2. ANG ISANG
TAGAPAGSALIN
May sapat na kaalaman sa dalawang
wikang kasangkot
May sapat na kaalaman sa isasaling
paksa
May sapat na kaalaman sa
istruktura ng dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin
May sapat na kaalaman sa kultura
ng dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin
4. TALAKAYAN
Pagsasaling Wika:
Kailangan nito ang kadalubhasaan upang humigit-kumulang ay
mabigyan ng katarungan ang orihinal na sumulat.
Kailan ma’y hindi maisasalin nang ganap sa ibang wika ang inulat
ng awtor sa isang wika.
Ang tagasalin ay dapat magkaroon ng higit na maraming
katangian kaysa sa awtor.
Mga dalubhasa sa larangan ng pagsasalingwika tulad nina Nida at
Savory.
5. Kailangang angkinin ng isang
tagapagsalin ang sumusunod na
katangian:
1. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
Kapag ang isang materyal ay galing sa Ingles ay isasalin sa
Filipino, nararapat na maging hasa sa Tagalog ang tagapagsalin;
gayon din naman sa Ingles ang isinasaling wika.
6. 2. May sapat na kaalaman sa isasaling paksa
Nakalalamang na ang tagasalin na higit na may kaalaman sa
paksa sapagkat siya ang higit na nakasasapol sa paksa at
nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
7. 3. May sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang
kaugnay sa pagsasalin
Isinasaad ng wika ang sariling kakayahan at katangian bilang
isang kasangkapan sa pagpapahayag ng angking kultura.
Ang Ingles ay di-gaanong mabisa sa pagpapahayag ng kultura
ng Pilipinas.
Mapapatunayan ito ng mga pagkakataong hindi maisalin sa
Filipino ang ideyang nasusulat sa Ingles.
8. 4. May sapat na kaalaman sa istruktura ng dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin
Ang katangiang ito ay nauukol hndi lamang sa kakayahan sa paggamit
kundi pati sa kaalaman ng kakanyahan ng dalawang wikang kasangkot
sa pagsalin.
Ang pagsasalin ay nararapat ibatay sa kahulugan, hindi sa kaanyuan.
Kaalaman sa gramatika, ang wastong gamit, pagbubuo at pagsusunud-
sunod ng mga salita ay nararapat ibatay sa kahulugan, hindi sa
kaanyuan.
9. BUOD
Dapat dalubhasa sa isasaling wika
ang tagapagsalin.
Kailangang pagisipan mabuti ang
isasalin upang maging mabisa ang
pagsasaling-wika.
May mga salitang walang katumbas
kapag isasalin sa ibang wika.
12. TALAKAYAN
Mga makabagong kaisipan at patnubay sa
pagsasaling-wika ayon sa iba pang mga dalubhasa:
Hindi masamang dagdagan ang isinasalin kapag
sadyang kailangan at kaugnay sa kaisipang orihinal
o di kaya'y makapagbibigay ng kalinawan at
kabisaan nito.
Maaari ring bawasan upang makaiwas sa pag-uulit-
ulit ng mga salita at parirala o kaya nama'y
makasisira sa original na kaisipan.
13. Kailangan isaalang-alang ang pagtitimbang-
timbang at pagpili ng kahulugang higit na
naaangkop sa kabuuan o sa nais ipakahulugan
ng may-akda ng orihinal.
Kaugnay nitong huli:
Ang pagsasalin ay dapat na makapagbibigay ng
ganap na salin ng diwa sa orihinal na sinulat.
Ang istilo at paraan ng pagsulat ay nararapat na
maging katulad ng katangian ng orihinal.
14. Ang tagapagsalin ay may ganap na
pagkaunawa sa layunin ng awtor at
sa nilalaman ng akdang isinasalin.
Ang tagapagsalin ay may ganap na
kaalaman sa wikang isinasalin at sa
wikang pinagsasalinan.
Ang pagsasalin ay hindi
ginagawang literal (salita sa salita)
pagkat ito'y makasisira at
makababawas sa kagandahan ng
pahayag.
Ayon kay Eilenne Dolet:
Ang anyo ng mga pananalitang
karaniwang ginagamit ng
nakararami ang nararapat gamitin
ng tagapagsalin.
Ang pamimili at pag-aayos ng mga
salita ng tagapagsalin ay kailangang
makapagbigay ng pangkalahatang
bisa kaangkupan sa himig ng
pagkasalin.
15. Sa pagsasalin ayon kay Campbell:
Bigyan ng makatarungang pagpapakahulugan ang kaisipan ng original na
akda.
Ipahayag hangga't maaari ang diwa at istilo ng awtor.
Pagsikaping magkaroon ang salin ng katangian ng orihinal na akda upang
ito'y maging parang madali at natural lamang.
