2. Ano ang Pambansang Kita?
Ang kahalagahan ng
pagsukat sa pambansang
kita ay inilahad ni
Campbell R. McConnell at
Stanley Brue sa kanilang
Economic Principles,
Problems and Policies
(1999).
3. 1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay napapagbibigay ng ideya tungkol sa antas
ng produksyon ng ekonomiya sa isang partikular ba taon at maipaliwanag kung bakit
ganito kalaki o kababa ng bansa.
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon, masusubaybayan natin ang
direksyon na tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kungmay maipaliwanag kung
may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksyon.
3. Ang nakalad na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging gabay ng mga
nagpapaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran at polisiya na
makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at makapagtaas sa economic
performance sa bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kitam haka-haka lamang
ang magiging basehan na walang matibay na batayan.
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang kalusugan ang
ekonomiya.
4. GNI o Gross National Income
Ang Gross National Income (GNI) ay
dating tinatawag ding Gross National
Product.
Ito ang isa sa pangunahing instrumenting
magsusukat kung natamo ng ekonomiya.
5. Pagkakaiba ng GNI at GDP
Kung ang GNI ay sumuskat sa halaga ng halagang
produksyon na nagawa ng mga tao sa loob ng isang
taon, ang GDP o Gross Domestic Product ay
tumutukoy sa halaga ng mga produkto at
serbisyong ginawa sa loob ng bansa kasama ang
ginawa ng mga dayuhan.
Kapag binawas ang kinikita ng mga OFW sa kita
ng mga dayuhan sa ating bansa, makukuha ang net
factor income from abroad.
6. Mga Paraan ng Pagsukat sa GNI
May iba’t ibang paraan ng pagtutubos ng GNI. Ayon kay Villegas ng at
Abola (1992), may tatlong paraan ng pagsukat sa Gross National Income:
1. Pamamaraan batay sa gastos (expenditure approach)
2. Pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksyon (Income
apporach)
3. Pamamaraan batay sa pinagmulang industriya (industrial origin
approach)
7. 1. Pamamaraan ng batay sa gastos
Sa paraang ito ito sinusukat ang gastos sa mga produktong
ginagawa sa loob ng isang taon ang sektor ng sambayanan, bahay-
kalakal, pamahalaan at dayuhang sektor .
Ang pinagkakagsatuhan ng bawat sektor ay ang sumusunod:
9. b. Gastusin ng mga namumuhunan (I)
Napapaloob ang mga gastos ng
mga bahay-kalakla tulad ng mga
gamit sa opisina, hilaw na
materyales para sa produksyon,
sahod ng manggawa at iba pa.
10. c. Gastusin ng pamahalaan (G)
kasama rito ang mga gastuhin
ng gastuhin ng pamahalaan sa
psgsasagawa ng mga
proyektong panlipunan at iba
pang gastuhin nito.
11. d. Gastuhin ng panlabas na sektor (X-M)
Makukuha ito kung ibabawas
ang iniluluwas o export sa
inaangkat o import.
12. e. Statistical discrepancy (SD)
ang anumang kakulangan o
kalabisan sa pagkuwenta na hindi
malaman kung saan ibibilang. Ito
ay nagaganap sapagkat may mga
transaksyon hindi sapat ang
mapagkukunan ng datos o
impormasyon.
13. f. Net factor income from Abroad (NFIFA)
Tinatawag ding Net Primary Income.
Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos
ng mga mamamayang nasa ibang bansa
sa gastos ng mga dayuhang na loob ng
bansa.
14. Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income batay sa
paggasta o expenditure approach ay:
GNI = C+I+G+(X-M)+SD+NFIFA
15. Kung saan ang:
GNI = Gross National Income
C = Pagkonsumo o gastuhing personal
I = Pamumuhunan
G = Gastusin ng pamahalaan
X = Iniluluwas o export
M = Iniaangkat o import
SD = Statistical discrepancy
NFIFA = Net factor income from Abroad
16. 2. Pamamaraan Batay sa Kita ng Salik ng Produksyon
Sinusukat ng paraang ito ang kita ng mga sangkap ng
produksyon na ginagamit upang makagawa ng tapos na
produkto.
17. a. Sahod ng mga manggagawa
sahod na ibinabayad sa
sambayanan mula sa
bahay-kalakal at
pamahalaan.
18. b. Net Operating Surplus
tinubo ng mga
korporasyong pribado at
pag-aari ng pinatatakbo
ng pampamahalaan at
iba pang mga negosyo.
19. c. Depresasyon
pababa sa halaga ng yamang
pisikal bunga ng pagkaluma
bunga ng tuloy-tuloy na
paggamit ng paglipas ng
panahon.
20. d. Di-tuwirang buwis-Subsidya
1. Di-tuwirang buwis
- kabilang dito sales tax,
custom duties, lisensya
at iba pang di-tuwirang
buwis.
21. d. Di-tuwirang buwis-Subsidya
1. Subsidya – salaping
binabalikat at binayaran
ng pamhalaan nang hindi
tumatanggap ng kapalit
na produkto o serbisyo.
22. Ganito ang pormula ng paraang ito.
PY + CY + G-Y = NI
+ IT – S
+ DA
= GNI
23. Kung saan ang:
PY = kita ng mga tao
CY = kita ng bahay-kalakal
GY = kita ng pamahalaan mula sa pamumuhunan
NI = pambansang kita
IT-S = di tuwirang buwis at ibabawas ang mga
subsidiya
DA = despesasyon
Kaugnay ng paraang ito may iba pang konseptong dapat malaman sa
pagtutuos ng pambansang kita.
24. Netong Pambansang Produkto o Net National Product
(NNP)
Kumakatawan ito sa halos tiyak
na halaga ng GNP sapagkat
hindi isasama ang despresasyon
, hindi tuwirang buwis at
subsiya.
