2. Ang wika ay ginagamit upang
magkakaintindihan at magkakaunawaan tayong
lahat. Hindi ganap o malinaw ang isang talastasan
kung walang wika na naiintindihan ng bawat panig.
Kung kaya’t dito sa Pilipinas, ang wikang Filipino ay
ang itinuturing na Pambansang Wika. Ang wikang
ito ay naiintindihan ng lahat ng mamamayan sa
Pilipinas kahit na hindi ito palaging ginanagamit
ng iba’t-ibang pangkat etniko sa bansa.
3. Ang pambansang wikang kinagisnan natin ngayon ay
dumaan sa samo’t saring isyu at kritisasyon noon. Noong
1939, hinirang ang Tagalog bilang batayan sa ating wikang
pambansa subalit kinuwestiyon ito ng iba’t ibang katutubong
grupo sa bansa sapagkat ang Tagalog ay tumutukoy sa mga
katutubong naninirahan sa Luzon. Sa aking opinyon, tama ang
naging katuwiran ng mga taong kumontra sa Tagalog bilang
batayan sa ating wikang pambansa. Parang pagmamay-ari na
ng mga Tagalog ang Pilipinas. Hindi lang naman ang mga
Tagalog ang mga mamamayang sa Pilipinas kaya’t nararapat
lamang na bigyan ng angkop na pangalan ang ating
pambansang wika.
4. Noong 1959, mula sa pagiging Tagalog naging Pilipino ang ating
wikang pambansa. Ito ay alinsunod sa Kautusang Pangkagawaran Blg.7 na
nilagdaan noong Agosto 13, 1959 at nagtataglay pa rin ng mga katangian
ng Tagalog. Noong 1986, sa ilalim ng administrasyon ni Pang. Corazon C.
Aquino, naging Filipino ang dati’y Pilipino sa kadahilanang nais nating ibalik
at dibdibin kung ano man noon ang talagang atin. Ang Filipino ay ang
orihinal na pagtawag sa pakikipagkomunikasyon noon pa lamang hindi pa
tayo naimpluwensiya ng paghiram ng mga salita o bagong paglilinang mula
sa panahon ng pananakop ng mga Español. Ang ebolusyon ng ating wikang
pambansa mula sa Tagalog hanggang sa Filipino ay isang palatandaan na
ang wika ay patuloy na nagbabago. Sa aking palagay, mahalaga ang naging
ebolusyon ng ating pambansang wika dahil hindi natin makikita ang tunay
na halaga nito ngayon kung hindi ito pinagdebatehan noon. Pangalawa,
kung hindi dahil sa ebolusyong ito ng ating wikang pambansa, Tagalog pa
rin ang mananatiling pambansang wika,
5. Sa aking obserbasyon sa kasalukuyang henerasyon, hindi na
masyadong pinapahalagahan ng mga kabataan ang wikang Filipino.
Patuloy nating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika subalit hindi naman
natin ito pinaninindigan. Halimbawa, kapag may mga bisita tayong mga
dayuhan, pinipilit nating kausapin sila sa linggwaheng kanilang
naiintindihan. Gayunpaman, kapag tayong mga Pilipino ang pupunta sa
ibang bansa, kailangan pa nating aralin ang kanilang wika. Sa aking
palagay, dapat nating ipaglaban at patunayan ang ating pagmamahal
sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng ating wika sa
pakikipagtalastasan natin sa mga banyaga. Hindi ito nangagahulugan
na pilitin natin silang gamitin ang ating wika kundi ang importante ay
hindi natin pinipilit ang ating sarili na magsalita sa wikang banyaga.