16. Ang mga diwang nasa orihinal ay nararapat na ganap na
mapaloob sa salin.
Ang istilo at paraan ng pagkasulat ay nararapat na maging
magkauri sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
Tulad ng isinaling akda, ang salin ay nararapat na maging
maluwag at magaang basahin.
Si Woodhouslee ang nagsabing:
Mapapansing halos lahat ng binanggit na mga dalubhasa sa pagsasaling wika ay
nagpahayag na nararapat na gawing "diwa sa diwa at hindi salita sa salita."
Nangangahulugan ito na ang kahulugan ng buong pahayag o pangungusap ang
dapat isalin, hindi ang mga salita sa loob ng pahayag.
17. May kani-kaniyang katangian o kakanyahan ang bawat wika. Bawat
wika ay may tanging paraan sa pagbubuo ng mga salita, may paraan
din sa pagsusunud-sunod ng mga salita upang makabuo ng mga
parirala o pangungusap. May mga wikang lalong mayaman sa
paggamit ng mga idyomatiko tulad ng Ingles.
Batay sa naging karanasan ni Dr. Alfonso Santiago sa pagsasaling-
wika, narito ang kanyang mga panuntunan:
1.
Halimbawa, sa Filipino, ang mga pangngalan ay nagiging pandiwa sa
pamamagitan ng panlapi: sa Ingles nagkakaroon ng napakaraming
kahulugan ang isang pandiwa sa pamamagitan ng pagsasama rito ng
pang ukol o iba pang bahagi ng pananalita.
18. Pansinin ang sumusunod na mga halimbawa:
Salitang Run:
run over a page - pasadahan ang pahina
be run over by a vehicle - masagasaan ng sasakyan
run across - makatagpo
vine running over the wall - baging na gumagapang sa pader
run about - magpalibut-libot
Salitang Close:
close the mouth - tumigil sa pagsasalita
close the deal - tapusin ang kasunduan
close down the business - isara o itigil ang negosyo
close to my heart - malapit sa akin
close the topic - huwag nang pag-usapan
19. Salitang Turn:
turn to the left - kumaliwa
urn to one's shoulders - magpaawa sa iba
turn around - umikot
turn the page - buksan ang pahina
it is your turn - pagkakataon mo na
Salitang Go:
go after - habulin
go broke - namulubi
go down - bumaba
go about - alamin ang paraan
go away - umalis
Halimbawa ng pangngalang nagiging pandiwa
sa pamamagitan ng panlapi:
Aral (Study)
mag-aral, aralin, pag-aralan, makiaral,
pakiaral, inaral. magsiaral, magsipag-aral,
paaralin, papag-aralin, ipakiaral
20. 2. Upang hindi maging pangit sa pandinig ang isang diwang ipinapahayag
nang tahasan sa Ingles ay ginagamitan ng eupemistikong salita sa Filipina.
Ito ay bunga ng kulturang Pilipino, ang pagpapahayag ng nilalaman ng
isipan at damdamin sa pamamagitan ng paggamit ng mga piling salitang
nagsasaalang alang o namimitagan.
Maaring ang salita ay karaniwan lamang sa Ingles subalit kapag isinalin na
sa Pilipino ay nakakahiyang sambitin.
Ang eupemistikong salitang gaya ng sumusunod ay ipinamamalit natin sa
mga tahas na salitang katumbas ng mga ito: magsiping, dumi, nanubig,
palikuran, mayroon, ari, kabahagi.
21. Mayroon po ba silang hinahanap?
Mayroon po ba kayong hinahanap?
Ano po ba ang atin!
Sa pagpapakilala ng pamimitagan, hindi lamang po/ho ang maaari
nating gamitin. Mayroon din tayong ginagamit na paraan ng
pagpapahayag tulad ng:
Bagaman isang tao lamang ang kinakausap, ang
salitang sila, kayo at atin, ay ginagamit upang
ipakilala ang paggalang ng nag - tatanong.
22. 3. Ang walang paniniwala sa likas na kakayahan ng wikang kanyang
pinagsasalinan sa wikang isinasalin ay nagbubunga ng panggagaya
o panghihiram lamang ng mga salita kasama na rito ang mga
idyoma, likas na paraan ng pagpapahayag at balangkas ng
pangungusap.
23. BUOD
Kahalagahan na maipakita ang “diwa
sa diwa” at “hindi ang salita sa salita.”
Ang pagsasaling-wika ay nagtataglay
ng diwa, damdamin at katapatan mula
sa orihinal na akda.
Hindi masamang dagdagan o bawasan
ang mga isinasalin kung ito naman ay
magbibigay linaw at kabisaan sa salin.
26. TALAKAYAN
Anu-ano ang mga kategorya ng pagsasalin?
