SlideShare a Scribd company logo
1 of 5
1 | B A N G H A Y A R A L I N S A E S P 7 – D I O N Y L . G O N Z A L E S
BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
DIONY L. GONZALES
Hunyo 13-17, 2016
Unang Markahan
I. Layunin:
a. Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga /pagbibinata, sa kanyang mga talento, kakayahan, at kahinaan, hilig, at mga tungkulin
bilang nagdadalaga/nagbibinata
b. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na inaasahang kakayahan at
kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
Unang Araw: PRE-TEST at PAUNANG PAGTATAYA
Kasanayang Pampagkatuto: 1. Nahihinuha ng mga mag-aaral ang mga araling sa tingin niya ay kanya nang
alam at napagninilayan ang mga aralin na hindi pa niya napag-aaralan.
2. Nalilinang ang kanyang kakayahan sa pagpili sa pamamagitan ng pagpili niya
nang sa tingin niya ay pinakawastong sagot.
Layunin (Unang Araw)
Sa 50-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natataya ang mga kaalaman na kabilang sa mga tanong sa Pre-Test at Paunang Pagtataya sa
unang aralin
B. Nalilinang ang kakayahan sa wastong pagpili sa pamamagitan ng mga nasabing pagsusulit
C. Naiwawasto ang sagutang papel ng kaklase
II. Nilalaman
Paksa: MANGARAP KA!
Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa:
pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay
(paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at
pagiging mabuti at mapanagutang tao.
Mahalagang Tanong: Anu-anong mga pagbabagong inaasahan ko sa aking
pagdadalaga/pagbibinata? Alin sa mga kakayahanko ang dapat kong linangin? Anu-anong mga bagay
ang dapat ko nang kalimutan o iwaksi?
Sanggunian
Ikaapat na Markahang Pagsusulit, Taong Panuran 2015-2016 at Susi sa Pagwawasto
EsP 7 Ikaapat na Markahan, Gabay sa Pagtuturo ng Modyul 1; Pahina 1-3
EsP 7 Ikaapat na Markahan, Modyul para sa mga Mag-aaral; Modyul 1; Pahina 1-6
Mga Kagamitan
Sagutang papel, bolpen, susi sa pagwawasto na nasa visual aids
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pambungad na Panalangin
Pagbati
Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan
Pag-uulat/Pagtatala ng liban
B. Pagganyak
Stetching upang mabuhay ang mga natutulog na kalamnan at diwa. Muling masayang pagbati
upang maganyan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa pagsusulit. Pagpapaala-ala na huwag
mangamba kung hindi makapapasa sa gagawing pagsusulit sapagkat hindi itatala ng guro ang
nakuhang grado. Iyon ay pagtataya lamang kung ano at hanggang saan ang kanilang nalalaman sa
mga darating na mga aralin.
C. Pagwawasto sa mga sagutang papel
Makikipagpalit ng sagutang papel ang mga nakaupo sa gitnang bahagi sa katapat na hanay upang
maiwasto ang papel ng kamag-aral.
D. Item Analysis
Kapag may oras pa ay ipagagawa ng guro ang pagtatala ng aytem.
2 | B A N G H A Y A R A L I N S A E S P 7 – D I O N Y L . G O N Z A L E S
IV. Takdang Aralin
Maghanda sa seating arrangement, sa isahang gawain sa susunod na pagkikita. Magdala ng
coloring materials, lumang magazines at pandikit.
Ikalawang Araw: SEATING ARRANGEMENT, ISAHANG GAWAIN (Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
I. Layunin (Ikalawang Araw)
Sa 50-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nagkakaroon ng seating arrangement upang mas madali sa mga mag-aaral at guro ang mga
magiging gawain sa mga susunod na araw
b. Natutukoy ng mga pagbabago sa kanilang sarili mula sa gulang na 8 - 9 hanggang sa
kasalukuyan sa aspetong: (a) Pakikipagugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad,
(b) Papel sa lipunan bilang babae o lalaki, (c) Asal sa pakikipagkapwa / sa lipunan, at (d)
Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
c. Nakapagbabahagi ng gawain sa harapan ng klase.
II. Nilalaman
Paksa: MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG
PAGDADALAGA/PAGBIBINATA (Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa:
pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay
(paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at
pagiging mabuti at mapanagutang tao.
Mahalagang Tanong: Anu-ano ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong sarili ayon
sa mga kategoryang: (a) Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad (b) Papel sa lipunan bilang babae o
lalaki (c) Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa (d) Kakayahang gumawa ng maingat na
pagpapasaya
Sanggunian
EsP 7 Ikaapat na Markahan, Gabay sa Pagtuturo ng Modyul 1; Pahina 1-4
EsP 7 Ikaapat na Markahan, Modyul para sa mga Mag-aaral; Pahina 6-8
Mga Kagamitan
Activity Sheet, Coloring Materials, “Star in Action” (Reward System) sa mga mag-aaral na
magbabahagi ng gawain sa harap ng klase.
III. Pamamaraan
E. Panimulang Gawain
Pambungad na Panalangin
Pagbati
Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan
Pag-uulat/Pagtatala ng liban
A. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng mga kilalang artista noon bata pa sila hanggang
