2. Ang Pang-uri
Pang-uri (Adjective) - mga salitang naglalarawan sa mga pangngalan at panghalip.
Ito ay nagsasabi ng uri, katangian, sukat, anyo, hugis, bilang at dami ng salitang
inilalarawan.
- ay salita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan (noun) o
panghalip (pronoun). Ang pang-uri ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon
tungkol sa isang pangngalan (tao, bagay, hayop, lugar, atbp.) o
panghalip sa pangungusap.
3. Pang-uri
Mga halimbawa ng pang-uri:
Halimbawa ng Pang-uri:
■ Maganda
■ Bilog
■ Pulang-pula
■ Ningas-kugon
■ Mataas
4. Pang-uri
Mga halimbawa ng pang-uri:
■ Maganda ang asawa ni Mang Tonyo kahit may edad
na ito.
■ Hugis bilog ang dala niyang tinapay para sa mga
bata.
■ Pulang-pula ang nabili na damit ni Theresa para sa
kaarawan niya.
■ Talagang ningas-kugon si Dino kaya hindi umunlad
ang pamumuhay nila.
■ Mataas ang gusali na ipinatayo malapit sa kanto.
5. Pang-uri at mga Uri Nito
Uri ng mga Pang-uri
1.Pang-uring Panlarawan – naglalarawan ng hugis o anyo,
lasa, amoy, kulay, at laki ng mga bagay.
•Naglalarawan ito ng mga katangian at ugali ng isang tao o
hayop.
•Naglalarawan din ito ng layo, lawak, at iba pang katangian ng
mga lugar at mga bagay-bagay.
6. 2.Pang-uring Pamilang – salitang nagsasaad ng bilang ng mga
pangngalan.
•Nagsasaad ng dami o kauntian ng mga pangngalang inilalarawan.
•Nahahati ito sa maraming uri:
a.Patakaran – batayang bilang sa pagbilang
Halimbawa: isa, dalawa, tatlo…
b.Panunuran – pagkakasunod-sunod ng mga pangngalan
-Halimbawa: una, ikalawa, ikatlo…
c.Pamahagi – isang bahagi o parte ng kabuuan
7. Halimbawa: kalahati, kapat, tigatlo
d.Palansak – pangkatan, minsanan, o maramihan ng mga
pangngalan
halimbawa: isahan, dalawahan, limahan
e.Pahalaga – halaga ng mga bagay na binili.
Halimbawa: sapumpiso, limampiso, sandaan
f.Patakda – tinitiyak na ang bilang ay hindi mababawasan o
madadagdagan
Halimbawa: iisa, dadalawa, tatatlo
8. Pang-uring pantangi (proper adjective) - ito ay binubuo ng
isang pangngalang pambalana (common noun) at isang
pangngalang pantangi (proper noun). Ang pangngalang
pantangi (na nagsisimula sa malaking titik) ay
naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana.
Mga halimbawa:
Sapatos na Adidas Lucban longganisa
9. PANG-URI – Kilalanin ang tatlong(3) uri ng pang-uri
– ang Lantay, Pahambing, at Pasukdol,
Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang Pang-uri. Ito ay
tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan ng
tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Maaari rin itong
magbigay turing sa isang panghalip.
Tatlong(3) Antas ng Pang-Uri
10. Ano ang tatlong(3) antas ng Pang-uri?
Mayroong tatlong antas o kaantasan ang Pang-uri – ang Lantay, Pahambing, o
Pasukdol. Bawat isa sa kanila ay may pinagkaiba.
LANTAY (Positive degree)
The Filipino adjectives that are lantay denote a characteristic or property of a noun or
pronoun. Examples of these adjectives are maganda, maliit, puro, mahaba, dilaw,
luma, etc. For some adjectives, if the noun is plural, the first syllable of the root word
is repeated (magaganda, maliliit, mahahaba, etc.).
PAHAMBING (Comparative degree)
The Filipino adjectives that are pahambing indicate that the noun or pronoun
possesses the characteristic or property in a greater degree than another noun or
pronoun. Two objects or persons are being compared here. The degree of
comparison pahambing is classified into two types: paghahambing na patulad and
paghahambing na di-patulad.
