Isinilang si Francisco Balagtas sa Panginay, Bigaa (ngayo‟s
Balagtas),Bulacan noong Abril 12, 1788. Ang mga magulang niya ay sina
JuanBalagtas at Juana de la Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco
Baltazar o Kikong Balagtas. Ang kanyang asawa ay si Juana Tiambeng
taga Orion,Bataan at nagkaroon ng pitong anak.Bata pa si Kikong Balagtas
as mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng pagmamasid sa mga
luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng mgadahon ang awit ng
mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara and mga bituin sa mga alipato
                                           at apoy na nagmumula sa
                                           pagpapanday ng kanyangama,
                                           at ang tunog ng sapatos ng mga
                                           kabayo na para sa kanya ay
                                           inihambingniya sa musika.Sa
                                           murang idad, hindi maikaila kay
                                           Kiko ang mga pagmamalupit ng
                                           mgaEspanyol sa mga kababayan
                                           niyang Pilipino. Hindi siya
                                           mapakali sanararamdaman na
                                           may hindi magandang
                                           nangyayari sa kanyang
                                           bayanngunit di niya ito lubos na
                                           maunawaan. Hanggang sa
                                           nasubukan niyangumibig sa
                                           pamamagitan ni Celia. Ngunit
                                           ang pag-iibigang ito ang
                                           nagbigayng gulo sa kanyang
                                           buhay. Siya ay ipinakulong ng
                                           walang kasalanan atkatarungan
                                           ng kanyang karibal na Espanyol
                                           at may mataas na
katuangkulansa bayan noong panahon ng kastila. At isa itong cacique, doon
niyanaunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng kanyang
mgakababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kanyang tula na “Florante
atLaura”. Ito ang kanyang obra maestro, na nagbubulgar sa mga pang-
aabusoat pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito
aynaglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kanyang bayan, at
mgaaral sa pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal, pag
galangsa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sa
kabayanihan. Atdahil sa tanyag na tula, pinangalanan siyang “Hari ng
Makatang Pilipino.” SiFrancisco Balagtas ay namatay noong Pebrero 20,
1862.
Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang historian), nalimbag ang
unang edisyon ng“Florante at Laura” noong 1838. May 50 taong gulang na si
Francisco Baltasar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman
ang “Kung Sino ang Kumatha ng„Florante‟” ni dalubhasang sa Tagalog na
si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco
Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.
Unang Paglimbag
      Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa
wikang Tagalog at Ingles,subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang
magwakas ang Ikalawang DigmaangPandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito
sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbaglamang ang mga kopya ng
akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel
( papel dearroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay na
ipinagbibili tuwing may misa atmga kapistahan sa halagang 10 centavo
bawat isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ngChicago, Estados Unidos
lamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at1875, kabilang
sa tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa
Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang
kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875. Nalilimbag ang pamagat
ng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay
Paglalarawan
     Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng
Quezonaria , at angnagsasalaysay ay mismong si Florante,habang nakikinig
naman ang muslim na si
 Aladdin.Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante
mula sa sariling karanasan atkasawian ni Francisco Baltasar, sapagkat
nakulong ang huli dahil sa bintang ni MarianoKapule (kaagaw ni Selya) at
kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o
 MAR-ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano Kapule, na isang karibal
sa pag-ibig. Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa piitan.
Florante
=>Si Florante ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ng
mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ay
ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanyang namataan ni
Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang bayan ng kanyang
inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano.
Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay, siya ang
nagsasalaysay. Ito ay isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sa
kanya mula sa mga leon nang siya ay nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo.


Konde Adolfo
=>Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing
kontrabida nito. Anak siya ng Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa
Albanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante sa Atenas kung saan
nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang dalawang
taon, kung saan si Adolfo ang mas matanda. Noong kakarating pa lamang ni
Florante sa Atenas, si Adolfo ang pinakasikat na mag-aaral doon. Ito ay buhat
ng kanyang angking talino at "kabaitan". Ngunit habang tumatagal ang
panahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang kapurihan ni Adolfo. At
dahil dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa isang dula-
dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, at
pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang
gurong si Antenor.


Aladin
=>Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas
ng kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring
umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Si Aladin at Florante ay nagkita
nang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng awit ay isinasalaysay
sa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang pinakamagaling na
mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam ni Florante na ang
kausap niya ay si Aladin, ang kanyang idolo.
      Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya,
siya na ang naging sultan.
Laura
=>Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring Linceo ng
Albanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos
na kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay
Laura sa unang pagkakakita pa lamang.Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa
ni Florante dahil sa kanyang pag-aakala na nililo Laura sa pagpapalit sa
kanya kay Konde Adolfo.


Menandro
=>Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na lumigtas din
ng buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang
tinaga nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa isang dula-dulaan nila
sa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya,
marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang Albanya
nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka.


Flerida
=>Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-
Adab. At sa pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang
isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad
ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal.