sa sila ay maging ganap na dalaga at binata na. Tatanungin ng guro ang buong klase: “Anu-
ano ang inyong napansin sa mga pagbabagong naganap sa mga artistang ito?” Matapos
magtawag ng ilang mag-aaral, sasabihin ng guro: “Nais ko rin malaman kung anu-ano ang
mga pagbabagong naganap sa inyo sa pamamagitan ng ating gawain. Simulan na ito upang
makapagbahagi pa tayo ng ating mga awtput.”
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Isahang Gawain:
Panuto: Sa iyong activity sheet, itala ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong
sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng limang pagbabago sa sarili.
Pagkatapos, gumupit o gumuhit ng isang larawan na sa iyong palagay ay nagpapakita ng mga
kategoryang ito. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang halimbawa sa unang
kategorya.
3 | B A N G H A Y A R A L I N S A E S P 7 – D I O N Y L . G O N Z A L E S
a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa babae/lalaki.
2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga malapit na kaibigan at hinihingi ang kanilang opinyon
3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian; nagkakaroon ng crush.
4. Iniiwasan ang pakikipag-away
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan, maging sa mahahalagang proyekto sa paaralan
Ngayon, ikaw naman:
a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
b. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
7
c. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
d. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasaya
1. _____________________________
2. _____________________________
3. _____________________________
4. _____________________________
5. _____________________________
C. Pagtataya
Magkakaroon ng “star” ang mga mag-aaral na boluntaryong magbabahagi sa harapan. Bibilangin
ito ng guro sa susunod na lingo sa ikalawang araw upang maitala sa hanay ng “recitation” para sa
karagdagang marka. Ang resulta ng gawaing Pagtuklas ng Dating Kaalaman ang siyang magiging
pagtataya sa linggong ito
IV. Takdang Aralin
Sagutan ang “Profayl Ko, Noon at Ngayon”
(Pagdidikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya)
(Pagdidikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya)
(Pagdidikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya)
(Pagdidikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya)
4 | B A N G H A Y A R A L I N S A E S P 7 – D I O N Y L . G O N Z A L E S
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang mga pagbabagong iyong
itinala sa naunang gawain. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala naman ang iyong mga katangian noong
ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11 taon.
Profayl Ko, Noon at Ngayon
Ako Noon (Gulang na 8-11) Ako Ngayon
Pakikipag-ugnayan sa mga
kasing-edad
Hal. Kalaro ko ang aking mga
Kaibigan.
Hal. Karamay ko ang mga
kaibigan ko sa mga hinaharap
na suliranin.
Papel sa lipunan bilang babae o
lalaki
Hal. Tungkulin ko ang maging
isang mabuting mag-aaral.
Hal. Nagtatrabaho at nag-aaral
ako para makapasok sa mas
mahusay na trabaho.
Pamantayan sa asal sa
pakikipagkapwa
Hal. Masunurin ako sa utos ng
aking mga magulang dahil
alam nila ang mabuti para sa
akin.
Hal. Sumusunod ako sa batas
upang makaiwas sa suliranin.
Kakayahang gumawa ng
maingat na pagpapasiya
Hal. Ang aking mga magulang
ang nagpapasya para sa akin.
Hal. Ginagawa ko kung ano
ang alam kong makabubuti sa
akin at sa aking pamilya.
Ikaw naman:
Ako Noon (Gulang na 8-11) Ako Ngayon
Pakikipag-ugnayan sa mga
kasing-edad
Papel sa lipunan bilang babae o
lalaki
Pamantayan sa asal sa
pakikipagkapwa
Kakayahang gumawa ng
maingat na pagpapasiya
Gamit ang iyong binuong “Profayl Ko, Noon at Ngayon”, isa-isahin at ipaliwanag ang mga pagbabago sa
iyong sarili mula noong walong taong gulang ka hanggang ngayon.
Tayain kung positibo o negatibo ang mga naging pagbabago sa iyong sarili
5 | B A N G H A Y A R A L I N S A E S P 7 – D I O N Y L . G O N Z A L E S
Kung nakarating ka sa itaas ng bundok, positibo ang karamihan sa mga naging pagbabago sa iyo. Kung hindi
ka umabot dito, maaaring mas maraming negatibo kaysa positibong pagbabago sa iyo.
Sagutin sa iyong kwaderno:
Sa iyong dyornal, sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay tungkol sa paghahambing na iyong ginawa.
Gamiting gabay sa pagsulat ang mga tanong sa ibaba.
1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon?
2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata? Ipaliwanag.
3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata?
4. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong paraan?
5. May masama bang maidudulot sa iyo ang mga pagbabagong ito? Sa paanong paraan?
6. Ano-ano ang mga nakatulong sa positibong pagbabago sa iyong buhay?
Magdala ng colored paper. (Magtatalaga ang guro ng kulay sa bawat pangkat [section] ng kanilang kulay)
Inihanda ni: Checked by:
DIONY L. GONZALES JESSICA Y. SANTOS
Guro, EsP 9 Puno ng Kagawaran, EsP

