2. Sanggunian:
Aklat: Akademikong Filipino para sa Kompetetibong
Filipino, (2009), Rolando A. Bernales
Aklat: Komunikasyon sa Makabagong Filipino, (2014)
Jioffre A. Acopra et.al
3. Ano ang Sintaksis?
Ito ay sangay ng linggwistika na nakatuon sa pagbuo ng
pangungusap. Pinag-aaralan dito ang pagsasama-sama ng
mga salita upang makabuo ng isang kaisipang kumpleto
ang diwa.
5. Kahulugan ng Pangungusap
Ang pangungusap ay tumutukoy sa kalipunan ng
mga salitang nagsasaad ng isang diwa. Ito ay
isang sambitlang may patapos na himig sa dulo
na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang
ipaabot.
6. Halimbawa;
• Nanay! (panawag)
• Aray! (nagsasaad ng damdamin)
• Sulong! (utos)
• Magandang umaga po. ( pormulasyong panlipunan o pagbati)
• Opo. (panagot sa tanong)
• Umuulan (pandiwang palikas o penomenal)
• Maraming magagandang pook sa Baguio. (lipong may buong
diwa)
7. Ang pangungusap ay maaaring mauri sa layon.
Samakatwid, ito ay maaaring maging paturol, pautos o
pakiusap, patanong o padamdam.
Hal. Masipag na estudyante si Jobelle.
Mag-aral kayo ng mabuti ng inyong liksiyon.
Pakikuha mo naman ako ng maiinom.
Dumating na ba si Mr. Tan?
Saklolo! Tulungan ninyo kami!
8. Batay sa anyo, ang
pangungusap ay maaaring
uriing payak, tambalan,
hugnayan o langkapan.
9. Kayarian ng
Pangungusap
1. Payak- pangungusap na
nagtataglay ng isang
kumpletong diwa. Maaari
itong magkaroon ng isang
paksa at isang panaguri
lamang; dalawang paksa o
isang panaguri; isang paksa
at dalawang panaguri; o
dalawang paksa at
dalawang panaguri.
Halimbawa:
* Katakut-takot ang dinanas
ng mga Pilipino sa kamay ng
mga dayuhan.
* Ang mga katiwalian sa
pamahalaan ay
iniimbistigahan na.
10. Kayarian ng
Pangungusap
2. Tambalan – binubuo ng
dalawang payak na
pangungusap o
pangungusap na may dalawa
o higit pang ideyang
inilalahad. Ginagamitan ng
mga pangatnig na at, ngunit,
subalit, datapwa’t, habang,
at o. Ginagamit ang mga ito
bilang pang-ugnay sa
dalawang payak na
pangungusap.
Ginagamit ang at kung
magkasimpantay o
magkasinghalaga ang mga
ideya ng dalawang malayang
sugnay.
Halimbawa
* Ang mga katiwalian sa
pamahalaan ay iniimbistigahan
na. at napag-alamang may ilang
dsating mataas na opisyal na
posibleng kasabwat sa
pagnanakaw sa pondo.
11. Kayarian ng
Pangungusap
3. Hugnayan – binubuo ng
isang sugnay na makapag-
iisa (may kompletong diwa)
at isa o higit pang sugnay na
di makapag-iisa ( hindi
kompleto ang diwa).
Karaniwang ginagamitan ng
mga pangatnig na upang,
nang, kaya, dahil at
sapagkat.
Halimbawa:
• Magiting na ipinagtanggol
ng mga gerilya ang kanilang
baryo nang lumusob ang
mga dayuhan.
• Ang mga katiwalian sa
pamahalaan ay
iniimbistigahan na upang
malaman kung totoong may
naganap na sabwatan na
pananamantala sa kaban ng
bayan.
12. Kayarian ng
Pangungusap
4. Langkapan- binubuo ng
dalawa o higit pang sugnay
na makapag-iisa at isa o higit
pang sugnay na di makapag-
iisa
Halimbawa:
• Magiting na ipinagtanggol ng
mga gerilya ang kanilang
baryo nang lumusob ang mga
dayuhan kaya’t nagsimula
ang umaatikabong labanan.
