IKATLONG MARKAHAN:
MODYUL 3: PAMBANSANG KITA
ALAMIN
Ang module na ito ay ginawa para sa iyo upang lalong mas higit mong
maunawaan ang diwa ng Ekonomiks lalo na sa iyong pang araw-araw na buhay bilang
isang mag-aaral at mamamayan. Ang mga aralin dito ay kinapaplooban ng mga
modelo, formula/equation at maging computation. Ang paggamit ng mga tools na ito
ay makatutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang tungkol sa Pambansang
Kita.
Ang module na ito ay nahahati sa dalawang Aralin
Aralin 1 – Pamamaraan ng pagsukat ng Pambansang Kita
Aralin 2 – Kahalagahan ng pagsukat ng Pambansang Kita
Matapos mapag-aralan ang module ikaw ay inaasahang maisakatuparan ang
mga sumusunod na mga layunin:
• Nasuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng GNP/GNI at GNP bilang panukat ng
Pambansang Kita.
• Nasusuri ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang Produkto.
• Nagamit ang talong pamamaraan ng pagtutuos ng pambansang kita gamit ang
hypothetical data.
• Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya.
SUBUKIN
Gawain: Tama o Mali
Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang letrang T sa
patlang kung tama ang pahayag, M naman kung mali.
Sagot Bilang Pahayag
1. Ang GDP ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng produkto at
serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng bansa sa isang partikular na
panahon.
2. Ginagamit ang GNP/GNI at GDP upang masukat ang economic performance ng
bansa.
3. Tanging halaga ng tapos na produkto lamang ang isinasama sa pagsukat ng
pambansang kita.
4. Ang produksyon ng mga OFW ay kabilang sa GNP ng bansa kahit sila ay
nagtatrabaho sa labas ng Pilipinas.
5. Ang halaga ng produksyon ng mga dayuhang nagtatrabaho sa Pilipinas ay
kabilang sa pagsukat ng GNP/GNI.
6. May talong pamamaraang ginagamit sa pagsukat ng Pambansang kita.
7. Sa pamamaraang Income Aprroach ay pinagsasama ang produksyon ng
pangunahing sektor ng ekonomiya.
8. Sa pamamaraang Expenditure approach ang (X-M) ay nangangahulugang
ng Sambahayan (-)minus Gastos ng Bahay-Kalakal.
9. Ang GNP ay maari ring makuha gamit ang formula na GDP + Net Primary
Income.
10. Mahalagang masukat ang pambansang kita sapagkat ito ay basehan ng
pamahalaan sa paggawa ng polisiya ukol sa ekonomiya ng bansa.
Aralin
3
Araling Panlipunan:
Pambansang Kita
Ang kabuhayan ng nakararaming tao ay nakasalalay sa lagay ng
ekonomiya ng bansa. Kung masigla ang ekonomiya magbubunga ito ng mas
maraming trabaho at kita sa mga mamamayan, sa kabaliktaran naman ito ay
magdudulot ng kahirapan. Napakahalaga sa panig ng pamahalaan na sukatin
ang Pambansang Kita sapagkat ito ang magtatakda ng mga polisiyang
nararapat para patuloy ang paglago ng ekonomiya.
BALIKAN
Matapos ang paunang pagsasanay maari ka nang magtungo sa mga pangunahing gawain. Pero
bago tayo magpatuloy balikan muna natin ang ilan sa mahahalagang kaisipan na iyong napag-aralan sa
nakaraang module.
Gawain: Inflow o Outflow
Panuto: Punan ng wastong inflow o outflow ang bawat bilang upang mabuo ng tama ang Modelo ng Paikot
na Daloy.
MODELO NG PAIKOT NA DALOY
TUKLASIN
Gawain: Pagsusuri ng Talahanayan
Panuto: Suriin ang talahanayan at kumpletuhin ang pahayag na nasa ibaba.
Sa paglipas ng mga taon ang ekonomiyang Pilipinas ay _________________
_____________________________________, nasabi ko ito sapagkat __________________
________________________________________________________________________.
Pamprosesong Tanong:
1. Anong kaisipan ukol sa ekonomiya ng Pilipinas ang ipinapakita sa talahanayan?
2. Mahalaga bang masukat ang Pambansang Kita? Ipaliwanag
Suriin
Para lubusan mong maunawaan ang paksa tungkol sa Pambansang Kita, maaari mong
i-access ang mga link sa ibaba
https://www.youtube.com/watch?v=1Il5IQHcYP8
https://www.youtube.com/watch?v=2HxHhoNKbiM-
https://www.youtube.com/watch?v=rVPpuLTaMh4
SURIIN
PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA
Ang pambansang kita ay maaaring
masukat sa 2 pamamaraan. Isa dito ay ang
Gross National Product (GNP) o Gross National
Income (GNI). Ang GNI ay tumutukoy sa
kabuuang pampamilihang halaga na mga
produkto at serbisyo na gawa ng mga
mamamayan ng bansa sa isang partikular na
panahon. Kalimitang sinusukat ito kada
quarter. Ang gamit sa pagsukat nito ay ang
pampamilihang halaga, ang yunit nito ay sa
Piso. Ang sinusukat lamang sa GNI ay ang
mga tapos na produkto o final goods at hindi
ang di-tapos na produkto o intermediate
goods.
Sa isang banda ang Gross Domestic
Product (GDP) ay tumutukoy sa kabuuang
pampamilihang halaga ng mga parodukto at
serbisyo na gawa sa loob ng bansa. Pilipino
man o dayuhan ang gumawa sa isang
partikular na panahon.
