2. Hanggang nagyon, hindi ko maintindihan
kung bakit kinakausap natin ang mga aso
natin sa wikang ingles. Wala kang
naririnig na nagsasabing “Upo, Bantay,
upo”, kundi “Sit, Rover, sit”. Kung sa
bagay tayo mang mga Filipino ay may
pangalang Rover, Fido, at Fifi, kaya hindi
nakapagtataka na pangalanan natin ang
ating mga aso ng ganoon.
3. Nakapagtataka kung bakit natin sila
kinakausap sa ingles. Pero may punto rito,
at ang punto ay ito: Marami at sari-sari
ang gamit ng wika, hindi lamang
komunikasyon ng dalawang tao. Sa tingin
ko, ang tanging papel na ginagampanan
ng wika sa lipunan ay ang pagbibigay
daan sa palitan ng mga ideya ng mga tao
sa lipunang iyon.
4. Malaki ang halaga ng ingles bilang isang
paraan ng komunikasyon. May punto ang
mga nagsasabing wag nating kaligtaan
ang ingles, dahil ito ang “connect” natin sa
mundo lalong-lalo na sa panahong ito na
masasaksihan natin ang isang information
explosion na likha ng computer.
5. Bukas ang information highway sa
anumang uri ng sasakyan, pero nakasulat
sa ingles ang mga signs sa kalye. Pag
hindi tayo marunong-ingles mawawala tao
sa kalye. At talaga namang pagkalalawak
ng mga kalye rito.
6. Huwag nang isipin ang internet, isipin na
lang ang simpleng paglalakbay. Kailangan
pa rin ang ingles. Maliban kung sa
Pilipinas ka lang maglalakbay. Isipin na
lang ang paglalakbay ng isip na
magagawa sa pagbabasa, panonood ng
sine, pakikinig ng balita. Kailangan pa rin
ng ingles, liban na lang kung ang
panonoorin lang ay ang mga sine ni
Sylvester Stallone. Walang duda na
kailangan natin at mahalaga ang ingles.
7. Mahirap kumilos sa Bangkok hindi lamang
dahil sa ang sulat dito ay bulate, pati na
rin dahil iilan lang ang marunong mag
ingles. Iba pa kung paano nila bigkasin
ang ingles, na talaga namang
pagpapawisan ka ng dugo bago mo
maintindihan. Ang pinakamadaling paraan
para makipagtalastasan sa taxi driver at
tindero ay sign language. Pero
gayunpaman, pumapangalawa sa Japan
ang Thailand sa Computer Technology sa
Southeast at South Asia.
8. Bale ba, bagama't hindi marunong magingles ang mga Thai ay higit na mas
malaki ang kanilang turismo kaysa sa'tin.
Ang ating turismo ay parang daga lamang
pag pinaghambing sa turismo ng Thailand
na parang elepante. Ang mga turistang
pumapasok sa Pilipinas sa isang taon ay
isang buwan lamang sa Thailand.
9. Hindi pa ito ang problema sa ingles, gaya
nga ng nasabi ko kanina, hindi lamang
isang paraan ng komunikasyon ang wika;
Lalong-lalo na sa bansang ito. Hindi
lamang ito susi sa pakikipag-usap , at
impormasyon kundi kapangyarihan at
makapaghari. “Marunong kang magingles, makararating ka sa itaas; hindi ka
marunong mag ingles, mauuwi ka sa
pagiging kargador.
10. Sa bansang ito, hindi lamang salita ang
ingles kundi orasyon. Ano man ang
sabihin mo, matino man o hindi, kapag
sinabi mo sa ingles ay nagkakaroon ng
bigat, o halaga. Ang marunong mag-ingles
ay hindi lamang palatandaan ng
kagalingan sa lengguwahe, palatandaan
din ito ng kaalaman, at pagkakaroon ng
class.
11. Siguro ito ang dahilan kung bakit natin
kinakausap sa ingles ang ating mga aso,
kasi pag kinausap natin sila sa ingles, aso
man ay seseryosohin ka.
12. Noon pa man ay alam na ng mga kastila
na ang wika ay kapangyarihan, at sinikap
nilang pakinabangan ang kapangyarihang
ito sa pamamagitan ng pagkakait sa mga
indio ng salitang Espanyol. Naunawaan
ng mga Espanyol na ang wika ay
kapangyarihan pero nagkamali sila sa
pagsasamantala nito. Ang mga amerikano
ang makakikita ng wastong
pagsasamantala nito, hindi nila ipagkakait
ito sa atin.