25. Kitang Personal o Personal Income
Kumakatawan ito ng sa kita ng tao o ng
sambayanan. Upang makakuha ang PI
mula sa National Income (NI) hindi
isinasama sa pagkuwekuwenta ng buwis
ang bahay-kalakal, mga tubong hindi
naipamahagi tulad ng dibidendo,
26. Kung saan ang:
PI = personal na kita (personal income)
NI = pambansang kita (national income)
CI = kita ng korporasyon (Corporate
income)
D = Dibidendo (dividends)
TP = pension at tinaggap na salapi mula sa ibang
bansa bilang regalo (transfer payment)
28. Kung saan ang:
W = sahod (wages)
D = dibidendo o ipinamamahaging tubo
(coroporate income)
E = kita ng entrprenyur
TP = pension at tinaggap na salapi mula sa ibang
bansa bilang regalo (transfer payment)
29. Ang disposable income (DI)
o magagastang kita ay kitang
personal na maaring gamiting
pangkonsumo kasama ang
buwis na ibinabayad ng
indibidwal,
32. Kung saan ang:
DI = Magagastang kita (disposable income)
C = pagkonsumo (consumption)
PI = personal na kita (personal income)
PT = personal na buwis (direct tax)
PS = personal na impok (personal saving)
33. 3. Pamamaraan Batay sa Pinagmulang Industriya
Sa pamamaraang ito kinuwenta ang karagdagang
halaga sa produksyon ng pangunahing industriya
nga bansa.
34. Narito ang framework sa pagsukat.
Pagsamahin ang mga sektor:
Agrikultura + Pangisdaan + Paggugubat + Pagmimina at
Quarrying + Pagmamanupaktura + Konstruksyon +
Transportasyom +Komunikasyon + Pag-iimbak at utilities +
Kalakal + Serbisyo.
= Net Domestic Product batay sa gastos ng mga salik
(ibawas ang Net Factor Income from Abroad)
= Net National Product o National Income
35. Paano Nalalaman Kung Tumataas ang GNI
Kaiba sa totoong GNI ang GDP sa kasalukuyang presyo
Ang mga konseptong ito ang makasasagot kung totoong
tumataas ang GNI.
37. Subalit sa pormulang ito hindi naipapakita ang totoong halaga
sapagkat magbabago ang presyo bawat taon.
Upang masukat ang totoong GNI ganito ang pormula:
Totoong GNI = Price Index base year
(real GNI) X current
GNI Price Index
38. Ang GNI ay mahalagang panukat ng bansa. Ipinakikita
nito kung may pangkalahatang pagsulong sa kalakaran
ng produksyon.
Samantala, giangamit ng growth rate upang malaman
kung matamong pag-unlad sa ekonomiya.
39. Ang pormula sa pagsukat ng growth rate ng Gross
National Income ay:
GNI sa kasalukuyang taon – GNI sa nakaraang taon
Growth Rate = x 100
GNI sa nakaraang taon
40. Ang growth rate ay sumusukat kung
ilang bahagdaan ang naging pag-angat ng
ekonomiya kompara sa nagdaaang taon.
Malalaman naman ang kalagayang
pangkabuhayan ng mga mamamayan sa
pamamagitan ng income per capita na
nasusukat kung hahatiin ang Gross
Domestic sa kabuuang populasyon ng
bansa.
41. Mga Salik na Nakakapekto ng Pambansang Kita
Ang pangunahing isyu tungkol sa paksa sa pambansang kita at GNI ay
nakatuon sa ugnayan ng produksyon, kita at gastos ng pangunahing sektor ng
ekonomiya – sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at pangangapital.
42. Sa pinakasimpleng ugnayan dapat katumpas ng pagkonsumo at
pamumuhunan ang kita.
Kita = Konsumo + Pamumuhunan
O kaya:
Y = C+I
Tumutukoy sa pasya ng bahay-kalakal ang pamumuhunan na
gumasta para sa kagamitang pangkapital.
43. Mahalagang salik din ang pamahalaan sa pagsusuri ng
pambansang kita. Sa isang simpleng pamanatayan,
Y = C + I + G
44. Limitasyon sa pagsukat ng Pambansang Kita
• Hindi pampamilihang gawain at serbisyong
binubuo ng mga tao para sa pansariling
kapakinabangan tulad ng pagtatanim ng mga
gulay sa likod ng bahay para sa pagkonsumo
ng pamilya, pag-aalaga ng mga anak,
paglilinis at iba pa.
45. Limitasyon sa pagsukat ng Pambansang Kita
• Impormal Sektor – kabilang dito
ang mga transaksyon na hindi
naiuulat sa pamahalaan tulad ng
transaksyon sa black market, illegal
na pasugalan, pamilihan ng mga
ipinagbabawal na gamot,
pagbebenta ng kagamitang
segunda-mano, mga upa sa mga
nagtatapon ng basura at iba pa.
46. Limitasyon sa pagsukat ng Pambansang Kita
• Externalities o hindi
sinasadyang epekto –
halimbawa nito ang gastos ng
isang planta ng kuryente upang
mabawasan ang perwisyo ng
polusyon ay kabilang sa
pagsukat ng pambansang kita
subalit ang halaga ng malilinis
na kapaligiranay hindi binilang
sa pambansang kita.
47. Limitasyon sa pagsukat ng Pambansang Kita
• Kalidad ng buhay –
kabilang dito ang mga
bagay na nakatutulong sa
pagbuti ng pamumuhay ng
tao tulad ng malinis na
hangin, mahabang oras ng
pahinga, mapayapang
kapaligiran at malusog na
pamumuhay.