SlideShare a Scribd company logo
1 of 5
Wika
Talumpati ni Farah Grace Jimena
“Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata, makapagtitibay sa bansa, paggamit ng sariling wika,
ang ating tanging tanikala.”
Malaya na tayong mga Pilipino sa pang-aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na ang
ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at
mayroon pang pambansang wika… ang Wikang Filipino.
Wikang Filipino? Ginagamit ba ito?
Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong ating
bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika?
Nawawalan ng kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa
paaralan at maging sa pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa
sistema ng ating edukasyon, lumilitaw na tila wala pa tayong wikang sarili sapagkat
nagpapamanipula tayo sa mga wikang banyaga.
Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi… tatak ng isang bansang malaya. Ang mga bansang
malaya ay yaong mga gumagamit sa sariliing wika. Sa wikang Filipino naipakikilala ang lahing
pagka- Pilipino. Larawan ito ng pagiging matapang, matatag at makatarungan ng mga Pilipino.
Ating ibalik sa panahon ng ating mga bayani, kanilang ipinaglaban ang ating bansa sa mga
pananakop ng mga mapang- aping mga dayuhan. Ibinuwis nila ang kanilang mga buhay , para
lamang makahulagpos tayo sa mga manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay ginamit bilang
simbolo na isa na tayong malayang bansa.
Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang wika.
Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung kaya’t kultura ang
pinanggagalingan ng wika. Wika ang nagiging midyum para maipahayag ang kultura ng isang
pangkat ng mga tao. Ito ang paraan para mapayabong o mapaunlad ang kultura.
Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa.
Kung sariling wika ang ginagamit sa ating bansa, mawawala ang “ communication gap” sa pagitan
ng masa ng mga nagsasalita ng sariling wika at mga pinuno na nagsasalita sa wikang Ingles. Sa
ganito tayong mga Pilipino’y lagi nang kikilos at gagawa na parang iisang tao sa paghanap ng
kaunlaran, kadakilaan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng ating wika, nagkakaintindihan tayo.
Dito tayo nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag ngakakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran itong
ating bansa.
Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi? Hindi ba’t ang
pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit at napapakinabangan ng
lahat? Oo nga’t Ingles ang wikang ginagamit sa pandaigdigang kalakaran at ito’y hindi natin
maiwawalang- bahala lang. Hindi rin naman masama ang panghihiram dahil nakatutulong ito na
mapanatiling buhay ang isang wika. Nagiging midyum ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang
bansa.
Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga panayam, pakikipag-
ugnayan at pakikihalubilo sa kapwa Pilipino? Hindi ba’t mas mainam dahil naiintindihan ito ng
lahat ng tao sa Pilipinas? At kung gamitin kaya ito sa mga inilalathala sa pahayagan, hindi ba’t mas
madali nating maaabot ang mga hinanaing, mga naisin o kaya’y mga pangyayari sa ating bansa?
Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para mapatatag ang ating
bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa ikauunlad nitong bansa.
Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa pagkakaunawaan,
tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.
Talumpati Para sa Buwan ng Wikang Pambansa
Talumpati ni Jeffry Manhulad
Sapagkat ang wika’y panlahat, dapat natin itong gamitin sa pang araw araw na pakikipag ugnayan
at pakikipag usap sa lahat ng mga Pilipino dahil hindi lamang ito nagsisimbolo ng isang dayalekto
sa Pilipinas kundi ito’y panlahat. Kagaya ng sinabi ni Jose Rizal, “Ang Hindi Marunong Magmahal sa
Sariling Wikay ay Higit Pang Mabaho sa Malansang Isda.” Ang wikang ito ng ating pambansang
bayani ay isa lamang sa kanyang mga makabayang pamana tungkol sa pagmamahal sa ating
sariling wika—ang Wikang Filipino. Ang paalalang ito ng ating bayani ay hindi dapat kalimutan
sapagkat an gating wika’y huwad din sa iba at dapat ipagmalaki.
Dapat natin itong gamitin at nang ito’y hindi maglaho sa susunod na henerasyon. Ang panghihiram
ng mga salita sa ibang wika ay hindi dapat natin itakwil, bagkus ating itong tanggapin ng buong
puso sapagkat parti ito ng ating nakaraan—na tayo ay naging sakop ng ibang mga bansa gaya ng
Espanya at ng Amerika. Ang mga wikang hiniram natin sa mga bansang ito ay dapat nating
ipagmalaki sapagkat isa lamang ito sa mga magagandang pamana ng mga bansang sumakop sa atin
noong una.
Hindi rin natin dapat itakwil ang mga salitang ipinamana ng iba pang mga dayuhan na nag ambag
upang mapayaman ang wikang Filipino gaya na lamang ng mga tsino na kung saan hindi man nila
sinakop ang Pilipinas ay nakipag ugnayan naman ito ng kanilang mga produkto at kagamitan bago
paman dumating angt mga mananakop sa atin. Ipagmalaki natin an gating ugnayan sa kanila
lalunglalo na ang kanilang mga ipinamanang wika.
Kaya mga kababayan kong Pilipino, huwag tayong mahiya sa ating wika. Ipagmalaki, pagyamanin,
at gamitin natin ito kagaya ng ginawa n gating pambansang bayani na si Rizal na kahit marami na
siyang alam na wika’y taas noo parin niyang ginamit ang ating wikang Filipino sa kanyang mga
obra kahit saan man siya pumunta. Isa lamang halimbawa nito ang kanyang pagsalin ng mga obra
ng dayuhang manunulat sa ating wika.
Filipino: Wika ng Karunungan Tungo sa Kaunlaran
Mula sa PasigGreenPasture.com
Maluwalhating umaga sa inyo mga kapwa Pilipino, mag-aaral, kaibigan, mahuhusay at
mapagmahal na mga guro, butihing at maunawaing prinsipal at administrador. Purihin ang
Panginoong Hesus sa isang napakagandang umaga!
Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang binabago.
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng
antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon,
Visayas at Mindanao.
Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito
ang sibilisasyon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang
bawat pangkat dahil sa pagkakaroon ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang
naging daan para sa transportasyon at komunikasyon na nagbigay daan para mas dumami ang
ideya at opinyon. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon. Nagbigay daan ito sa mas
positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat,
napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba’t-ibang paniniwala.
Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating
kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig
ng Pilipinas.
Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t
halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa Ang wikang
Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat.
Maraming Salamat! Nawa’y mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na mamamayan ng
bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.
Wikang Filipino: Wika Mo, Wika ko, Wika nating LahatTalumpati ni Grandeson Puma
Maluwalhating umaga sa Inyo mga kapwa Pilipino, Purihin si Hesus at si Maria!
Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo… iisa. Sa mundong pilit kang binabago, may
nananatili pa nga bang matatag? Tila marahil sa pagdaan ng panahon tayo ata ay nakalilimot ng lumingon
sa ating pinanggalingan, nakatikim lang ng Hershey’s chocolate, nakalimutan na ang Chocnut,
nakapagsuot lang ng sa Rusty Lopez, nalimutan na ang sapatos na gawang Marikina, at nakapunta lang
ng ibang bansa, tila ayaw ng umuwi at kinamumuhian na ang sariling bansa, natuto lang mag ingles, hindi
na marunong mag Filipino. Tama, nakalulungkot mang isipinngaunit iyon ang katotohanan,katotohanang
dapat natin harapin at pagtuunan pansin, kung minsan nga’ y nahihiya pa natin mag Filipino kaya nga’t
kahit mali ang grammar at nagbubuhol-buhol na ang dila pinipilit parin mag ingles.
Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas – ang Pilipino na nagmula sa
Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino.
Ating muling sariwain ang pinagmulan ng wikang Filipino. Sa bayan ng Baler, Quezon sumibol ang amang
naging instrumento upang magkaroon tayo ng sariling wika, siya ay si Manuel L. Quezon, dating pangulo
ng Pilipinas, tinaguriang Ama ng wikang Pambansa. Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking
hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni
Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog at nang naglaon ay naging Pilipino
sa ilalim ng Kautusang pang edukasyon Blg 7.
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng
tao sa lipunang kinagagalawan. Isang indikasyon na ikaý isang tunay na Pilipino.
Tunay ngang masasabing kayamanan ang pagkakaroon ng sariling wika, ang wikang Filipino ang
ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at
pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.
Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t
pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa, Ang wikang Filipino. Wika Mo,
Wika ko, at Wikang nating Lahat.
Maraming Salamat sa inyong pagbasa at naway mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na
mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.
Kahalagahan ng Wika Mula sa TakdangAralin.ph
Sa bawat kasaysayan ng isang bansa, isa ang wika sa may pinakamahalagang ginagampanan sa buhay
ng bawat indibidwal. Nabibilang ang ating bansa sa may mga maraming etnolinggwistikong grupo. Samu’t-
sari rin ang ating lenggwahe at dayalektong ginagamit.
Idagdag pa natin ang mga global na wika na ating natutunan sa ating mga kaibigang dayuhan, pati na rin
ang mga namana natin sa mga mananakop tulad ng Espanyol. Ang wika ay nagbibigay ng pagkakaisa
ngunit kung minsan naman ay ang hindi pagkakaunawaan.
Sa dami ng wika na ating ginagamit, hatid nito ay kalituhan. Ibang lugar, iba ang lenggwahe, at ibang uri
ng lahi, iba rin ang wikang gamit. Dahil sa suliraning ito ng di pagkakaunawaan, isinabatas at iprinoklama
ng noo’y Presidente na si Manuel Luis Quezon ang pagkakaroon ng wikang Pilipino bilang ating wikang
pambansa. Mula noon ay binansagan na siya na ama ng wikang pambansa.
Napakahalaga ng wika sa kasaysayan at kultura ng bawat lugar. Ito ang ating gabay sa
pakikipagtalastasan, sa pagpapahayag ng ating mga damdamin, ekspresyon, ideya, mga pananaw at
opinyon, wika ang ating gamit. Sa pamamagitan nito malinaw nating naipaparating ang ating mga
mensahe, sa panulat man o sa pananalita.
Sa paglinang at paghubog ng ating pagkatao at kaisipan, wika rin ang instrumentong gamit sa anumang uri
at antas ng paaralan. Magmula sa ating simpleng abakada hanggang sa pagtatapos ng ating mga
propesyon, wika ang tanging gabay at naging patnubay ng ating mga guro.
Sa gitna ng anumang sigalot, away at maging sa digmaan, wika ang pinakamalakas na sandata. Sa mga
lugar na kung saan may bangayan at gusot, wika ang ating gamit pangpakalma ng sitwasyon at susi sa
pagkikipagnegosasyon. Lahat ay nadadaan sa mahinahon at mabuting pakiusapan kapag tamang salita o
wika ang ginagamit.
Maging sa mga pinakamataas na lider ng ating lipunan wika rin ang kanilang kalansag at sandata sa
pagpapahupa ng anumang tensiyon sa kanilang kapwa lider o maging sa mga tagasunod. Gamit ang wika,
mas malaki ang tsansa na nagkakabuklod-buklod ang mga nagkakawatak-watak.
Dahil sa wika ay nalalaman ng bawat indibidwal ang ating pinanggalingan at kung saan pa ang tatahakin
sa ating hinaharap. Sadyang napakakapangyarihan ang wika. Instrumento ito sa pagkakalat, paglilimbag
at paglalathala ng anumang uri ng babasahin.
Lumipas man ang iba’t-ibang uri ng henerasyon, at kahit mawala pa ang ibang wika sa ating sirkulasyon,
walang detalye ang makakaligtaan at habang buhay na magiging parte ng ating historya gamit ang wika.
Sa panulat man o sa pananalita parehong mahalaga ang wika. Kung hindi man maisulat ng lapis sa papel
ay maaari namang mabigkas ng bibig.
Mula sa kamusmusan, pagkamulat ng ating kaisipan at hanggang sa ating pagtanda habang buhay nating
magiging instrumento, gabay, kalasag at sandata ang ating wika. Lilipas man ang mga makalupang
panahon at iba pang salik lahi, ang wika ay mananatili pa rin.
Sa pagdating sana ng mga modernong kaalaman at kagamitan, isabay din natin ang pagtaas ng ating
kalinangan at kaisipan sa pag-aaral sa ating sarilng wika. Tumulong tayo sa pagpanatili nito at huwag
nating hayaan ang unti-unti nitong pagkawala o pagkaluma sa sirkulasyon ng iba pang mga wika.
Hikayatin natin ang bawat kabataan at mamamayan na bigyan ito ng pagpapahalaga at respeto. Gamitin
natin ito ng may buong puso at pagmamalaki. Dahil saang dako ka man ng mundo mapadpad, ito ang
iyong magiging tatak at sagisag bilang isang tunay na Pilipino.
Filipino, Bilang Wikang Pambansa Mula sa FilipinoBWP.blogspot.com
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng
tao sa lipunang kinagagalawan. Ang pagsilang ng wika ay nagibibigay buhay sa sibilisasyon. Sa
pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng bawat tao. At sa
pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang naipapahayag ng nakararaming mamamayan ang kanilang
kaisipan.
Ang wikang “Filipino” ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng ating bansa. Ang ingles ang