Duke Briseo
=>Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang
sariling tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay at
ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang
kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo.


Prinsesa Floresca
=>Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona,
at maaagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas
pabalik ng Albanya.


Antenor
=>Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at
Menandro.


Menalipo
=>Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa
isang buwitreng dadagitin siya sana nang siyang isang sanggol pa lamang
gamit ang kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na
mas matanda kaysa kay Florante.
Konde Sileno
=>Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay
marangal.


Haring Linseo
=>Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Ang
kanyang pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan
tungkol sa pag-uutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upang
gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan ni
Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa Albanyang
nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni Konde
Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono.


Sultan Ali-Adab
=>Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni
Alading si Flerida. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng
kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa
Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida
mula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang
nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako na
hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng kasal; ang
naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang
kailanman ay hindi niya mababalikan.


Osmalik
=>Si Osmalic ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa
ilalim ng utos ni Aladin.


Miramolin
=>Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.


Emir
=> moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura


Heneral Miramolin
=> heneral ng Turkiya


Heneral Abu Bakr
=>Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.
Aralin 1
Kay Selya
     Ang araling ito ay nagsasalaysay at naglalarawan ng isang dalisay
na pag ibig. Ito‟y tungkol sa unang pag-ibig ng may-akda na si Francisco
“Balagtas” Baltazar kay Maria Asuncion Rivera na tinawag niyang Selya.

Iniisip ng may-akda ang mga masasayang nangyari sa kanila ni Selya,
gaya ng walang hanggang pagmamahalan nila sa isa‟t isa, ang larawan ni
Selya na guhit sa sintang pinsel na ito raw ay inilimbag ng kanyang puso‟t
panimdim na kahit kalian ay hindi mananakaw sa kanya at ang mga
masasayang pangyayari sa ilog Beata. Nang matauhan siya sa kanyang
pag-iisip napaiyak siya dahil sa labis na kalungkutan. Marami siyang
tanong sa kanyang sarili na si Selya lamang ang makakasagot nito at
naisip rin niya ang mga masasayang nimfas sa ilog ng Bai at ang mga
sirena na ang mga tinig ay magaganda. Sinabi ni Francisco na kahit
sumakabilang buhay na siya hinahangad parin niya na ang tapat na pag-
ibig ay tumagal. Tinagurian niyang M.A.R. at tinawag na Selya ang
kanyang unang pag-ibig.


Aralin 2

Puno ng Salita
       Ang araling ito ay naglalarawan ng isang gubat at ng isang binatang
lalaki na nakagapos sa isang puno.
Inilarawan ang gubat bilang isang madilim dahil hindi makapasok
ang sinag ng araw dahil sa mga malalaking puno gaya ng higera at sipres.
Ang mga baging naman na namimilipit sa sanga ng kahoy ay puno ng
tinik, may bulo ang mga bunga nito na nagbibigay-sakit kapag itoy kinain.
Ang mga bulaklak sa nagtayong kahoy ay nakikiayon sa nakakahilong
mabahong amoy ng gubat at karamihan sa mga hayop na gumagala rito ay
syerpente at tigre na may masasamang loob. Ang gubat na ito ay malapit
sa pinto ng Aberno Reyno na pinamumunuan ni Pluto na inilarawan
bilang isang masungit at ang kanyang mga nasasakupang lupain ay
dinidiligan niya ng tubig na galing sa ilog Kosito na makamandag ang
tubig.
        Sa gitna ng malungkot na gubat ay may isang lalaking nakatali sa
puno, inilarawan siya bilang isang binatang lalaki na maayos ang tindig
kahit nakatali na ang kamay, paa‟t liig, makinis ang kanyang balat, at ang
kanyang pilik-mata‟t kilay ay parang isang arko.


