Lingua Franca - ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan. Ang Wika at Ang Lipunan Ang isang lipunan ay nakbubuo ng sariling pagkakakilanlan sa pamamagitan ng paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa ibang lipunan. "Language and human society is inseparable." Edward Vadja Gamit ng Wika sa Lipunan Ayon kay M.A.K. (Michael Alexander Kirkwood)Halliday, isang bantog na iskolar na kilala sa kanyang systemic functional language. May anim na gamit ng wika sa lipunan: 1. Instrumental 2. Regulatoryo 3. Interaksyonal 4. Personal 5. Heuristiko 6. Impormatibo Ayon naman kay Jakobson (2003): 1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive) 2. Panghihikayat (Conative) 3. Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan (Phatic) 4. Paggamit ng Kuro-kuro (Metalinggual) 5. Paggamit bilang sanggunian (Referential) 6. Patalinghaga (Poetic)