More Related Content

What's hot

Daily lesson plan in edukasyon sa pagpapakatao 7
Daily lesson plan in edukasyon sa pagpapakatao 7Daily lesson plan in edukasyon sa pagpapakatao 7
Daily lesson plan in edukasyon sa pagpapakatao 7
yhanny14
 
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayEs p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Edna Azarcon
 

What's hot (20)

Esp 9 q2 - summative test
Esp 9   q2 - summative testEsp 9   q2 - summative test
Esp 9 q2 - summative test
 
ESP 9 Modyul14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
ESP 9 Modyul14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayESP 9 Modyul14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
ESP 9 Modyul14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
 
DLL EsP 9
DLL EsP 9DLL EsP 9
DLL EsP 9
 
Grade 7 Isip at Kilos-loob
Grade 7 Isip at Kilos-loobGrade 7 Isip at Kilos-loob
Grade 7 Isip at Kilos-loob
 
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALA...
 
ESP 9 Modyul10 Kagalingan sa Paggawa
ESP 9 Modyul10 Kagalingan sa PaggawaESP 9 Modyul10 Kagalingan sa Paggawa
ESP 9 Modyul10 Kagalingan sa Paggawa
 
Daily lesson plan in edukasyon sa pagpapakatao 7
Daily lesson plan in edukasyon sa pagpapakatao 7Daily lesson plan in edukasyon sa pagpapakatao 7
Daily lesson plan in edukasyon sa pagpapakatao 7
 
module 2 in ESP 7
module 2 in ESP 7module 2 in ESP 7
module 2 in ESP 7
 
EsP 9-Modyul 14
EsP 9-Modyul 14EsP 9-Modyul 14
EsP 9-Modyul 14
 
Es p 9 modyul 9 katarungang panlipunan
Es p 9 modyul 9 katarungang panlipunanEs p 9 modyul 9 katarungang panlipunan
Es p 9 modyul 9 katarungang panlipunan
 
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hiligEsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
 
Es p 7 module 1 day 1
Es p 7 module 1 day 1Es p 7 module 1 day 1
Es p 7 module 1 day 1
 
ESP 7 LEARNING MATERIAL FIRST AND SECOND GRADING
ESP 7 LEARNING MATERIAL FIRST AND SECOND GRADINGESP 7 LEARNING MATERIAL FIRST AND SECOND GRADING
ESP 7 LEARNING MATERIAL FIRST AND SECOND GRADING
 
