7. ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG
PAMBANSANG KITA
Ayon kay Campbell R.
McConnel at Stanley Brue sa
kanilang Economics Principles,
Problems, and Policies (1999),
ang kahalagahan ng pagsukat ng
pambansang kita ay ang mga
sumusunod:
8. ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG
PAMBANSANG KITA
1. Ang sistema ng pagsukat sa
pambansang kita ay nakapagbibigay
ng ideya tungkol sa antas ng
produksyon ng ekonomiya sa isang
partikular na taon at maipaliwanag
kung bakit ganito kalaki o kababa
ang produksyon ng bansa.
9. ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG
PAMBANSANG KITA
2. Sa paghahambing ng pambansang
kita sa loob ng ilang taon,
masusubaybayan natin ang
direksyon na tinatahak ng ating
ekonomiya at malalaman kung may
nagaganap na pag-unlad o pagbaba
sa kabuuang produksiyon ng bansa.
10. ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG
PAMBANSANG KITA
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa
pambansang kita ang magiging gabay ng
mga nagpaplano sa ekonomiya upang
bumuo ng mga patakaran at polisiya na
makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga
mamamayan at makapagpapataas sa
economic performance ng bansa.
11. ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG
PAMBANSANG KITA
4. Kung walang sistematikong
paraan sa pagsukat ng pambansang
kita, haka-haka lamang ang
magiging basehan na walang
matibay na batayan. Kung gayon,
ang datos ay hindi kapani-paniwala.
12. ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG
PAMBANSANG KITA
5. Sa pamamagitan ng National
Income Accounting, maaaring
masukat ang kalusugan ng
ekonomiya.
15. Gross national income
Ito ay tumutukoy sa kabuuang
pampamilihang halaga ng mga
produkto at serbisyo na
NAGAWA NG MGA
MAMAMAYAN ng isang
bansa.
Gawa Natin Ito
16. Gross national income
➢ Sa pagkuwenta ng GNI, hindi na
ibinibilang ang halaga ng hilaw na
sangkap sa proseso ng produksiyon upang
maiwasan ang duplikasyon sa
pagbibilang. Gayundin ang mga hindi
pampamilihang gawain, kung wala
naming kinikitang salapi ang nagsasagawa
nito katulad ng pagtatanim ng gulay sa
bakuran.
Gawa Natin Ito
17. Gross national income
➢ Ang mga produktong nabuo mula
sa impormal na sektor o
underground economy ay hindi rin
kabilang sa pagkuwenta ng Gross
National Income dahil ito ay hindi
nakarehistro at walang dokumentong
mapagkukunan ng datos ng kanilang
gawain.
Gawa Natin Ito
18. Gross national income
➢ Ang produktong segunda
mano ay hindi rin kabilang sa
pagkuwenta ng Gross National
Income dahil isinama na ang
halaga nito noong ito ay bagong
gawa pa lamang.
Gawa Natin Ito
20. Gross Domestic Product
Ito ay sumusukat sa kabuuang
pampamilihang halaga ng lahat ng
tapos na produkto at serbisyo na
ginawa sa loob ng isang takdang
panahon sa LOOB NG ISANG
BANSA.
Gawa Dito sa Pilipinas
21. Gross Domestic Product
➢ Lahat ng mga salik ng
produksiyong ginamit upang
mabuo ang produkto at serbisyo
maging ito ay pagmamay-ari ng
mga dayuhan na matatagpuan sa
loob ng bansa ay kasama dito.
Gawa Dito sa Pilipinas
22. Gross Domestic Product
➢ Kabilang dito ang
produksyon ng mga
dayuhan na nasa loob ng
pambansang ekonomiya.
Gawa Dito sa Pilipinas
23. Si Melody ay isang Overseas
Filipino Worker (OFW) sa
Dubai. Maibibilang ba ang
kaniyang kinita sa Dubai sa
GNI ng Pilipinas?
.
GNI
24. Si Melody ay isang Overseas
Filipino Worker (OFW) sa
Dubai. Maibibilang ba ang
kaniyang kinita sa Dubai sa
GDP ng Pilipinas?