11. Paghahambing na patulad
In paghahambing na patulad, the two objects (or persons) being compared
possess the property in the same degree. One is neither better nor worse than
the other. In paghahambing na patulad, the following prefixes (unlapi) are used:
1. magka-
2. magsing- / magsin- (for root words that begin with d, l, r, s, or t) / magsim-
(for root words that begin with b or p)
3. magkasing- / magkasin- (for root words that begin with d, l, r, s, or t) /
magkasim- (for root words that begin with b or p)
4. kasing- / kasin- (for root words that begin with d, l, r, s, or t) / kasim- (for
root words that begin with b or p)
5. sing- / sin- (for root words that begin with d, l, r, s, or t) / sim- (for root
words that begin with b or p)
6. ga- : This unlapi is used to indicate that an object has the same size as the
word attached to the prefix ga-. Examples are gabutil (as small as a grain or
kernel) and gabundok (as big as a mountain).
12. Paghahambing na di-patulad
In paghahambing na di-patulad, one of the objects or persons being compared
possesses more or less of the quality or property. One is better or worse than the
other.
Pahambing na palamang (paghahambing na di-patulad)
When the noun or pronoun (usually the subject of the sentence) being described by
the pang-uri possesses MORE of a quality, the comparison is described to be
palamang or pahambing na palamang. The words used with Filipino adjectives to
indicate pahambing na palamang are the following:
1. higit na…kaysa
2. lalo/lalong…kaysa
1. mas…kaysa
2. di-hamak na…kaysa
3. lubha/lubhang…kaysa
Pahambing na pasahol (paghahambing na di-patulad)
13. When the noun or pronoun (usually the subject of the sentence) being described
by the pang-uri possesses LESS of a quality, the comparison is described to be
pasahol or pahambing na pasahol. The words used with Filipino adjectives to
indicate pahambing na palamang are the following:
1. di-gaano/di-gaanong…na gaya/na tulad
2. di-lubha/di-lubhang…na gaya/na tulad
3. di-gasino/di-gasinong…na gaya/na tulad
4. di-masyado/di-masyadong…na gaya/na tulad
PASUKDOL (Superlative degree)
Filipino adjectives that are pasukdol may be made by the following:
Adding the prefixes (unlapi) pinaka- or napaka-: pinakamaganda, napakalaki
2. Repeating the pang-uri: matalinong-matalino, payat na payat
3. Adding the words kay or ang before the repeated pang-uri:
14. Kay ganda-ganda ng mga bulaklak!
Ang baho-baho ng basura sa labas!
4. Adding the prefix pagka- to a repeated pang-uri:
pagkabangu-bango, pagkaliit-liit
5. Using the following words before the pang-uri: ubod nang,
saksakan nang, sukdulan nang, tunay na, talagang, hari ng, etc.
15. Mga salitang Magkasingkahulugan at Magkasalungat
Magkasingkahulugan in English is synonym.
Kahulugan ng mga salitang magkasalungat at
magkasingkahulugan.
Ang mga salitang magkasalungat ay tinatawag na antonyms sa
wikang Ingles. Ito ay ang mga salita na kabaligataran ang
kahulugan. (These are words with opposite or contrasting
meanings.)
16. Mga Halimbawa:
araw - gabi
malayo - malapit
malaki - maliit
tahimik - maingay
malinis - madumi
17. Ang mga salitang magkasingkahulugan ay tinatawag na synonyms sa wikang
Ingles. Ito ay ang mga salita na KAPAREHO or KATULAD ang kahulugan.
(These are words with the same meaning.)
Mga Halimbawa:
saya - ligaya
hapo - pagod
marikit - maganda
maliit - kapiranggot
18. Salita Kasingkahulugan Nito
akma angkop
Alam / batid
Alerto alisto
alisto alerto
angkop akma
balat-sibuyas maramdamin
Baliktad tiwarik, saliwa
31. Sagutin Natin: (Recitation) Basahin ang pang-uring nasa Hanay A. Hanapin
ang kasingkahulugan nito sa Hanay B. Sabihin ang tamang letra ng sagot.
Hanay A Hanay
B
1. Matalim A. maralita
2. Malupit B. tumpak
3. Baliktad C. makintab
4. Sobra D. masarap
5. Mahirap E. matalas
6. Tunay F. tiwarik
7. Makinang G. marahas
32. Sagutin Natin: (Recitation) Basahin ang pang-uring nasa Hanay A. Hanapin ang pang-
uring kasalungat nito sa Hanay B. Sabihin ang tamang letra ng sagot.