Pagsukat ng
Pambansang Kita
GNP/ GNI
1. Kahulugan
2. Pagkakaiba
Paraan ng
Pagsukat
1. Expenditure
Approach
2. Income
Approach
3. Production
Approach
GDP
1. Kahulugan
2. PagkakaibaParaan ng
Pagsukat
1. Expenditure
Approach
2. Income
Approach
3. Production
Approach
May pagkakaiba ang GNI/GNP sa GDP. Ang GNI/GNP ay nakatuon sa kung
sino ang gumawa ng produkto sa loob man o sa labas ng bansa. Habang ang GDP
naman ay nakatuon naman kung saan nagawa ang produkto. Ang mga kinita ng
mga OFW at mga kompanyang pag-aari ng Pilipino sa ibang bansa ay kabilang sa
GNP dahil ito ay produksyon ng mga Pilipino kahit sa labas pa ng bansa. Sa kabilang
banda ang mga kinita ng mga dayuhang tao o kumpanya sa loob ng Pilipinas ay
kabilang sa GDP dahil ito ay gawa dito sa loob ng bansa, samantalang hindi ito
kasama sa GNP dahil ito ay hindi produksyon ng mga Pilipino. Upang higit na
matandaan ang pagkakaiba ng dalawa tandaan ang acronym na nasa ibaba.
G- awa G- awa
N- g D- ito sa
P- ilipino P- ilipinas
Pamamaraan ng Pagsukat ng GNP
May tatlong pamamaraan ang pagsukat ng Pambansang Kita.
A. Pamamaraan Batay sa Gastos- sa pamamaraang ito pinagsasa-sama ang
gastos ang mga sektor ng ekonomiya. Kaninong gatos ba ang pinagsasama-
sama? Ito ay ang mga gastos ng sambahayan sa pagkonsumo ng produkto at
serbisyo, gastos ng bahay-kalakal sa pamumuhunan, gatos ng pamahalaan
sa pagpapatakbo ng gobyerno at kasama rin ditto ang net export. Ang
formula sa pagkuha nito ay:
GDP = C + I + G + (X-M)
Kung saan:
C- Consumption – gastos ng sambahayan
I – Investment – gastos ng bahay-kalakal
G- Government Expenditure – gastos ng Pamahalaan
(X-M) – X-Export (luwas) M-Import (Angkat) / Net Export
B. Pamamaraan Batay sa Kita- sa pamamaraang ito pinagsasama-sama ang mga
kita ng bawat sektor ng ekonomiya. Ang National Income ay ang pinagsama-samang
kita ng lahat ng Sambahayan, Bahay-Kalakal at ng pamahalaan. Isinasama rin dito
ang Indirect taxes o hindi direktang buwis tulad ng VAT, Kasama din ang Subsidy o
tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan na walang kapalit at ang depreciation
allowance o pagkaluma at pagkasira ng mga physical resources tulad ng mga
makinarya. Ang formula sa pagkuha nito ay:
GDP = PY + CY + GY = NI + IT – S + DA
Kung saan:
PY-Personal Income (kita ng Sambahayan)
CY-Company’s Income (kita ng Bahay-Kalakal)
GY-Govt. Income (kita ng Pamahalaan)
NI- National Income
IT-Indirect Taxes / S – Subsidy / DA- Depreciation
C. Pamamaraan Batay sa Pinagmulang Industriya- tinatawag din itong
Production Approach at Value-Added Approach Sa pamamaraang ito
pinagsasama-sama ang halaga ng produksyong nagawa ng tatlong
pangunahing sektor ng ekonomiya ang Sektor ng Agrikultura, Sektor ng
Industriya at Sektor ng Paglilingkod. Ang formula sa pagkuha nito ay:
GDP = A + I + S
Kung saan:
A - Agrikultura I– Industriya S - Serbisyo
• Ngayong alam mo na kunin ang GDP. Paano mo naman makukuha ang GNP o GNI. Upang
makuha ang GNP kailangan natin ang Net Factor Income From Abroad (NFIFA). Ito ay
tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito sa pamamagitan ng pagbawas ng mga
kinita ng mga Pilipino sa labas ng bansa (received) sa kinita ng mga dayuhan sa Pilipinas
(paid). Magiging positibo ang NPI kung mas Malaki ang kinita ng mga Pilipino sa labas ng
bansa kumpara sa kinita ng mga dayuhan sa Pilipinas. Magiging negatibo naman ito kapag
baliktad ang nangyari. Sa karanasan ng Pilipinas sa mga nakaraang mga taon ay palaging
positibo ang Net Primary Income. Dahil na rin ito sa mga kinikita ng OFW sa ibang bansa,
kaya nga maituturing silang bayani dahil malaki ang kontribusyon nila sa paglago ng ating
ekonomiya.
GNP = GDP ± NPI
Si Simon Kuznets isang statistician at ekonomista na tinaguriang “Ama ng
Pambansang kita”, sapagkat siya ang unang nagpakilala ng pagsukat ng
kabuaan o pangkalahatang kita o produksyon ng isang bansa. Dahil dito
siya ay ginawaran ng Nobel Prize in economics noong 1971. Sa ating bansa
naman, ang PSA o Philippine Statistical Authority ang nangunguna sa
pagtutuos nito. Makikita sa kanilang mga datos na magiging magkakatulad
ang GNP/GDP gamit ang tatlong pamamaraan. Ito ay sa kadahilanang iisa
lamang ang tinutuos, ang pambansang produksyon.Simon Kuznets
Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita
Ang pambansang kita ay binubuo ng gastos ng sambahayan, gastos
ng bahay-kalakal, gastos ng pamahalaan at net export, samakatuwid ito ay
nagpapakita ng kabuuang larawan ng ating ekonomiya. Dahil dito, maaari
itong maging mahalagang batayan sa paggawa ng desisyon hinggil sa
ekonomiya ng bansa.
Ang mga sumusunod ay ang kahalagahan ng pagsukat ng Pambansang Kita.
• Ang GDP ay mahalagang basehan para sa pamahalaan sa paggawa ng
desisyon ukol mga polisiya lalong lalo na sa pampublikong gastusin.
• Mahalagang pagnilayan ng mga tagapaggawa ng batas o ng Kapulungan
ang mga datos sa GDP sa paggawa nila ng batas na may kinalaman ukol sa
pagbubuwis at kalakalan.