Aralin 3
Kaliluha’y Hari
     Ang araling ito ay naglalarawan ng kaguluhan na nangyari sa
Albanya at kung ano ang naramdaman ni Florante sa mga pangyayaring
ito.
       Sa gubat na kinalalagyan ni Florante ay walang nakatirang nimfas
o harpyas na mahihingian niya ng tulong, kaya naman kinausap ni
Florante ang Diyos sa pamamagitan ng padadasal. Ang kanyang mga
hinaing ay tungkol sa mga taong masasama at mabubuti ang loob na
nakatira sa Albanya at tungkol sa ibang bandila na iwinawagayway sa
Albanya. Tinanong niya ang Diyos kung bakit ang mga masasamang tao
ang nakakaranas ng tagumpay at ang mga mabubuting tao naman ang
nakakaranas ng kamalasan. Sa galit ni Florante nasisi niya ang Diyos sa
lahat ng mga nangyayari sa Albanya, kung bakit raw ito pinababayaang
mangyari. Alam niya na ang nais ni Konde Adlofo ay ang korona ni
Haring Linseo at sabugan ng sama ang Albanya. Kaya naman hiniling ni
Florante mula sa makapangyarihang kamay ng Diyos na itapon ang
kanyang galit sa mga taong may masasamang loob na nakatira sa Albanya
at natanong rin niya kung bakit raw bingi ang kalangitan sa anyang mga
sinasabi at kung bakit hindi siya makaranas ng tagumpay sa buhay.
Aralin 4
Ang Panibugo
      Ang araling ito ay tungkol sa pagseselos ni Florante kay Konde
Adolfo dahil nasa sinapupunan ni Konde Adolfo si Laura Sinabi ni Florante
sa Diyos na kung gusto niya talaga na siya‟y magdusa may hihilingin
lamang siyang isang bagay, at iyon ay ipaalala kay Laura na may Florante
pang nagmamahal sa kanya na nasa gitna ng sakit at pagdurusa. Si Laura
na lamang ang tanging taong natitira kay Florante ngunit sa kasamaang
palad nasa ibang kandungan na ito. Nahimatay si Florante dahil sa sakit
na kanyang nararamdaman, halos ang kanyang katawan ay puno ng sakit
at pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay tiyak
na maaawa ito. Ang gubat na madilim at malungkot ay nasasabugan ng
libu-libong mga sakit at pagdurusa, na inuulit pa niyang sabihin at
isinisigaw na bakit raw nagtaksil si Laura sa kanya na tapat naman ang
kanyang hangarin at sumumpa raw si Laura sa harap ng langit na hindi
magtataksil sa kanyang pag-ibig kaya ibinigay rin niya ang kanyang pag-
ibig dahil wala sa isip niya na pagtataksilan siya ni Laura.

Aralin 5
Halina, Laura Ko
        Ang araling ito ay tungkol sa pangungulila ni Florante kay Laura!
Ang sabi ni Florante ay katiwala at kasintahan siya ni Laura, hindi raw
niya akalain na sasayangin lamang ni Laura ang maraming luha na inalay
nito para sa kanya at tinagurian pa siya nito ng “giliw” dahil si Florante
ang lunas ng mga sakit na nararanasan ni Laura. Kapag umaalis o
inuutusan si Florante ni Haring Linseo na pumunta sa ibang siyudad ay
umiiyak si Laura, kapag tinatahi ni Laura ang plumahe ni Florante ay
parang korales ang kanyang mga daliri, takot si Laura na masugatan si
Florante sa pakikipaglaban, ang baluti‟t koleto ay hindi pinapayagan ni
Laura na madampi‟t malapit sa katawan ni Florante hangga‟t hindi niya
nasisigurong wala na itong kalawang, pinahihiyasan ni Laura ang turbante
ni Florante ng perlas, topasyo‟t maningning na rubi, kapag hindi pa
dumadating si Florante galing sa ibang siyudad o kahit saan ay hindi
mapalagay si Laura dahil akala ni Laura na nasugatan siya at kung may
galos lang si Florante sa balat ay labis na ang pag-aalala ni Laura rito at
hindi naniniwala si Laura sa isang bagay kapag hindi pa niya ito nasusuri.
        Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ni Florante habang siya‟y
nakatali sa puno. Si Laura na lamang ang natitirang magpapaligaya kay
Florante ngunit nasa ibang kandungan na ito at ang kanyang lungkot ay
umalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matinding pagseselos at
sakit na nararamdaman ay nahimatay siya.
Aralin 6
Ang Pagdating ni Aladin sa Gubat
       Ang araling ito ay naglalarawan ng isang lalaking gerero na
pumunta sa gubat upang makalimutan ang masasakit na nangyari tungkol
sa kanyang pag-ibig.
       Nang dumating ang isang gererong lalaki sa gubat na nakasuot ng
putong na turbante na kahanga-hanga at ito ang pananamit ng mga Moro
sa siyudad ng Persya. Huminto siya sa kanyang paglalakad at tumingin
siya sa kanyang paligid upang humanap ng mapapahingahan at may
nakita siyang isang bubong ng kahoy. Umupo siya sa puno ng isang kahoy
at doon siya‟y umiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang
kaliwang kamay at tinutop niya ang kanyang noo sa kanan. Tumagilid
siya, nagwalang-bahala, tumigil siya sa kanyang pag-iyak at sinabi niya na
ang tuwa na nararamdaman niya tungkol kay Flerida ay wala na dahil
inagaw na ito ng kanyang ama. Ang sabi pa niya kung hindi raw ang
kanyang ama ang umagaw kay Flerida malamang nakikipaglaban na siya
ngayon upang ipaglaban ang kanyang mahal ngunit sa di sinasadyang
pagkakataon ang ama niya ang umagaw kaya dapat niya itong igalang at
inihambing pa siya kay Marte. Sinabi rin niya na talagang
makapangyarihan ang pag-ibig dahil kahit anong panganib ang
makakaharap, ito‟y hahamakin para lamang sa minamahal.
Aralin 7
Duke Briseo: Amang Mapagmahal

        Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano walang awang
pinatay ang ama ni Florante at narinig ito ng gerero habang isinasalaysay
niya ito.
Nang makarinig ang gerero ng iyak ni Florante, siya‟y namangha kaya
naman sinundan niya kung saan nanggagaling ang boses ng nagsasalita at
dumating siya sa pinanggagalingan ng boses at narinig niya si Florante na
umiiyak dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pira-pirasong pinatay ang
kanyang ama ni Konde Adolfo. Ang sabi pa ni Florante ang mga kaibigan
ng kanyang ama ay nahati sa dalawang parte, may kumampi sa masama
at may kumampi sa mabuti ngunit walang magawa ang mga kaibigan
niyang hindi bumaliktad sa kanya dahil mapaparusahan lamang sila kapag
lumapit sa pira-pirasong katawan ng kanyang ama at hindi man lamang
siya nabigyan ng maayos na libing at sabi pa ni Florante na ninanais pa ng
kanyang ama na matabunan siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan at
ng hindi mahulog sa kamay ni Konde Adolfo na higit pa sa halimaw ang
ugali. Para kay Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil kahit
sa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan parin ng kanyang anak ang
iniisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat
ng tuwa na kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya.
Aralin 8
Ang Morong Nakikinig

       Ang araling ito ay tungkol sa isang gererong naghahanap ng tunay

na kalinga at pagmamahal ng isang ama.

       Nang mapakinggan ni Aladin ang mga daing ni Florante ay agad

niyang naisip ang kanyang ama at hindi niya napigilang umiyak. Parang

ikinukumpara ni Aladin ang kanyang ama sa ama ni Florante kung paano

ito mag aruga ng isang anak. Ang ama ni Aladin ay kilala niya bilang

isang sakim at makasariling ama. Inagaw nito ang kanyang kasintahan at

nais ng kanyang ama na lumubog siya sa dusa at siya‟y mamatay.

