SlideShare a Scribd company logo
1 of 4
Download to read offline
Page 1 of 4
Narrator: Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,
dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.
Iyan ang mababasa sa saknong na una
Nitong kabanatang Punong Salita
Sa mapanglaw na gubat magsisimula,
Ang matamis na pag-iibigan nina Florante at Laura
Sa Puno ng Higera, nakagapos sa gitna ng kagubatan
ay may isang matipunong tila nanaghoy sa kawalan
Isang mandirigma na mula sa Albanya
Ngunit dinakip at ipinatapon sa labas ng kaharian
Panaghoy ng problema’y nangingibabaw sa kagubatan
Problema sa pag-ibig ang lubos niyang dinaramdam
Floranteng kanyang ngala’y tinitangala sa Albanya
Ngayo’y nagdudusa sa kaliluha’t kahirapan
Florante:Oh, Panginoon, ako’y iyong patawarin
Sa lahat ng kabiguang aking pasanin
Sa pag-ibig na ipinagkait sa akin
Oh, tadhana. Bakit ka ganyan sa akin?
Laurang aking iniibig, bakit mo ‘ko iniwan
Sa kamay ni Adolfo’y ika’y sumamo’t ako’y nilisan
Kay Adolfong sakim sa kapangyarihan
Pati walang sala’y kanyang dinadamay
Oh, kay pait ng aking buhay
Sa aki’y tila walang nagmamahal
Laura’t Albanyang aking sinilangan
Ako sa inyo’y nagpapaalam
Narrator:Habang si Florante’y walang pagod sa paghihinakit
Ay may isang gererong nagngangalang Aladin
Isang morong wari ‘y naliligaw ng landas
At naghahanap ng lugar ng sa kanya’y giginhawa
Kabiguan din sa pag-ibig ang kanyang pasanin
Na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab
Hindi natin aakalain na magagawa ng sariling amang agawin
ang pag-ibig ng anak, ipagpalit lang sa sariling ninanais
Aladin: Oh kay laking hirap nitong nasa akin
Na sa pag-ibig inagaw ng malapit sa akin
Ako ngayo’y nandito sa kagubatan
Pinagtaksilan ng ama kong mapagsarili
Narrator: Sa kalagitnaan ng kanyang pagdurusa
Ay may narinig siyang tinig
Tinig ng animo’y
Nasa kagubatan din
Ito’y kanyang pinakingga’t inunawaan
Sinundan ang tinig at kanyang pinuntahan
Sa mga taghoy nitong kalumbay-lumbay
Ay tila naaawa sa kalagaya’y kanya ding pinapasan
Florante: Oh Laura, Oh Laura
Ako’y iyong pinagtaksila’t iniwan
Hahayaan mo lang ba ako dito sa kagubatan?
Alam kong hindi mo maaatim ang mahal mo sa kahinagpisan
Aladin: Napakapait naman ng kanyang tadhana
Kahabag-habag at tila wala ng pag-asa
Nasaan ka’t tutulungan kita
Dadamayan ka’t gagabayan kita
Kailangan ko ng magmadali’t makinig
Sa kanyang taghoy, hindi ko na marinig
Susundan ko ang iyong mga tinig
Upang makapunta sa iyong lugar na ibig
Narrator: Ginamit ni Aladin ang kanyang matulis na kalis
sa paghawi ng mga damong hindi kanais-nais
nahimatay na pala si Florante’t ang moro’y hindi namalayan
Ngunit nakarating na pala si Aladin sa lugar na paroroonan
Nang makita si Floranteng nakagapos sa higera
Ay nagulat at nabigla ang morong mandirigma
Sa harap ni Florante’y may dalawang leon na nakaantabay
Nakaantabay sa paggising at handang sumalakay
Ngunit itong si Malakas ay walang uurungan
Handing iligtas kahit na sinuman
(Papatayin ang leon)
At pinaslang ni Gerero ang dalawang kaaway
Iniligtas ang taga-Albanyang walang kamalay-malay
Ito’y kinawala niya sa pagkakagapos
At walang hirap na iniakay-akay
(Biglang nagising si Florante habang naglalakad)