• Mahalaga para sa mga negosyante ang mga datos ng GDP sa paggawa nila
ng desisyon sa pagnenegosyo. Ito ang magtatakda kung kalian ang
pinakamainam na maglagak ng malaking puhunan.
• Para naman sa mga ekonomista, ang GDP ang magtatakda kung ang
ekonomiya ay nakararanas ng pagbaksak o paglago.
Mahalagang sukatin ang pambansang kita sapagkat sumasalamin
ito sa lagay ng ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ay maaaring gabay ng
pamahalaan sa paggawa ng mga polisiya para sa ikabubuti ng ekonomiya at
kabuhayan ng mga mamamayan.
PAGYAMANIN
Gawain: Venn Diagram (Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Gamit ang isang Venn Diagram suriin ang pagkakaiba ng GNI sa
GDP. Isulat sa loob ng bilog ang pagkakatulad at sa labas naman ng bilog
ang pagkakaiba.
GNP
PAGKAKAIBA
GDP
PAKAKAIBA
Pagkakatulad
• Gawain: G na G.
• Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ilagay ang GNP kung ito ay
kabilang sa GNP ng Pilipinas at GDP naman kung tumutukoy sa GDP ng
Pilipinas.
___1. Kita ng mga OFW mula sa ibang bansa.
___ 2. Kita ng banyagang kompanya sa Pilipinas.
___ 3. Kita ng Jollibee sa ibang bansa.
___ 4. Kita ni Juan mula sa kanyang shares sa stock market sa Hong
Kong.
___ 5. Kabuuang halaga ng kita ng KFC sa Pilipinas.
Gawain 4. Mag Tuos Tayo! (Mapanuring Pag-iisip)
Panuto: Kompyutin ang GNP/ GNI gamit ang tatlong pamamaraan.
Given in Billion Pesos
Note: Upang makuha ang tamang sagot dapat pare-pareho ang kalalabasan
gamit ang 3 pamamaraan.
Consumption- ₱ 225 National Income- ₱
375
Indirect Taxes- ₱ 100
Agriculture- ₱ 100 Investments - ₱100 Industry- ₱ 175
Gov’t Expenditure ₱ Export- ₱ 125 Depreciation- ₱ 75
Services- ₱ 250 Import- ₱ 25 Subsidy ₱ 25
Net Primary Income (NPI) - ₱ 75
ISAISIP
• Ang GNP/ GNI at GDP and dalawang pangunahing ginagamit sa pagsukat
ng Pambansang Kita.
• Ang GDP ang halaga ng produkto at serbisyo na nagawa sa loob ng bansa
ng mga mamamayan nito at maging mga dayuhan.
• Ang GNP ang halaga ng produkto at serbisyo na nagawa ng mamamayan ng
isang bansa sa loob o labas ng bansa.
• May tatlong pamamaraan sa pagsukat ng Pambansang Kita ito ay:
Expenditure Approach, Income Approach at Industry Origin or Value-Added
Approach
• Pamamaraan Batay sa Gastos- sa pamamaraang ito pinagsasa-sama ang
gastos ang mga sektor ng ekonomiya.
• Pamamaraan Batay sa Kita- sa pamamaraang ito pinagsasama-sama ang
mga kita ng bawat sektor ng ekonomiya.
• Pamamaraan Batay sa Pinagmulang Industriya- tinatawag din itong
Production Approach at Value-Added Approach Sa pamamaraang ito
pinagsasama-sama ang halaga ng produksyong nagawa ng tatlong
pangunahing sektor ng ekonomiya ang Sektor ng Agrikultura, Sektor ng
Industriya at Sektor ng Paglilingkod.
• Ang pambansang kita ay binubuo ng gastos ng sambahayan, gastos ng
bahay-kalakal, gastos ng pamahalaan at net export, samakatuwid ito ay
nagpapakita ng kabuuang larawan ng ating ekonomiya
• Mahalagang sukatin ang pambansang kita sapagkat ito ay gabay sa
paggawa ng mahahalagang desisyon ng pamahalaan, mambabatas at ng
negosyante.
ISAGAWA
Gawain: Teksto- Suri (Mapanuring- Pag-iisip)
Panuto: Basahin ang teksto ukol sa ulat ng Philippine Statistical Authority sa GDP
ng unang quarter ng taong 2020. Mula sa teksto suriin ang mga pagbabago sa bawat
item ng GDP. Gamit ang formula sa Pambansang kita, itala ang mga pagbabago sa
datos, isulat kung ilang porsyento ang itinaas o ibinaba.
Highlights: GDP 1st Quarter 2020
GDP declines by 0.2 percent in the first quarter of 2020; the first contraction since fourth quarter of 1998
The Gross Domestic Product (GDP) declined by 0.2 percent in the first quarter of 2020, the first contraction since the fourth quarter
of 1998.
The main contributors to the decline were: Manufacturing; Transportation and Storage; and Accommodation and Food Service
Activities.
Among the major economic sectors, Agriculture, forestry, and fishing; and Industry contracted by 0.4 percent and 3.0
percent, respectively. On the other hand, Services posted a growth of 1.4 percent during the period.
On the expenditure side, the expenditure items that declined are: Gross Capital Formation (GCF), 18.3 percent; Exports, 3.0
percent; and Imports, 9.0 percent. Meanwhile, Household Final Consumption Expenditure (HFCE) and Government Final
Consumption Expenditure (GFCE) posted positive growths of 0.2 percent and 7.1 percent, respectively.
Source: PSA/Statistics/Macroeconomic Accounts
Expenditure Approach Porsyento ng
Pagbabago (+
/ - )
Industry-Origin
Approach
Porsyento ng
Pagbabago (+
/ - )
C- HouseholdConsumption A - Agriculture
I – Investment / Capital
Formation
I- Industry
G – Government
Expenditure
S- Services
X – Export
M – Import
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa datos ng Expenditure approach aling gastusin ng mga sektor ang nagtala ng
pagbaba at pagtaas?
