1. Pangalan: Sophia Marie D. Verdeflor Petsa: ika-24 ng Setyembre, 2015
Grado at Pangkat: Grade 10-1 STE Guro: Bb. Marissa Alcantara
Awtput Blg. 2.4
Layunin: Nakasusulat ng sariling mitolohiya ayon sa elementong taglay ng isang mitolohiya.
Ang Anak nina Eustaqio at Consorcia
PAMAGAT
Sa isang liblib, payapa’t tahimik na lugar ng Seludong, naninirahan ang mag-asawang sina
Eustaqio, diyos ng araw at Consorcia, ang diyosa ng mga bituin. Sa loob ng dalawang taon, masayang namuhay
ang mag-asawa ngunit isang araw may biglang bumagabag sa kaisipan at damdamin ni Consorcia.
“Asawa ko, hindi ka ba nalulungkot sapagkat dalawang taon na tayong mag-asawa ngunit, wala
pa rin tayong supling?” ani Consorcia.
“Oo nga, nais ko na rin magkaroon ng anak ngunit alamnaman nating wala tayong kakayahang
gumawa ng anak, hindi ba? Alam natin sa sarili natin iyan dahil nakailang subok na tayo ngunit wala pa rin
talaga. Sadyang sinumpa siguro tayo na hindi magkaroon ng anak.” ani Eustaqio.
“Alam mo, may naririnig ako sa mga kapitbahay nating mayroon daw isang diyosa na may
kapangyarihan na magbigay ng anak. Gusto mong humingi na tayo ng tulong sa kanya? Mukha naman siyang
mapagkakatiwalaan!” suhestiyon ni Consorcia.
Dahil sa kagustuhang magkaroon ng anak, nagtungo ang mag-asawa sa diyosa ng bahaghari na
si Roygbiv.
“Magandang umaga, mag-asawa! Anong pakay niyo at kayo’y naparito sa aking lugar?” ani
Roygbiv.
“Didiretsuhin na po namin kayo, nais po sana naming magkaroon ng anak kasi po halos
dalawang taon na rin po kaming sumusubok sa kung anu-anong paraan para mabiyayaan ng anak ngunit wala
pa rin pong talab, tapos narinig po namin sa kapitbahay ang tungkol sa inyo, nabuhayan po kami ng dugo
sapagkat sa wakas, magkakaroon din kami ng anak.” ani mag-asawa.
“Yun lang ba? Osige! Pagbibigyan ko kayo sa inyong hiling ngunit lahat ng mag-asawang
lumalapit sa akin ay mayroong pagsubok na bibigyang solusyon. Upang kayo ay tuluyan kong biyayaan ng
anak, kinakailangan niyo munang kunin ang hibla ng buhok ng matandang naninirahan sa Bundok Tralala, bago
kayo makarating sa bundok na iyon, kailangan niyo munang tumawid sa makitid na tulay na puno ng langgam,
lumangoy sa ilog na may buwayang nakatago at ang huli ay sumakay sa kabayo. At kapag nakabalik kayo rito
ng matagumpay ay tiyak na uuwi kayong masaya ng iyong asawa dahil sa anak na ibibigay ko sa inyo. Kaya
ba?!” ani Roygbiv.
“Kakayanin po, diyosa! Para po sa magiging anak namin ito.” ani mag-asawa.
Buong tapang na naglakbay ang mag-asawa patungo sa Bundok Tralala.
Matagumpay na nakatawid ang mag-asawa sa tulay na puno ng langgam, tiniis nila ang sakit ng
kagat ng mga ito, iniisip nila na para ito sa kanilang magiging anak. Sumunod ay ang ilog na may buwaya, sa
una, ayaw pang lumangoy ni Consorcia dahil sa takot na baka biglang lumabas at mabulabog ang nagtatagong
buwaya ngunit ginawa niyang inspirasyon ang kanilang magiging anak upang makalangoy sa ilog na ito nang
mahusay. Ang pangatlo ay ang pagsakay sa kabayo, madali lang ang isang ito, maamo naman ang kanilang
nasakyan na kabayo kung kaya’t nakarating sila sa Bundok Tralala nang maayos. Pagkarating dito, nasilayan
nila ang isang matandang nakaupo sa isang malaking bato.
“Lola, magandang araw po! Maari po ba kaming makahingi ng kahit isang hibla lamang ng iyong
buhok?” tanong ni Consorcia.