.
GNI
GDP
x
25. Si Melody ay isang Overseas
Filipino Worker (OFW) sa
Dubai. Maibibilang ba ang
kaniyang kinita sa Dubai sa
GNI ng Dubai?
GNI
x
26. Si Melody ay isang Overseas
Filipino Worker (OFW) sa
Dubai. Maibibilang ba ang
kaniyang kinita sa Dubai sa
GDP ng Dubai?
GNI
x
.GDP
27. Si Amir ay isang dayuhan
mula sa Saudi na
nagtatrabaho sa Pilipinas.
Maibibilang ba ang kaniyang
kinita sa Pilipinas sa GNI ng
Pilipinas?
GNI
x
28. Si Amir ay isang dayuhan
mula sa Saudi na
nagtatrabaho sa Pilipinas.
Maibibilang ba ang kaniyang
kinita sa Pilipinas sa GDP ng
Pilipinas?
GNI
x
.GDP
29. Si Amir ay isang dayuhan
mula sa Saudi na
nagtatrabaho sa Pilipinas.
Maibibilang ba ang kaniyang
kinita sa Pilipinas sa GNI ng
Saudi Arabia?
.GNI
30. Si Amir ay isang dayuhan
mula sa Saudi na
nagtatrabaho sa Pilipinas.
Maibibilang ba ang kaniyang
kinita sa Pilipinas sa GDP ng
Saudi Arabia?
.GNI
GDP
x
31. Sa konteksto ng Pilipinas
Gawa Natin Ito Gawa Dito sa Pilipinas
32. Ang GNI at ang GDP
• Ang tala sa mga
sinusukat na pambansang
kita ay National Income
Accounts.
33. Ang GNI at ang GDP
• Ang pamamaraan ng pagsukat
ng pambansang kita, tinatawag
itong National Income
Accounting.
34. Ang GNI at ang GDP
• Parehong sinusukat sa loob
ng isang takdang panahon,
maaring quarterly o taunan.
35. Tatlong pamamaraan ng National Income
Accounting
1. Paraan batay sa Paggasta
(Expenditure Approach)
2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya
(Industrial Origin/ Value Added Approach)
3. Paraan Batay sa Kita
(Income Approach)
36. Tatlong pamamaraan ng National Income
Accounting
1. Paraan batay sa Paggasta
(Expenditure Approach)
Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat
na sektor: sambahayan, bahay-kalakal,
pamahalaan, at panlabas na sektor. Ang
pinagkakagastusan ng bawat sektor ay ang
sumusunod:
37. 1.Paraan batay sa Paggasta
(Expenditure Approach)
a. Gastusing Personal (C) – nakapaloob
dito ang mga gastos ng mamamayan tulad
ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo
ng manggugupit ng buhok, at iba pa.
Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay
kasama rito.
38. 1.Paraan batay sa Paggasta
(Expenditure Approach)
b. Gastusin ng mga namumuhunan (I)
– kabilang ang mga gastos ng mga bahay-
kalakal tulad ng mga gamit sa opisina,
hilaw na materyales para sa produksyon,
sahod ng mga manggagawa at iba pa.
39. 1.Paraan batay sa Paggasta
(Expenditure Approach)
c. Gastusin ng Pamahalaan (G) –
Kasama rito ang mga gastusin ng
pamahalaan sa pagsasagawa ng mga
proyektong panlipunan at iba pang
gastusin nito.
40. 1.Paraan batay sa Paggasta
(Expenditure Approach)
d. Gastusin ng Panlabas na sektor
(X-M) – makukuha ito kung
ibabawas ang niluluwas o export sa
inaangkat o import.
41. 1.Paraan batay sa Paggasta
(Expenditure Approach)
e. Statistical Discrepancy (SD) – ang
anumang kakulangan o kalabisan sa
pagkuwenta na hindi malaman kung saan
ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may
mga transaksiyong hindi sapat ang
mapagkukunan ng datos o impormasyon.
42. 1.Paraan batay sa Paggasta
(Expenditure Approach)
f. Net Factor Income from Abroad
(NFIFA) – tinatawag ding Net Primary
Income. Makukuha ito kapag ibinawas
ang gastos ng mga mamamayang nasa
ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang
nasa loob ng bansa.