Florante: Laura, Nasaan ka?!
Tulungan mo ako dito’t tayo’y magsama
Narrator: hindi na pinansin pa ni Aladin ang sigaw ni Florante
Hindi na sumagot at hinayaan nang umidlip muli
Florante: Sino ka’t anong pakay mo sa ‘kin?
Ako’y iyong ibaba’t tanong ko’y iyong sagutin
Aladin: Ako’y isang Moro’t ngalan ko’y Aladin
Nagligtas sa iyo sa mga leong handa kang sunggabin
Alam ko’y may mabigat kang pasanin
Page 2 of 4
Kaya wag kang mag-alala’t walang akong masamang hangarin
Florante: Ngunit hindi mo ba napapansin na tayo’y magka-
away?
Magkaaway mula sa magkaibang kaharian
Aladin: Ako’y taga-Persia’t ika’y taga-Albanya
Ako’y isang Moro’t ika’y isang Kristiyano
Magkaiba man tayo ng kaharian
Walang pinipili ang pag-tutulungan
Narrator: Hindi na kumibo pa ang siyang may katanungan
Hanggang makarating sila sa lugar na pagpapahingahan
Doon ay magpapalipas ng gabi hanggang kinaumagahan
Magpapalipas ng hinagpis at kalungkutan
Florante: Ako’y nagpapasalamat sa lahat ng iyong kabaitan
Kabaitang ipinamalas noong ako’y nangangailangan
Balita sa Albanyang tanyag kang mandirigma
Ako’y isa sa iyong mga tagapaghanga
Ako’y humahanga sa iyong kahusayan
Kahusayang makipagdigma sa kahit anong laban
Aladin: Balitang iya’y walang katotohanan
Wala akong pakialam sa ganyang mga bagay
Nang lumapis ang gabi’t ang araw ay mataas na
Napansin ni Alading si Florante’y masigla
Ito’y kanyang niyakap ng may kagalakan
Ngunit itong si Florante’y tila malungkot pa
Aladin: Akala ko ba’y ika’y panatag na
Ngunit sa aking nakikita’y may dinaramdam ka pa
Alam kong mahirap sariwain ang problema sa nakaraan
Ngunit maaari ko ba itong malaman? Kaibigan
Florante: Alam kong meron kang katapatan
Kaya sisimulan ko ang kuwento nung ako’y isinilang
Narrator: At ikinuwento niya ang kanyang nakaraan
Sa isang matapat na kaibigan at maaasahan
Inilahad ni Florante ang katotohanan
Katotohanan sandaling tadhana’y pinagkaitan
Si Floranteng anak nina Duke Briseo’t Prinsesa Floresca
Ay isinalang sa kaharian ng Albanya
Nang siya’y nasa kanyang ikalabing-isang gulang
Ay ipinadala sa Atenas at doon pinag-aral
Doon niya nakilala si Adolfong buhong sa kasaysayan
At ang gurong si Antenor na may busilak na kalooban
Nakilala din niya si Menandrong pamangkin ng maestro
Na naging matapat at malapit niyang kaibigan
Nang wala pa si Florante’y si Adolfo ang tinitingala ng
kalahatan
Ngunit nang dumating si Florante’y tila ito’y inagawan
Itong si Adolfo’y poot ang nasa kalooban
Ibinuhos ang galit sa isang dula-dulaan
Antenor: Tayo ngayo’y magkakaroon ng pagsasadula
Dula tungkol sa trahedya ng dalawang apo
Tanghal si Florante’t Adolfo
Florante bilang Polinise’t Adolfo bilang Etyokles
Narrator: Nang handa ng magsadula’y si Adolfo’y nanlisik ang
mata
Kay Florante’y may balak na masama
Balak nitong paslangin at totohanin
Ngunit merong isang taong si Florante’y handang saklolohin
(Magsasadula, May hawak na espada ang dalawa)
Adolfo: Ikaw Floranteng mang-aagaw
Dapat sa ‘yo’y mamatay!
(Dadating si Menandro, Ililigtas si Florante)
Menandro: Ikaw Adolfo, ano’ng nangyayari sa iyo?
Nasisiraan ka na ba ng ulo?
Ang pag-sasadula’y iyong tinotoo
Hindi mo kailangang gawin ito
