2. PANIMULA
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao sa anyong berbal
man o sa anyong di-berbal ang kanyang kakayahan
sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng
nasasangkot . Sa kahusayan niya sa pagpapahayag
nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang
iparating sa kanyang kapwa.
3. Paano nalilinang ang mga kasanayang
pangwika?
Nalilinang ang kasanayan pangwika sa palagiang pag-iisip na
ang kasanayang sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng
komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung
mabibigyan ng maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na
makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase . Samakatuwid, ang
isang klasrum na nakapagyayaman sa pagunlad ng wika ay iyong
kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng
kanilang mga personal na ideya at karanasan at nagagawang
maisaalang-alang ang mga ideya at kaisipan ng ng ibang tao tulad
ng kanilang mga kaklase , mga guro , mga awtor, at mga tauhang
nakakatagpo nila sa mga aklat.
5. KAHULUGAN NG
PAKIKINIG
Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip . Aktibo ito dahil
nagbibigay daan ito sa
6. Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga guro sa
pagpapaunlad ng pagtuturo sa Pambansang Paaralang Sekondarya. Ang pag-
aaral na ito ay makakatulong sa mga guro sa Filipino upang malaman ang
mga dapat gawain sa kasalukuyang pagbabago ng lipunan. Sa pamamagitan
ng pagtuklas ng lawak at pagkakatamo sa mga layunin at nilalaman ng
programang Filipino sa antas ng paggamit ng mga estratehiya, kagamitang
panturo at pangangasiwa ng mga guro, punong guro at ang mga pamunuan
ay makakagawa ng makabuluhang hakbang upang malapatan ng lunas ang
anumang kahinaan at suliranin. Makakatulong din sa lahat na may
kinauukulan sa resulta ng pag-aaral na ito para sa ibayong pagbabalangkas at
paghahanda sa hinaharap upang lalong mapabuti ang sistema sa edukasyon.
7. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga
“Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino sa Ikaapat na Taon sa
Hayskul sa Paaralang Sekondraya ng Sual sa pampribado at
pampublikong paaralan.
Ang mga kalahok sa paglikom ng mga datos ay
magmumula sa mga guro na nagtuturo ng Filipino sa ikaapat na
taon sa Paaralang Sekondaraya ng Sual na may bilang na limang (5)
guro sa pampubliko at limang (5) na pampribadong paaralan sa
taong kasalukuyan.
Saklaw nito ang kalagayan ng mga guro, ang
mga estratehiyang ginagamit sa pagtuturo, mga dulot ng mga
estratehiya, mga suliraning kinakaharap sa pagtuturo ng Filipino, at
ang kalutasan ng mga suliranin sa paggamit ng mga estratehiya.
8. Katuturan ng mga Katawagan
Upang lalong maintindihan ang pag-aaral na ito ang
mga sumusunod na katawagan ay binibigyang katuturan ayon sa
pagkagamit ng mga ito.
Kagamitang Pampagtuturo – Ito ay ang mga bagay na ginagamit sa
pagsasakatuparan ng mga layunin at ginagamit sa kakatagumpayan ng
pagtuturo sa ikabubuting tinuturuan.
Estratehiya – Ito ay panlahat sa paraang ginagamit upang makamit ang
layunin ng pagtuturo.
Pagsusuri – Ito’y isa sa paraan ng pagsisiyasat sa isang bagay nang
masinsinan.
Pananaw - Isang pananaw ng ibang taong nag-iisip tungkol sa isang bagay
o kanyang kaalaman. Ito ay ang malalim na pagtingin o pang-unawa sa
isang bagay o sitwasyon.
Panuto – Ito ay sinasabi tungkol sa dapat gawain, patnubay o panturo.
9. KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang kabanatang ito ay inilaan para sa mga kaugnay na
literatura at pag-aaral na may makabuluhang kaugnayan sa isinagawang pag-
aaral.
Mga Kaugnayan na Pag-aaral
Ayon naman sa pag-aaral ni Marcelo,1 ang kahirapan sa pag-aaral ng
Filipino ay nabatid ang mga ugat na kadahilanan, tulad ng palaging paggamit
ng dayalekto sa loob at labas ng paaralan. Ang kawalan ng sapat na kagamitang
pagtuturo at gayundin sa mga sanggunian na ginagamit at iba pang babasahin.
Batay sa kinalalabasan ng kanyang pag-aaral upang lalong malinang at umunlad
ang kanilang kakayahan sa pakikinig, pagbigkas, pagbasa, pagsalita at pagsulat
ay kailangan manood ng mga makabuluhang palabas at makinig sa radyo.