43. 1.Paraan batay sa Paggasta
(Expenditure Approach)
Gastusing Personal (C)
Gastusin ng mga namumuhunan (I)
Gastusin ng Pamahalaan (G)
Gastusin ng Panlabas na sektor (X-M)
Statistical Discrepancy (SD)
Net Factor Income from Abroad (NFIFA)
44. Tatlong pamamaraan ng National Income
Accounting
2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial
Origin/ Value Added Approach)
Sa paraang ito, kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng
bawat industriya sa ating bansa. Ang anumang
kontribusyon sa pagbuo at paglikha ng mga produkto at
serbisyo ng bawat sektor ay siyang kumakatawan sa halaga
ng produkto at kapag pinagsama-samang lahat ang halaga
ng mga produkto, makukuha ang kabuuang produksyon sa
loob ng bansa o GNI. Ang tinutukoy na sektor ng
ekonomiya ay agrikultura (agriculture), kasama ang
pangingisda at paggugubat, industriya (industry) at
paglilingkod (service).
45. 2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya
(Industrial Origin/ Value Added Approach)
46. Tatlong pamamaraan ng National Income
Accounting
3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)
Ang bawat salik ng produksyon ay may
tinatanggap na kabayaran na nagsisilbing kita ng
bawat salik. Kapag ang mga ito ay pinagsama-
sama, nakukuha ang pambansang kita o national
income ng bansa. Ang mga kabilang sa National
Income (NI) ay ang mga sumusunod:
47. 3. Paraan Batay sa Kita
(Income Approach)
a. Kabayaran o kita ng mga
Empleyado at Manggagawa
(KEM) - sahod na ibinabayad sa
sambahayan mula sa mga bahay-
kalakal at pamahalaan.
48. 3. Paraan Batay sa Kita
(Income Approach)
b. Kita ng Entrepreneur at mga Ari-arian
(KEA) –Kabayaran na tinatanggap ng mga tao na
hindi matatawag na sahod o sweldo. Ito ay kita
ng isang entreprenyur bilang salik ng
produksyon. Dito rin nabibilang ang mga
dibidendo na kabayaran sa ari-arian. Ang kita ng
entrepreneur sa kanyang negosyo ay tinatawag na
proprietor’s income.
49. 3. Paraan Batay sa Kita
(Income Approach)
c. Kita ng Kompanya o
Korporasyon (KK) - Ang kita na
tinanggap ng korporasyon at pondo
na inilalaan upang palawakin ang
negosyo.
50. 3. Paraan Batay sa Kita
(Income Approach)
d. Kita ng Pamahalaan (KP)- ito ay
lahat ng kita na tinanggap ng pamahalaan
tulad ng buwis, mga kinita ng
korporasyon na pag-aari ng gobyerno at
mga interes sa pagpapautang ng
pamahalaan.
51. 3. Paraan Batay sa Kita
(Income Approach)
e. Capital Consumption
Allowances (CCA) – tinatawag na
depresyong pondo na inilalaan para
sa pagbili ng bagong makina o gusali
kung ang mga ito ay unti-unting
nasisira at naluluma.
52. 3. Paraan Batay sa Kita
(Income Approach)
f. Indirect Business Tax (IBT)- Di
tuwirang buwis na ipinapataw sa
mga produkto o serbisyo na nilikha
matapos ibawas ang anumang
subsidy na ibinibigay ng
pamahalaan.
53. 3. Paraan Batay sa Kita
(Income Approach)
Kabayaran o kita ng mga Empleyado at Manggagawa (KEM)
Kita ng Entrepreneur at mga Ari-arian (KEA)
Kita ng Kompanya o Korporasyon (KK)
Kita ng Pamahalaan (KP)
Capital Consumption Allowances (CCA)
Indirect Business Tax (IBT)
54. Ang compensation of employees ay
ang sahod ng manggagawa.
Ang rent ay kita mula sa lupa.
Ang interest ay mula sa capital.