Narrator: Si Adolfo’y tinotoo ang dula-dulaan
Ngunit si Menandro’y niligtas ang kaibigan
Si Adolfong may sala’y pinabalik sa Albanya
At pagkaraa’y hindi na muling nakita
Pagkaraa’y si Florante’y nakatanggap ng Liham
Liham mula sa Albanyang sinilangan
Ito’y pinadala ni Duke Briseong kanyang amang minamahal
Dali-daling binasa’t inalam ang nilalaman
Florante:Oh mahal kong ina
Bakit mo ako iniwan?
Ako’y hindi mo nakasama nang matagal
Ama, pupunta ako riya’t ika’y aking dadamayan
Narrator: Si Florante’y binasa ang liham
Liham na naglalaman ng pagkawala ng ilaw ng tahanan
Uuwi siya sa Albanya’t magpapaalam
Sa bayan ng Atenas at sa kanyang guro’t mga kaibigan
Florante:
Ako’y magpapaalam sa inyo’t magpapasalamat
Magpapasalamat sa lahat-lahat
Page 3 of 4
(Magpapaalam, Kakaway)
Narrator: Nang dumating sa bayang sinilangan
Niyakap ang ama sa kaharian
Tila nabalot ng kalungkutan
Nang makita ang inang lumisan
Duke Briseo: Anak, huwag kang mawalan ng pag-asa
Tadhana’y hindi basta-basta
Nandito kami’t susuporta
Magiging gabay at tagapag-aruga
Narrator: Pagkatapos ay may dumating na liham
Sasakupin ng Persia ang Krotona
Bayang nanghihingi ng tulong
Si Florante’y lalaban at susulong
Duke Briseo: May sulat na dumating mula sa Krotona
Humihingi ng tulong ang pakay nila
Nanganganib na itong sakupin
Ni Heneral Osmalik na mula sa Persia
Bukas sila’y pupunta
At ipaglalaban ang bayang nag-aalsa
Sa tulong ni Floranteng aking anak
Maiiiligtas natin ang bayan ng Krotona
Narrator: Nang dumating si Haring Linceo
Itong si Florante’y may naramdaman
Magkahalong kaba’t pag-ibig
Nang makita ang anak ng hari
Pagkaraa’y napawi ang kalungkutan
Nang makakita ng babaeng napupusuan
Tila napalitan ng kaligayahan
At nagkaroon ng pag-asa’t kasiyahan
Itong dalaga’y may angking bait at ganda
Anak ni Haring Linceong taga-Krotona
Si Florante’y kanyang nakilala
Ngalan nito’y Laura
Haring Linceo: Ako si Haring Linceong taga-Krotona
Ikinalulugod ko kayong makilala
Ibig ko nga palang ipakilala
Itong anak kong si Laura
Florante: Masaya ako’t nakilala kita
Ngalan ko’y Florante, wala ng iba
Ako’y taga-dito sa Albanya
Albanyang ako’y tagapagmana
Laura: Masaya rin ako’t nakilala kita
Sana tayo’y magkakilala pa
Upang malaman ang isa’t isa
At maging magkaibigan o higit pa
Narrator: Itong dalawa’y hindi namalayan
Puso nila’y magkasingkahulugan
Hanggang sila’y maging magkasintahan
At lubos na nagmamahalan
Ngunit panaho’y dumating
At sila mawawalay sa isa’t isa
Itong si Florante’y makikipagdigma
Ipaglalaban ang bayan ng mahal niya
Haring Linceo: Ngayo’y araw ng pakikipagdigma
At si Florante’y makikipaglaban
Laban para sa bayan
At sa kanilang pagmamahalan
Florante: Laura, Ika’y maghintay
Babalik ako’t ika’y babalikan
Laura: Pangako, Florante
Ika’y aking hihintayin
Narrator: Itong si Florante’y lumaban
Lumaban para sa bayan
Krotonang sinakop ng Persia
Bayan ng kanyang sinta
Sa kagalingan nitong si Florante
Bayan ng Krotona’y naibalik
Dating sakop ni Heneral Osmalik
Ngayo’y nasa kamay ng tunay na hari
(Babalik sa Albanya, Kukumustahin si Laura)
Florante: Oh, Laurang aking iniibig
Ako’y nagbalik
Krotona’y aming naibalik
Sa kabutihan ito’y manunumbalik
Laura: Mabuti’t ika’y nasa mabuting kalagayan