10. Lumabas din sa pag-aaral ni Cabansag,3 na bagama’t ang mga guro ay
may katangiang pang-akademiko, nagtapos ng B.S.E. Medyor o Menor sa
Filipino, hindi lubos ang kanilang pagsasanay sa pagsasalita ng Wikang
Fillipino sa dahilang madalas na paggamit ng katutubong wika o dayalekto,
sa paaralan man o sa tahanan. Dahil dito ang mga guro ay nahihirapan na
ipahayag ang kanilang kaisipan at damdamin kung kaya’t ang mga mag-aaral
ay nawawalan ng kawilihan at kasiglahan sa pag-aaral ng Filipino, na resulta
na rin sa di-gaanong mahusay magsalita sa Filipino ang kanilang guro.
Batay sa ginawang pag-aaral na pinamagatang, “Mga
Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino sa Ikaapat na Taon sa Pangasinan I,
2013-2014”.
11. Pinatunayan ng mga pag-aaral ni Flanders, na ang personalidad
ng guro ay may malaking kinalaman sa pagsulong ng mga mag-
aaral at paglinang ng kanilang pag-uugali. Ipinakita sa pag-aaral na
ang mga gurong napagpasensya at hindi tuwiran sa kanyang
pagsasalita ay nagkaroon ng mga mag-aaral na higit na matatalino
kaysa sa mga mag-aaral ng gurong magagalitin at tuwiran kung
magsalita. Ang mga gurong di-tuwiran ay nakahihikayat sa
mga mag-aaral. Nagbibiro siya upang mabawasan ang tension at
gumamit siya ng mga galaw ng katawan at ekspresyon ng mukha
ipahiwatig ang nais niyang sabihin. Nagtatanong siya at
tumatanggap ng ideya nang hindi natatakot o naalangan ang mag-
aaral.
12. Sa kabilang dako, ang gurong tuwiran sa pagsasalita ay mahilig
magbigay ng utos, bihirang tumatanggap ng mga mungkahi at
ipinakita ang kanyang pagiging awtoridad na kailangan igalang at
sundin.
Ang mga obserbasyong nabanggit ay
sinuportahan din ng pag-aaral ni Ato,8 inimbestigahan niya ang
epekto ng paraan ng guro ng pakikipag-usap sa mag-aaral sa
kakayahang matatamo ng mga ito sa paaralan. Lumalabas sa pag-
aaral na ito, na higit na maganda ang patingin ng mga mag-aaral sa
kanilang sarili at higit na mataas ang kanilang natatamong antas ng
kakayahan kapag gumagamit ang guro ng mapanghikayat at
magagandang pananalita.
13. KABANATA III
METODOLOHIYA
Ang kabanatang ito maglalahad ng pamamaraang
ginagamit at hakbang na isinasagawa sa paglikom ng mga datos, ang
kagamitang ginagamit at ang pang-estradistikang pagsusuri ng mga datos na
nalikom.
Inihanda ng mananaliksik ang mga sumusunod na
hakbang bilang gabay sa ginawang pag-aaral.
Disenyo ng Pananaliksik
Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito ay ang mga kalahok sa
pampribado at pampublikong paaralan sa Paaralang Sekondarya sa Sual ang
mga guro ay kinakailangang magsaliksik, magtipon at maglahad ng mga
estratehiya sa pagtuturo ng Filipino IV.
14. Mga Tauhan ng Pananaliksik
Ang mga kalahok sa pangangalap ng mga estratehiya sa
pagtuturo ng Filipino at ang mga 5 guro mula sa pampribado at 5
guro na mula sa pampublikong paaralang sekondarya sa Sual.
Pagkukunan ng mga Datos
Sa pag-aaral na ito, ginagamit ng mananaliksik ang mga
datos na nanggaling sa mga kasagutan ng mga kalahok na limang (5)
guro sa pampribado at limang (5) guro sa talatanungan na
pagbabatayan ng mga estratehiya sa pagtuturo ng Filipino IV sa
Sual. Ito ay ang mga sumusunod:
15. Estratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng
Filipino IV.
Kalagayan ng mga guro na nagtuturo ng Filipino IV.
Mga maidudulot ng mga iba’t ibang estratehiya sa
pagtuturo at ikatututo ng mga mag-aaral.
Pamamaraan
Sa paghahanda ng talatanungan ay maglikom ang
mananaliksik ng mga estratehiya sa pagtuturo ng Filipino
IV sa Sual. Ang mga estratehiya ng ginamit ay isang
batayan ng mga datos ng ginawang talatanungan.