“Ay, iyon lamang ba ang kailangan niyo, iha? Heto na ang hibla ng aking buhok. Mabuti naman
at nakarating kayo rito sa aking lugar ng ligtas. Hula ko, si Roygbiv ang nagpapunta sa inyo rito, ano?” ani
matanda.
2. “Opo, Lola. Maraming salamat po rito sa hibla ng buhok na ito! Utang na loob po namin sa inyo
ito. Para po ito sa magiging anak namin. Aalis na po kami, paalam po Lola. Mag-iingat po kayo palagi.” ani mag-
asawa.
Matapos mapasakamay ang hibla ng buhok ng matanda na hinihingi ni Roygbiv, bumalik na ang
mag-asawa sa kinaroroonan ng diyosa. Laking tuwa ng mag-asawa nang makita nila na may bitbit na supling
ang diyosa.
“Magaling! Magaling! May isa pa akong kondisyon bago mapasainyo ang batang ito.” ani
Roygbiv.
“Ano po iyon, diyosa?” tanong ni Eustaqio.
“Gusto ko, simula sa araw na ito, sa tuwing lilipas ang sampung taon, babalik kayo rito sa aking
lungga upang gawin muli ang panibagong pagsubok na aking ibibigay at kapag hindi niyo magawang bumalik
dito, babawiin ko ang inyong anak ng parang bula” ani Roygbiv.
“Masusunod po, mahal na diyosa. Para po sa anak namin, gagawin po namin ang lahat ng gusto
niyo.” ani mag-asawa.
“Mabuti naman! O heto na ang anak ninyo, gusto ko pangalanan niyo siyang Sophia.” ani
diyosa.
“Masusunod po! Maraming salamat po, mahal na diyosa! Gagayak na po kami bago pa po kami
abutan ng dilim. Medyo malayo pa po kasi ang lalakbayin namin.” paalamng mag-asawa.
“Sige, mag-iingat kayo. Paalam, Sophia!” ani diyosa.
Nakauwi ng ligtas ang mag-anak.
Sa araw-araw naman na ginawa ng diyos, naging masaya naman ang kanilang pamumuhay.
Lumaki ng maayos si Sophia.
MAKALIPAS ANG SAMPUNG TAON
Nagkaroon ng isang suliraning pampamilya ang mag-anak. Nagkaroon ng sakit si Sophia at dahil
dito nakaligtaan ng mag-asawa ang bilin ng diyosa na kapag lumipas ang sampung taon, nararapat na bumalik
sila sa lungga ng diyosa para gawin ang isang panibagong pagsubok. Habang inaalagaan ng mag-asawa ang
kanilang anak, bigla na lamang ito naging bato at dahil doon, naalala ng mag-asawa ang bilin ng diyosa.
Nagmamadaling kinuha ni Eustaqio ang naging bato nilang anak at muling nagtungo sa lungga ng diyosa.
“Mahal na diyosa ng bahaghari! Kami po ay inyong patawarin kung nakaligtaan namin ang iyong
bilin. Nagkasakit po kasi si Sophia. Patawad po, nais po naming bumalik sa piling namin si Sophia. Heto na po
siya ngayon, naging bato na po siya. “ ani mag-asawa.
“Hay diba sinabi ko na sa inyo na mawawala ng parang bula ang inyong anak kapag binigo niyo
ang bilin ko sa inyo. Wala na akong magagawa, bato na siya habambuhay. Hindi na kaya ng kapangyarihan ko
na ibalik muli siya sa pagiging tao. Pagpasensyahan niyo na, ang usapan kasi ay usapan. Ang anak niyong si
Sophia ay ang magiging diyosa ng mga bato kung kaya’t kailangan niyo siyang iwanan sa akin dito.” ani diyosa.
“Wala ka na po bang magagawa? Parang awa mo na po.” ani Consorcia.
“Wala na talaga. Maaari na kayong umalis.” ani diyosa.
Parehong umiiyak ang mag-asawa nang lumisan sa lungga ng diyosa. Parehas nilang sinisisiang
kani-kanilang sarili sa nangyari. Mula noon, tuluyan nang naging bato si Sophia, siya ang kauna-unahang bato
sa mundo. At mula rin noon, ang lahat ng bato na makikita ng mag-asawa ay kanilang iniingatan dahil para sa
kanilang dalawa, iyon na lamang ang tanging ala-alang naiwan sa kanila ng kanilang anak na si Sophia.