Ang buwis na galing sa kitang bahay-
kalakal ay ang corporate income tax.
55. CURRENT/NOMINAL
AT REAL/CONSTANT
PRICES
Ang GNI ay sinusukat sa pamamagitan
ng market value o halaga ng mga
produkto at serbisyo sa pamilihan.
Nangangahulugan na ang presyo ang
batayan sa pagsukat ng GNI.
Ipinapahayag ang GNI sa dalawang
paraan, ito ay ang mga sumusunod:
56. CURRENT/NOMINAL
AT REAL/CONSTANT
PRICES
• Current o Nominal GNI- ito ay Gross
National Income sa kasalukuyang presyo
- kumakatawan sa kabuuang halaga ng
mga natapos na produkto at serbisyong
nagawa sa loob ng isang takdang panahon
batay sa kasalukuyang presyo.
57. CURRENT/NOMINAL
AT REAL/CONSTANT
PRICES
• Real GNI o GNI at constant prices-
kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga
tapos na produkto at serbisyong ginawa sa
loob ng isang takdang panahon batay sa
nakaraan pang presyo o sa pamamagitan
ng paggamit ng batayang taon o base year.
58. Malalaman naman kung may natamong pag-
unlad sa ekonomiya sa pamamagitan ng Growth
Rate. Ano ba ng Growth Rate? Ang Growth rate
ay ang sumusukat kung ilang bahagdan ang
naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa
nagdaang taon. Gamit ang pormula sa ibaba
upang masukat ang growth rate ng Gross
National Income.
59.
60. LIMITASYON SA PAGSUKAT
NG PAMBANSANG KITA
Ang GNI ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Sa
pagtantya ng GNI, hindi naisasamang lahat ang kabuuang halaga ng produkto at
serbisyo sa bansa. May mga produkto o serbisyo na nalilikha na hindi nakukwenta
dahil ang mga ito ay hindi ipinagbabayad ng buwis, mga negosyo na walang record
sa ating pamahalaan o sa ibang ahensya nito. Kabilang dito ay ang mga sumusunod:
- Hindi Pampamilihang Gawain (hal: pag-aalaga ng anak, paghuhugas ng pinggan,
at pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng bakuran)
- Impormal na Sektor (hal: transaksyon sa black market, ilegal na droga, nakaw na
sasakyan at kagamitan, ilegal na pasugalan, ata iba pa.)
- Externalities o hindi sinasadyang epekto (hal: gastos ng isang planta ng koryente
upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon)
- Kalidad ng buhay
61. Ang lahat ng limitasyong ito ay masasabing hindi
mainam na sukatan ng kagalingan ng pagkatao ang
pambansang kita. Gayunpaman, kahit may
limitasyon ang pagsukat ng pambansang kita,
ipinapakita naman nito ang antas ng pagsulong ng
ekonomiya.
62. Ibigay Mo Na!
Gni vs. gdp
Tatlong pamamaraan ng National Incom
Accounting
CURRENT/NOMINAL
AT REAL/CONSTANT
PRICES
LIMITASYON SA PAGSUKAT
NG PAMBANSANG KITA
65. Takdang Aralin
GAWAIN : Isagawa
Panuto: Tanungin ang mga magulang tungkol sa kinikita at gastusin sa loob ng isang
buwan. Isulat sa talaan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa
inyong sagutang papel.
66. Takdang Aralin
Pamprosesong Tanong:
1. Magkano ang kabuuang kita ng iyong mga magulang sa loob ng isang buwan? At
ilan ang kabuuang gastusin ng inyong pamilya sa loob ng isang buwan?
2. May natira ba sa kabuuang kita ng iyong magulang kung ibabawas ang gastusin?
Magkano?
3. Ano ang masasabi mo sa kita at gastusin ng inyong pamilya? Sapat ba ang kinikita
ng inyong mga magulang sa gastusin ng inyong pamilya?
4. Sa iyong palagay, anu-anong mga pinagkakagastusan ng inyong pamilya ang di
naman masyadong mahalaga o kaya ay dapat palitan o bawasan?
5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong o makapag-aambag sa gastusin ng
inyong mga magulang?