiguro ang kaligayahan
at maiwasan ang kaguluhan. Ang aktibong
partisipasyon ay isang sentral na elemento
sa konsepto ni Zoroaster ng malayang
kalooban at itinatakwil ng Zoroastrianismo
ang lahat ng mga anyo ng monastisismo.
Si Ahura Mazda ay huling mananaig sa
masamang Angra Mainyu o Ahriman na sa
puntong ito ang uniberso ay sasailalim sa
isang pagpapanumbalik na kosmiko at ang
panahon ay magwawakas. Sa huling
pagpapanumbalik, ang lahat ng mga nilikha
kahit ang mga kaluluwa ng mga namatay
na sa simula ay pinatapon sa kadiliman ay
muling magiging isa kay Ahura Mazda na
babalik sa buhay sa anyong hindi namatay.
Sa tradisyong Zoroastrian, ang kaguluhan
ay kinakatawan ni Angra Mainyu (
"Ahriman"), ang "Prinsipyong
Nakakawasak" samantalang ang mabuti ay
kinakatawan ngSpenta Mainyu ni Ahura
Mazda na instrumento ng "Prinsipyong
Mapagbigay" ng akto ng paglikha. Sa
pamamagitan ng Spenta Mainyu na ang
transendental na si Ahura Maza ay likas sa
sangkatauhan at sa pamamagitan nito na
ang Manliliha ay nakikipag-ugnayan sa
daigdig. Ayon sa kosmolohiyang
Zoroastrian, sa paghahayag ng pormulang
Ahuna Vairya, ginawa ni Ahura Mazda ang
kanyang huling pagtatagumpay na
ebidente kay Angra Mainyu. Bilang mga
paghahayag at mga aspeto ng paglikha, si
Ahura Mazda ay naglabas ng mga Amesha
Spenta na ang bawat isa ay hypostasis at
kinatawan ng isang aspeto ng paglikhang
ito. Ang mga Amesha Spentang ito ay
tinutulungan naman ng ligar ng mas
mababang mga prinsipyo na mga Yazata
na ang bawat isa ay "Karapat dapat sa
Pagsamba" at ang bawat isa ay muling
hypostasis ng moral o pisikal na aspeto ng
paglikha. Sa wakas ng panahon, ang isang
tagapagligtas na Saoshyant ay magdadala
ng huling pagpapanumbalik sa daigdig
(frasho.kereti) kung saan ang mga namatay
ay muling bubuhayin. Ang Saoshyant ay
kinikilala na anak na lalake ni
Vîspa.taurwairî at magmumula sa Ilog na
Kansaoya/Kansava at magdadala ng
parehong sandata na Verethragna na
ginamit rin ng mga epikong bayani at hari
na Iranian sa nakaraan upang labanan ang
iba't ibang mga kalaban na demoniko. Ang
Haurvatat, Ameretat at iba pang mga
katulad na entidad ang
tatalunin ang mga nilikha ni Angra Mainyu.
Ang matuwid ay makikilahok sa parahaoma
na magkakaloob sa kanila ng walang
5. hanggang buhay. Pagkatapos, ang
sangkatauhan ay magiging tulad ng mga
Amesha Spenta na nabubuhay na walang
pagkain, walang kagutuman o pagkauhaw at
walang mga sandata. Ang lahat ay
makikisalo sa isang layunin na sasali sa
diyos para sa isang walang hanggang
pagdakila sa kaluwalhatian ng diyos.
Mga doktrina tungkol sa
kamatayan at kaluluwa
Ayon sa tradisyong Zoroastriano, pagkatapos
mamatay ng katawan, ang kaluluwa ay
nananatili sa mundong ito ng tatlong araw at
tatlong gabi sa pag-aalaga ng Sraosha na isa
sa mga Yazata o anghel. Sa panahong ito,
ang mga panalangin ay sinasabi at ang mga
ritwal ay isinasagawa upang masiguro ang
isang ligtas na pagtungo ng kaluluwa sa
sakop na espiritwal. Sa bukangliwayway ng
ikaapat na araw ng kamatayan, ang espirito
ay pinaniniwalaang tumawid sa kabilang
daigdig kung saan ay dumadating ito sa
alegorikal na Tulay na Chinvat. Sa tulay na
Chinvat, ang kaluluwa ay nagtatagpo sa
isang dalaga na kinatawan ng lahat ng mga
mabubuting gawa at isipan ng nakaraang
buhay. Kung ang kaluluwa ay nabuhay ng
matuwid, ang dalaga ay lilitaw sa isang
magandang anyo. Kung hindi ay isang pangit
na bruha. Ang larawang ito ay
kumokompronta sa kaluluwa at kinikilala ng
kaluluwa na ang larawan ang kinatawan ng
mga sarili nitong aksiyon at kaya ay
humahatol sa sarili nito na alam kung ito ay
karapat dapat na tumawid sa tulay sa
kabilang buhay o bumalik sa daigdig upang
matuto ng mga karagdagang aral. Sa isang
salaysay, pagkatapos matagpo ng kaluluwa
ang sarili nitong larawan, ito ay humaharap
sa isang makalangit ng tribunal kung saan
ang hustisya ng diyos ay nilalapat. Ang mga
mabubuting kaluluwa ay tumutungo sa langit
na tinatawag na Vahishta Ahu at ang mga
masasamang kaluluwa ay ipinapada sa
impyerno na tinatawag na Achista Ahu.[2]