2. Batay sa datos ng Industry Origin approach aling sektor ang nagtala ng pagbaba at
pagtaas?
3. Batay sa datos ng PSA, ano ang iyong mahihinuha sa naging epekto ng Covid 19 sa
ekonomiya ng bansa?
TAYAHIN
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan, isulat sa sagutang papel an titik ng tamang sagot sa
bawat bilang.
1. Ito ay tumutukoy sa halaga ng kabuuang produksiyon na nagawa ng mga mamamayan sa isang bansa sa
loob at labas ng pambansang ekonomiya.
A. GDP B. GNP C. NFIFA D. NI
2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagapahayag ng wasto hinggil sa pagkakaiba ng GDP sa
GNP o GNI?
A. Ang GDP ay tumutukoy sa kabuuang produksyon na nagawa ng mga mamamayan ng bansa,
samantalang ang GNP naman ay produksyong nagawa sa loob ng bansa maging itoy sa Pilipino o
dayuhan.
B. Ang GNP ay tumutukoy sa kabuuang produksyon na nagawa ng mga mamamayan ng bansa,
samantalang ang GDP naman ay produksyong nagawa sa loob ng bansa maging itoy sa Pilipino o
dayuhan.
C. Sa pamamamaraang expenditure appproach lamang matutuos ang GNP at hindi ang GDP
D. Sa pamamamaraang expenditure appproach lamang matutuos ang GDP at hindi ang GNP
3. Alin sa mga ss. Ang nagpapakita ng pagkompyut sa pambansang kita gamit ang expenditure approach?
A. C + I + G + (X-M) C. C + I + X + M
B. C + I + G - (X+M) D. C + I +G - (X-M)
4. Si Mr. Yu isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanyang na nasa Pilipinas, saan dapat isinasama
ang kanyang kinita?
A. Sa Gross Domestic ng China dahil mamamayan siya nito
B. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita
C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita
D. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita
5. Ang Net Primary Income ay nagpapakita ng mga kita ng mga Pilipino sa labas ng Pilipinas at ng kita ng mga
dayuhan sa loob ng Pilipinas.Kailan magiging positibo ang halaga ng Net Primary Income?
A. Kapag mas Malaki ang kita ng mga dayuhan sa loob ng Pilipinas kaysa sa kita ng mga Pilipino sa labas ng
bansa.
B. Kapag mas maliit ang kita ng mga dayuhan sa loob ng Pilipinas kaysa sa kita ng mga Pilipino sa labas ng
bansa.
C. Kapag pantay ang kita ng mga Pilipino at mga dayhan
D. Kapag mas Malaki ang kita ng mga OFW kaysa sa kita ng mga Pilipino sa loob ng Pilipinas
6. Ang Pormula sa pagkompyut ng GNP gamit ang Income approach ay
A. PY+CY+GY = National Income + depreciation + (IT-S)
B. PY+CY+GY = National Income - depreciation + (IT-S)
C. PY+CY+GY = National Income - depreciation - (IT+S)
D. PY+CY+GY = National Income - depreciation + (IT-S)
Gamitin ang Datos sa ibaba para tanong bilang 7-8
7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa ipinakikita
ng graph
A. mabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagdaan ng panahon
B. patuloy ang antas ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas mula taong July
2016 hanggang 2020.
C. Walang nagbabago sa bahagdan ng paglago ng GDP ng bansa dahil marami
parin ang naghihirap
D. natamo ng bansa ang mataas na paglago ng ekonomiya noong 3rd qtr. ng
2017, bumagsak at negatibo noong unang bahagi ng 2020.
8. Ano ang iyong mahihinuha ukol sa taunang antas ng paglago ng GDP ng bansa?
A. may katatagang pang ekonomiya ang bansa sapagkat patuloy ang positibong pagtaas ng antas ng paglago ng
GDP nito sa paglipas ng mga taon..
B. nakararanas ng krisis ang bansa sapagkat bumaba ang GDP sa 6%
C. ang Pilipinas ang may pinakamabagal na paglago ng ekonomiya sa buong Asya
D. Malaki ang naging negatibong epekto ng Covid-19 Pandemic hindi lamang sa kalusugan ng pangangatawan pati
na rin sa kalusugan ng ekonomiya ng bansa.
9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto?
A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income nito.
B. Ang gawaing nagmula sa impormal na sector ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income
C. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sapagsukat ng Gross National Income
D. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross National Income
10. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat bang
gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
A. Oo, magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig
B. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin
C. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa pandaigdigang ekonomiya
D. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain: Growth Plan (Mapanuring Pag-iisip/Pagtutulungan)
Gawing batayan ang talahanayan sa ibaba sa paggawa ng Growth Plan sa ibaba.
Panuto: Humingi ng tulong sa nakatatandang kapatid, kamag-anak o magulang upang
isagawa ang Gawain na ito.
Sitwasyon: Ano ang iyong reaksyon sa GDP ng bansa sa unang quarter 2020? Bakit kaya
negatibo ang paglago ng ating ekonomiya? Kung ikaw ang Economic Adviser ng Pangulo paano
mo sisimulan ang muling pagbangon ng ekonomiya pagkatapos ng pandemia? Punan ng
angkop na plano upang maisakatuparan ang pagbangon ng ekonomiya. Gumamit ng
karagdagang sipi ng papel kung kinakailangan.
Growth Plan
PLANO PAMAMARAAN
1. Sektor na bibigyang -pansin
2. Dahilan
3. Pamamaran
4. Pagkukunan ng Pondo
5. Tinatayang Resulta
Rubric sa Pagpupuntos ng Growth Plan
Pamantayan/Indikador Puntos Nakuhang
Puntos
Maayos ang pagkakaorganisa ng mga ideya 5
Malinaw ang ginamit na pamamaraan 5
Gumamit ng mga datos bilang basehan 5
Makatotohanan ang ginawang plano 5
Kabuuan
20 /20

Ppt pambansang-kita

  • 1.