Ako’y nag-alala sa iyo’t lagi kang pinagdarasal
Ngunit ngayo’y ika’y nasa aking piling
Maluwag na ang aking kalooba’t nabunutan ng tinik
Narrator: Si Florante’y Heneral na
At sa digmaa’y parating nanalo siya
Tila wala siyang kabiguan
Sa lahat ng kanyang nagiging laban
Ngunit isang araw ng kanyang pakikipagdima
Ay umuwi sa Albanya nang nag-iisa
Page 4 of 4
Uuwian ang kasintahang naghihintay
Sa pagdating niya’y siya’y babalikan
Ng makapasok ito sa kaharian
Ay pinaligiran siya ng mga kawal
Kawal ni Adolfong kaaway
Adolfong sinakop ang kaharian
Itong si Florante’y hindi makapaniwala
Na si Adolfong ito’y kanyang magagawa
Pinaslang si Briseo’t Linceo nang walang awa
Karibal pala ni Florante sa pag-ibig ni Laura
Si Florante’y walang kalaban-laban
Dinakip at ipinatapon sa kagubatan
Sa mga hayop balak gawing hapunan
Utos ni Konde Adolfong gahaman sa kapangyarihan
(Balik sa eksena ni Florante at Aladin)
Florante: Iyo’y nangyari sa akin
Nung sandali’y ako’y malasin
Ngayo’y hindi ko alam ang aking gagawin
Hayaan ko na lang ang tadhana’y lumapit sa akin
Aladin: Iyong mga kuwentong hindi naiiba sa akin
Masakit man sabihin
Ama ko pa ang naging pasakit sa akin
Amang nag-alaga at kumalinga sa akin
Fleridang aking kasintahan
Ay inagaw sakin ng haligi ng tahanan
Sa utos nitong ako’y paslangin
Flerida’y handang magligtas sa akin
Narrator: Sa kasalukuya’y may nasa gubat din
Sila’y nakarinig ng tinig
Tinig ng pamilyar na boses
Boses ng dalawang nag-uusap na binibini
Ito’y kanilang sinundan
Tinuntun at hinanap
At nang natagpuan nila’y
Sila’y nagulat at nabigla
Itong dalawang babae’y kanilang iniibig
Si Florante kay Laura
At si Aladin kay Flerida
Tadhana’y pinagtagpo ang apat
Laura: Oh, Floranteng aking iniibig
Akalain nating dito tayo magkikita
Ang landas natin ay pinagtagpo ng tadhana
Tadhanang minsa’y napakadamot sa madla
Si Adolfo’y ako’y pinagtangkaan
Tinakasan ko siya at tinakbuhan
Sa kagubatan ako’y napadpad
Ngunit ako’y kanyang hinabol at sinundan
Mabuti na lang at ako’y nakatagpo ng kaibigan
Kaibigan na maaasahan
Siya si Flerida’t ako’y iniligtas
Iniligtas mula kay Adolfong lapastangan
(Niyakap si Florante)
Flerida: Ang ama mo’y aking tinakasan
Tinakasan ko’t hindi ako nasundan
Pumunta ako sa kagubatan
Upang hanapin ka’t ika’y balikan
Ngunit may nakita akong tao
Taong nangangailangan ng tulong ko
Itong si Laura’y pinagtatangkaan
Ng isang lalaking Adolfong nagngangalan
Balak kong ito’y tamaan
Ng pana na aking hinahawakan
Nang pinana ko siya’y namatay
Si Laura nagkaroon ng kapanatagan
Si Laura’y nagpasalamat sa akin
Kaya pinasya ko siyang kaibiganin
Kami’y nag-usap at nagkwentuhan
Habang naglalakad dito sa kagubatan
Kayong dalawa’y nakakita sa amin
Napakabait ng tadhana sa atin
Tayo’y dapat maging masaya’t damhin
Ang kaloob ng diyos na bigay sa atin
(NIyakap si Aladin)
(Biglang dumating si Menandro)
Menandro: Kayo pala’y nagkatagpo na
Babalik na sa dating ganda ang Albanya
Si Adolfo’y wala na sa puwesto
Si Florante ang uupo sa trono
Mabuhay ang Albanya!!
Narrator: Floranteng namuno sa kaharian
Albanyang bumalik sa dating kaayusan
Pag-ibig na hindi matitibag ng ninuman
Kahit pa mayroong mataas na kapangyarihan
Group 3