Es p 7 module 6 (likas na batas moral)2
Es p 7 module 6 (likas na batas moral)2Es p 7 module 6 (likas na batas moral)2
Es p 7 module 6 (likas na batas moral)2
 
CURRICULUM MAP ESP 7.docx
CURRICULUM MAP ESP 7.docxCURRICULUM MAP ESP 7.docx
CURRICULUM MAP ESP 7.docx
 
Paunlarin ang Talento at Kakayahan
Paunlarin ang Talento at KakayahanPaunlarin ang Talento at Kakayahan
Paunlarin ang Talento at Kakayahan
 
EsP 7 M2 talento mo tuklasin kilalanin at paunlarin
EsP 7 M2 talento mo tuklasin kilalanin at paunlarinEsP 7 M2 talento mo tuklasin kilalanin at paunlarin
EsP 7 M2 talento mo tuklasin kilalanin at paunlarin
 
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayEs p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 9
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 9Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 9
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 9
 
EsP 10 Modyul 1
EsP 10 Modyul 1EsP 10 Modyul 1
EsP 10 Modyul 1
 

Viewers also liked

Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakataoBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
ellaboi
 
Abdul detailed lesson plan mapeh7
Abdul detailed lesson plan mapeh7Abdul detailed lesson plan mapeh7
Abdul detailed lesson plan mapeh7
Ian Jay Rañada
 
Banghay aralin sa A.P. II
Banghay aralin sa A.P. IIBanghay aralin sa A.P. II
Banghay aralin sa A.P. II
Mark Joseph Hao
 
Lesson plan in TLE I (Grade 7)
Lesson plan in TLE I (Grade 7)Lesson plan in TLE I (Grade 7)
Lesson plan in TLE I (Grade 7)
QA Ilagan
 

Viewers also liked (20)

Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakataoBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
 
Mangarap ka.
Mangarap ka.Mangarap ka.
Mangarap ka.
 
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng DemandBanghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
Banghay aralin tungkol sa Konsepto ng Demand
 
Topic Sentence Semi-detailed Lesson Plan
Topic Sentence Semi-detailed Lesson PlanTopic Sentence Semi-detailed Lesson Plan
Topic Sentence Semi-detailed Lesson Plan
 
Semi detailed lesson plan
Semi detailed lesson planSemi detailed lesson plan
Semi detailed lesson plan
 
Sample of Semi Detailed Lesson Plan
Sample of Semi Detailed Lesson PlanSample of Semi Detailed Lesson Plan
Sample of Semi Detailed Lesson Plan
 
Abdul detailed lesson plan mapeh7
Abdul detailed lesson plan mapeh7Abdul detailed lesson plan mapeh7
Abdul detailed lesson plan mapeh7
 
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na DemandEs p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
Es p 9 Modyul 15 Lokal at Global na Demand
 
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8- Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8- Unang Yugto ng Imperyalismong KanluraninBanghay Aralin sa Araling Panlipunan 8- Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8- Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
 
Comparing fractions (semi detailed lesson plan)
Comparing fractions (semi detailed lesson plan)Comparing fractions (semi detailed lesson plan)
Comparing fractions (semi detailed lesson plan)
 
K TO 12 GRADE 4 IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4  IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 4  IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 2 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 2 UNANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 2 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 2 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
 
Banghay aralin sa A.P. II
Banghay aralin sa A.P. IIBanghay aralin sa A.P. II
Banghay aralin sa A.P. II
 
Final Demo Semi Detailed Lesson Plan in TLE 2 (LAN Cabling)
Final Demo Semi Detailed Lesson Plan in TLE 2 (LAN Cabling)Final Demo Semi Detailed Lesson Plan in TLE 2 (LAN Cabling)
Final Demo Semi Detailed Lesson Plan in TLE 2 (LAN Cabling)
 
Lesson plan in TLE I (Grade 7)
Lesson plan in TLE I (Grade 7)Lesson plan in TLE I (Grade 7)
Lesson plan in TLE I (Grade 7)
 
Semi-detailed lesson plan
Semi-detailed lesson plan Semi-detailed lesson plan
Semi-detailed lesson plan
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
 
ESP 7 Modyul 13 Mangarap Ka
ESP 7 Modyul 13 Mangarap KaESP 7 Modyul 13 Mangarap Ka
ESP 7 Modyul 13 Mangarap Ka
 
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan (Ekonomiks) Ika-ap...
 