  • 2.
    ALAMIN Ang module naito ay ginawa para sa iyo upang lalong mas higit mong maunawaan ang diwa ng Ekonomiks lalo na sa iyong pang araw-araw na buhay bilang isang mag-aaral at mamamayan. Ang mga aralin dito ay kinapaplooban ng mga modelo, formula/equation at maging computation. Ang paggamit ng mga tools na ito ay makatutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang tungkol sa Pambansang Kita. Ang module na ito ay nahahati sa dalawang Aralin Aralin 1 – Pamamaraan ng pagsukat ng Pambansang Kita Aralin 2 – Kahalagahan ng pagsukat ng Pambansang Kita
  • 3.
    Matapos mapag-aralan angmodule ikaw ay inaasahang maisakatuparan ang mga sumusunod na mga layunin: • Nasuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng GNP/GNI at GNP bilang panukat ng Pambansang Kita. • Nasusuri ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang Produkto. • Nagamit ang talong pamamaraan ng pagtutuos ng pambansang kita gamit ang hypothetical data. • Nasusuri ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita sa ekonomiya.
  • 4.
    SUBUKIN Gawain: Tama oMali Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Isulat ang letrang T sa patlang kung tama ang pahayag, M naman kung mali. Sagot Bilang Pahayag 1. Ang GDP ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng bansa sa isang partikular na panahon. 2. Ginagamit ang GNP/GNI at GDP upang masukat ang economic performance ng bansa. 3. Tanging halaga ng tapos na produkto lamang ang isinasama sa pagsukat ng pambansang kita. 4. Ang produksyon ng mga OFW ay kabilang sa GNP ng bansa kahit sila ay nagtatrabaho sa labas ng Pilipinas. 5. Ang halaga ng produksyon ng mga dayuhang nagtatrabaho sa Pilipinas ay kabilang sa pagsukat ng GNP/GNI.
  • 5.
    6. May talongpamamaraang ginagamit sa pagsukat ng Pambansang kita. 7. Sa pamamaraang Income Aprroach ay pinagsasama ang produksyon ng pangunahing sektor ng ekonomiya. 8. Sa pamamaraang Expenditure approach ang (X-M) ay nangangahulugang ng Sambahayan (-)minus Gastos ng Bahay-Kalakal. 9. Ang GNP ay maari ring makuha gamit ang formula na GDP + Net Primary Income. 10. Mahalagang masukat ang pambansang kita sapagkat ito ay basehan ng pamahalaan sa paggawa ng polisiya ukol sa ekonomiya ng bansa.
  • 6.
    Aralin 3 Araling Panlipunan: Pambansang Kita Angkabuhayan ng nakararaming tao ay nakasalalay sa lagay ng ekonomiya ng bansa. Kung masigla ang ekonomiya magbubunga ito ng mas maraming trabaho at kita sa mga mamamayan, sa kabaliktaran naman ito ay magdudulot ng kahirapan. Napakahalaga sa panig ng pamahalaan na sukatin ang Pambansang Kita sapagkat ito ang magtatakda ng mga polisiyang nararapat para patuloy ang paglago ng ekonomiya.
  • 7.
    BALIKAN Matapos ang paunangpagsasanay maari ka nang magtungo sa mga pangunahing gawain. Pero bago tayo magpatuloy balikan muna natin ang ilan sa mahahalagang kaisipan na iyong napag-aralan sa nakaraang module. Gawain: Inflow o Outflow Panuto: Punan ng wastong inflow o outflow ang bawat bilang upang mabuo ng tama ang Modelo ng Paikot na Daloy. MODELO NG PAIKOT NA DALOY
  • 8.
    TUKLASIN Gawain: Pagsusuri ngTalahanayan Panuto: Suriin ang talahanayan at kumpletuhin ang pahayag na nasa ibaba. Sa paglipas ng mga taon ang ekonomiyang Pilipinas ay _________________ _____________________________________, nasabi ko ito sapagkat __________________ ________________________________________________________________________.
  • 9.
    Pamprosesong Tanong: 1. Anongkaisipan ukol sa ekonomiya ng Pilipinas ang ipinapakita sa talahanayan? 2. Mahalaga bang masukat ang Pambansang Kita? Ipaliwanag Suriin Para lubusan mong maunawaan ang paksa tungkol sa Pambansang Kita, maaari mong i-access ang mga link sa ibaba https://www.youtube.com/watch?v=1Il5IQHcYP8 https://www.youtube.com/watch?v=2HxHhoNKbiM- https://www.youtube.com/watch?v=rVPpuLTaMh4
  • 10.
    SURIIN PAGSUKAT NG PAMBANSANGKITA Ang pambansang kita ay maaaring masukat sa 2 pamamaraan. Isa dito ay ang Gross National Product (GNP) o Gross National Income (GNI). Ang GNI ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga na mga produkto at serbisyo na gawa ng mga mamamayan ng bansa sa isang partikular na panahon. Kalimitang sinusukat ito kada quarter. Ang gamit sa pagsukat nito ay ang pampamilihang halaga, ang yunit nito ay sa Piso. Ang sinusukat lamang sa GNI ay ang mga tapos na produkto o final goods at hindi ang di-tapos na produkto o intermediate goods. Sa isang banda ang Gross Domestic Product (GDP) ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga parodukto at serbisyo na gawa sa loob ng bansa. Pilipino man o dayuhan ang gumawa sa isang partikular na panahon. Pagsukat ng Pambansang Kita GNP/ GNI 1. Kahulugan 2. Pagkakaiba Paraan ng Pagsukat 1. Expenditure Approach 2. Income Approach 3. Production Approach GDP 1. Kahulugan 2. PagkakaibaParaan ng Pagsukat 1. Expenditure Approach 2. Income Approach 3. Production Approach
  • 11.
