Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
394224296-Pagkiklino-0000000000pptx.pptx
1.
2. Ngumiti siya nang malakas.
Tumakbo siya nang mabagal.
Nakita ko si Gina kanina na
humahagulgol nang tahimik.
Napakayaman ng pamilya
Montemayor dahil malaki ang
kanilang lupain.
3. Hindi lahat ng salitang
magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig
sabihin. Hindi maaaring pagpalitin ang
gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang
malawak na kahulugan, magkakaiba
naman ang tindi ng ipinahahayag nito.
Magkaiba ng digri o tindi ng nais iparating
nito, lalo na kapag ginamit na sa
pangungusap.
4. Halimbawa:
1. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay
humahagulgol kung humihikbi ka lamang.
Kung iaantas natin ang mga sumusunod
na salitang magkakatulad sa kahulugan
na magkaiba naman sa tindi o digri ng
nais ipahayag, ganito ang magiging ayos
nila.
Hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol
5. 2. Pansinin ang salitang hinango sa texto
na may pagkakatulad sa kahulugan,
ngunit nagkakaiba sa tindi o digri ng
pagpapahayag.
Ganito ang magiging ayos kung iaantas ito.
a. pagkawala → pagkaubos → pagkasaid
b. nasira → nawasak
6. Pagkiklino ang tawag sa
pagsasaayos ng mga salita ayon sa
pagpapakahulugan ng mga ito.
Ang KLINO ay ang pagkakasunod-
sunod o kaayusan ng mga salita
ukol sa tindi ng emosyon na
ipinahihiwatig ng bawat salita.