Similar to Sample Semi-Detailed LP EsP 7

ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...
ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...
ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...
MaeShellahAbuyuan
 
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docx
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docxESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docx
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docx
Aniceto Buniel
 
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfesp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
MerylLao
 
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guroEdukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
elviesabang
 

Similar to Sample Semi-Detailed LP EsP 7 (20)

Clmd4 a espg7
Clmd4 a espg7Clmd4 a espg7
Clmd4 a espg7
 
Edukasyon sa Pagpapahalaga UBD 1st to 4th quarter.
Edukasyon sa Pagpapahalaga UBD 1st to 4th quarter. Edukasyon sa Pagpapahalaga UBD 1st to 4th quarter.
Edukasyon sa Pagpapahalaga UBD 1st to 4th quarter.
 
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docxESP-DLL-Marso-27-312023.docx
ESP-DLL-Marso-27-312023.docx
 
Esp7DailylESSON LOG.docx
Esp7DailylESSON LOG.docxEsp7DailylESSON LOG.docx
Esp7DailylESSON LOG.docx
 
ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...
ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...
ESP 6 PPT Q3 W1 - Aralin 1 - Ako at ang aking Papel tungo sa Kamalayang Pansi...
 
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docx
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docxESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docx
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docxDLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
 
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docxDLL ESP7 Q1 WK2.docx
DLL ESP7 Q1 WK2.docx
 
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.pdf
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.pdfESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.pdf
ESP-DLL 7 Ikatlong Markahan.pdf
 
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copyEsp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
Esp g7 module 3rd and 4th grading soft copy
 
sci10.docx
sci10.docxsci10.docx
sci10.docx
 
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docxMLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
 
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfgrade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
 
DLL FORMAT.docx
DLL FORMAT.docxDLL FORMAT.docx
DLL FORMAT.docx
 
modyul 2-3.pptx
modyul 2-3.pptxmodyul 2-3.pptx
modyul 2-3.pptx
 
EsP Grade 3 Q1.pdf
EsP Grade 3 Q1.pdfEsP Grade 3 Q1.pdf
EsP Grade 3 Q1.pdf
 
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docxdaily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
 
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfesp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guroEdukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
 
ESP-9_Q4_Week-1.pdf
ESP-9_Q4_Week-1.pdfESP-9_Q4_Week-1.pdf
ESP-9_Q4_Week-1.pdf
 

Recently uploaded

ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
DonnaMaeSuplagio
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
EugeneBarona1
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
AizaStamaria3
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
junielleomblero
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 

Recently uploaded (20)

ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 

Sample Semi-Detailed LP EsP 7

  • 1. 1 | B A N G H A Y A R A L I N S A E S P 7 – D I O N Y L . G O N Z A L E S BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 DIONY L. GONZALES Hunyo 13-17, 2016 Unang Markahan I. Layunin: a. Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga /pagbibinata, sa kanyang mga talento, kakayahan, at kahinaan, hilig, at mga tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata b. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. Unang Araw: PRE-TEST at PAUNANG PAGTATAYA Kasanayang Pampagkatuto: 1. Nahihinuha ng mga mag-aaral ang mga araling sa tingin niya ay kanya nang alam at napagninilayan ang mga aralin na hindi pa niya napag-aaralan. 2. Nalilinang ang kanyang kakayahan sa pagpili sa pamamagitan ng pagpili niya nang sa tingin niya ay pinakawastong sagot. Layunin (Unang Araw) Sa 50-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. Natataya ang mga kaalaman na kabilang sa mga tanong sa Pre-Test at Paunang Pagtataya sa unang aralin B. Nalilinang ang kakayahan sa wastong pagpili sa pamamagitan ng mga nasabing pagsusulit C. Naiwawasto ang sagutang papel ng kaklase II. Nilalaman Paksa: MANGARAP KA! Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa: pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at pagiging mabuti at mapanagutang tao. Mahalagang Tanong: Anu-anong mga pagbabagong inaasahan ko sa aking pagdadalaga/pagbibinata? Alin sa mga kakayahanko ang dapat kong linangin? Anu-anong mga bagay ang dapat ko nang kalimutan o iwaksi? Sanggunian Ikaapat na Markahang Pagsusulit, Taong Panuran 2015-2016 at Susi sa Pagwawasto EsP 7 Ikaapat na Markahan, Gabay sa Pagtuturo ng Modyul 1; Pahina 1-3 EsP 7 Ikaapat na Markahan, Modyul para sa mga Mag-aaral; Modyul 1; Pahina 1-6 Mga Kagamitan Sagutang papel, bolpen, susi sa pagwawasto na nasa visual aids III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Pambungad na Panalangin Pagbati Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan Pag-uulat/Pagtatala ng liban B. Pagganyak Stetching upang mabuhay ang mga natutulog na kalamnan at diwa. Muling masayang pagbati upang maganyan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa pagsusulit. Pagpapaala-ala na huwag mangamba kung hindi makapapasa sa gagawing pagsusulit sapagkat hindi itatala ng guro ang nakuhang grado. Iyon ay pagtataya lamang kung ano at hanggang saan ang kanilang nalalaman sa mga darating na mga aralin. C. Pagwawasto sa mga sagutang papel Makikipagpalit ng sagutang papel ang mga nakaupo sa gitnang bahagi sa katapat na hanay upang maiwasto ang papel ng kamag-aral. D. Item Analysis Kapag may oras pa ay ipagagawa ng guro ang pagtatala ng aytem.
  • 2. 2 | B A N G H A Y A R A L I N S A E S P 7 – D I O N Y L . G O N Z A L E S IV. Takdang Aralin Maghanda sa seating arrangement, sa isahang gawain sa susunod na pagkikita. Magdala ng coloring materials, lumang magazines at pandikit. Ikalawang Araw: SEATING ARRANGEMENT, ISAHANG GAWAIN (Pagtuklas ng Dating Kaalaman) I. Layunin (Ikalawang Araw) Sa 50-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nagkakaroon ng seating arrangement upang mas madali sa mga mag-aaral at guro ang mga magiging gawain sa mga susunod na araw b. Natutukoy ng mga pagbabago sa kanilang sarili mula sa gulang na 8 - 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a) Pakikipagugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad, (b) Papel sa lipunan bilang babae o lalaki, (c) Asal sa pakikipagkapwa / sa lipunan, at (d) Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya c. Nakapagbabahagi ng gawain sa harapan ng klase. II. Nilalaman Paksa: MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA (Pagtuklas ng Dating Kaalaman) Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa: pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at pagiging mabuti at mapanagutang tao. Mahalagang Tanong: Anu-ano ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong sarili ayon sa mga kategoryang: (a) Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad (b) Papel sa lipunan bilang babae o lalaki (c) Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa (d) Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasaya Sanggunian EsP 7 Ikaapat na Markahan, Gabay sa Pagtuturo ng Modyul 1; Pahina 1-4 EsP 7 Ikaapat na Markahan, Modyul para sa mga Mag-aaral; Pahina 6-8 Mga Kagamitan Activity Sheet, Coloring Materials, “Star in Action” (Reward System) sa mga mag-aaral na magbabahagi ng gawain sa harap ng klase. III. Pamamaraan E. Panimulang Gawain Pambungad na Panalangin Pagbati Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan Pag-uulat/Pagtatala ng liban A. Pagganyak Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng mga kilalang artista noon bata pa sila hanggang sa sila ay maging ganap na dalaga at binata na. Tatanungin ng guro ang buong klase: “Anu- ano ang inyong napansin sa mga pagbabagong naganap sa mga artistang ito?” Matapos magtawag ng ilang mag-aaral, sasabihin ng guro: “Nais ko rin malaman kung anu-ano ang mga pagbabagong naganap sa inyo sa pamamagitan ng ating gawain. Simulan na ito upang makapagbahagi pa tayo ng ating mga awtput.” B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Isahang Gawain: Panuto: Sa iyong activity sheet, itala ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng limang pagbabago sa sarili. Pagkatapos, gumupit o gumuhit ng isang larawan na sa iyong palagay ay nagpapakita ng mga kategoryang ito. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang halimbawa sa unang kategorya.