    May pagkakaiba angGNI/GNP sa GDP. Ang GNI/GNP ay nakatuon sa kung sino ang gumawa ng produkto sa loob man o sa labas ng bansa. Habang ang GDP naman ay nakatuon naman kung saan nagawa ang produkto. Ang mga kinita ng mga OFW at mga kompanyang pag-aari ng Pilipino sa ibang bansa ay kabilang sa GNP dahil ito ay produksyon ng mga Pilipino kahit sa labas pa ng bansa. Sa kabilang banda ang mga kinita ng mga dayuhang tao o kumpanya sa loob ng Pilipinas ay kabilang sa GDP dahil ito ay gawa dito sa loob ng bansa, samantalang hindi ito kasama sa GNP dahil ito ay hindi produksyon ng mga Pilipino. Upang higit na matandaan ang pagkakaiba ng dalawa tandaan ang acronym na nasa ibaba. G- awa G- awa N- g D- ito sa P- ilipino P- ilipinas
  • 12.
    Pamamaraan ng Pagsukatng GNP May tatlong pamamaraan ang pagsukat ng Pambansang Kita. A. Pamamaraan Batay sa Gastos- sa pamamaraang ito pinagsasa-sama ang gastos ang mga sektor ng ekonomiya. Kaninong gatos ba ang pinagsasama- sama? Ito ay ang mga gastos ng sambahayan sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo, gastos ng bahay-kalakal sa pamumuhunan, gatos ng pamahalaan sa pagpapatakbo ng gobyerno at kasama rin ditto ang net export. Ang formula sa pagkuha nito ay: GDP = C + I + G + (X-M) Kung saan: C- Consumption – gastos ng sambahayan I – Investment – gastos ng bahay-kalakal G- Government Expenditure – gastos ng Pamahalaan (X-M) – X-Export (luwas) M-Import (Angkat) / Net Export
  • 13.
    B. Pamamaraan Bataysa Kita- sa pamamaraang ito pinagsasama-sama ang mga kita ng bawat sektor ng ekonomiya. Ang National Income ay ang pinagsama-samang kita ng lahat ng Sambahayan, Bahay-Kalakal at ng pamahalaan. Isinasama rin dito ang Indirect taxes o hindi direktang buwis tulad ng VAT, Kasama din ang Subsidy o tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan na walang kapalit at ang depreciation allowance o pagkaluma at pagkasira ng mga physical resources tulad ng mga makinarya. Ang formula sa pagkuha nito ay: GDP = PY + CY + GY = NI + IT – S + DA Kung saan: PY-Personal Income (kita ng Sambahayan) CY-Company’s Income (kita ng Bahay-Kalakal) GY-Govt. Income (kita ng Pamahalaan) NI- National Income IT-Indirect Taxes / S – Subsidy / DA- Depreciation
  • 14.
    C. Pamamaraan Bataysa Pinagmulang Industriya- tinatawag din itong Production Approach at Value-Added Approach Sa pamamaraang ito pinagsasama-sama ang halaga ng produksyong nagawa ng tatlong pangunahing sektor ng ekonomiya ang Sektor ng Agrikultura, Sektor ng Industriya at Sektor ng Paglilingkod. Ang formula sa pagkuha nito ay: GDP = A + I + S Kung saan: A - Agrikultura I– Industriya S - Serbisyo
  • 15.
    • Ngayong alammo na kunin ang GDP. Paano mo naman makukuha ang GNP o GNI. Upang makuha ang GNP kailangan natin ang Net Factor Income From Abroad (NFIFA). Ito ay tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito sa pamamagitan ng pagbawas ng mga kinita ng mga Pilipino sa labas ng bansa (received) sa kinita ng mga dayuhan sa Pilipinas (paid). Magiging positibo ang NPI kung mas Malaki ang kinita ng mga Pilipino sa labas ng bansa kumpara sa kinita ng mga dayuhan sa Pilipinas. Magiging negatibo naman ito kapag baliktad ang nangyari. Sa karanasan ng Pilipinas sa mga nakaraang mga taon ay palaging positibo ang Net Primary Income. Dahil na rin ito sa mga kinikita ng OFW sa ibang bansa, kaya nga maituturing silang bayani dahil malaki ang kontribusyon nila sa paglago ng ating ekonomiya. GNP = GDP ± NPI Si Simon Kuznets isang statistician at ekonomista na tinaguriang “Ama ng Pambansang kita”, sapagkat siya ang unang nagpakilala ng pagsukat ng kabuaan o pangkalahatang kita o produksyon ng isang bansa. Dahil dito siya ay ginawaran ng Nobel Prize in economics noong 1971. Sa ating bansa naman, ang PSA o Philippine Statistical Authority ang nangunguna sa pagtutuos nito. Makikita sa kanilang mga datos na magiging magkakatulad ang GNP/GDP gamit ang tatlong pamamaraan. Ito ay sa kadahilanang iisa lamang ang tinutuos, ang pambansang produksyon.Simon Kuznets
  • 16.
    Kahalagahan ng Pagsukatng Pambansang Kita Ang pambansang kita ay binubuo ng gastos ng sambahayan, gastos ng bahay-kalakal, gastos ng pamahalaan at net export, samakatuwid ito ay nagpapakita ng kabuuang larawan ng ating ekonomiya. Dahil dito, maaari itong maging mahalagang batayan sa paggawa ng desisyon hinggil sa ekonomiya ng bansa. Ang mga sumusunod ay ang kahalagahan ng pagsukat ng Pambansang Kita. • Ang GDP ay mahalagang basehan para sa pamahalaan sa paggawa ng desisyon ukol mga polisiya lalong lalo na sa pampublikong gastusin. • Mahalagang pagnilayan ng mga tagapaggawa ng batas o ng Kapulungan ang mga datos sa GDP sa paggawa nila ng batas na may kinalaman ukol sa pagbubuwis at kalakalan.
  • 17.
