1. Pangalan: Group 1 at 2 Petsa: ika-12 ng Oktubre, 2015
Grado at Pangkat: Grade 10-1 STE Guro: Bb. Marissa Alcantara
Awtput Blg. 2.5
Layunin: Makabubuo ng isang sariling sabayang pagbigkas kaugnay sa panghihikayat ng
turista.
PILIIN MO ANG PILIPINAS
Pamagat
Bansang ipinaglaban ni Lapu-Lapu
Pinagsanggalang ng mga bayani
Kami’y ipinadpad sa perlas ng
silangan
Pilipinas ang ngalan ng aming inang
bayan
Dumaan ang mga banyagang
kultura’t tradisyon
Ngunit hindi natibag ang aming
pundasyon
Mga paniniwala’y nanatili
Lumipas man ang panahon
Binubuo ng mahigit pitong libong
pulo
Mga tao dito’y busilak ang puso
Tunay na pinagpala ng inang
kalikasan
Mula Batanes
Hanggang Jolo’y
Hitik sa kayamanan
* *Tara’t lakbayin!*
Perpektong bulkan sa Albay
Pinong-pinong buhangin sa Boracay
Napakagandang underground river
ng Palawan
Zambales na mayaman sa Bakawan
Transportasyon ay kakaiba
Jeep, tricycle, pedicab, dito lang
makikita
Adobo, sinigang, tinola’t,
papaitan
Sa aming bansa niyo lang matitikman
Aming bansa’y may matatag na
pananampalataya
Ipinagpapasalamat sa Diyos ang bawat
biyaya
Pilipinas ang inyong puntahan
Mabuting asal inyong
matututunan
Ay salamat
Salamat sa pagtangkilik sa aming
bansang napakayaman
Ang iyong pagbalik
Malugod naming inaasahan
Kami’y nasiyahan sa inyong
pagpunta
Sa bansang ang ganda’y ‘di mo
maikakaila
Yaman ng bansa’y sama-sama nating
ingatan
Nang sa panibagong bukas
Ito’y ating pagkamulatan