Namatay ang kanyang ina ng siya‟y isinilang kaya naman ang kanyang

ama nalang ang nagpalaki sa kanya, ngunit ang pagpapalaki nitoay

pawing dusa at sakit ang kanyang nararamdaman.
Aralin 9
O, Laura
Nang matauhan si Aladin sa kanyang pag-iisip sa kanyang ama,
narinig niya ang muling pananambitan ni Florante at ito‟y tungkol kay
Laura. Nagpapaalam siya at sinabi niyang kahit siya‟y sumakabilang
buhay na mamahalin niya parin si Laura. Hindi pa natapos ni Florante
ang pangungusap na ito ay may dalawang leon ng papunta sa kanya at ng
nasa harapan na niya ito, ito‟y tumigil at mukhang naawa sa kanyang
kalagayan. Nagpaalam si Florante sa Albanyang pinaglingkuran niya na
ngayon ay pinamamayanan na ng kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan.
Bata pa lamang si Florante nais na niyang paglingkuran ang bayan ng
Albanya. Sa kabila ng lahat ng ito nagpapasalamat parin si Florante dahil
sa Albanya niya nakilala ang kanyang magiging kasintahan ngunit sa di
inaasahan si Laura ay nagtaksil sa kanya.
Nasa harapan na ni Florante ang papatay sa kanya at mamamatay raw
siya na hindi kapiling si Laura at iyon ang pinakamasakit na pangyayari
sa kanyang buhay. Umiyak si Florante dahil hindi na niya nakayanan ang
sakit na kanyang nararamdaman, narinig ng gerero ang lahat ng
pananambitan ni Florante na nakakatakot kaya naman tinunton ni Aladin
kung nasaan nanggagaling ang boses na kanyang naririnig. Nang malapit
na si Aladin kung saan nandoon si Florante ay nakita niya ang matibay na
pagkakatali nito sa puno at bigla siyang umiyak dahil sa awa. Nais ng
silain ng mgaleon si Florante ngunit naabutan ito ni Aladin at inusig niya
ng taga ang dalawang mababangis na leon at namatay ito.
Aralin 10
Ang Pakikipaglaban ni Aladin sa Dalawang Leon
Nang magtagumpay si Aladin sa pagpatay sa dalawang leon,
kinalagan niya kaagad si Florante at siya‟y umiiyak habang kinakalagan
niya ito. Nakita ni Aladin ang dugo na nunukal sa gitgit dahil sa
pagkakatali nito sa puno. Ang ginawa ni Aladin ay inalalyan niya si
Florante upang maiupo at kinalong niya ito. Sa pagtitig ni Aladin kay
Florante habang ito‟y natutulog, si Florante ay biglang gumising at
hinahanap si Laura at bumalik ito sa pagkakatulog. Natakot si Aladin na
sagutin si Florante kaya pinabayaan niya na lamang ito. Nang muling
gumising si Florante nakita niya ang isang lalaki na nakadamit pang Moro
at siya‟y nabigla, nais sana niyang ilayo ang kanyang katawan kay Aladin
ngunit hindi niya ito nagawa dahil mahina pa siya. Sinabi niya kay
Florante na ang baya‟t sekta nila ay magkaaway ngunit sa pangyayaring
ito ay dapat silang maging magkaibigan at sinabi rin niya na siya ay tao
lamang na sumusunod rin s autos o batas ng langit kaya naman tinulungan
niya si Florante. Nagbuntung-hininga si Florante at sinisi niya si Aladin
kung bakit siya nito kinalag sa puno hindi sana ngayon ay payapa na ang
kanyang buhay sa loob ng tiyan ng leon dahil mas hinahangad pa ni
Florante na mamatay na lamang siya kaya. Hindi napigilan ni Aladin ang
umiyak sa mga pinagsasabi ni Florante.
Aralin 11
Ang Pag-aaruga ni Aladin kay Florante
      Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano inalagaan ni Aladin
si Florante hanggang sa ito‟y gumaling at ikinuwento ni Florante ang
kanyang pagkabata.
Nang mapansin ni Aladin na gumagabi na sa gubat humanap siya
ng lugar upang doon alagaan si Florante at sa unang hinintuan niyang
dako ay may nakita siyang isang malapad at makinis na bato at doon niya
hiniga si Florante. Kumuha siya ng kanyang kunting baon upang kumain
at inalok niya si Florante nito, sa una ito‟y umayaw ngunit hindi naglaon
ito‟y tinanggap rin. Naluwag-luwagan ang kanilang paghihinagpis at
nabawasan ang pagkagutom. Nakatulog si Florante sa sinapupunan ni
Aladin at hindi natulog si Aladin dahil siya‟y natatakot na baka makagat
si Florante ng mga masasamang hayop na gumagala sa gubat at kapag
nagigising si Florante parang natatakot si Aladin baka may masama ng
nangyari rito. Nang magmamadaling-araw ay nahimbing at munting
napayapa sa dalang mga problema hanggang nagumaga ay walang
binitawang hinagpis at daing si Florante. Lumakas na muli ang katawan ni
Florante at dahil sa tuwa ni Aladin ay napayakap siya kay Florante.
Tinanong ni Aladin si Florante tungkol sa buhay niya at sinabi ni Florante
na ang buhay niya ay puno ng dusa at sakit! Sinabi niya kay Aladin na
sana sa Krotona na lamang siya lumaki at hindi nalang sa Albanya, ang
ama raw niyang si Duke Briseo ay ang tanungan ni Haring Linseo sa
anumang bagay at ito ang pangalawang puno sa sangkaharian, mabait ang
kanyang ama at sa katapangan ay siya ang pang-ulo sa siyudad ng
Albanya. Ang sabi ni Florante walang mahahalagang nangyari sa kanyang
buhay ng siya‟y musmos pa lamang, sabi ng kanyang ina ng siya raw ay
natutulog sa bahay nila na malapit sa bundok pumasok ang isang ibong
pang-amoy ay abot hanggang tatlong legwas sa patay na hayop, mabuti
nalang at dumating ang pinsan ng kanyang ina na si Menalipo at pinana
niya ang ibon at ito‟y namatay. Nang si Florante ay naglalaro sa salas may
isang alko na kinuha ang kupidong diyamante sa dibdib niya at ng
tumuntong siya sa siyam na taon, parati siyang naglalaro sa burol dahil
parati siyang namamana ng ibon. Sa tuwing umaga bago lumalabas ang
masayang sinag ng araw ang kanyang libangan ay sa tabi ng gubat a
hanggang sa tingal-in ng ang sinag ng araw na hindi matitigan ay
sinasagap niya ang kaligayahang handog ng hindi maramot na parang.
                            Aralin 12
Kabataan ni Florante
       Ang araling ito ay tungkol sa mga bagay na ginagawa ni Florante
ng siya‟y bata pa lamang.
Nakatira si Florante sa Krotona na isang malayang bata na
nagagawa kung ano ang gusto niyang gawin, gaya ng, mamana ng mga
ibon o pumatay ng mga hayop. Ang sabi niya kay Aladin kapag may
nakita raw siyang hayop na tinitingala niyang malapit sa bundok, bigla
raw niyang ibibinit ang pana sa busog sa minsang tudla niya ay pilit na
matutuhog at kapag napatay na niya ay mag-uunahang makarampot ang
kanyang mga kasama at kapag nakakapatay raw siya ay halos hindi
masukat ang kanyang kaligayahan. Natutunan niya sa kanyang ama na
hindi nararapat palakihin ang isang bata na laki sa layaw at puro
kaligayahan ang natatamasa dahil kapag dumating ang panahon na
darating sa kanyang buhay ang kasawian at kalungkutan ay hindi niya ito
malulutas dahil siya‟y nasanay sa kaligayahan. Sa lagay na ito ipinadala
siya ng kanyang ama sa Atenas at ito ang dahilan ng pag-iyak ng kanyang
ina. Sa Atenas ang nagging maestro niya ay si Antenor, lahi ng mga
Pitako, ito‟y mabait at marunong na isang maestro.
Aralin 13
Nahubdan ng Balatkayo


