2. Ang pagtataya sa Filipino
Ang Pagtataya o pagsukat sa natutuhan ng
mga mag-aaral ay isang tuloy-tuloy na proseso na
Maaaring maganap anumang oras. Ayon kay
Airasin (1994), ang pagtataya ay pagsasama-sama,
pagbubuod, at pagbibigay kahulugan sa pagbuo ng
desisyon.
3. Layunin ng pagtataya
1. Matuklasan ang mga suliranin ng mag-aaral;
2. Madesisyonan ng kahusayang pang- akademiko ng mga
mag-aaral;
3. Makapagbigay ng pidbak at insentibo sa mga mag-aaral;
4. Makapagplano at makapagsagawa ng pagtuturo; at
5. Mailantad at mapanatili ang kaganapang sosyal sa loob ng
silid-aralan
4. Tatlong uri ng pagtataya
1. Opisyal na pagtataya na tumutukoy sa
pagsasagawa o pagsasakatuparan ng guro sa
kaniyang mga opisyal na responsibilidad bilang
miyembro ng burukrasya ng paaralan.
5. 2. Pagtatayang instruksiyon na tumutukoy sa
mga desisyon ng guro kung ano ang ituturo,
paano at kailan ituturo, kung anong
kagamitan ang gagamitin sa pagtuturo, kung
paano magiging progresibo ang aralin, at
kung ano-anong pagbabago sa mga
isinaplanong gawain ang isasagawa bunga ng
reaksiyon ng mag-aaral
6. 3. Sizing up na pagtataya na ginagawa ng guro sa
pagsisimula ng klase upang matukoy ang mga
katangiang sosyal, kognitibo, at behavioral ng
mag-aaral
7. Tradisyonal na Pagtataya sa Filipino
Ang Pagsusulit
•Nagbibigay ang guro ng pagsusulit upang
makakuha ng mga impormasyong magagamit
sa ebalwasyon ng mga mag-aaral pagkatapos
ng isang yugto ng pagtuturo.
8. Paggamit ng Performance task sa
Asignaturang Filipino
•Isinulat ni Brown (1994) sa aklat na Principles
of Language learning and teaching na ang
performance task ay isang gawaing pangklase
na medaling maobserbahan kagaya ng
paglalakad, pag-awit, pagsasayaw,
pagsasalita, o iba pa.
10. Ang mga uri ng Portfolio
1. Showcase Portfolio – Ang koleksiyon ng mga mag-
aaral na piling-pili dahil para sa kanila ito ang
pinakamahusay, ipinakikita ito sa kanilang mga
magulang.
11. 2. Documentation Portfolio – ito ay isang sistematikong tala ng
pag-unlad ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang mga obserbasyon,
checklist, anecdotal record, pagsusulit, at iba pa.
3. Evaluation Portfolio – ito ay koleksiyon ng mga gawa ng mga
mag-aaral na karamihan ay mga itinakdang entri at panuto ng
guro.
4. Close Portfolio – ito ay isang binder na binubuo ng tatlong
bahagi: ang lagumang papel ng mga mag-aaral; ang mga tala at
obserbasyon; at ang kurikulum at plano sa pagtuturo.
12. Ang mga gamit ng Portfolio
1. Pagpapakita ng pinakamaganda at pinakamahusay na gawa
ng mga mag-aaral.
2. Paglinang ng malaya at makapagsasariling repleksibo na
pag-aaral.
3. Pagdodokumento ng pag-unlad ng mga mag-aaral ayon sa
layunin ng klase.
4. Pag-uulat sa malawakan at istandard na paraan tungkol sa
mga nagawa ng mga mag-aaral.
13. Ang mga sangkap ng Portfolio
1. Talambuhay ng mga gawa. Ito ay dokumentaryo
ng mga paglinang o produksiyon ng mahahalagang
proyekto. Sa sangkap na ito nababasa ang iba’t
ibang ideya ng mga mag-aaral.
14. 2. Lawak ng mga gawa. Kabilang sa sangkap na ito ang
talaarawan, sanaysay, tape recording, at iba pa.
3. Repleksiyon ng mga mag-aaral. Inilalarawan dito ang
mga katangiang nagawa ng mga mag-aaral, mga
panibagong naganap, o mga gawaing dapat nilang
gawin.