2. Pag-unawa: Naipapaliwanag nang malinaw ang
mga panimulang kaalaman sa kakayahang pragmatik;
Pagbubuo: Nakapagsasagawa ng malikhaing
pagtatanghal na may pagsasaalang-alang sa angkop
na salita at paraan ng paggamit sa itinalagang
sitwasyon;
Pagsasabuhay: Naipapakita ang kahusayan at
kaayusan ng pagbuo ng mga angkop na salita at
paraan ng paggamit ng kakayahang pragmatik sa
isang sitwasyon;
Karakterisasyon: Nakapaglalahad ng matibay na
pananagutang panlipunan sa pamamagitan ng
pakikibahagi sa mga gawain sa klase.
3. Katulad ng sa sharades ang tuntuning susundin
sa laro.
Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat.
Pagkatapos makapamili ng isang kinatawan ang
bawat pangkat, ay bibigyan siya ng 1 minuto
upang iakto o i-arte para sa ka-grupo ang set ng
mga salita. Paramihan ng mahuhulaan salita sa
loob ng itinakdang oras.
4. Naging madali ba ang inyong
pagtukoy sa tamang sagot o
salita sa laro?
Ipaliwanag ang sagot.
5. Kay Inay -- a tribute to all Filipino mothers and OFWs (w- English subtitles).mp4
6. Tungkol saan ang clip?
Ano-ano ang pagsubok na
kinaharap ng pangunahing
tauhan (ofw) sa pag-uwi sa
Pilipinas? Paano niya ito
hinarap?
7. Paano mo ilalarawan ang pagkatao
ng pangunahing tauhan batay sa
paraan ng kanyang pagharap at
pakikitungo sa hindi na nakakikilalang
ina?
Paano siya nakipag-ugnayan sa
magulang sa kabila ng pagsubok sa
kapansanan ng kanyang ina?
8. Two-Thumbs-Up –
Maglalahad ng isang pahayag, kung kayo
ay sumasang-ayon (thumbs –up), kung di
– sang-ayon (kabaligtaran):
“Mahalaga ang pagtataglay ng
kakayahan na unawain ang mga
salita at kilos ng mga tao sa iyong
paligid”
9. “Lahat ng tao ay may pagkakataong
mahubog ang kakayahang
komunikatibo na maaring maging
daan sa tagumpay na pakikipag-
ugnayan sa kapwa.”
12. Anong isang salita o kataga ang
maaring kumatawan ng inyong sagot
hinggil sa kung ano ang mga
mahalagang kaisipan na inyong
natutuhan hinggil sa paksang
Kakayahang Pragmatiko, at bakit?
13. Pagpapangkatin ang klase sa lima.
Itatalaga ang sumusunod na Gawain:
Ipinakita ng kuwento tungkol sa isang
ofw at ng kanyang ina ang mga
makatotohanang pagsubok na
kinakaharap ng ilang pamilya. Ngunit, ito
ay isa lamang sa mga isyu na
sumusubok sa katatagan ng pamilyang
Pilipino.
14. Gamit ang inyong kaalaman hinggil sa
kakayahang pragmatiko, maglahad ng
inyong tiyak na pananaw o paninindigan
tungkol sa mga sumusunod na isyu:
15. Isyu Mga Dapat Isaalang-alang
Paraan ng paglalahad sa
klase /Awtput
Paano ko
maipapakita
ang aking
mahalagang
gampanin
bilang isang
kabataan sa
pagsulong at
pagpapatatag,
at pagpapa-
unlad ng
sambayanang
Pilipino?
1. Magka-usap:
Isang kumakandidato sa pagka-pangulo,
at isang mag-aaral sa Senior High School.
Pang-isahang eksenang
diyalogo na may dalawa
hanggang tatlong palitan ng
pag-uusap lamang
2. Pinag-uusapan (Nilalaman):
Kalagayan ng edukasyon sa bansa.
Jingle
na hindi hahaba pa sa 30
sigundo
3. Lugar:
Talkshow
Interpretative dance
Sa saliw ng napiling tugtog
(isang minutong
makahulugang pagtatanghal)
4. Panahon ng pag-uusap at Layunin :
Naimbitahan ka sa isang youth-leaders
forum at nais mong maipamulat sa kanila
ang mahalagang ginagagampanan ng mga
kabataan sa mas matatag at maunlad na
bayan.
Spoken poetry
(sa loob ng isang minuto)
5. Grupong kinabibilangan
Pintor / Visual Artists League Guhit / Larawang Simbolo
16. Makalipas ang oras na itinakda. Bibigyan
ng pagkakataon ang bawat pangkat na
magtanghal.
Isaalang-alang ang pagpili ng mga
angkop na salita at paraan ng paggamit
nito sa sitwasyong nakatalaga sa
pangkat.
Bibigyan ng puntos ang pagtatanghal
ayon sa sumusunod na pamantayan:
17. Pamantayan 3 2 1
Malinaw na pagsasaalang-alang ng mga
angkop na salita at paraan ng paggamit nito
sa usapan o talakayan batay sa sitwasyong
itinakda.
Kaayusan at kahusayan ng pagbuo ng
pagtatanghal (Pangkalahatang pagtatanghal:
pagkakaisa sa pangkat, maayos na
pagtatanghal)
Malikhain at kawili-wili ang nabuong
pagtatanghal
Legend:
3 – Napakahusay
2 – Kakikitaan ng kahusayan
1 – Nanganagilangan pa ng pagpapa-unlad
18. Ano ang kayang gawin ng isang
taong may kakayahang
pragmatiko?