       Isang buwan na hindi kumain si Florante at parating umiiyak
simula ng siya‟y ipinadala ng kanyang ama sa Atenas at hindi nagtagal
napayapa siya dahil sa pag-aliw ng kanyang maestrong si Antenor. May
nadatnan siyang isang batang madlang nag-aaral at iyon ay si Adolfo ang
anak ng isang marangal na si Konde Sileno. Labing dalawang taon na si
Adolfo‟t si Florante naman ay labing isa pa lamang. Kilala si Adolfo bilang
isang mahinhin ang kanyang ugali ay hindi magaslaw, kung lumakad ito‟y
laging patungo at mabinining mangusap at walang katalo, lapastanganin
man siya ay hindi siya nabubuyo. Siya ang huwaran ng kanyang mga
kaklase sa kabaitan. Sinabi rin ni Florante na ang katalasan ng kanyang
maestrong si Antenor ay hindi mabatid ang lalim na lihim ni Adolfo at
sinabi rin ni Florante na ang sabi ng kanyang ama na ang bait na hindi
paimbabaw ito‟y namumunga ng kaligayahan. Sa madaling salita mabigat
ang loob ni lorante kay Adolfo at alam niyang ganoon din ang
nararamdaman ni Adolfo sa kanya.
Isang araw natarok ang kaalaman ni Florante ang lalim ng
pilosopiya, natutunanrin niya ang astrolohiya at ang matimatika. Ang
pagkatuto raw niya ay parang isang himala si Adolfo raw ay naiwan sa
gitna at ang maingay na tagapamalita sa buong Atenas ay gumagala-gala.
Siya na ang usap-usapan mapabata man o mapatanda ay nakatalastas ng
pangalan ni Florante. Nahalata si Adolfo na nagbabalatkayo lamang ng
dumating ang araw ng pagkakatuwaan ng mga mag-aaral na nagbibinata,
iba‟t iang laro ang kanilang nisipan at sinukat nila ang galling sa sayawan
na naaayon sa musika‟t awit na mapakikinggan. May laro ring buno‟t
arnis na kinaitaan ito ng kanilang liksi‟t karunungan.
Aralin 14
Nasalag ang Dagok
       Ang araling ito ay tungkol sa ipinalabas na trahedya nina Florante.
Si Florante ay gaganap bilang si Etyokles ang magiging kapatid ni Polinese
at anak nina Edipo at Yokasta at si Adolfo naman ay gaganap bilang si
Polinese ang anak nina Edipo at Yokasta at kapatid ni Etyokles. Nang
isinasadula na nila ang kwento, iba ang mga pinagsasabi ni Adolfo sa
kanya ay wala ito sa orihinal. Sinabihan siya ni Adolfo na inagaw raw
niya ang kapurihan na dapat ay nasa kanya at sinabi rin niya na dapat
lng mamatay si Florante kaya inilabas ni Adolfo ang knyang dalang
patalim at balak saksakin si Florante, sa kanyang kakailag iya‟y natumba
buti nalang t nailigts siya ni Menandro, ang kanyang kaibigan. Pagkatapos
ng pangyayaring ito hindi na nila nakita si Adolfo. Naging Isang taon pa
ang pamamalagi niya sa Atenas at pinadalhan siya ng sulat ng kanyang
ama upang ipaalam na namatay ang kanyang ina. Labis ang sakit na
naramdaman ni Florante, dalawang oras siyang nawalan ng malay ng
mabasa niya ang liham na ipinadala ng kanyang ama. Nang siya‟y
magkamalay naisip niya agad ang sakit at ang kanyang dalawang mata‟y
hindi mapigil sa pag-iyak at sabi pa niya na noong malaman niya na
namatay ang kanyang ina ay pakiramdam niya pasan niya ang buong
sandaigdigan at nag-iisa lamang siya sa gitna ng lumbay kaya naman ang
ginawa ng kanyang maestroy inaliw siya nito
Aralin 15
Ang mga Habilin ni Antenor kay Florante


       Ang araling ito ay tungkol sa mga habilin ni Anteno kay Florante
papunta sa Albanya.
Dalawang buwang hindi nakatikim ng ligaya‟t aliw si Florante sa Atenas
simula ng malaman niyang namatay ang kanyang ina. Dumating ang
ikalawang sulat ng kanyang ama at ng sabi rito ay pauuwiin na siya sa
Albanya at nagpaalam siya sa kanyang maestrong si Antenor. May
hinabilin sa kanya si Antenor bago siya umalis. Dapat raw siyang mag-
ingat sa handa na patibong ni Adolfo at kung ang isalubong raw kay
florante ay masayang mukha , mas lalo raw siyang mag-ingat at wag
magpapahalata na alam ang nasa ni Adolfo upang makapaghanda siya sa
araw ng digma. Hindi niya napigilan ang umiyak ay niyakap siya nito ng
mahigpit at ang huling tagubilin ng kayang maestro sa kanya ay dapat
raw niyang tiisin ang mga problemang naghihintay sa kanyang pagdating
sa Albanya. Naghiwalay sila ng kaniyang mga kaklase at si Menandro ay
labis ang pagdaralita kaya naman ng magyakapann ang dalawang
magkaibigan ay hindi na nila binitawan ang isa‟t isa kaya tinulutan na
lamang ni Antenor na sumama si Menandro kay Florante patungo sa
Albanya at silay umalis na. Nang makaraling na sila sa Albanya
sinalubong siya ng kanyang ama at nagbatian silang dalawa, nadagdagan
ang sakit na naramdaman ni Florante dahil sa kalagayan ng kanyang ama.