13. Ito ang totoong problema sa ingles, ang
dahilan kung bakit hindi natin dapat
akalaing ito ay isang purong grasya.
Malinaw sa kasaysayan natin na hindi
lang pangkomunikasyon ang ingles kundi
paraan ng kolonisasyon. Ang ingles ay
hindi naging paraan sa pag-uusap ng
komunikasyon kundi naging paraan ito sa
paghahati ng mamamayan.
14. Ang wika ay hindi lamang koleksiyon ng
mga salita at mga paraan ng paggamit
nito, ang wika ay isang buhay na bagay.
Tumutubo ang wika mula sa puso ng
isang bayan. Sumususo ang wika sa
pambansang kasaysayan at karanasan.
Ang pag-aaral ng ingles ay hindi lamang
pagkakabisa ng mga salita kundi
pagbabad sa kultura na lumikha nito.
15. Bago ka magkaroon ng kompyansa sa ingles
ay kailangan angkinin mo ang kaluluwa noon.
Hindi lamang grammar at syntax ang wika, ang
wika ay kultura at sensibilidad. Hindi laging
nagdudulot ng komunikasyon ang wika kung
minsa'y nagdudulot ito ng kawalan ng
komunikasyon
16. Makikita ang puwang sa lipunan sa ating
sine, kapag mayaman ang pamilya tiyak
na ingles ang dialogue. Kapag katulong
ang karakter ay mag-tatagalog.
Ano ang dapat gawin? Paano natin
pagtutugmainang pangangailangan natin
sa ingles at pangangailangan natin ng
isang wikang magbubuklod sa atin sa
kabila? Ang sagot ay ang pagpapalakas
ng wikang pambansa. Ang wikang iyan ay
hindi maaring maging ingles.
17. Iyan ay isang kasong, sabi nga sa ingles, the
“tail wagging the dog.” Hindi maaring ipagpag
ng buntot ang aso. Ang pambansang wika ay
maari laman maging Filipino. Mali ang
paniniwalang kapag gusto mong palakasin ang
Filipino ay gusto mong pahinain ang ingles.
Hindi totoo iyan, gusto nating palakasin ang
Filipino pati na rin ang ingles bilang
pangalawang lengguwahe, ang mahalaga ay
ang “pangalawa o second”. Hindi maaring
maging una ang ingles.
18. Makikita natin sa halimbawa ng Thailand
at iba pang mga bansang Asyano na hindi
lamang ito posible kundi kailangan. Ang
mga bansang ito ay nagpapalaganap sa
kasalukuyan ng wikang ingles,
nagpapalaganap sila ng ingles dahil
mayroon na silang sariling wika-Thai,
Arab, Intsik, Hapon, Koreano. Bagama't
tinutulak nila ang pag-aaral ng ingles wala
sa mga bansang ito ang magpupumilit na
palitan ang sariling wika ng ingles.
19. May kaibahan sa paghango at pagpapalit,
may kaibahan sa paghiram at pagkopya.
Ang ibang bansa ay mayroong
pinanghahawakan, tayo ay wala. Sila ay
humahango at humihiram, tayo ay
nagapapalit at kumokopya. At tingin natin
sa sarili natin ay cosmopolitan tayo. Hindi
ito pagiging Cosmopolitan, ito ay simpleng
pagiging uprooted.
20. Bakit hindi Filipino English bilang wikang
pambansa? Kung tutuusin, ano ba naman
ang likas na mahusay na wika? Bago
dumating si Goethe, mahusay lamang ang
Aleman para sa barbarians. bago
dumating si Pushkin, ang Russian ay
mahusay lamang para sa pag-toast ng
vodka. At bago dumating si Shakespeare,
ang Ingles ay mahusay lamang sa isang
sakop. Ang husay ng lengguwahe ay
nasa mga taong gumagamit nito
21. Ang paborito ko pa ring kuwento rito ay
ang isang direktor ng teatro na minsan ay
tinanong ng isang estudyanteng pa werswers: “ Talaga bang epektibo ang Filipino
sa teatro?” Sumagot ang direktor, “Putang
ina mo”. Namutla ang estudyante at dalidaling umalis.
“ Tingnan n'yo,” sabi ng direktor sa
kaniyang crew, “ epektibo ang Filipino sa
teatro”.