1. GAWAIN B:
Mayroon tayong iba’t ibang karanasan na paggamit ng wika, Ingles man ito o Filipino o
ibang wika. May mga gumagamit ng Filipino para masabing makabayan sila. Ang iba
naman, gumagamit ng Ingles sa dayuhang kausap o hanapbuhay o kaya ay para magpasikat
sa kausap nila. Ano ang karanasang hindi mo malimutan sa paggamit ng wika? Tiyaking
hindi lalampas sa isang pahinang papel ang iyong kuwento.
KASAGUTAN:
Masasabi kong ako ay kabilang sa ibang istudyanteng hirap sa paggamit at pag intindi ng
wikang ingles lalo na sa loob ng klase. Madalas kong iwasan sa loob ng klase ang lahat ng aming
guro na nagtuturo ng wikang ingles lalo na pag kami ay pinagreresayt, sapagka’t ako’y natatakot
na baka hindi ko masagot at maintindihan ang sinasabi nila o tinatanong nila sakin. Sa loob ng
labintatlong taon ng aking pag-aaral mula Elementarya, Sekondarya at ngayong tumuntong na ako
ng kolehiyo, masasabi kong hindi parin nawawala ang pagka alanganin ko sa wikang ingles at mga
taong nagtuturo nito. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro hindi ko lang talaga nabuksan ang
puso’t isip ko sa wikang ito simula’t sapul ng aking pag aaral.
Isa na nga rito ang karanasan kong di ko makalimutan sa wikang ito ay nung ako ay nasa
ika sampung baitang ng aking pag aaral sa sekondarya. Ang aming guro na nagtuturo sa
asignaturang ingles ay nagbigay sa amin ng takdang aralin na kung saan, gagawa kami ng maikling
sanaysay o masasabi namin sa mga salitang “Power, Love, Freedom, Justice, Faith”. Sabi niya,
magriresayt kami kinabukasan sa oras ng aming klase sa kanya at bubunot lamang kami ng isa sa
mga salitang iyan. Magreresayt kami sa harapan ng klase sa loob lamang ng isang minuto.
Naghanda ako at gumawa ng mga sasabihin patungkol sa mga salita. Ngunit kinabukasan sa aming
klase, nung ako na ang nakatayo sa harap upang magresayt patungkol sa salitang “Love”, wala na
akong nasabi. Parang nalunok ko na ang sarili kong dila. Nataranta ako at di ko na alam ang aking
gagawin at sasabihin. Hanggang sa ang tanging nasabi ko ay “Love is blind”. Nagtawanan ang
mga kaklase ko maging ang aming guro. At ako ay pinaupo na ni Maam habang sya ay iling ng
iling at tumatawa. Hinding hindi ko makakalimutan ang nakakahiyang pangyayaring iyon ng aking
buhay.
Pero pinipilit ko paring intindihin, pag aralan at gamitin ang wikang ito, sapagka’t alam
kong napakahalaga ng wikang ito lalo na sa panahon ngayon. Alam ko ring ang wikang ito ang
madalas gamitin sa mga “Job Interview”, kaya nararapat lamang na pag aralan ko ito sa abot ng
aking makakaya.
GAWAIN D:
Panuto: Pumili ng isa sa mga nakatala sa ibaba at sikaping maipaliwanag ang ng mga
sitwasyon o pangyayari.
1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wikang pambansa bilang mabisang wika ng
Komunikasyon.
KASAGUTAN:
Wika ang tanging kasangkapan ng mga tao sa pakikipag ugnayan sa kapwa. Malaki ang
nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng unawaan, ugnayan at mabuting samahan. Kung walang
wika, paano magkakaintindihan at mapapalapit ang mga tao sa isat-isa? Paano uunlad at susulong
ang isang bansa? Napakaraming katanungan na mahirap sagutin kung walang wika. Masasabi kong
hindi sapat ang senyas, guhit o anumang ingay ang gawin ng mga tao kung walang wika upang
magkaintindihan lamang. Kahit anumang anyo ng wika, pasulat o pasalita, hiram o orihinal,
banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng mga mensahe at nais
nating ipahiwatid o iparating kaninoman.
Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay
sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano at meron sila. Dahil sa tayong mga Pilipino
ay may sariling wikang ginagamit, nangangahulugan itong tayo ay tunay na malaya. Sapagkat
2. malaya nating nagagamit ang wikang nagmula mismo sa ating bansa at pinaghirapang buoin at
pag aralan ng ating mga ninuno simula pa noong unang panahon.
GAWAIN E:
Ipakilala ang sumusunod at ilahad ang kanilang nagawa na may kinalaman sa mga isyung
pangwika:
1. G. Virgilio A. Almario
Siya ay isa sa Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura at Tagapangulo ng
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Isa sa mga namuno upang maging ganap na Wikang
Pambansa ang Wikang Filipino.
2. Gng. Gloria Arroyo
Naging pangulo ng Pilipinas. Ngunit isa sa mga kumastigo at lumapastangan sa
Pambansang Wika. Siya ang naglabas ng Executive Order bilang 210 na may pamagat na
“Pagtatatag ng patakaran upang palakasin ang ang paggamit ng wikang ingles bilang
pangalawang wika sa sistemang pang edukasyon”. Nilayon ng naturang Executive Order
na ito na palakasin ang Wikang Ingles sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas maraming
oras sa paggamit nito bilang panturo. Bagay na kinuwestyon sa korte suprema noong Abril
27, 2007.