More Related Content

Similar to 59671841-Script-of-Florante-at-Laura.pdf

Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21Love Bordamonte
 
Tula - Mga Tauhan sa Florante at Laura
Tula - Mga Tauhan sa Florante at LauraTula - Mga Tauhan sa Florante at Laura
Tula - Mga Tauhan sa Florante at Lauravicmagbanua2
 
Florante at Laura - Epekto ng Panibugho
Florante at Laura -  Epekto ng PanibughoFlorante at Laura -  Epekto ng Panibugho
Florante at Laura - Epekto ng PanibughoCherJovv
 
Florante at Laura (Aralin 17-22)
Florante at Laura (Aralin 17-22)Florante at Laura (Aralin 17-22)
Florante at Laura (Aralin 17-22)SCPS
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointjergenfabian
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointjergenfabian
 
Florante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptx
Florante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptxFlorante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptx
Florante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptxLheddyAnnPermejo1
 
Q4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptx
Q4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptxQ4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptx
Q4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptxNoryKrisLaigo
 
Florante At Laura.pptx
Florante At Laura.pptxFlorante At Laura.pptx
Florante At Laura.pptxBaysonRon
 
florante at laura aralin 13-15
florante at laura aralin 13-15florante at laura aralin 13-15
florante at laura aralin 13-15jennyleth
 
cot flurante at laura.pptx
cot flurante at laura.pptxcot flurante at laura.pptx
cot flurante at laura.pptxmargie709566
 

Similar to 59671841-Script-of-Florante-at-Laura.pdf (13)

Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21Florante at Laura Aralin 17-21
Florante at Laura Aralin 17-21
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
Tula - Mga Tauhan sa Florante at Laura
Tula - Mga Tauhan sa Florante at LauraTula - Mga Tauhan sa Florante at Laura
Tula - Mga Tauhan sa Florante at Laura
 
Florante at Laura - Epekto ng Panibugho
Florante at Laura -  Epekto ng PanibughoFlorante at Laura -  Epekto ng Panibugho
Florante at Laura - Epekto ng Panibugho
 
Florante at Laura (Aralin 17-22)
Florante at Laura (Aralin 17-22)Florante at Laura (Aralin 17-22)
Florante at Laura (Aralin 17-22)
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpoint
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpoint
 
Florante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptx
Florante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptxFlorante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptx
Florante at Laura (Kabanata 4-6)-Monologo.pptx
 
Ang_Pagibig_kay_flerida.pptx
Ang_Pagibig_kay_flerida.pptxAng_Pagibig_kay_flerida.pptx
Ang_Pagibig_kay_flerida.pptx
 
Q4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptx
Q4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptxQ4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptx
Q4 M1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura1.pptx
 
Florante At Laura.pptx
Florante At Laura.pptxFlorante At Laura.pptx
Florante At Laura.pptx
 
florante at laura aralin 13-15
florante at laura aralin 13-15florante at laura aralin 13-15
florante at laura aralin 13-15
 
cot flurante at laura.pptx
cot flurante at laura.pptxcot flurante at laura.pptx
cot flurante at laura.pptx
 