isa pa – ayon sa saligang batas ng (1987). Isa itong wikang austronesyo at ang de facto (“sa katotohan”)
na pamantayang bersyon ng wikang tagalog, bagaman de jure (“sa prinsipyo”) itong iba rito.
Isang layunin ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang
pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at politikal na pagkakapatiran at maging ang pagkakaroon ng
isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa.
Dapat lamang at napakahalaga na magamit natin ang ating wikang pambansa sa lahat ng kaparaanan.
Hinggil sa ating pakikipagtalastasan saan man tayong rehiyon nabibilang, dahil bilang isang mamamayan
sa bansa nakapaluob sa ating wikang pambansa ang saliring kulturang tinataglay na pagkikilanlan ng ating
sariling bayan, tungo sa pag-unlad ng ating pang-economiya at katatagang politika.
Napakahalaga na pagsanayang magamit natin ang ating wika, ayon sa ikapananatili nito at kalinangan ng
ating pag-iisip. Sapagka’t ang sariling wika ng isang bansa ay ang susi sa kaunlaran.
Kung bakit? Ang pagkakaruon ng sariling wika ng isang bayan ang larawan ng pagkakaroon ng mabuting
pakikipagtalastasan, kaisahang pag-iisip at magkakaroon lamang ng pagkakaisang may pagmamalasakit
nang bawa’t pamayanan.
Paano mapapanatili at makakapagtibay kaunawaan kung hindi gagamitin? Pilipino ka, Pilipino ako, sino
pang magsasabing siya ay Pilipino? Kung siya na man ay walang katibayan kahit sa pananalita? Ano ba
ang wika ng isang mamamayang nakatira sa bansang Pilipinas? Kung sinasabi mo na ikaw ay Pilipino,
gumamit ka gamitin mo ang wikang Filipino na magbibigay katibayan sa iyong pagiging isang
mamamayang may mabuting puso at may pagmamahal sa kanyang sariling bayang tinubuan. Isa ka bang
mamamayan na nagmamahal sa iyong bayan?
Sa wika – ayon sa katalagahan nito o tinatawag na naturalesa ang lahat ng nilalang ay magkakaugnay;
nagkakabuklod-buklod. Gaya nalang ng prinsipyo ng tore ni babel. Ang dahilan kung bakit sila nanatiling
matatag at ang pagkakaruon nila ng isang pamahalaan ay ang wika.
Sa pagkakaruon ng isang wika lahat ng tao ay pantay-pantay, mahirap o mayaman ay may batas na dapat
sundin para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan nito sa isang bansa.
Hindi nga ba’t parang sinasayang lang natin ang ating wika kung hindi natin ito gagamitin, papalaguin, at
ipagmamalaki? Samantalang pinaghirapan itong isulong at itaguyod ng ating mga bayani. Sabi nga ng
ating pambansang bayani na “ ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang
isda”. hindi nga ba natin napapansin na parang naiinsulto na natin sila na matapos nilang lumaban, ibuwis
ang kanilang mga buhay ay hindi natin papahalagahan ang sarili nating wika?
Sabi nga ng ating kasalukuyang pangulo na si Pnoy upang makamtan natin ang katiwasayan at kaunlaran,
kailangan tahakin ang matuwid na landas, at para matahak ang landas na ito, kailangang magkaisa.
Sapagkat, sa gitna ng globalisasyon at kolonyalismo; wika pa rin ang nagbibigay sa atin ng kaisahan
upang ating maabot ang inaasam na kaunlaran.
Gamitin natin ang wikang Filipino tungo sa ating tuwid na daan, bilang mabuting mamamayan ng Pilipinas.
Wikang Filipino: Wikang panlahat, ilaw at lakas, sa tuwid na landas
Mula sa TheFilipinoServant.wordpress.com
Ngayong buwan ng Agosto, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng wika bilang pagbibigayng
kahalagahan sa ating wika, ang Filipino at ang kontribusyon nito sa ating mga buhay. Ipinapaalala nito na
napaka-importante sa isang bansa na magkaroon ng pambansang wika upang lubos na makilala ang
yaman ng ating kultura. Pero ano ba ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika? Paano natin ito
maipagmamalaki sa buong mundo ngayong panahon ng globalisasyon? At paano natin ito magagamit
upang makamit natin ang pagbabago?
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa,
gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si
Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga
at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na
sabihin ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa
mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon.
Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at
nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon
ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan.
Hindi magiging maayos ang buhay kung iba’t-ibang wikang etniko ang dapat nating kabisaduhin. Kaya
noon, pinahalagahan ni dating Pangulong Manuel Quezon na magkaroon ng iisang lengwahe upang
magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang wika na ginagamit ang isang bansa,
nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito. Kaya itinanghal nating ‘Ama ng wikang Pambansa’ si
Quezon dahil sa kanyang natatanging limbag sa wika’t panitikan.
Ngayong panahon ng globalisasyon at makabagong teknolohiya, hindi papahuli ang ating wika. Kagaya sa
website na Facebook na kung saan ay pwedeng gamitin ang wikang Filipino bilang medium o lengwahe sa
pakikipag-komunikasyon at lubos na maintindihan ng mga Pilipinong gumagamit nito kung paano
paganahin ito. Hindi rin papahuli ang Twitter na kailan lang ay pwede na sa wikang Filipino. Kamakailan
lamang ay naging sikat sa website na YouTube ang isang music video kung saan tampok ang isang
banyaga na kumakanta sa wikang Filipino at siya ay si David DiMuzio na lumabas na sa iba’t-ibang
programa dito sa ating bansa.
Sa ibayong dagat naman, alam niyo bang may 1.4 milyong tao sa Estados Unidos ang nagsasalita sa
wikang Filipino at ito ang pang-apat na lengwahe na parating ginagamit ng mga tao roon. Hindi rin
mawawala ang mga bansang may mga OFWs na kung saan natututunan ng mga banyaga kung paano
magsalita sa Filipino.
Ngayong pumapasok na ang iba’t-ibang wikang banyaga sa ating bayan, kailangan nating pahalagahan at
wastong gamitin ang ating pambansang wika. Ating ipaalam sa kanila na kung nandito ka sa Pilipinas,
dapat matuto kang magsalita sa wikang Filipino upang lubos na makilala ang kultura at panitikan ng ating
lipunan.
Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa dahil kung hindi magkaintindihan
ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi uunlad ang ating bayan at patuloy pa rin
sa paglayo ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at
magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang problema. Ngayong nasa
tuwid na landas na tayo, ating ipagmalaki at ipagbunyi na mayroon tayong iisang wika at ito ang Filipino na
daan sa iisa nating hangarin, at ito ang pagbabago sa lipunan. Nawa’y ating gamitin ng wasto ngayong
buwan ng wika ang Filipino at taas-noo tayong magsalita sa ating sariling wika!