Ang mga katiwalian sa
pamahalaan ay iniimbistigahan
na at napag-alamang may ilang
dating matataas na opisyal na
posibleng nagnakaw sa pondo
kaya sinampahan sila ng pormal
na kaso sa korte.
13.
14.
15.
16. May mga pangungusap na
binubuo ng dalawang panlahat na
sangkap : panaguri at paksa.
a. Simuno o paksa (subject)
ang bahaging pinag-uusapan o
pinagtutuunan ng pansin sa loob
ng pangungusap. Ito ay tao,
bagay, hayop, lugar o pangyayari
na gumaganap ng kilos o
pinagtutuunan ng diwang
isinasaad sa pandiwa at ganapan
ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa; Siya ay
maganda
(pak) (pan)
b. Panaguri (predicate)
ang bahagi ng pangungusap
na nagbibigay ng kaalaman o
impormasyon tungkol sa
paksa. Ito ay naglalahad ng
mga bagay tungkol sa
simuno.
Mga Pangungusap na may
Panaguri at Paksa
17. a. Pangungusap na Eksistensyal
nagpapahayag ng pagkamayroon
ng isa o ng kawalan.
Pinangungunahan ito ng may o
mayroon.
Hal. Mayroon daw ganito roon.
b. Pangungusap na Pahanga
ito ay nagpapahayag ng
damdaming pahanga.
Hal. Kayganda ng babaeng iyon!
c. Mga sambitla
tumutukoy sa mga iisahin
o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding
damdamin.
Hal. Aray!
d. Modal
nangangahulugang
gusto,nais, ibig, puwede,dapat o
kailangan.
Hal. Puwedeng sumali?
Mga Pangungusap na walang
Paksa
18. e. Pormularyong Panlipunan
mga pagbati, pagbibigay
galang at iba pa na nakagawian na
sa lipunang Pilipino.
Hal. Magandang umaga po.
f. Pangungusap na pautos o
nakikiusap
Hal. Pakidala
g. Pangunusap na panawag
Maaari itong iisahing
salita o panawag na pangkamag-
anak
Hal. Kuya!
Pangungusap na walang
Paksa
19. i. Pamanahon
nagsasaad ng oras o uri
ng panahon.
Dalawang uri:
a. Penomenal- tumutukoy sa
mga kalagayan o pangyayaring
pangkalikasan o
pangkapaligiran.
Halimbawa;
Maalinsangan ngayon
Lumilindol
b. Temporal – nagsasaad ng
mga kalagayan o panahong
panandalian.
Halimbawa;
Alas dose na.
Sabado ngayon.
Pasukan na.
Pangungusap na walang
Paksa
20. Mga Ayos ng Pangungusap
a. Karaniwang Ayos
kung ang panaguri ang nauuna kaysa sa simuno o
paksa.
Hal. Nagtatagumpay sa buhay ang taong masisipag.
b. Di-karaniwang Ayos
Kung ang simuno o paksa naman ang nauuna kaysa
sa panaguri. Ang panandang “ay” ang kadalasang makikita sa
mga pangungusap na nasa di-karaniwang ayos.
Hal. Ang taong masisipag ay nagtatagumpay sa buhay.
22. Pagpapalawak ng Pangungusap
Ang mga maaaring gamiting pampalawak ng pangungusap ay
paningit, panuring (pang-uri at pang-abay) at kaganapan
ng pandiwa.
A. Mga paningit bilang pampalawak
Mga paningit o ingklitik ang tawag natin sa mga katagang
isinasama sa pangungusap upang higit na malinaw ang
kahulugan nito.
ba na ho po kasi naman lamang/lang sana
kaya nga man tuloy daw/raw
Pa yata muna din/rin pala
23. Ang mga paningit ay may tiyak na posisyon sa loob ng
pangungusap. Karaniwang kasunod ito ng unang salitang may
diin sa loob ng pangungusap. Ang mga katagang ka, ko at mo
ay maaaring manguna sa mga paningit. Mga paningit na
panghalip ang tawag sa mga ito.