Aralin 16
Ang Heneral ng Hukbo
       Nagpadala ng sulat ang lolo ni Florante na ang Krotona ay
kinubkob ng mga Moro na pinamumunuan ni Heneral Osmalik ng Persya,
ayon sa balita ay pangalawa ito ng prinsipeng kilala sa buong mundo. Si
Aladin na hinahangaang kababayan ni Florante. Napangiti si Aladin at
sinabi niya na bihira lang raw ang totoong pagbaybay ng balita at kung
magkatotoo raw ito ay marami ang dagdag, madalas raw kilala ang isang
tao na matapang kung ang kalaban ay takot sa kanya at sinabi rin ni
Aladin na katulad lang sila ng nararamdaman ni Florante ng sakit tungkol
sa kanilang pag-ibig. Singot siya ni Florante na hindi nararapat matulad
ang isnag gerero sa tulad niyang api at sa kaaway may hindi niya raw ito
ninanais sa laki raw ng dusa na kanyang natatamasa.
Humarap si Duke Briseo kay Haring Linseo upang ipakilala ang
kanyang anak na si Florante at ng makilala niya ito namangha ang hari at
niyakap niya si Florante. Ginawa siyang heneral sa isang hukbo na dadalo
sa bayan ng Krotona na sinakop ng mga Moro. Kahit labag sa kalooban ng
kanyang ama ay pumayag na lamang ito at siya‟y walang sagot na naisabi
kundi yakapin na lamang ang kanyang magiging kapalaran sa bayan ng
Albanya.
                          Aralin 17
Patay o Himala

      Isinalaysay ni Florante kay Aladin kung paano sila nagkakilala ni

Laura. Nagkakilala sila ni Laura ng siya‟y inimbitahan ni Haring Linseo sa

palasyo tungkol sa hukbo na kanyang pamumunuan. Nakilala niya ang

isang napakagandang dilag roon at nagkwentuhan sila sa kanilang mga

buhay. Sinabi ni Florante na kung hindi siya inimbitahan ni Haring Linseo

na pumunta sa palasyo hindi niya makikilala si Laura at hindi siya

masasaktan. Hindi niya akalain na pagtataksilan siya ni Laura at naisip

niya na kung gaano ka kataas ang pagkadakila ito rin ang paglagapak

kung mararapa, sinabi rin niya na inagaw raw ni Aladin ang isang gawain

na nararapat ang ina niya ang gumawa ngunit sa kadahilanang sawi siya

sa lahat ng bagay. Namatay ang kanyang ina na sa kaunting panahon

lamang niya ito nakapiling at pinagtaksilan siya ng kanyang

pinakamamahal na babaeng si Laura. Tatlong araw na pinigingan ng hari

ng palasyo real si Florante.
Aralin 18
Perlas sa Mata‟y Nunukal
Sa araling ito natikman ni Florante ang lalong dalamhati at ito‟y

higit pa raw sa naunang dalitang tiniis at pinasinungalingan niya ng lahat

ng sakit dahilan lamang sa pag-ibig. Kinabukasan bago umalis ang hukbo ni

Florante papuntang Krotona nakausap niya si Laura at sinabihan niya ito

ng mga matatamis na salita nag buntong-hininga, luha at himutok ang

matinding naramdaman ni Florante. Kahit hindi siya sinagot ni Laura ng

matamis na oo may mababaon parin siya sa kanyang pakikipaglaban ang

hiyang perlas na sa mata‟y tumulo. Dumating na ang araw ng pag-alis ni

Florante papuntang Krotona at maraming tanong ang nais ni Florante na

masagot bago siya umalis tungkol kay Laura.

       Dumating na ang hukbo ni Florante sa bayan ng Krotona at doon

naglaban ang dalawang kampo at ito‟y umabot ng limang oras hanggang sa

mapagod si Heneral Osmalik at ng mapatay ni Florante si Heneral Osmalik

ay parang nagluksa ang langit.
Aralin 19
Krotona‟y Nagdiwang

       Nang matalo ni Florante si Heneral Osmalik pumunta sila sa palsyo

real at doon sinalubong sila ng kanyang lolo at mga mamamayan ng

Krotona. Malaki ang pasasalamat ng mga mamamayan kay Florante dahil

ang bayan raw nila ngayon ay muling nabuksan at ballot na balot ito ng

kaligayahan. Nagsiakyat sila Florante sa palasyo real upang magpahinga.