More Related Content

Similar to Talumpati

KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptxKAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptxPamelaOrtegaOngcoy
 
1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptxMarife Culaba
 
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptxESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptxBandalisMaAmorG
 
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptxBARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptxqfeedtbz
 
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanJoshuaBalanquit2
 
FIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptx
FIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptxFIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptx
FIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptxEdrheiPangilinan
 
Komunikasyon at Pananaliksik
Komunikasyon at Pananaliksik Komunikasyon at Pananaliksik
Komunikasyon at Pananaliksik Rachelle Gragasin
 
Konseptong pangwika(modyul1)
Konseptong pangwika(modyul1)Konseptong pangwika(modyul1)
Konseptong pangwika(modyul1)princessalcaraz
 
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdf
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdfg11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdf
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdfRoselynLedonio1
 
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdf
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdfg11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdf
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdfRoselynLedonio1
 
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang PanturoJoeffrey Sacristan
 
week 1 komunikasyon 3.pptx
week 1 komunikasyon 3.pptxweek 1 komunikasyon 3.pptx
week 1 komunikasyon 3.pptxEliezeralan11
 
Mga artikulo at diskusyon sa wika 2
Mga artikulo at diskusyon sa wika 2Mga artikulo at diskusyon sa wika 2
Mga artikulo at diskusyon sa wika 2TEACHER JHAJHA
 
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptxANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptxDindoArambalaOjeda
 

Similar to Talumpati (20)

Filipino Bilang Wikang Pambansa
Filipino Bilang Wikang PambansaFilipino Bilang Wikang Pambansa
Filipino Bilang Wikang Pambansa
 
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptxKAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO.pptx
 
1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx
 
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptxESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
ESTADO NG WIKANG FILIPINO(REPORT).pptx
 
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptxBARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
 