TUNTUNIN SA WASTONG GAMIT NG MGA PANINGIT
1. Unang salitang may diin + paningit
2. Unang salitang may diin + ka/ko/mo + paningit
24. Halimbawa ; 1. Unang may salitang diin + paningit
a. Ang bata na ang tawagin mo.
b. hindi man kayo matuloy ay dapat kang maghanda.
2. Unang salitang may diin + paningit
a. Bakit ka nga ba hindi dumating?
b. Hinintay ko naman siya ngunit talagang hindi siya
dumating.
c. Alam mo ba ang dahilan ng kanyang pag-alis?
25. B. Mga Panuring Bilang Pampalawak
Dalawang kategorya ng mga salita ang magagamit na
panuring: ang pang-uri na panuring sa pangngalan o
panghalip at ang pang-abay na panuring sa pandiwa,
pang-uri o kapwa pang-abay.
26. Mga pangungusap na nagpapakita ng pagpapalawak sa
pamamagitan ng Pang-uri.
Batayang Pangungusap:
Ang mag-aaral ay iskolar
1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng Karaniwang pang-
uri.
Ang matalinong mag-aaral ay sikolar.
27. 2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring.
> Ang matalinong mag-aaral sa klase ay iskolar.
> Ang matalinong mag-aaral sa klase ay iskolar sa
pamantasan
> Ang matalinong mag-aaral sa klase ay iskolar ng
pamahalaan sa pamantasan.
> Ang matalinong mag-aaral sa klase na magaling
magtalumpati ay iskolar ng
pamahalaan sa pamantasan.
28. 3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng ibang bahagi ng
pananalita na gumaganap ng tungkulin ng pang-uri.
a. Pangngalang ginagamit na panuring.
Halimbwa : Ang mag-aaral na babae ay iskolar.
b. Panghalip na ginagamit na panuring.
Halimbawa : Ang mag-aaral na babaeng iyon ay iskolar.
c. Pandiwang ginagamit na panuring.
Halimbawa: Ang mag-aaral na babaeng iyon na
nagtatalumpati ay iskolar.
29. 4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay.
Batayang Pangungusap;
Umalis ang mag-anak.
a. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na
pamanahon.
Umalis agad ang mag-anak.
b. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-abay na
pamaraan.
Patalilis na umalis agad ang mag-anak.
30. c. Mga Kaganapan ng Pandiwa Bilang Pampalawak.
Ang iba’t-ibang uri ng kaganapan ng pandiwa ay mga
pampalawak din ng pangungusap. Ang mga kaganapang ito
ang gumagamit na rin ng tungkulin ng pang-abay. Ang mga ito
ay:
1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang ganapan ng
kilos ng pandiwa.
Hal. Nagpikinik ang mag-anak sa tabing dagat.
2. Kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa
Hal. Sinugpo niya ang mga kulisap sa kanyang mga
pananim sa pamamagitan ng bagong gamot na
nito.
31. 2.Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang kagamitan sa
kilos ng pandiwa
Hal. Sinugpo niya ang mga kulisap sa kanyang mga
pananim sa pamamagitan ng bagong gamot na
nito.
3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang sanhi
hal. Yumaman siya dahil sa sipag at tiyaga.
4. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang Direksyunal
hal. Tumakbo ang kriminal patungo sa liblib na pook na
iyon.
32. 5. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang
tagaganap ng kilos ng pandiwa.
hal. Kinagalitan ni Aling Maria ang kanyang anak.
6. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang layon
hal. Namili ng mga alahas si Josefina.
7. Pagpapalawak sa pamamagitan ng kaganapang
tagatanggap.
hal. Nagluto si Pining para sa mga bata.