Hanay A
Hanay B
1. Malalim A. Malas
2. Mapanganib B. Deretso
3. Suwerte C. Malabnaw
4. Kulang D. Talo
5. Malapot E. Ligtas
6. Liku-liko F. Mulat
7. Panalo G. Sapat
8. Pikit H. Mababaw
33. Aralin 7
Filipino 5
Pangkalahatang Sanggunian
1.Almanac – inilathala upang makapagbigay ng pinakahuling
impormasyon tungkol sa punto ng kawilihan, nausong kulay, gamit o
mga gagdet, pangyayari sa isang bansa, palakasan, relihiyon, politika,
industriya, at iba pa. (MAGPAKITA NG LARAWAN NG
ALMANAC)
34. 2.Atlas – aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya, at
lokasyon ng mga lugar.
-Ipinapakita ang mga anyong tubig at lupa
-Nakaayos ayon sa pagkakahating pampolitika, rehiyon, o estado.
(MAGPAKITA NG LARAWAN NG ATLAS)
3.Diksyonaryo – nagbibigay ng kaalaman sa isang salita; kabilang dito
ang baybay, bigkas, pagpapantig, bahagi ng pananalitang
kinabibilangan ng salita, pinanggagalingan ng salita, at iba’t ibang
kahulugan nito. (MAGPAKITA NG LARAWAN)
35. 4.Encyclopedia – kalipunan ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon
tungkol sa iba’t ibang paksa.
-Mga artikulo tungkol sa mga katotohanan sa isang bagay, tao, pook, o
pangyayari.
36. MGA TALASALITAAN
Ang talasalitaan, na kilala rin bilang bukabularyo o sa Ingles bilang
vocabulary, ay ang pangkat ng mga salitang nasa loob ng isang wika na
pamilyar sa isang tao. Ito rin ang umuunlad na sabay rin sa edad at kadalasang
ginagamit ito bilang pundamental na gamit para sa komunikasyon at
pagkakamit ng kaalaman.
· Sinugod-nilusob
Halimbawa sa pangungusap
Sinugod ng mga sundalo ang kampon ng mga rebelde.
37. · Sumapit-dumating
Halimbawa sa pangungusap
Sumapit nanaman ang pasko, kaya naman handa na ako sa king mga inaanak.
· Ipinagtapat-ikinuwento
Halimbawa sa pangungusap
Ipinagtapat na sa akin ni Lando na matagal na niya akong iniibig.
· Pagkamangha-pagkagulat
Halimbawa sa pangungusap
Pagkamangha ang aking naramdaman ng malaman kung ako pala ay nanalo sa
isang raffle.
38. · Wagas- tunay, walang pagkukunwari
Halimbawa sa pangungusap
Wagas naman talaga ang pag mamahal na nararamdaman kpo kay Selya.
· Yumapos-yumakap
Halimbawa sa pangungusap
Yumapos ako ng mahigpit sa aking ina bago siya umalis papuntang ibang
bansa.
· Nagtikom-nagsara
Halimbawa sa pangungusap
Nagtikom na ang malaking sugat na natamo buhat sa isang aksidente.
39. · Nahapo-napagod
Halimbawa sa pangungusap
Nahapo ako sa bahabang lakarin papunta sa aming bukid.
· Nakagayak-nakabihis
Halimbawa sa pangungusap
Nakagayak na ako ng bigalang lumakas ang ulan kaya naman di
na ako natuloy sa pag alis. .
40. Aralin 6 LALAKI O BABAE, SINO ANG NAKAHIHIGIT?
I. Nilikha ng Diyos ang tao sa wangis Niya. Ang dahilan nito ay upang sila
ang mamahala sa mundo. Ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao ang
pangalagaan ang mundo.
II. Naging malimit na katanungan kung sino nga ba ang mas higit na may
karunungan. Ang lalaki ba o ang babae?
III. Inilarawan ang lalaki na bihasa sa mga gawain tulad ng pagbubungkal ng
lupa at iba pang mabibigat na gawain. Ang lalaki ang syang pinuno o
namamahala lalo na sa loob ng tahanan o pamilya.
IV. Samantalang ang mga babae naman ang syang nangangalaga bilang
tungkulin sa tahanan. Sa kanya nanggagaling o nagmumula ang buhay dahil
sila ang nagsisilang ng mga bagong buhay bilang bagong miyembro ng
pamilya.
41. I. Ang dahilan ng Diyos kaya nilikha ang lalaki at babae
upang sila ay magtulungan. Itong pagkakaiba ay sinadya ng
Diyos upang maging sandalan ng bawat isa. Kaya naman
sa mata ng Diyos, ang dalawa ay pantay lamang.
