ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO ( FIRST QUARTER - FILIPINO 1) .pptx
1.
2. Nagmula sa salitang Griyego na “phono” na
nangangahulugang tunog o tinig at “logia” o
diskurso , teorya o siyentipiko.
Pag-aaral ng mga tunog sa isang wika.
3. Ito ang makabuluhang yunit ng tunog
na “nakapagbabago ng kahulugan” ng
isang salita kapag ang mga tunog ay
pinagsama-sama upang makabuo ng
mga salita.
7. Ito ang tawag sa kambal-katinig na magkasama sa
isang pantig sa salita.
HALIMBAWA:
plato
kard
plantsa
8. Kapag ang ponemang patinig ay ikinakabit sa unahan ng
malapatinig na /w/ at /y/ sa isang pantig.
(aw, iw, ay, ey, iy, oy, uy)
HALIMBAWA:
galaw
bahay
reyna
9. Ito ang tawag sa mga pares ng salita na magkaiba ng kahulugan
ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang
ponema sa magkatulad na posisyon.
HALIMBAWA:
/pito/ - /pato/
/mesa/ - /misa/
/oso/ - /uso/
/butas/ - /botas/
10. May pares din naman ng mga salita na kahit may
magkaibang ponema ay nananatili ang kahulugan.
HALIMBAWA:
/lalaki/ - /lalake/
/babae/ - /babai/
/totoo/- /tutoo/
11.
12. Nagmula sa salitang Griyego na “morph” na
nangangahulugang porma at hugis; at “logia” o
diskurso , teorya o siyensya.
Pag-aaral o pagsusuri sa kahalagahan ng
morpema sa isang wika at pagsasama-sama ng
nito upang makabuo ng isang salita.
13. Galing sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha
naman sa salitang Griyego – Morph (anyo o yunit) + eme
(kahulugan).
Sa payak na kahulugan, ito ang pinakamaliit na yunit ng
isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
15. SAGOT :
Ang salitang makahoy ay may (2) dalawang morpema :
1. ang unlaping [ma-]
2. salitang-ugat na [kahoy]
[ma-] – “marami” na isinasaad ng salitang ugat na kahoy
MAKAHOY- “maraming kahoy”
16. URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO:
Ito ang pagbabagong nagaganap sa /Ά/ o /ng/ dahil sa impluwensiya ng
ponemang kasunod nito.
HALIMBAWA:
pang- ay magiging pam- kapag napapasama sa /p/ at /b/
pang + bayan = pambayan
pang + parke = pamparke
18. Ang nangyayari kapag kinakaltas ang
huling ponema ng salitang-ugat na
kinakabitan ng hulapi.
HALIMBAWA:
takip+ -an = takipan = “takpan”
tikim+ -an = tikiman = “tikman”
19. Ito ang nagaganap na pagbabago o pagpapalit ng ponema
sa pagbuo ng salita.
HALIMBAWA:
ang /d/ ay nagiging /r/
lakad+ -an = lakadan “lakaran”
ang /e/ ay nagiging /i/
Ka- + lalake + -an = kalalakehan “kalalakihan”
20. Ang pagbabago ay kapag nagkakapalit ng
posisyon ang /l/ o /y/ na simula ng salitang-ugat
at /n/ sa gitlaping –in na ikinakabit sa nasabing
salitang-ugat.
HALIMBAWA:
-in- + lukso = linukso = nilukso
-in- + yapos = yinapos = niyapos