2. Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang
magandang ehemplong magpapatunay rito ang
kwento ni Tarzan. Mga tunog ng hayop ang
kanyang unang natutunan dahil ito ang wika ng
mga kasama niyang hayop sa gubat.
4. Alam mo ba?
Si Michael Alexander Kirkwood Halliday
O mas kilala sa taguri na M.A.K. Halliday ay
isang bantog na iskolar mula sa Inglatera.
Ibinahagi niya sa nakararami ang kanyang
pananaw na ang wika ay isang panlipunang
phenomenon. Naging malaking ambag niya sa
mundo ng lingguwistika ang popular niyang
modelo ng wika, ang systematic functional
linguistics.
5. Ang anim na tungkulin ng wika
inisa-isa ni M.A.K.
6. 6 Tungkulin ng Wika
1. Instrumental
- Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-
ugnayan sa iba.
7. 6 Tungkulin ng Wika
2. Regulatoryo
- Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa
pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.
8. 6 Tungkulin ng Wika
3. Interaksiyonal
- Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng
pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.
9. 6 Tungkulin ng Wika
4. Personal
- Saklaw ng tungkuling ito ang pagpahayag ng
sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan.
10. 6 Tungkulin ng Wika
5. Heuristiko
- Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o
paghahanap ng imporasyong may kinalaman
sa paksang pinag-aaralan.
11. 6 Tungkulin ng Wika
6. Impormatibo
- Ito ay kabaliktaran ng heuristiko
13. Alam mo Ba??
Si Roman Jakobson ay isa sa pinakamagaling na
dalubwika ng ikadalawampung siglo. Isa siya sa
mga nagtatag ng Linguistic Circle of New York.
Si Jakobson (2003) ay nagbahagi rin ng anim na
paraan ng pagbabahagi ng wika.
15. Anim na paraan ng pagbabahagi ng
wika (Jakobson)
1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive)
- Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin,
damdamin at emosyon
2. Panghihikayat (conative)
-ito ay gamit ng wika upang makahimok at
makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos
at pakiusap.
3. Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan (phatic)
- Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa
at makapagsimula ng usapan.
16. Anim na paraan ng pagbabahagi ng
wika (Jakobson)
4. Paggamit bilang sanggunian (referential)
-ipinakikita nito ang gamit ng wika nagmula sa aklat at iba
pang sangguniang pinagmulan at kaalaman upang
magparating ng mensahe at impormasyon
5.Paggamit ng kuro-kuro (metalingual)
-ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo
o batas.
6. Patalinghaga (poetic)
- Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at iba
pa.