May apat na kategorya:
1. Salitang nagbibigay ng kabatiran
2. Sapat na pagsasalin
3. Sumasaklaw sa iba’t ibang pagsalin sa tula
4. Sumasaklaw sa pagsalin ng mga akdang siyentipiko at teknikal
27. 1. Salitang nagbibigay ng kabatiran
Patalastas
Paanunsyo
Paunawa
Halimbawa:
Register now for the Covid-19 vaccines and
be part of BIDA BAKUNATION.
Salin:
Magparehistro na para sa bakuna laban sa
covid-19 at maging parte ng BIDA
BAKUNATION
28. Halimbawa:
ALUMNAE HOMECOMING
Calling all graduates of La Consolacion College (High School, Class
‘70). Homecoming to be held on November 20, 2004 from 9:am to
4:am at La Consolacion College Auditorium, Mendiola St. Manila
Contact Julita Saruca, Telephone No.: 992-95-48 or L.C.C Alumnae
Association, 559-65-21
29. Salin:
Balik Paaralan ng mga Alumno
Tinatawagan ang lahat ng nagsipagtapos sa La Consolacion College
(Mataas na Paaralan ng Taong ‘70). Pagbabalik-paaralang
gaganapin sa Nobyembre 20, 2004 mula sa ika-9:00 n.u hanggang
ika-4:00 ng hapon sa Awditoryum ng La Consolacion College,
Mendiola, Manila.
Makipag-ugnayan kay Julita Saruca, Telepono Blg. 992-95-48 o
L.C.C Alumnae Association, 559-65-21
30. 2. Sapat na pagsalin
- Isang saling halos hindi
mapagpasiyahan para sa karaniwang
mambabasang ang nais lamang malaman
ay ang nilalaman ng teksto.
Mi Ultimo Adios
Original
Adios, Patria adorada, region del sol
querida,
Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido
Eden!
A darte voy alegre la triste mustia vida,
Y fuera más brillante más fresca, más
florida,
Tambien por tí la diera, la diera por tu bien.
Halimbawa:
Mi Ultimo Adios, Noli Me Tangere
at El Filibusterismo
31. Salin ni Bonifacio:
Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.
Salin ni Balmaceda:
Paalam na mutyang tinubuang minamahal ng araw
Ligayang naglaho at Perlas ng Dagat sa Kasilanganan
Masayang sa iyo’y dulot ko ang aking aba’t lantang buhay
Gaano mang kaningning, gaano mang kaganda at kasariwaan,
Idudulot ko rin kung dahil sa iyong ikatitiwasay
32. Salin ni Alejandro
Paalam bayan kong kasuyo ng araw,
Pumanaw na Edang Mutya ng Silangan,
Malugod kong haing yaring abang buhay,
At kung maging lalong sariwa’t maringal, Iaalay ko rin,
matubos ka lamang.
34. Halimbawa:
The hour I spent with thee, dear heart
Are string of pearls to me;
I count them over, everyone part,
My rosary, my rosary.
Salin:
Ang mga sandaling kasama kita,
ay para kang kwintas. Paulit-ulit
at paisa-isa kong binibilang ang
mga ito katulad ng mga rosaryo. (
tula sa tuluyan)
Ang mga sandali na kasama kita,
Sa pakiwari ko’y kwuintas na
perlas;
Binibilang –bilang nang paisa-isa
Na wari’y rosaryo ng wagas na
pagsinta.
(tula sa tula)
35. 4. Sumasaklaw sa mga akdang siyentipiko at teknikal
Halimbawa:
Biology: The Science of Life
Astronomy
Amplitude
Metric system
Salin:
Biyolohiya: Ang Agham ng Buhay
Astronomya
Taas ng alon
Sistemang Metriko
36. Ang mga tekstong pang-agham at teknikal ay nagaangkin ng mga
katangiang sumusunod ayon kay Rufino Alejandro:
1. Kakaunti ang bilang ng mga salitang ginagamit sa tekstong teknikal.
2. Lalong madali ang pagpili sa katuturan ayon sa gamit ng mga salitang
may iba’t ibang kahulugan.
3. Kakitaan ng lalong payak na kayarian ng pangungusap.
4. May lalong kaisahan sa pagkakasunod-sunod ng mga salita sa
pangungusap.
37. Mga katangian ng naisalin nang tula:
1. Nagtataglay ng diwa, damdamin at katapatan ng orihinal.
2. Maginhawang basahin, sapagkat madulas palibhasa’y may aliw-iw
ng sukat na ginamit.
38. BUOD
Nakabatay sa anyo at layunin ng tekso
ang ang hirap o dali ng pagsasaling-
wika.
Ang mga saling-wika o ideya ay dapat
na hindi malayo sa layunin ng awtor.