  • 3. 3 | B A N G H A Y A R A L I N S A E S P 7 – D I O N Y L . G O N Z A L E S a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad 1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa babae/lalaki. 2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga malapit na kaibigan at hinihingi ang kanilang opinyon 3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian; nagkakaroon ng crush. 4. Iniiwasan ang pakikipag-away 5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan, maging sa mahahalagang proyekto sa paaralan Ngayon, ikaw naman: a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad 1. _____________________________ 2. _____________________________ 3. _____________________________ 4. _____________________________ 5. _____________________________ b. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki 1. _____________________________ 2. _____________________________ 3. _____________________________ 4. _____________________________ 5. _____________________________ 7 c. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa 1. _____________________________ 2. _____________________________ 3. _____________________________ 4. _____________________________ 5. _____________________________ d. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasaya 1. _____________________________ 2. _____________________________ 3. _____________________________ 4. _____________________________ 5. _____________________________ C. Pagtataya Magkakaroon ng “star” ang mga mag-aaral na boluntaryong magbabahagi sa harapan. Bibilangin ito ng guro sa susunod na lingo sa ikalawang araw upang maitala sa hanay ng “recitation” para sa karagdagang marka. Ang resulta ng gawaing Pagtuklas ng Dating Kaalaman ang siyang magiging pagtataya sa linggong ito IV. Takdang Aralin Sagutan ang “Profayl Ko, Noon at Ngayon” (Pagdidikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya) (Pagdidikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya) (Pagdidikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya) (Pagdidikit ng larawan o pagguhit ng angkop sa kategorya)
  • 4. 4 | B A N G H A Y A R A L I N S A E S P 7 – D I O N Y L . G O N Z A L E S Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang mga pagbabagong iyong itinala sa naunang gawain. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala naman ang iyong mga katangian noong ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11 taon. Profayl Ko, Noon at Ngayon Ako Noon (Gulang na 8-11) Ako Ngayon Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad Hal. Kalaro ko ang aking mga Kaibigan. Hal. Karamay ko ang mga kaibigan ko sa mga hinaharap na suliranin. Papel sa lipunan bilang babae o lalaki Hal. Tungkulin ko ang maging isang mabuting mag-aaral. Hal. Nagtatrabaho at nag-aaral ako para makapasok sa mas mahusay na trabaho. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa Hal. Masunurin ako sa utos ng aking mga magulang dahil alam nila ang mabuti para sa akin. Hal. Sumusunod ako sa batas upang makaiwas sa suliranin. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasiya Hal. Ang aking mga magulang ang nagpapasya para sa akin. Hal. Ginagawa ko kung ano ang alam kong makabubuti sa akin at sa aking pamilya. Ikaw naman: Ako Noon (Gulang na 8-11) Ako Ngayon Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad Papel sa lipunan bilang babae o lalaki Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasiya Gamit ang iyong binuong “Profayl Ko, Noon at Ngayon”, isa-isahin at ipaliwanag ang mga pagbabago sa iyong sarili mula noong walong taong gulang ka hanggang ngayon. Tayain kung positibo o negatibo ang mga naging pagbabago sa iyong sarili
  • 5. 5 | B A N G H A Y A R A L I N S A E S P 7 – D I O N Y L . G O N Z A L E S Kung nakarating ka sa itaas ng bundok, positibo ang karamihan sa mga naging pagbabago sa iyo. Kung hindi ka umabot dito, maaaring mas maraming negatibo kaysa positibong pagbabago sa iyo. Sagutin sa iyong kwaderno: Sa iyong dyornal, sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay tungkol sa paghahambing na iyong ginawa. Gamiting gabay sa pagsulat ang mga tanong sa ibaba. 1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon? 2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata? Ipaliwanag. 3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata? 4. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong paraan? 5. May masama bang maidudulot sa iyo ang mga pagbabagong ito? Sa paanong paraan? 6. Ano-ano ang mga nakatulong sa positibong pagbabago sa iyong buhay? Magdala ng colored paper. (Magtatalaga ang guro ng kulay sa bawat pangkat [section] ng kanilang kulay) Inihanda ni: Checked by: DIONY L. GONZALES JESSICA Y. SANTOS Guro, EsP 9 Puno ng Kagawaran, EsP