    • Mahalaga parasa mga negosyante ang mga datos ng GDP sa paggawa nila ng desisyon sa pagnenegosyo. Ito ang magtatakda kung kalian ang pinakamainam na maglagak ng malaking puhunan. • Para naman sa mga ekonomista, ang GDP ang magtatakda kung ang ekonomiya ay nakararanas ng pagbaksak o paglago. Mahalagang sukatin ang pambansang kita sapagkat sumasalamin ito sa lagay ng ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ay maaaring gabay ng pamahalaan sa paggawa ng mga polisiya para sa ikabubuti ng ekonomiya at kabuhayan ng mga mamamayan.
  • 18.
    PAGYAMANIN Gawain: Venn Diagram(Mapanuring Pag-iisip) Panuto: Gamit ang isang Venn Diagram suriin ang pagkakaiba ng GNI sa GDP. Isulat sa loob ng bilog ang pagkakatulad at sa labas naman ng bilog ang pagkakaiba. GNP PAGKAKAIBA GDP PAKAKAIBA Pagkakatulad
  • 19.
    • Gawain: Gna G. • Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Ilagay ang GNP kung ito ay kabilang sa GNP ng Pilipinas at GDP naman kung tumutukoy sa GDP ng Pilipinas. ___1. Kita ng mga OFW mula sa ibang bansa. ___ 2. Kita ng banyagang kompanya sa Pilipinas. ___ 3. Kita ng Jollibee sa ibang bansa. ___ 4. Kita ni Juan mula sa kanyang shares sa stock market sa Hong Kong. ___ 5. Kabuuang halaga ng kita ng KFC sa Pilipinas.
  • 20.
    Gawain 4. MagTuos Tayo! (Mapanuring Pag-iisip) Panuto: Kompyutin ang GNP/ GNI gamit ang tatlong pamamaraan. Given in Billion Pesos Note: Upang makuha ang tamang sagot dapat pare-pareho ang kalalabasan gamit ang 3 pamamaraan. Consumption- ₱ 225 National Income- ₱ 375 Indirect Taxes- ₱ 100 Agriculture- ₱ 100 Investments - ₱100 Industry- ₱ 175 Gov’t Expenditure ₱ Export- ₱ 125 Depreciation- ₱ 75 Services- ₱ 250 Import- ₱ 25 Subsidy ₱ 25 Net Primary Income (NPI) - ₱ 75
  • 21.
    ISAISIP • Ang GNP/GNI at GDP and dalawang pangunahing ginagamit sa pagsukat ng Pambansang Kita. • Ang GDP ang halaga ng produkto at serbisyo na nagawa sa loob ng bansa ng mga mamamayan nito at maging mga dayuhan. • Ang GNP ang halaga ng produkto at serbisyo na nagawa ng mamamayan ng isang bansa sa loob o labas ng bansa. • May tatlong pamamaraan sa pagsukat ng Pambansang Kita ito ay: Expenditure Approach, Income Approach at Industry Origin or Value-Added Approach • Pamamaraan Batay sa Gastos- sa pamamaraang ito pinagsasa-sama ang gastos ang mga sektor ng ekonomiya.
  • 22.
    • Pamamaraan Bataysa Kita- sa pamamaraang ito pinagsasama-sama ang mga kita ng bawat sektor ng ekonomiya. • Pamamaraan Batay sa Pinagmulang Industriya- tinatawag din itong Production Approach at Value-Added Approach Sa pamamaraang ito pinagsasama-sama ang halaga ng produksyong nagawa ng tatlong pangunahing sektor ng ekonomiya ang Sektor ng Agrikultura, Sektor ng Industriya at Sektor ng Paglilingkod. • Ang pambansang kita ay binubuo ng gastos ng sambahayan, gastos ng bahay-kalakal, gastos ng pamahalaan at net export, samakatuwid ito ay nagpapakita ng kabuuang larawan ng ating ekonomiya • Mahalagang sukatin ang pambansang kita sapagkat ito ay gabay sa paggawa ng mahahalagang desisyon ng pamahalaan, mambabatas at ng negosyante.
  • 23.
    ISAGAWA Gawain: Teksto- Suri(Mapanuring- Pag-iisip) Panuto: Basahin ang teksto ukol sa ulat ng Philippine Statistical Authority sa GDP ng unang quarter ng taong 2020. Mula sa teksto suriin ang mga pagbabago sa bawat item ng GDP. Gamit ang formula sa Pambansang kita, itala ang mga pagbabago sa datos, isulat kung ilang porsyento ang itinaas o ibinaba. Highlights: GDP 1st Quarter 2020 GDP declines by 0.2 percent in the first quarter of 2020; the first contraction since fourth quarter of 1998 The Gross Domestic Product (GDP) declined by 0.2 percent in the first quarter of 2020, the first contraction since the fourth quarter of 1998. The main contributors to the decline were: Manufacturing; Transportation and Storage; and Accommodation and Food Service Activities. Among the major economic sectors, Agriculture, forestry, and fishing; and Industry contracted by 0.4 percent and 3.0 percent, respectively. On the other hand, Services posted a growth of 1.4 percent during the period. On the expenditure side, the expenditure items that declined are: Gross Capital Formation (GCF), 18.3 percent; Exports, 3.0 percent; and Imports, 9.0 percent. Meanwhile, Household Final Consumption Expenditure (HFCE) and Government Final Consumption Expenditure (GFCE) posted positive growths of 0.2 percent and 7.1 percent, respectively. Source: PSA/Statistics/Macroeconomic Accounts
  • 24.
    Expenditure Approach Porsyentong Pagbabago (+ / - ) Industry-Origin Approach Porsyento ng Pagbabago (+ / - ) C- HouseholdConsumption A - Agriculture I – Investment / Capital Formation I- Industry G – Government Expenditure S- Services X – Export M – Import Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa datos ng Expenditure approach aling gastusin ng mga sektor ang nagtala ng pagbaba at pagtaas? 2. Batay sa datos ng Industry Origin approach aling sektor ang nagtala ng pagbaba at pagtaas? 3. Batay sa datos ng PSA, ano ang iyong mahihinuha sa naging epekto ng Covid 19 sa ekonomiya ng bansa?