59671841-Script-of-Florante-at-Laura.pdf

  • 1. Page 1 of 4 Narrator: Sa isang madilim, gubat na mapanglaw, dawag na matinik ay walang pagitan, halos naghihirap ang kay Pebong silang dumalaw sa loob na lubhang masukal. Iyan ang mababasa sa saknong na una Nitong kabanatang Punong Salita Sa mapanglaw na gubat magsisimula, Ang matamis na pag-iibigan nina Florante at Laura Sa Puno ng Higera, nakagapos sa gitna ng kagubatan ay may isang matipunong tila nanaghoy sa kawalan Isang mandirigma na mula sa Albanya Ngunit dinakip at ipinatapon sa labas ng kaharian Panaghoy ng problema’y nangingibabaw sa kagubatan Problema sa pag-ibig ang lubos niyang dinaramdam Floranteng kanyang ngala’y tinitangala sa Albanya Ngayo’y nagdudusa sa kaliluha’t kahirapan Florante:Oh, Panginoon, ako’y iyong patawarin Sa lahat ng kabiguang aking pasanin Sa pag-ibig na ipinagkait sa akin Oh, tadhana. Bakit ka ganyan sa akin? Laurang aking iniibig, bakit mo ‘ko iniwan Sa kamay ni Adolfo’y ika’y sumamo’t ako’y nilisan Kay Adolfong sakim sa kapangyarihan Pati walang sala’y kanyang dinadamay Oh, kay pait ng aking buhay Sa aki’y tila walang nagmamahal Laura’t Albanyang aking sinilangan Ako sa inyo’y nagpapaalam Narrator:Habang si Florante’y walang pagod sa paghihinakit Ay may isang gererong nagngangalang Aladin Isang morong wari ‘y naliligaw ng landas At naghahanap ng lugar ng sa kanya’y giginhawa Kabiguan din sa pag-ibig ang kanyang pasanin Na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab Hindi natin aakalain na magagawa ng sariling amang agawin ang pag-ibig ng anak, ipagpalit lang sa sariling ninanais Aladin: Oh kay laking hirap nitong nasa akin Na sa pag-ibig inagaw ng malapit sa akin Ako ngayo’y nandito sa kagubatan Pinagtaksilan ng ama kong mapagsarili Narrator: Sa kalagitnaan ng kanyang pagdurusa Ay may narinig siyang tinig Tinig ng animo’y Nasa kagubatan din Ito’y kanyang pinakingga’t inunawaan Sinundan ang tinig at kanyang pinuntahan Sa mga taghoy nitong kalumbay-lumbay Ay tila naaawa sa kalagaya’y kanya ding pinapasan Florante: Oh Laura, Oh Laura Ako’y iyong pinagtaksila’t iniwan Hahayaan mo lang ba ako dito sa kagubatan? Alam kong hindi mo maaatim ang mahal mo sa kahinagpisan Aladin: Napakapait naman ng kanyang tadhana Kahabag-habag at tila wala ng pag-asa Nasaan ka’t tutulungan kita Dadamayan ka’t gagabayan kita Kailangan ko ng magmadali’t makinig Sa kanyang taghoy, hindi ko na marinig Susundan ko ang iyong mga tinig Upang makapunta sa iyong lugar na ibig Narrator: Ginamit ni Aladin ang kanyang matulis na kalis sa paghawi ng mga damong hindi kanais-nais nahimatay na pala si Florante’t ang moro’y hindi namalayan Ngunit nakarating na pala si Aladin sa lugar na paroroonan Nang makita si Floranteng nakagapos sa higera Ay nagulat at nabigla ang morong mandirigma Sa harap ni Florante’y may dalawang leon na nakaantabay Nakaantabay sa paggising at handang sumalakay Ngunit itong si Malakas ay walang uurungan Handing iligtas kahit na sinuman (Papatayin ang leon) At pinaslang ni Gerero ang dalawang kaaway Iniligtas ang taga-Albanyang walang kamalay-malay Ito’y kinawala niya sa pagkakagapos At walang hirap na iniakay-akay (Biglang nagising si Florante habang naglalakad) Florante: Laura, Nasaan ka?! Tulungan mo ako dito’t tayo’y magsama Narrator: hindi na pinansin pa ni Aladin ang sigaw ni Florante Hindi na sumagot at hinayaan nang umidlip muli Florante: Sino ka’t anong pakay mo sa ‘kin? Ako’y iyong ibaba’t tanong ko’y iyong sagutin Aladin: Ako’y isang Moro’t ngalan ko’y Aladin Nagligtas sa iyo sa mga leong handa kang sunggabin Alam ko’y may mabigat kang pasanin
  • 2. Page 2 of 4 Kaya wag kang mag-alala’t walang akong masamang hangarin Florante: Ngunit hindi mo ba napapansin na tayo’y magka- away? Magkaaway mula sa magkaibang kaharian Aladin: Ako’y taga-Persia’t ika’y taga-Albanya Ako’y isang Moro’t ika’y isang Kristiyano Magkaiba man tayo ng kaharian Walang pinipili ang pag-tutulungan Narrator: Hindi na kumibo pa ang siyang may katanungan Hanggang makarating sila sa lugar na pagpapahingahan Doon ay magpapalipas ng gabi hanggang kinaumagahan Magpapalipas ng hinagpis at kalungkutan Florante: Ako’y nagpapasalamat sa lahat ng iyong kabaitan Kabaitang ipinamalas noong ako’y nangangailangan Balita