Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga pangunahing kaalaman sa makroekonomiks, na nakatuon sa pag-aaral ng kabuuang ekonomiya, kabilang ang mga konsepto ng implasyon, pambansang kita, at patakarang piskal. Nilalayon nitong matulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang ugnayan ng mga sektor ng ekonomiya at ang mga suliraning pangkabuhayan na nararanasan ng bansa. Ang aralin ay may mga aktibidad na naglalayong mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral sa mga aspeto ng ekonomiya upang makamit ang pambansang kaunlaran.