  • 25.
    TAYAHIN Panuto: Basahin atunawain ang mga katanungan, isulat sa sagutang papel an titik ng tamang sagot sa bawat bilang. 1. Ito ay tumutukoy sa halaga ng kabuuang produksiyon na nagawa ng mga mamamayan sa isang bansa sa loob at labas ng pambansang ekonomiya. A. GDP B. GNP C. NFIFA D. NI 2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagapahayag ng wasto hinggil sa pagkakaiba ng GDP sa GNP o GNI? A. Ang GDP ay tumutukoy sa kabuuang produksyon na nagawa ng mga mamamayan ng bansa, samantalang ang GNP naman ay produksyong nagawa sa loob ng bansa maging itoy sa Pilipino o dayuhan. B. Ang GNP ay tumutukoy sa kabuuang produksyon na nagawa ng mga mamamayan ng bansa, samantalang ang GDP naman ay produksyong nagawa sa loob ng bansa maging itoy sa Pilipino o dayuhan. C. Sa pamamamaraang expenditure appproach lamang matutuos ang GNP at hindi ang GDP D. Sa pamamamaraang expenditure appproach lamang matutuos ang GDP at hindi ang GNP 3. Alin sa mga ss. Ang nagpapakita ng pagkompyut sa pambansang kita gamit ang expenditure approach? A. C + I + G + (X-M) C. C + I + X + M B. C + I + G - (X+M) D. C + I +G - (X-M)
  • 26.
    4. Si Mr.Yu isang Chinese National, ay nagtatrabaho sa kompanyang na nasa Pilipinas, saan dapat isinasama ang kanyang kinita? A. Sa Gross Domestic ng China dahil mamamayan siya nito B. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita C. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita D. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang kanyang kita 5. Ang Net Primary Income ay nagpapakita ng mga kita ng mga Pilipino sa labas ng Pilipinas at ng kita ng mga dayuhan sa loob ng Pilipinas.Kailan magiging positibo ang halaga ng Net Primary Income? A. Kapag mas Malaki ang kita ng mga dayuhan sa loob ng Pilipinas kaysa sa kita ng mga Pilipino sa labas ng bansa. B. Kapag mas maliit ang kita ng mga dayuhan sa loob ng Pilipinas kaysa sa kita ng mga Pilipino sa labas ng bansa. C. Kapag pantay ang kita ng mga Pilipino at mga dayhan D. Kapag mas Malaki ang kita ng mga OFW kaysa sa kita ng mga Pilipino sa loob ng Pilipinas 6. Ang Pormula sa pagkompyut ng GNP gamit ang Income approach ay A. PY+CY+GY = National Income + depreciation + (IT-S) B. PY+CY+GY = National Income - depreciation + (IT-S) C. PY+CY+GY = National Income - depreciation - (IT+S) D. PY+CY+GY = National Income - depreciation + (IT-S)
  • 27.
    Gamitin ang Datossa ibaba para tanong bilang 7-8 7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa ipinakikita ng graph A. mabagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagdaan ng panahon B. patuloy ang antas ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas mula taong July 2016 hanggang 2020. C. Walang nagbabago sa bahagdan ng paglago ng GDP ng bansa dahil marami parin ang naghihirap D. natamo ng bansa ang mataas na paglago ng ekonomiya noong 3rd qtr. ng 2017, bumagsak at negatibo noong unang bahagi ng 2020.
  • 28.
    8. Ano angiyong mahihinuha ukol sa taunang antas ng paglago ng GDP ng bansa? A. may katatagang pang ekonomiya ang bansa sapagkat patuloy ang positibong pagtaas ng antas ng paglago ng GDP nito sa paglipas ng mga taon.. B. nakararanas ng krisis ang bansa sapagkat bumaba ang GDP sa 6% C. ang Pilipinas ang may pinakamabagal na paglago ng ekonomiya sa buong Asya D. Malaki ang naging negatibong epekto ng Covid-19 Pandemic hindi lamang sa kalusugan ng pangangatawan pati na rin sa kalusugan ng ekonomiya ng bansa. 9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto? A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income nito. B. Ang gawaing nagmula sa impormal na sector ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income C. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sapagsukat ng Gross National Income D. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross National Income 10. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito? A. Oo, magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig B. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin C. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa pandaigdigang ekonomiya D. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
  • 29.
    KARAGDAGANG GAWAIN Gawain: GrowthPlan (Mapanuring Pag-iisip/Pagtutulungan) Gawing batayan ang talahanayan sa ibaba sa paggawa ng Growth Plan sa ibaba.
  • 30.
    Panuto: Humingi ngtulong sa nakatatandang kapatid, kamag-anak o magulang upang isagawa ang Gawain na ito. Sitwasyon: Ano ang iyong reaksyon sa GDP ng bansa sa unang quarter 2020? Bakit kaya negatibo ang paglago ng ating ekonomiya? Kung ikaw ang Economic Adviser ng Pangulo paano mo sisimulan ang muling pagbangon ng ekonomiya pagkatapos ng pandemia? Punan ng angkop na plano upang maisakatuparan ang pagbangon ng ekonomiya. Gumamit ng karagdagang sipi ng papel kung kinakailangan. Growth Plan PLANO PAMAMARAAN 1. Sektor na bibigyang -pansin 2. Dahilan 3. Pamamaran 4. Pagkukunan ng Pondo 5. Tinatayang Resulta
  • 31.
    Rubric sa Pagpupuntosng Growth Plan Pamantayan/Indikador Puntos Nakuhang Puntos Maayos ang pagkakaorganisa ng mga ideya 5 Malinaw ang ginamit na pamamaraan 5 Gumamit ng mga datos bilang basehan 5 Makatotohanan ang ginawang plano 5 Kabuuan 20 /20