4. Ayon kay Pagkalinawan (2004), ang wika
ay salamin ng kaisipan at saloobin ng tao. Sa
pagpapahayag ng tao, pasulat man o pasalita, wika
ang gamit.
5. Ayon kay Trudgill, ang wika’y di lamang sa
pakikipagtalastasan o pagbibigay impormasyon, ang
pahayag ay ginagamit upang mapanatili ang
magandang ugnayan, pagkakaisa, at
pagkakaunawaan ng mga mambabasa.
6. Ayon kay Dr. Ofelia Silapan at Prop. Ligaya
Rubin (1999), “ang kalinawan, kawastuhan at
katiyakan sa pagsusulat at pagsasalita ay natutupad
kung sapat ang talasalitaan sa pagpapahayag.”
7. Ayon kay Badayos (1999), ang paggamit ng
mga tayutay ay nagsisilbing panghimok sa mga
mag-aaral sa pagbibigay ng masining na
paghahambing ng mga bagay o pangyayari.
8. Ayon kay Sebastian (1956) sa panulat nina
Tanawan et.al (2003), ang pahayag retorika ay
tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa at
maayos na pagpapahayag.
10. A. Salawikain
Ayon kay Lope K. Santos, sa aklat ni
Tanawan (2003), ang salawikain ay karunungang
napag-aaralan ng tao, hindi sa mga kasulatan na
nailimbag kundi sa mga aklat ng karanasang
nalaman mula sa bibig ng mga matatanda.
11. Ang salawikain ay nakasulat sa anyong patula
kaya may sukat at tugma. Mayaman ito sa
kagandahang-asal at nagsisilbing panggising sa mga
taong natutulog sa kasamaang asal. Maituturing na
matalinhaga dahil magkaminsan di tahasang
sinasabi ang tunay na kahulugan.
12. Halimbawa:
1. Aanhin mo ang bahay na bato kung ang
nakatira’y kuwago, mabuti pa ang bahay-kubo na
ang nakatira’y tao.
13. Halimbawa:
2. Ang hindi marunong lumingon sa
pinanggalingan ay hindi makarating sa paroroonan.
14. B. Sawikain
Ito ay nagsasaad din ng kagandahang asal ngunit
di kasinlalim ng ipinahahayag ng salawikain. Kumbaga
tanging mga paalala ito sa taong nakakalimot kaya
mababaw lamang ang aral na ibinibigay. Tulad din ng
salawikain, hindi diretsong ipinahahayag nito ang
kahulugan ng pahayag bagamat sa karaniwang takbo ng
buhay sa araw-araw.
18. C. Kasabihan
Ito ay bukambibig na hango sa karanasan ng
tao at nagsisilbing patnubay sa dapat gawin sa
buhay. (Nacin et.al 2003.) Sa anyo, kadalasa’y
anyong patula na isa o dalawa ang taludtod na may
sukat at tugma.
20. D. Idyoma
Ito ay matatalinhagang pahayag na nakatago
sa likod ng salita ang tunay na kahulugan nito.
Natututuhan ang kahulugan ng idyoma sa tulong ng
mga salitang dito’y nakapaligid. Natutuhan pa rin
ang kahulugan sa tulong ng malalim na pag-unawa
sa diwa ng pangungusap.
21. Halimbawa:
nangingilang pugad - nanliligaw
di mahulugang karayom - matao
nagbibilang ng poste - walang gawa/trabaho
isang kahig, isang tuka - naghihirap
alog na ang baba - matanda na
may bulsa sa balat - kuripot
nagtatangiang kawali - bingi
di maliparang uwak - malawak
balat-sibuyas - sensitibo
23. 1. Pagtutulad / Simili
Ang paghahambing ng dalawang bagay sa
tulong ng mga salitang pahambing sa masining na
pahayag.
Halimbawa ng mga salitang pahambing –
parang, tulad, kawangis, kapareho, at simbait.
24. Halimbawa:
1. Simputi ng labanos ang binti ni Adela.
2. Ang ugali niya’y kawangis ng asong ulol.
25. 2. Pagwawangis / Metapor
Ang paghahambing ng dalawang bagay o tao na
di ginagamitan ng anumang salitang pahambing.
Tahasang binabanggit ang salitang katulad ng isang
bagay o anumang inihahambing sa pinaghahambingan.
27. 3. Personipikasyon
Ito ang uri ng tayutay na ang bagay na walang
buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng pandiwa.
Dito, pandiwa na kadalasang ginagamit sa tao upang
ilarawan, ay siya ring ipinanlalarawan sa bagay upang
mag-anyong buhay.
29. 4. Paurintao
Uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay
ay mistulang may buhay sa tulong ng pang-uri.
Ang pang-uring gamit ay pantao na ikakapit sa
bagay kaya ang bagay na inilalarawan ay waring
may buhay na’t gumagalaw.
30. Halimbawa:
1. Ang masinop kong sapatos, palagi akong
dala-dala.
2. Ang matalino kong bolpen di pa ako
binibigo.
31. 5. Sinekdoke
Uri ng tayutay na tumutukoy sa isang bahagi
upang tukuyin ang kabuuan. Maaaring bahagi ng
katawan ng isang tao o bahagi ng bahay na kahit
bahagi lang ang banggitin, tumutukoy ito sa kalahatan.
32. Halimbawa:
1. Huwag na huwag kang tutuntong sa
aming hagdan.
2. Sampung mga kamay ang nagtulong-
tulong sa pagbuo ng proyekto.
33. 6. Oksimoron
Sa uring ito ng tayutay, palasak na gumagamit
ng dalawang salitang magkasalungat ang
kahulugan upang ipahayag ang diwa ng
pangungusap. Dalawang salitang maaaring positibo
o negatibo ang hatid ng kahulugan.
