Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Layunin ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
1. LAYUNIN NG EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Ang EsP ay naglalayong gabayan ang mag-aaral na mahanap / matagpuan ang kabuluhan ng kanyang
buhay, ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi siya sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang
katotohanan, kalayaan, katarungan, at pagmamahal.
Ang tunguhin o outcome ng pag-aaral sa batayang edukasyon ay ang panlahatang pag-unladtaglay ang mga
kasanayansa ika-dalawampu’t isang siglo. Taglay ito ng isang mag-aaral kung mayroon siyang mga kakayahang
pangkaalaman, pandamdam, at asal na magbibigay sa kanya ng kakayahan upang:
Mamuhay at magtabaho
Linangin ang kanyang mga potensiyal
Gumawa ng mga pasyang mapanuri at batay sa impormasyon, at
Kumilos nang epektibo na lipunan at pamayanan sa konteksto ng sandaigdigan upang mapabuti
ang uri ng pamumuhay niya at ng kanyang lipunan (Literacy Coordinating Council, Setyembre 1997)