3. Dr. David Michael M. San Juan
Isa sa nagtaguyod sa pagbabawas ng mga asignatura sa Kolehiyo. Convenor ng
Tanggol Wika, Associate Professor, Departamento ng Filipino, De La Salle University-
Manila at sinimulan ang pagpapalaganap ng isang petisyon na may layuning “Urging the
Commission on Higher Education (CHED) and Department of Education (DepEd) to
consider issuing an immediate moratorium on the implementation of the senior high
school/junior college and Revised General Education Curriculum (RGEC) Components of
the K to 12 Program which might cause the downsizing or even abolition of the Filipino
departments in a number of universities (other departments would surely be downsized
too).”
4. Dr. Aurora Batnag
Siya ay dating director sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), pinagtibay ng
mga gurong delegado sa isang Pambansang Kongreso ng Pambansang Samahan sa
Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) ang isang resolusyon hinggil sa “Pagtiyak
sa Katayuang Akademiko bilang Asignatura sa Antas Tersyaryo”. Humigit kumulang 200
guro ang nakipagkaisa sa hangaring ito.
5. Dr. Antonio C. Contreras
Taga Dela Salle State University. Siya ang nakipagdiyalogo sa 2 komisyoner ng
CHED na sina Commission Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista at mga
propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque State University.
Napagkasunduan sa diyalogo nila na muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal
na i-recovene ang Technical Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General
Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng
pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya.
GAWAIN F:
Gawaing Interaktibo
Pumili ng dalawa mula sa bilang 1-5. Magbigay ng sariling karanasan at/o
obserbasyon batay sa paggamit ng Wikang Filipino sa:
1. Lugar Umpukan – Batay sa aking karanasan at obserbasyon narin, hindi pormal ang
ginagamit na salita sa ganitong sitwasyon. Gumagamit kami ng mga salitang balbal
kung tawagin upang ipahayag ang aming mensahe sa aming mga kausap.
Nadadagdagan pa ito ng mga ibang lengwahe kaya mas nagiging makulay at masaya
ang aming pakikipag usap at pakikipag ugnayan sa iba. Masasabi kong kumportable
kami sa ganitong klase ng wika kapag ito ang aming gamit.
2. Paaralan – Mas pormal ang aming pakikipag usap sa lugar na ito, lalo na kung ang
aming sabyek ay ang Wikang Filipino. Kapag kami ay nakikipag usap sa aming guro
3. tuwing nagreresayt, gumagamit kami ng mas pormal na mga salita at kaaya – aya sa
pandinig. Pero pagtapos ng pagreresayt, bumabalik kami sa paggamit ng di pormal na
salita kung saan kami ay mas kumportable.
Introduksiyon Gawain 4
Gawaing Intergratibo
Panuto: Buoin ang concept map ukol sa iba’t ibang isyung pangwika. Tukuyin ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.
ISYUNG
PANGWIKA
MGA PAGKAKATULAD AT
PAGKAKAIBA
1934 KUMBENSYON
Naganapang isang
kumbensyong
Konstitusyonal
Pagtitiponngmga
hinalal nadelegado
Pagbabalangkasng
isangsaligang
batas para sa
pamahalaan
Paggawang isang
rebolusyontungkol
sa wikang
pambansana
humihikayatsa
kongresona
gumawang mga
hakbangsa
pagpapaunladat
pagpapatibayng
isangwikang
pambansabatay sa
umiiral na
katutubong
diyalekto
Pinagtalunankung
ano ang itatatagna
wikangpambansa
EXECUTIVE ORDER 210
Naglalayong
mapaunladang
kakayahanat
kasanayanng mga
estudyante sa
paggamitng wikang
Ingles
Anginglesay
maituturobilang
pangalawangwika
Hinihikayatnitoang
mga HigherEducation
Institutionang
paggamitng wikang
inglessapagtuturo
Naglalayong
maihandaang mga
estudyante samga
opurtunidadsaibang
bansa dahil ang
wikanginglesang
pangunahingwika
doon.
CHED Memo No. 20,s. 2013
Pinamagatang
“General Education
Curriculum:Holistic
Understandings,
Intellectual andCivic
Competencies
Ayondito,ang
asignaturang Filipino
ay hindi naituturosa
mga estudyante
pagkatungtongnila
ng kolehiyokapag
naipatupadnaang K-
12 program
Dahil dito,nabuoang
isangalyansang
tinatawagna
“Tanggol Wika” na
binubuongmga guro
at propesorkung
saan ang isasa
kanilangmgalayunin
ay ang pagpapanatili
ng pagtuturong
asignaturang Filipino
sa mga estudyante sa
kolehiyo
PAGKAKAPAREHO:
Pare-pareho silang nais paunlarin ang wikang nananalaytay sa ating bansa.
Nagtalo –talo upang mas higit pang mapaunlad ang ating bansa sa pamamagitan ng
wika
Sa huli, silang lahat ay nagkasundo na ipapanatili paring pangunahing dayalekto ang
wikang Filipino dahil ito’y sariling atin.