II. Hindi maiiwasan ang di pagkakaunawaan. Ang tanging
solusyon dito ay tanggapin at igalang ang bawat isa. Lahat
ng katangian ng tao ay nagkakaiba dahil ito ang kaloob ng
Diyos. Nangangailangan lamang na unawain ang bawat isa
at magtulungan.
42. I. TAMANG GAMIT NG BANTAS
BANTAS – kailangan ito para sa mas malinaw na pagpapahayag.
Ginagamit ang mga ito sa paghihiwa-hiwalay ng mga pangungusap, parirala, o
salita.
Bukod sa tuldok, tandang pananong, at tandang padamdam, narito ang ilan
pang mga bantas:
1. Kuwit (,) – (comma)ginagamit ito sa:
A. Pagsulat ng kompletong address – upang paghiwa-
hiwalayin ang mga pangalan ng gusali (kung mayroon),
kalye, bayan, lungsod, lalawigan, bansa
Hal. 143 P. Burgos St., Ibabao, Cuenca, Batangas
43. A. Dulo ng bating pambungad sa liham-pangkaibigan at ng bating pangwakas ng
iba’t ibang uri ng liham
Hal. (Bating pambungad): Mahal kong kaibigan,
(Bating pangwakas): Lubos na gumagalang,
A.Paghihiwalay ng mga salita, parirala, at iba pa sa serye o sa isang
pangungusap.
Hal. Mansanas, pipino, mangga, at iba pang prutas.
B.Pagsulat ng kompletong petsa
Hal. Hunyo 2, 1990
44. A.Pagsulat ng buong pangalan kapag nauuna ang apelyido sa pangalan
Hal. Dela Cruz, Juan
2. Tutuldok o Kolon (:) – ginagamit ito sa
A.Hulihan ng bating pambungad ng liham-pangangalakal
Hal. Mahal na Mayor Dela Cruz:
B.Pagsulat ng oras – sa pagitan ng oras at minuto
Hal. 10:10
C.Paghihiwalay ng lugar na pinaglathalaan at ng tagapaglathala o publisista sa
isang entri ng mga sanggunian.
Hal. Dela Cruz, Juan. Ang Wikang Filipino. Mandaluyong City:
Rex Publishing House, Inc., 2009
45. 1. Gitling (-) (hyphen)– ito ay ginagamit sa:
A.Pag-uulit ng mga salita
Hal. Unti-unti, saan-saan
B.Kapag ang panlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang
nilalapian ay nagsisimula sa patinig
Hal. Mag-anak, mag-ina
C.Kapag ang nilalapian ay pangngalang pantangi
Hal. Maka- Filipino
46. 1. Panipi (“”) (quotation marks)– ginagamit ito upang:
A.Kulungin ang tuwirang sinasabi ng nagsasalita
Hal. “Kailangan mo nang umalis,” wika ni Aling Nena.
B.Kulungin ang pamagat ng isang artikulo o kuwentong hango sa isang
katipunan.
Hal. Isa sa mga kuwentong nakapaloob sa Umaga sa
Dapithapon at iba pang akda ni S.P. Bisa ay ang “Ulan.”
Tandaan: Ang tuldok ay inilalagay bago ang panghuling panipi
(gayundin ang kuwit, tandang pananong, tandang padamdam.)
62. I. Tugmaan sa Tula
Tugma – isa sa pinakamahalagang elemento o sangkap ng tula ay ang
pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga pahuling salita ng
taludtod.
Ayon sa Talaang Ginto sa Tula ng 2014 ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF), mag dalawang uri ng tugmaan:
1. Tugmaang Katinig – paraan ng pagtutugma ng tunog kung saan
ang salita sa bawat taludtod ng tula sa isang saknong ay nagtatapos sa
katinig.
63. · Nahahati ito sa dalawa:
A. Unang lipon – ang mga huling salita sa bawat taludtod ng
saknong ay nagtatapos sa titik b, k, d, g, p, s, t.
(SEARCH KA NG HALIMBAWA)
B. Ikalawang lipon – ang mga huling salita sa bawat
taludtod ng saknong ay nagtatapossa titik l, m, n, ng, r, w, y
(SEARCH KA NG HALIMBAWA)
64. 2. Tugmaang patinig – paraan ng pagtutugma ng tunog kung
saan ang mga huling salitasa taludtod ay nagtatapos sa patinig. (a, e,
i, o, u)
- Dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng isang
saknong o dalawang magkasunod na salita.