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
 
Lit 1
Lit 1Lit 1
Lit 1
 
FIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptx
FIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptxFIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptx
FIL2KABANATA1 ududjduudhduduhdjdhdh.pptx
 
Modyul-1.pptx
Modyul-1.pptxModyul-1.pptx
Modyul-1.pptx
 
Balagtasan
BalagtasanBalagtasan
Balagtasan
 
Komunikasyon at Pananaliksik
Komunikasyon at Pananaliksik Komunikasyon at Pananaliksik
Komunikasyon at Pananaliksik
 
ARALIN 1.pptx
ARALIN 1.pptxARALIN 1.pptx
ARALIN 1.pptx
 
Konseptong pangwika(modyul1)
Konseptong pangwika(modyul1)Konseptong pangwika(modyul1)
Konseptong pangwika(modyul1)
 
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdf
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdfg11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdf
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdf
 
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdf
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdfg11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdf
g11wikangpambansaopisyalatpanturo-170811013344 (1).pdf
 
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
 
week 1 komunikasyon 3.pptx
week 1 komunikasyon 3.pptxweek 1 komunikasyon 3.pptx
week 1 komunikasyon 3.pptx
 
Mga artikulo at diskusyon sa wika 2
Mga artikulo at diskusyon sa wika 2Mga artikulo at diskusyon sa wika 2
Mga artikulo at diskusyon sa wika 2
 
Ang Wika.pptx
Ang Wika.pptxAng Wika.pptx
Ang Wika.pptx
 
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptxANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
ANG-WALANG-KAMATAYANG-ISYU-NG-WIKA-AT-EDUKASYON-SA-PILIPINAS-HULYO-17-2021.pptx
 

Recently uploaded

Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxAman119787
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKALovellAzucenas
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxfranciscagloryvilira1
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdJoren15
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 

Recently uploaded (20)

Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 

Talumpati

  • 1. Wika Talumpati ni Farah Grace Jimena “Makahihigit ay wala, kahit anumang sandata, makapagtitibay sa bansa, paggamit ng sariling wika, ang ating tanging tanikala.” Malaya na tayong mga Pilipino sa pang-aalipin ng ibang bansa. Masasabi na nating ganap na ang ating pagkabansang Pilipino. May sarili na tayong watawat, mayroon na ring pambansang awit at mayroon pang pambansang wika… ang Wikang Filipino. Wikang Filipino? Ginagamit ba ito? Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos wikang Ingles na ang nagmamanipula nitong ating bansa. Hindi ba’t natatawag na malaya ang isang bansa kapag ginagamit ang sariling wika? Nawawalan ng kabuluhan ang wikang pambansa kapag hindi naman ginagamit sa lipunan, sa paaralan at maging sa pamahalaan. Sa kalagayan ngayon ng mga bagay- bagay sa ating bansa at sa sistema ng ating edukasyon, lumilitaw na tila wala pa tayong wikang sarili sapagkat nagpapamanipula tayo sa mga wikang banyaga. Sinasabing wika ang sagisag ng pagkalahi… tatak ng isang bansang malaya. Ang mga bansang malaya ay yaong mga gumagamit sa sariliing wika. Sa wikang Filipino naipakikilala ang lahing pagka- Pilipino. Larawan ito ng pagiging matapang, matatag at makatarungan ng mga Pilipino. Ating ibalik sa panahon ng ating mga bayani, kanilang ipinaglaban ang ating bansa sa mga pananakop ng mga mapang- aping mga dayuhan. Ibinuwis nila ang kanilang mga buhay , para lamang makahulagpos tayo sa mga manlolokong dayuhan. At ang Filipino ay ginamit bilang simbolo na isa na tayong malayang bansa. Sinasabing, kapag walang wika, walang kultura. At kapag walang kultura, walang wika. Kultura ang kabuuan ng mga paniniwala at lahat ng kaugalian ng mga tao. Kung kaya’t kultura ang pinanggagalingan ng wika. Wika ang nagiging midyum para maipahayag ang kultura ng isang pangkat ng mga tao. Ito ang paraan para mapayabong o mapaunlad ang kultura. Sinasabing wika ang matibay na tanikala sa pagkakaisa ng isang bansa. Kung sariling wika ang ginagamit sa ating bansa, mawawala ang “ communication gap” sa pagitan ng masa ng mga nagsasalita ng sariling wika at mga pinuno na nagsasalita sa wikang Ingles. Sa ganito tayong mga Pilipino’y lagi nang kikilos at gagawa na parang iisang tao sa paghanap ng kaunlaran, kadakilaan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng ating wika, nagkakaintindihan tayo. Dito tayo nagkakaisa at nagtutulungan. Kapag ngakakaunawaan, magkakaroon ng kaunlaran itong ating bansa. Aanhin natin ang wikang dayuhan kung iilan lamang sa atin ang nakaiintindi? Hindi ba’t ang pagiging makabuluhan ng isang wika ay yaong naiintindihan, nagagamit at napapakinabangan ng lahat? Oo nga’t Ingles ang wikang ginagamit sa pandaigdigang kalakaran at ito’y hindi natin maiwawalang- bahala lang. Hindi rin naman masama ang panghihiram dahil nakatutulong ito na mapanatiling buhay ang isang wika. Nagiging midyum ito sa pakikipagkomunikasyon sa ibang bansa. Ngunit paano kaya kung ang wikang Filipino ang ginagamit natin sa mga panayam, pakikipag- ugnayan at pakikihalubilo sa kapwa Pilipino? Hindi ba’t mas mainam dahil naiintindihan ito ng lahat ng tao sa Pilipinas? At kung gamitin kaya ito sa mga inilalathala sa pahayagan, hindi ba’t mas madali nating maaabot ang mga hinanaing, mga naisin o kaya’y mga pangyayari sa ating bansa? Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinanggagalingan ng lakas para mapatatag ang ating bansa. Ito ang bumibigkis sa mga Pilipino upang magkaisa para sa ikauunlad nitong bansa. Wika; sagisag ng kabansaan, sagisag ng kalayaan, sagisag ng karangalan, susi sa pagkakaunawaan, tungo sa kaunlaran, nitong ating Lupang Tinubuan.
  • 2. Talumpati Para sa Buwan ng Wikang Pambansa Talumpati ni Jeffry Manhulad Sapagkat ang wika’y panlahat, dapat natin itong gamitin sa pang araw araw na pakikipag ugnayan at pakikipag usap sa lahat ng mga Pilipino dahil hindi lamang ito nagsisimbolo ng isang dayalekto sa Pilipinas kundi ito’y panlahat. Kagaya ng sinabi ni Jose Rizal, “Ang Hindi Marunong Magmahal sa Sariling Wikay ay Higit Pang Mabaho sa Malansang Isda.” Ang wikang ito ng ating pambansang bayani ay isa lamang sa kanyang mga makabayang pamana tungkol sa pagmamahal sa ating sariling wika—ang Wikang Filipino. Ang paalalang ito ng ating bayani ay hindi dapat kalimutan sapagkat an gating wika’y huwad din sa iba at dapat ipagmalaki. Dapat natin itong gamitin at nang ito’y hindi maglaho sa susunod na henerasyon. Ang panghihiram ng mga salita sa ibang wika ay hindi dapat natin itakwil, bagkus ating itong tanggapin ng buong puso sapagkat parti ito ng ating nakaraan—na tayo ay naging sakop ng ibang mga bansa gaya ng Espanya at ng Amerika. Ang mga wikang hiniram natin sa mga bansang ito ay dapat nating ipagmalaki sapagkat isa lamang ito sa mga magagandang pamana ng mga bansang sumakop sa atin noong una. Hindi rin natin dapat itakwil ang mga salitang ipinamana ng iba pang mga dayuhan na nag ambag upang mapayaman ang wikang Filipino gaya na lamang ng mga tsino na kung saan hindi man nila sinakop ang Pilipinas ay nakipag ugnayan naman ito ng kanilang mga produkto at kagamitan bago paman dumating angt mga mananakop sa atin. Ipagmalaki natin an gating ugnayan sa kanila lalunglalo na ang kanilang mga ipinamanang wika. Kaya mga kababayan kong Pilipino, huwag tayong mahiya sa ating wika. Ipagmalaki, pagyamanin, at gamitin natin ito kagaya ng ginawa n gating pambansang bayani na si Rizal na kahit marami na siyang alam na wika’y taas noo parin niyang ginamit ang ating wikang Filipino sa kanyang mga obra kahit saan man siya pumunta. Isa lamang halimbawa nito ang kanyang pagsalin ng mga obra ng dayuhang manunulat sa ating wika. Filipino: Wika ng Karunungan Tungo sa Kaunlaran Mula sa PasigGreenPasture.com Maluwalhating umaga sa inyo mga kapwa Pilipino, mag-aaral, kaibigan, mahuhusay at mapagmahal na mga guro, butihing at maunawaing prinsipal at administrador. Purihin ang Panginoong Hesus sa isang napakagandang umaga! Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang binabago. Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisasyon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaroon ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at komunikasyon na nagbigay daan para mas dumami ang ideya at opinyon. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon. Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba’t-ibang paniniwala. Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas. Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat. Maraming Salamat! Nawa’y mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.