41. TALAKAYAN
Pagsasaling “diwa sa diwa” hindi ng “salita
sa salita”
Pagsasaling nananatili and bisa at himig ng
orihinal na kaisipan
Pagsasalin ng talatang naglalahad ng
maraming magkaka-ibang kaisipan ngunit
may kaisahang diwa na kabuuan
Pangkalahatang simulain sa pagsasaling
wika
Mga Idyomatiko o
Kawikaan
Literal na Pagsasalin
Mga Matalinghagang
Pananalita
Mga Pahayag
42. “PAGSASALING DIWA SA DIWA” HINDI NG
“SALITA SA SALITA”
Mga Idyomatiko o Kawikain:
1.
The undiciplined child
will make the mother grieve.
Anak na di-paluhain
Ina ang patatangisin.
A wounded soldier
becomes braver.
Ang bayaning nasusugatan
nagiibayo ang tapang.
God help those who
help themselves.
Nasa tao ang gawa
nasa Diyos and awa.
43. Literal:
Ang di maparusahang anak ay
gagawing ina ang mananangis.
Ang nasugatang sundalo
nagiging higit na matapang.
Ang Diyos tumutulong sa
mga tumutulong sa kanilang sarili.
44. 2. Mga Matalinghagang Pananalita:
to get married - makikipag-isang dibdib > makuhang
magpakasal
ugly appearance - isang bakol ang mukha
> pangit na panlabas
family breadwinner - haligi ng tahanan
> panalo ng tinapay para sa pamilya
life of luxury - buhay-hari
> buhay ng mariwasa
45. 3. Mga Pahayag:
If I were in your shoes
Kung ako ikaw.
Kung ako ang nasa sapatos mo (literal)
He is a well-known lawyer.
Siya’y bantog na manananggol.
Siya ay mabuting kilalang manananggol. (literal)
She’s the apple of my eye.
Siya’y paborito ko.
Siya’y mansanas ng mata ko. (literal)
46. Pagsasaling nananatili and bisa at himig ng orihinal na
kaisipan:
“If the government of a country leaves the church in peace
and gives liberty to our holy religion it will be blessed by
God.”
Salin:
“Kapag ang pamahalaan ng bansa ay nag-iiwi ng
kapayapaan sa Simbahan at nagbibigay ng kalayaan sa
ating banal na relihiyon, ito ay pagpapalain ng Diyos.
47. Pagsasalin ng talatang naglalahad ng maraming
magkaka-ibang kaisipan ng unit may kaisahang diwa na
kabuuan:
Aims of La Liga Filipina
Union of the Philippines into a compact ,
virgorous and homogenous body.
Mutual protection in all occasions of danger
and necessity.
Defense against violence and injustice.
Promotion of education, agriculture and
commerce.
Study and application of reforms.
48. Pagsasalin ng talatang naglalahad ng maraming
magkaka-ibang kaisipan ng unit may kaisahang diwa na
kabuuan:
Salin
Pagkakaisa ng buong Kapulung Pilipinas
Pagtatangkilikan salahatngpanganib at
pangangailangan.
Pagtatanggol laban sa lahat ng karahasanat
kaapihan.
Pagpapaunlad ng edukasyon, pagsaka at
pangangalakal.
Pagsusuri at pagpapatupadngmgapagbabago.
49. Pangkalahatang simulain sa pagsasaling wika:
May sariling katangian o kakanyahan ang bawat wika.
May mga salitang di-maliwanag , nagkakaroon ng dalawa o
mahigit pang kahulugan kapag ginamit na sa pangngusap .
Bawat salita’y isang wikang buháy.
Kailangan igalang ang katangian ng bawa’t isa usapng
maging mabisa ang pakikipagtalastasan
Binago ang anyo ng isang salin upang mapangalagaan ang
nilalaman ng kaisipan.
Maipahayag sa ibang paraan ang wika maliban kung ang
anyo ay isang mahalagang sangkap ng kaisipan.
50. BUOD
Sa pagsasaling wika dapat isinasaalang-
alangang diwa o konteskto at ang balarila
o gramatikang dalawang wika.
Dapat maging maingat sa pagsasalin
upang mapanatili ang diwa ng
orihinal na teksto.
Dapat isinasaalang-alang ang
pamamaraan ng pagsulat o estilo upang
hindi mabago ang diwa ng tekstong isasalin.
51. ANG HAKBANG SA PAGSASALIN NG WIKA AY
MAITUTURING NA MAHALAGA SAPAGKAT SA
PAMAMAGITAN NITO, MAS NAUUNAWAAN NG MGA
TAO ANG ISANG BAGAY. ANG PAGSASALING WIKA
RIN AY DAAN UPANG UMUNLAD ANG ISANG WIKA.
MARAMING SALAMAT!