1. EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 8
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII (Central Visayas)
Schools Division of Bais City
Q1/Week 1
QUARTER 2-ARALIN 1
8. Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang
Ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at
maging bahagi nito ay isang likas na katangian na ikinaiba
ng tao sa ibang nilalang. Nilikha ang tao ayon sa larawan at
wangis ng Diyos; binigyan siya ng kapamahalaan sa ibang
nilalang; at binigyan siya ng taong makakasama at
makakatulong. Niloob ng Diyos na ang tao ay mamuhay
nang may kasama at maging panlipunang nilalang o social
being at hindi ang mamuhay nang nag-iisa o solitary being.
Kaya’t ang panlipunang aspekto ng pagkatao at ang
kakayahan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa
ay likas sa kaniyang pagkatao o social nature of human
beings (Pontifical Council for Justice and Peace, 2004)
9. Ang panlipunang aspekto ng pagkatao ng tao ay hindi
nangangahulugang magbubunga sa pakikiisa ng tao sa
kanyang kapwa . May inklinasyon ang tao na maging
mapag-isa at dominahin ang kanyang kapwa dahil sa
kayabangan o pagmamalaki at pagdaramot. Kaya
mahalaga ang pagsisikap na makamit ang kabutihang
panlahat. Nakikipag-ugnayan ang mga tao sa isa’t-isa
dahil sa pagmamahal at ang layuning makamit kung ano
ang nakabubuti sa isa’i-isa. Kaya mahalagang pairalin
ang pagkakaisa (solidarity). Komunikasyon at
kooperasyon o pagtutulungan.
10. Iba’t-ibang Aspekto ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa:
Aspektong Intelektwal –
karagdagang kaalaman,
kakayahan, pagpapaunlad
ng kakayahang mag-isip
nang mapanuri at
malikhain at mangatwiran.
Aspektong
Pangkabuhayan –
kaalaman at kakayahang
matugunan ang mga
pangangailangan ng sarili
at ng kapwa.
11. Iba’t-ibang Aspekto ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa:
Aspektong
Panlipunan –
kaalaman at
kakayahan sa
epektibong
komunikasyon
Aspekton Politikal -
kakayahan at
kaalaman sa pagbuo
at pagtamo ng
makatao at
makatarungang
lipunan
13. Pangalan Isulat ang pangalan ng kapwa ayon sa
kaniyang bilang
Siya ay aking Isulat ang kaniyang kaugnayan sa iyo
Natulungan ko siya sa Itala ang mga bagay na nagawa o
naitulong mo sa kaniya
Tinulungan niya ako sa Itala ang mga bagay na nagawa o
naitulong niya sa iyo
Pangalan Siya ay
aking:
Natulungan
ko siya sa:
Tinulungan
niya
ako sa:
1.
2.
3.
4.
5.
Kapwa Ko, Ilista Ko!
Panuto:
1. Marami kang taong nakakasalamuha sa iyong buhay. Isulat ang pangalan ng
mga taong itinuturing mong kapwa sa iyong kuwaderno.
Panuto: Punan ang tsart ayon sa sumusunod:
Worksheet Ipakilala ko sina:
14. Pangalan Siya ay aking: Natulungan ko
siya sa:
Tinulungan
niya
ako sa:
1.
2.
3.
4.
5.