  • 3. Wikang Filipino: Wika Mo, Wika ko, Wika nating LahatTalumpati ni Grandeson Puma Maluwalhating umaga sa Inyo mga kapwa Pilipino, Purihin si Hesus at si Maria! Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo… iisa. Sa mundong pilit kang binabago, may nananatili pa nga bang matatag? Tila marahil sa pagdaan ng panahon tayo ata ay nakalilimot ng lumingon sa ating pinanggalingan, nakatikim lang ng Hershey’s chocolate, nakalimutan na ang Chocnut, nakapagsuot lang ng sa Rusty Lopez, nalimutan na ang sapatos na gawang Marikina, at nakapunta lang ng ibang bansa, tila ayaw ng umuwi at kinamumuhian na ang sariling bansa, natuto lang mag ingles, hindi na marunong mag Filipino. Tama, nakalulungkot mang isipinngaunit iyon ang katotohanan,katotohanang dapat natin harapin at pagtuunan pansin, kung minsan nga’ y nahihiya pa natin mag Filipino kaya nga’t kahit mali ang grammar at nagbubuhol-buhol na ang dila pinipilit parin mag ingles. Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas – ang Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino. Ating muling sariwain ang pinagmulan ng wikang Filipino. Sa bayan ng Baler, Quezon sumibol ang amang naging instrumento upang magkaroon tayo ng sariling wika, siya ay si Manuel L. Quezon, dating pangulo ng Pilipinas, tinaguriang Ama ng wikang Pambansa. Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog at nang naglaon ay naging Pilipino sa ilalim ng Kautusang pang edukasyon Blg 7. Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Isang indikasyon na ikaý isang tunay na Pilipino. Tunay ngang masasabing kayamanan ang pagkakaroon ng sariling wika, ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas. Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa, Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat. Maraming Salamat sa inyong pagbasa at naway mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat. Kahalagahan ng Wika Mula sa TakdangAralin.ph Sa bawat kasaysayan ng isang bansa, isa ang wika sa may pinakamahalagang ginagampanan sa buhay ng bawat indibidwal. Nabibilang ang ating bansa sa may mga maraming etnolinggwistikong grupo. Samu’t- sari rin ang ating lenggwahe at dayalektong ginagamit. Idagdag pa natin ang mga global na wika na ating natutunan sa ating mga kaibigang dayuhan, pati na rin ang mga namana natin sa mga mananakop tulad ng Espanyol. Ang wika ay nagbibigay ng pagkakaisa ngunit kung minsan naman ay ang hindi pagkakaunawaan. Sa dami ng wika na ating ginagamit, hatid nito ay kalituhan. Ibang lugar, iba ang lenggwahe, at ibang uri ng lahi, iba rin ang wikang gamit. Dahil sa suliraning ito ng di pagkakaunawaan, isinabatas at iprinoklama ng noo’y Presidente na si Manuel Luis Quezon ang pagkakaroon ng wikang Pilipino bilang ating wikang pambansa. Mula noon ay binansagan na siya na ama ng wikang pambansa. Napakahalaga ng wika sa kasaysayan at kultura ng bawat lugar. Ito ang ating gabay sa pakikipagtalastasan, sa pagpapahayag ng ating mga damdamin, ekspresyon, ideya, mga pananaw at opinyon, wika ang ating gamit. Sa pamamagitan nito malinaw nating naipaparating ang ating mga mensahe, sa panulat man o sa pananalita. Sa paglinang at paghubog ng ating pagkatao at kaisipan, wika rin ang instrumentong gamit sa anumang uri at antas ng paaralan. Magmula sa ating simpleng abakada hanggang sa pagtatapos ng ating mga propesyon, wika ang tanging gabay at naging patnubay ng ating mga guro. Sa gitna ng anumang sigalot, away at maging sa digmaan, wika ang pinakamalakas na sandata. Sa mga lugar na kung saan may bangayan at gusot, wika ang ating gamit pangpakalma ng sitwasyon at susi sa pagkikipagnegosasyon. Lahat ay nadadaan sa mahinahon at mabuting pakiusapan kapag tamang salita o wika ang ginagamit. Maging sa mga pinakamataas na lider ng ating lipunan wika rin ang kanilang kalansag at sandata sa pagpapahupa ng anumang tensiyon sa kanilang kapwa lider o maging sa mga tagasunod. Gamit ang wika, mas malaki ang tsansa na nagkakabuklod-buklod ang mga nagkakawatak-watak. Dahil sa wika ay nalalaman ng bawat indibidwal ang ating pinanggalingan at kung saan pa ang tatahakin sa ating hinaharap. Sadyang napakakapangyarihan ang wika. Instrumento ito sa pagkakalat, paglilimbag at paglalathala ng anumang uri ng babasahin. Lumipas man ang iba’t-ibang uri ng henerasyon, at kahit mawala pa ang ibang wika sa ating sirkulasyon, walang detalye ang makakaligtaan at habang buhay na magiging parte ng ating historya gamit ang wika. Sa panulat man o sa pananalita parehong mahalaga ang wika. Kung hindi man maisulat ng lapis sa papel ay maaari namang mabigkas ng bibig.
  • 4. Mula sa kamusmusan, pagkamulat ng ating kaisipan at hanggang sa ating pagtanda habang buhay nating magiging instrumento, gabay, kalasag at sandata ang ating wika. Lilipas man ang mga makalupang panahon at iba pang salik lahi, ang wika ay mananatili pa rin. Sa pagdating sana ng mga modernong kaalaman at kagamitan, isabay din natin ang pagtaas ng ating kalinangan at kaisipan sa pag-aaral sa ating sarilng wika. Tumulong tayo sa pagpanatili nito at huwag nating hayaan ang unti-unti nitong pagkawala o pagkaluma sa sirkulasyon ng iba pang mga wika. Hikayatin natin ang bawat kabataan at mamamayan na bigyan ito ng pagpapahalaga at respeto. Gamitin natin ito ng may buong puso at pagmamalaki. Dahil saang dako ka man ng mundo mapadpad, ito ang iyong magiging tatak at sagisag bilang isang tunay na Pilipino. Filipino, Bilang Wikang Pambansa Mula sa FilipinoBWP.blogspot.com Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ang pagsilang ng wika ay nagibibigay buhay sa sibilisasyon. Sa pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan at damdamin ng bawat tao. At sa pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang naipapahayag ng nakararaming mamamayan ang