sa Albanyang tanyag kang mandirigma Ako’y isa sa iyong mga tagapaghanga Ako’y humahanga sa iyong kahusayan Kahusayang makipagdigma sa kahit anong laban Aladin: Balitang iya’y walang katotohanan Wala akong pakialam sa ganyang mga bagay Nang lumapis ang gabi’t ang araw ay mataas na Napansin ni Alading si Florante’y masigla Ito’y kanyang niyakap ng may kagalakan Ngunit itong si Florante’y tila malungkot pa Aladin: Akala ko ba’y ika’y panatag na Ngunit sa aking nakikita’y may dinaramdam ka pa Alam kong mahirap sariwain ang problema sa nakaraan Ngunit maaari ko ba itong malaman? Kaibigan Florante: Alam kong meron kang katapatan Kaya sisimulan ko ang kuwento nung ako’y isinilang Narrator: At ikinuwento niya ang kanyang nakaraan Sa isang matapat na kaibigan at maaasahan Inilahad ni Florante ang katotohanan Katotohanan sandaling tadhana’y pinagkaitan Si Floranteng anak nina Duke Briseo’t Prinsesa Floresca Ay isinalang sa kaharian ng Albanya Nang siya’y nasa kanyang ikalabing-isang gulang Ay ipinadala sa Atenas at doon pinag-aral Doon niya nakilala si Adolfong buhong sa kasaysayan At ang gurong si Antenor na may busilak na kalooban Nakilala din niya si Menandrong pamangkin ng maestro Na naging matapat at malapit niyang kaibigan Nang wala pa si Florante’y si Adolfo ang tinitingala ng kalahatan Ngunit nang dumating si Florante’y tila ito’y inagawan Itong si Adolfo’y poot ang nasa kalooban Ibinuhos ang galit sa isang dula-dulaan Antenor: Tayo ngayo’y magkakaroon ng pagsasadula Dula tungkol sa trahedya ng dalawang apo Tanghal si Florante’t Adolfo Florante bilang Polinise’t Adolfo bilang Etyokles Narrator: Nang handa ng magsadula’y si Adolfo’y nanlisik ang mata Kay Florante’y may balak na masama Balak nitong paslangin at totohanin Ngunit merong isang taong si Florante’y handang saklolohin (Magsasadula, May hawak na espada ang dalawa) Adolfo: Ikaw Floranteng mang-aagaw Dapat sa ‘yo’y mamatay! (Dadating si Menandro, Ililigtas si Florante) Menandro: Ikaw Adolfo, ano’ng nangyayari sa iyo? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang pag-sasadula’y iyong tinotoo Hindi mo kailangang gawin ito Narrator: Si Adolfo’y tinotoo ang dula-dulaan Ngunit si Menandro’y niligtas ang kaibigan Si Adolfong may sala’y pinabalik sa Albanya At pagkaraa’y hindi na muling nakita Pagkaraa’y si Florante’y nakatanggap ng Liham Liham mula sa Albanyang sinilangan Ito’y pinadala ni Duke Briseong kanyang amang minamahal Dali-daling binasa’t inalam ang nilalaman Florante:Oh mahal kong ina Bakit mo ako iniwan? Ako’y hindi mo nakasama nang matagal Ama, pupunta ako riya’t ika’y aking dadamayan Narrator: Si Florante’y binasa ang liham Liham na naglalaman ng pagkawala ng ilaw ng tahanan Uuwi siya sa Albanya’t magpapaalam Sa bayan ng Atenas at sa kanyang guro’t mga kaibigan Florante: Ako’y magpapaalam sa inyo’t magpapasalamat Magpapasalamat sa lahat-lahat
  • 3. Page 3 of 4 (Magpapaalam, Kakaway) Narrator: Nang dumating sa bayang sinilangan Niyakap ang ama sa kaharian Tila nabalot ng kalungkutan Nang makita ang inang lumisan Duke Briseo: Anak, huwag kang mawalan ng pag-asa Tadhana’y hindi basta-basta Nandito kami’t susuporta Magiging gabay at tagapag-aruga Narrator: Pagkatapos ay may dumating na liham Sasakupin ng Persia ang Krotona Bayang nanghihingi ng tulong Si Florante’y lalaban at susulong Duke Briseo: May sulat na dumating mula sa Krotona Humihingi ng tulong ang pakay nila Nanganganib na itong sakupin Ni Heneral Osmalik na mula sa Persia Bukas sila’y pupunta At ipaglalaban ang bayang nag-aalsa Sa tulong ni Floranteng aking anak Maiiiligtas natin ang bayan ng Krotona Narrator: Nang dumating si Haring Linceo Itong si Florante’y may naramdaman Magkahalong kaba’t pag-ibig Nang makita ang anak ng hari Pagkaraa’y napawi ang kalungkutan Nang makakita ng babaeng napupusuan Tila napalitan ng kaligayahan At nagkaroon ng pag-asa’t kasiyahan Itong dalaga’y may angking bait at ganda Anak ni Haring Linceong taga-Krotona Si Florante’y kanyang nakilala Ngalan nito’y Laura Haring Linceo: Ako si Haring Linceong taga-Krotona Ikinalulugod ko kayong makilala Ibig ko nga palang ipakilala Itong anak kong si Laura Florante: Masaya ako’t nakilala kita Ngalan ko’y Florante, wala ng iba Ako’y taga-dito sa Albanya Albanyang