3. Nanguna si Florante sa
katalinuhan at dinaig niya
maging si Adolfo. Napabalita
ang una sa buong Atenas.
Dito na lumabas ang tunay
na pagkatao ni Adolfo.
4. Sa isang dulang
ginampanan nina kapwa ni
Florante, pinagtangkaan
nitong patayin ang huli.
Salamat at nailigtas siya ng
kaibigang si Menandro.
Kinabukasan din, umuwi sa
Albanya si Adolfo.
5. Naiwan sa Atenas si
Florante at nagtagal doon
nang isang taon pa. isang
araw, tumanggap ng liham
si Florante mula sa ama.
Sinasabi sa sulat na
namatay ang kanyang ina.
6. Nawalan ng malay si
Florante sa tindi ng
kalungkutan. Hindi
nakabawas sa kanyang
kalungkutan ang tapat na
pakikiramay ng guro at mga
kamag-aral.
8. Pagkaraan ng dalawang
buwan ng matinding
kalungkutan para kay
Florante dumating ang
ikalawang sulat ng kanyang
ama, kasama ang
sasakyang sumundo sa
kanya.
9. Bago umalis pinagbilinan si
Florante ng gurong si
Antenor na pakaingatan ng
una si Adolfo sapagkat tiyak
itong maghihiganti.
Idinagdag pang huwag
padadala si Florante sa
magiliw na pakikiharap.
10. Pinayuhan siyang lihim na
maghanda nang hindi
nagpapahalata. Pinayagan ni
Antenor si Menandro na
sumama kay Florante. Ang
magkaibigan ay inihatid ng
kanilang mga kamag-aral
hanggang sa daungan.
12. Di nagtagal nakarating sa
Albanya ang magkaibigan.
Pagkakita sa ama, napaluha
si Florante nang muling
manariwa ang sakit ng loob
sa pagkamatay ng ina.
13. Noon dumating ang sugo ni
Haring Linseo, dala ang sulat
ng Hari ng Krotona na
humihingi ng tulong sapagkat
nilusob ang Krotona ni
Heneral Osmalik ng Persiya.
14. Pangalawa ito ng bantog
na si Prinsipe Aladin na
hinahangaan ni Florante at
ayon sa balita’y kilabot sa
buong mundo.
15. Sa narinig, napangiti ang
Moro at nagsabing bihirang
magkatotoo ang mga balita
at karaniwang may dagdag
na.
16. Nagtungo sa palasyo ng
Albanya ang mag-ama.
Doon masakit man sa loob,
pumayag din ang ama ni
Florante nang ito’y hirangin
ng hari na heneral ng hukbo.
21. Tatlong araw ang piging ng
hari para kay Florante. Sa
loob ng panahong ito ay di
man lamang nakausap ni
Florante nang sarilinan si
Laura.
22. Sa kabutihang-palad, isang
araw bago umalis sina Florante
upang makidigma, nakausap
nito ang dalaga at pinagtapatan
ng pag-ibig. Hindi sumagot ng
‘oo” ang dalaga ngunit lumuha
siya nang umalis si Florante
patungong digmaan.
24. Dahil sa luhang pabaon ni
Laura, natiis ni Florante ang
kalungkutang bunga ng
pagkawalay sa minamahal.
Pagdating sa digmaan,
naabutan ng hukbo nina
Florante na halos mawasak na
ang kaaway ang kuta ng
Krotona.
25. Ngunit magiting na nagtanggol
si Florante at ang kanyang
mga kawal hanggang sa
hamunin ni Osmalik si Florante
na silang dalawa ang
magharap. Limang oras silang
naglaban hanggang sa
mapatay ni Florante si
Osmalik.
26. Ipinagbunyi ng taong-bayan
si Florante lalo nang
malamang ito’y apo ng hari
ng Krotona. Ngunit
nahaluan ng lungkot ang
kanilang kagalakan nang
magkita ang maglolo.
27. Muling nanariwa ang kirot
ng pagkamatay ng ina ni
Florante. Dito naisip ni
Florante na walang lubos na
ligaya sa mundo.
28. Pagkaraan ng limang
buwan sa Krotona, nagpilit
nang bumalik sa Albanya si
Florante upang makita si
Laura. Ngunit nang malapit
na at natatanaw na ang
moog ng Albanya, biglang
kinutuban si Florante.