kanilang kaisipan. Ang wikang “Filipino” ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng ating bansa. Ang ingles ang isa pa – ayon sa saligang batas ng (1987). Isa itong wikang austronesyo at ang de facto (“sa katotohan”) na pamantayang bersyon ng wikang tagalog, bagaman de jure (“sa prinsipyo”) itong iba rito. Isang layunin ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at politikal na pagkakapatiran at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Dapat lamang at napakahalaga na magamit natin ang ating wikang pambansa sa lahat ng kaparaanan. Hinggil sa ating pakikipagtalastasan saan man tayong rehiyon nabibilang, dahil bilang isang mamamayan sa bansa nakapaluob sa ating wikang pambansa ang saliring kulturang tinataglay na pagkikilanlan ng ating sariling bayan, tungo sa pag-unlad ng ating pang-economiya at katatagang politika. Napakahalaga na pagsanayang magamit natin ang ating wika, ayon sa ikapananatili nito at kalinangan ng ating pag-iisip. Sapagka’t ang sariling wika ng isang bansa ay ang susi sa kaunlaran. Kung bakit? Ang pagkakaruon ng sariling wika ng isang bayan ang larawan ng pagkakaroon ng mabuting pakikipagtalastasan, kaisahang pag-iisip at magkakaroon lamang ng pagkakaisang may pagmamalasakit nang bawa’t pamayanan. Paano mapapanatili at makakapagtibay kaunawaan kung hindi gagamitin? Pilipino ka, Pilipino ako, sino pang magsasabing siya ay Pilipino? Kung siya na man ay walang katibayan kahit sa pananalita? Ano ba ang wika ng isang mamamayang nakatira sa bansang Pilipinas? Kung sinasabi mo na ikaw ay Pilipino, gumamit ka gamitin mo ang wikang Filipino na magbibigay katibayan sa iyong pagiging isang mamamayang may mabuting puso at may pagmamahal sa kanyang sariling bayang tinubuan. Isa ka bang mamamayan na nagmamahal sa iyong bayan? Sa wika – ayon sa katalagahan nito o tinatawag na naturalesa ang lahat ng nilalang ay magkakaugnay; nagkakabuklod-buklod. Gaya nalang ng prinsipyo ng tore ni babel. Ang dahilan kung bakit sila nanatiling matatag at ang pagkakaruon nila ng isang pamahalaan ay ang wika. Sa pagkakaruon ng isang wika lahat ng tao ay pantay-pantay, mahirap o mayaman ay may batas na dapat sundin para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan nito sa isang bansa. Hindi nga ba’t parang sinasayang lang natin ang ating wika kung hindi natin ito gagamitin, papalaguin, at ipagmamalaki? Samantalang pinaghirapan itong isulong at itaguyod ng ating mga bayani. Sabi nga ng ating pambansang bayani na “ ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”. hindi nga ba natin napapansin na parang naiinsulto na natin sila na matapos nilang lumaban, ibuwis ang kanilang mga buhay ay hindi natin papahalagahan ang sarili nating wika? Sabi nga ng ating kasalukuyang pangulo na si Pnoy upang makamtan natin ang katiwasayan at kaunlaran, kailangan tahakin ang matuwid na landas, at para matahak ang landas na ito, kailangang magkaisa. Sapagkat, sa gitna ng globalisasyon at kolonyalismo; wika pa rin ang nagbibigay sa atin ng kaisahan upang ating maabot ang inaasam na kaunlaran. Gamitin natin ang wikang Filipino tungo sa ating tuwid na daan, bilang mabuting mamamayan ng Pilipinas. Wikang Filipino: Wikang panlahat, ilaw at lakas, sa tuwid na landas Mula sa TheFilipinoServant.wordpress.com Ngayong buwan ng Agosto, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng wika bilang pagbibigayng kahalagahan sa ating wika, ang Filipino at ang kontribusyon nito sa ating mga buhay. Ipinapaalala nito na napaka-importante sa isang bansa na magkaroon ng pambansang wika upang lubos na makilala ang yaman ng ating kultura. Pero ano ba ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika? Paano natin ito maipagmamalaki sa buong mundo ngayong panahon ng globalisasyon? At paano natin ito magagamit upang makamit natin ang pagbabago? “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si
  • 5. Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon. Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. Hindi magiging maayos ang buhay kung iba’t-ibang wikang etniko ang dapat nating kabisaduhin. Kaya noon, pinahalagahan ni dating Pangulong Manuel Quezon na magkaroon ng iisang lengwahe upang magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang wika na ginagamit ang isang bansa, nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito. Kaya itinanghal nating ‘Ama ng wikang Pambansa’ si Quezon dahil sa kanyang natatanging limbag sa wika’t panitikan. Ngayong panahon ng globalisasyon at makabagong teknolohiya, hindi papahuli ang ating wika. Kagaya sa website na Facebook na kung saan ay pwedeng gamitin ang wikang Filipino bilang medium o lengwahe sa pakikipag-komunikasyon at lubos na maintindihan ng mga Pilipinong gumagamit nito kung paano paganahin ito. Hindi rin papahuli ang Twitter na kailan lang ay pwede na sa wikang Filipino. Kamakailan lamang ay naging sikat sa website na YouTube ang isang music video kung saan tampok ang isang banyaga na kumakanta sa wikang Filipino at siya ay si David DiMuzio na lumabas na sa iba’t-ibang programa dito sa ating bansa. Sa ibayong dagat naman, alam niyo bang may 1.4 milyong tao sa Estados Unidos ang nagsasalita sa wikang Filipino at ito ang pang-apat na lengwahe na parating ginagamit ng mga tao roon. Hindi rin mawawala ang mga bansang may mga OFWs na kung saan natututunan ng mga banyaga kung paano magsalita sa Filipino. Ngayong pumapasok na ang iba’t-ibang wikang banyaga sa ating bayan, kailangan nating pahalagahan at wastong gamitin ang ating pambansang wika. Ating ipaalam sa kanila na kung nandito ka sa Pilipinas, dapat matuto kang magsalita sa wikang Filipino upang lubos na makilala ang kultura at panitikan ng ating lipunan. Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa dahil kung hindi magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi uunlad ang ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang problema. Ngayong nasa tuwid na landas na tayo, ating ipagmalaki at ipagbunyi na mayroon tayong iisang wika at ito ang Filipino na daan sa iisa nating hangarin, at ito ang pagbabago sa lipunan. Nawa’y ating gamitin ng wasto ngayong buwan ng wika ang Filipino at taas-noo tayong magsalita sa ating sariling wika!