ako’y tagapagmana Laura: Masaya rin ako’t nakilala kita Sana tayo’y magkakilala pa Upang malaman ang isa’t isa At maging magkaibigan o higit pa Narrator: Itong dalawa’y hindi namalayan Puso nila’y magkasingkahulugan Hanggang sila’y maging magkasintahan At lubos na nagmamahalan Ngunit panaho’y dumating At sila mawawalay sa isa’t isa Itong si Florante’y makikipagdigma Ipaglalaban ang bayan ng mahal niya Haring Linceo: Ngayo’y araw ng pakikipagdigma At si Florante’y makikipaglaban Laban para sa bayan At sa kanilang pagmamahalan Florante: Laura, Ika’y maghintay Babalik ako’t ika’y babalikan Laura: Pangako, Florante Ika’y aking hihintayin Narrator: Itong si Florante’y lumaban Lumaban para sa bayan Krotonang sinakop ng Persia Bayan ng kanyang sinta Sa kagalingan nitong si Florante Bayan ng Krotona’y naibalik Dating sakop ni Heneral Osmalik Ngayo’y nasa kamay ng tunay na hari (Babalik sa Albanya, Kukumustahin si Laura) Florante: Oh, Laurang aking iniibig Ako’y nagbalik Krotona’y aming naibalik Sa kabutihan ito’y manunumbalik Laura: Mabuti’t ika’y nasa mabuting kalagayan Ako’y nag-alala sa iyo’t lagi kang pinagdarasal Ngunit ngayo’y ika’y nasa aking piling Maluwag na ang aking kalooba’t nabunutan ng tinik Narrator: Si Florante’y Heneral na At sa digmaa’y parating nanalo siya Tila wala siyang kabiguan Sa lahat ng kanyang nagiging laban Ngunit isang araw ng kanyang pakikipagdima Ay umuwi sa Albanya nang nag-iisa
  • 4. Page 4 of 4 Uuwian ang kasintahang naghihintay Sa pagdating niya’y siya’y babalikan Ng makapasok ito sa kaharian Ay pinaligiran siya ng mga kawal Kawal ni Adolfong kaaway Adolfong sinakop ang kaharian Itong si Florante’y hindi makapaniwala Na si Adolfong ito’y kanyang magagawa Pinaslang si Briseo’t Linceo nang walang awa Karibal pala ni Florante sa pag-ibig ni Laura Si Florante’y walang kalaban-laban Dinakip at ipinatapon sa kagubatan Sa mga hayop balak gawing hapunan Utos ni Konde Adolfong gahaman sa kapangyarihan (Balik sa eksena ni Florante at Aladin) Florante: Iyo’y nangyari sa akin Nung sandali’y ako’y malasin Ngayo’y hindi ko alam ang aking gagawin Hayaan ko na lang ang tadhana’y lumapit sa akin Aladin: Iyong mga kuwentong hindi naiiba sa akin Masakit man sabihin Ama ko pa ang naging pasakit sa akin Amang nag-alaga at kumalinga sa akin Fleridang aking kasintahan Ay inagaw sakin ng haligi ng tahanan Sa utos nitong ako’y paslangin Flerida’y handang magligtas sa akin Narrator: Sa kasalukuya’y may nasa gubat din Sila’y nakarinig ng tinig Tinig ng pamilyar na boses Boses ng dalawang nag-uusap na binibini Ito’y kanilang sinundan Tinuntun at hinanap At nang natagpuan nila’y Sila’y nagulat at nabigla Itong dalawang babae’y kanilang iniibig Si Florante kay Laura At si Aladin kay Flerida Tadhana’y pinagtagpo ang apat Laura: Oh, Floranteng aking iniibig Akalain nating dito tayo magkikita Ang landas natin ay pinagtagpo ng tadhana Tadhanang minsa’y napakadamot sa madla Si Adolfo’y ako’y pinagtangkaan Tinakasan ko siya at tinakbuhan Sa kagubatan ako’y napadpad Ngunit ako’y kanyang hinabol at sinundan Mabuti na lang at ako’y nakatagpo ng kaibigan Kaibigan na maaasahan Siya si Flerida’t ako’y iniligtas Iniligtas mula kay Adolfong lapastangan (Niyakap si Florante) Flerida: Ang ama mo’y aking tinakasan Tinakasan ko’t hindi ako nasundan Pumunta ako sa kagubatan Upang hanapin ka’t ika’y balikan Ngunit may nakita akong tao Taong nangangailangan ng tulong ko Itong si Laura’y pinagtatangkaan Ng isang lalaking Adolfong nagngangalan Balak kong ito’y tamaan Ng pana na aking hinahawakan Nang pinana ko siya’y namatay Si Laura nagkaroon ng kapanatagan Si Laura’y nagpasalamat sa akin Kaya pinasya ko siyang kaibiganin Kami’y nag-usap at nagkwentuhan Habang naglalakad dito sa kagubatan Kayong dalawa’y nakakita sa amin Napakabait ng tadhana sa atin Tayo’y dapat maging masaya’t damhin Ang kaloob ng diyos na bigay sa atin (NIyakap si Aladin) (Biglang dumating si Menandro) Menandro: Kayo pala’y nagkatagpo na Babalik na sa dating ganda ang Albanya Si Adolfo’y wala na sa puwesto Si Florante ang uupo sa trono Mabuhay ang Albanya!! Narrator: Floranteng namuno sa kaharian Albanyang bumalik sa dating kaayusan Pag-ibig na hindi matitibag ng ninuman Kahit pa mayroong mataas na kapangyarihan Group 3