35. 7. Metonomiya
Ang pagtukoy sa isang salita o pahayag upang
katawanin ang isang bagay o pangngalan. Sa halip
na payak o simpleng salita ang tukuyin, pinapalitan
ito ng salitang matalinhaga.
36. Halimbawa:
1. Ang ina ng bansang Pilipinas ay maliit sa
sukat ngunit malaki ang puso.
2. Ilaw siya sa karimlan ng mga taong
naguguluhan.
37. 8. Pagtawag
Ang bagay na abstrak, walang buhay, at hindi
nakikita ay kinakausap o tinatawag na parang may
buhay at nakikita. Ang pagtawag sa salitang abstrak
ay may himig ng pagnanais o ng parang hinanakit.
39. 9. Paradoks
Katumbas ito ng mga salawikain o sawikain,
nagbibigay-aral at puno ng kagandahang asal.
Madalas, nagsisilbing pampaalala sa nakakalimot ng
kagandahang asal.
40. Halimbawa:
1. Kung may isinuksok may madudukot.
2. Ang di lumingon sa pinanggalingan di
makararating sa paroroonan.
41. 10. Paglumanay / Eupemismo
Ang orihinal na katawagan ay pinapagaan sa
kahulugan, sa pagpapalit ng ibang katawagan.
Ginagawa ang pagpapalit ng katawagan upang di
maging mabigat sa pandinig o damdamin ng iba ang
sitwasyon.
42. Halimbawa:
1. Iginupo ang puri (ginahasa) ng batang iyan
ang kanyang kadugo.
2. Iba ang tabas ng mukha niya (pangit o
maganda) sa mga kapatid.
43. 11. Pag-uyam / Ironiya
Ito ang pagtukoy sa kabaliktaran ng
katotohanan na may pangungutya. Ginagawa ang
pag-uyam upang di tahasang ipamukha ang tunay
na negatibong kahulugan ng pangyayari.
44. Halimbawa:
1. Ang ganda ng damit mo para kang
manang.
2. Ang ganda ng mga grades mo, karamiha’y
bagsak.
45. 12. Hiperbole / Eksaherasyon
Sobra sa dapat o sa katotohanan ang
binabanggit ng pahayag. Kung susuriin ang diwa ng
pahayag animo’y may pagyayabang na nais
ipangalandakan.
46. Halimbawa:
1. Bumaha ng pera sa amin nang dumating
ang tatay galing Saudi.
2. Wala akong pakialam kahit ikaw na lamang
ang lalaki sa mundo.
47. 13. Onomatopeya
Ang tunog o himig ng salita ay nagpapahiwatig
ng kahulugan nito. Sa bagay na ito, lubhang
kailangang sensitibo sa tunog ng salita ang nakikinig
upang maiugnay sa tinutukoy.
48. Halimbawa:
1. Dinig na dinig ko ang langitngit ng kawayan.
2. Ang kalabog ng martilyo ay napakalakas.
49. 14. Aliterasyon
Ang pag-uulit ng katunog-katinig sa
simulang titik ng mga salita sa loob ng pahayag.
Pare-parehong tunog ng katinig ng simulang titik
ang karamihan ng mga salita sa loob ng
pangungusap ang tinutukoy.
50. Halimbawa:
1. Si Berto ay bababa ng bahay bukas ng
bukang liwayway.
2. Katulong, katuwang, kabalikat sa karamihan
ng kinamulatan.
51. 15. Asonansya
Ang maraming pag-uulit ng magkaparehong
tunog-patinig sa simulang titik ng mga salita sa loob
ng pahayag. Dito’y pare-pareho namang titik ng
patinig ang simula ng karamihan ng mga salita sa
loob ng pangungusap.
52. Halimbawa:
1. Aalis ako anak sa aking anyong aninag ang
kasiyahan.
2. Isinilang sa ilang ang isang inakay ng
inangbayan.
53. 16. Alusyon
Ang pag-alalang muli sa kaalamang patuloy na
naiimbak sa likod ng utak ng taong may pinag-aralan.
Kabilang ang mga ito sa ating wikang frozen na
naaalala’t nagagamit sa panahong talagang kailangan. Ito
ang mga salitang kapag nabanggit, agad matutukoy kung
nasa kategoryang literatura, mitolohiya, o bibliya.
54. a. Alusyon sa Heograpiya – sa pangungusap
ay may binabanggit na nauukol ang kaisipan sa
heorapiya.
Halimbawa:
• Mt. Mayon ang Mt. Fuji ng Pilipinas.
• Lungsod ng Baguio ang Amerika ng Pilipinas.
55. b. Alusyon sa Literatura – may binabanggit sa pangungusap
na tinutukoy din sa literatura na isang kilalang tao o
pangyayari.
Halimbawa:
• Wala na yatang Maria Clara sa panahong kasalukuyan.
• Marami pa ring Donya Victoria ang nakakalat sa lipunan.
56. c. Alusyon sa Mitolohiya – tauhan o
pangyayaring bahagi ng mitolohiya ang nasa loob
ng pahayag.
Halimbawa:
• Adonis sa laki ng katawan ang mga lalaking
nag-eehersisyo sa tuwi-tuwina.
• Ang kapalaran niya’y Oedipus Rex.
57. d. Alusyon sa Bibliya– ang ginamit na pangalan ng tao
o pangyayari sa akda ay hango sa Bibliya.
Halimbawa:
• Ang tiwala’t pagmamahal sa kanyang asawa’y iniwan
kay Jose na asawa ni Maria.
• Walang iniwan kay Job ang naging kapalaran niya.