Tatlong araw na hindi natulog ang mga tao sa Krotona dahil sa kanilang

hindi mapantayang ligaya. Sa ligaya raw nila ng kanyang nunong hari

nakipagitan roon ang pagkamatay ng kanyang ina ay naungkat muli, kaya

dn naniwala ang batang loob ni Florante na sa mundo‟y walang lubos na

katuwaan dahil sa minsang ligayang nararamdaman may mga problema

parin ang mapagdadaanan. Limang buwang nanatili si Florante sa

Krotona at nagpilit bumalik sa Albanya. Sa kanilang paglalakad parang

hindi siya mapalagay, parang nais na niyang makarating agad sa

Albanya.
Aralin 20
O, Sintang Florante
      Nang dumating ang hukbo ni Florante sa bayan ng Albanya, nakita
nila ang pulutong ng mga Moro. May nakita siyang isang binibini na nasa
kamay ng mga Moro at ito‟y nakagapos at pakiramdam nila ito‟y
pupugutan ng ulo. Ang puso ni Florante ay lalung naipit ng lumbay dahil
nangangamba siya na ito‟y si Laura. Hindi niya napigilan ang kanyang
galit na nararamdaman at agad nilang nilusob ang mga Moro ang ibang
Moro ay tumakbo kaya ng wala na siyang mapagbubuntungang galit inalis
niya ang takip sa mukha ng isang binibini at tama nga ang kanyang hinala
na ito‟y si Laura. Kaya raw ito pupugutan ng ulo dahil hindi tinanggap ni
Laura ang pag-ibig na alay ni Emir, kaya ng magtangkang gahasain ni
Emir si Laura ay sinampal niya ito. Kinalag niya ang gapos na lubid sa
kamay ni Laura at nahihiya pa siyang madampian ang magandang balat
nito. Dito nakatanggap ng lunas ng pag-ibig si Florante ng titigan siya ni
Laura at banggitin ang kanyang pangalan. Nang malaman niyang ang
Haring Linseo at ang kanyang ama ay nasa kulungan agad siyang
pumunta sa bilangguan ng reyno at nakita niya roon si Haring Linseo, ang
kanyang ama at si Adolfo. Hindi masukat ang kaligayahan ng Hari at ng
kanyang ama sa kanyang natamong tagumpay habang si Adolfo naman ay
nagdadalamhati sa tagumpay na nakamit ni Florante. Ang pangimbulo ni
Adolfo kay Florante ay lalung lumala ng tawagin si Floranteng
tagapagligtas ng siyudad ng Krotona at ipinagdiwang pa ito ng matataas
na hari sa palasyo real.

Aralin 21
Silu-Silong Sakit
Hindi dumating ng ilang buwan ang kasiyahan na natatamasa ng

Albanya dahil may isang dumating na isang hukbong maninira na taga-

Turkiya. Ang panganib at pag-iiyakan ay bumalik sa bayan ng Albanya

lalung-lalo na kay Laura na natatakot na baka mapahamak si Florante. Sa

kadahilanang inutusan siya ni Haring Linseo at siya ang napiling maging

pinuno ng hukbo, hindi niya ito dapat suwayin. Natalo ni Florante ang

hukbo ni Miramolin sa Etolya at nakatanggap ng sulat si Aldin na galling

sa kanyang ama na siya‟y pinapabalik kaagad sa ALbanya. Gabi na ng

dumating si Florante sa Albanya at pumasok kaagad siya sa Reyno at

nahulog siya sa patibong na inihanda ni Adolfo. Nalaman rin ni Florante

na pinatay ni Adolfo si haring Linseo at ang kanyang ama at ang

pinakamasakit pa nito ay ikakasal na si Laura kay Adolfo. Sa

pagkabilanggo niya ng labingwalong araw naiinip si Florante sa kanyang

kamatayan at gabi na noong dinala siya sa gubat at iginapos siya sa isang

napakalaking puno upang doon ay makagat ng mga gumagalang hayop.
Aralin 22
Kawawang Aladin

      Pagkatapos magsalaysay ni Florante, si Aladin naman ang

nagkuwento tungkol sa kanyang buhay. Sinabi niyang ang kanyang

sariling ama ang nakaagaw niya sa pag-ibig kay Flerida. Binalak siyang

papugutan ng ulo ng kanyang ama dahil sa pag-iwan sa hukbo habang

nakikipagdigma sa Albanya. Pumayag si Flerida na pakasal kay Sultan

Ali-Adab upang hindi mapatay si Aladin kung kaya‟t pinaalis na lamang

siya ng kaharian at hindi na maaaring bumalik sa Persya.

Aralin 23
Hatinggabing Kadiliman
Habang nag-uusap sina Florante at Aladin ay may narinig silang
dalawang babaing nag-uusap. Nakita nilang sina Laura at Flerida pala ang
naririnig nilang nag-uusap. Nalaman nilang si Flerida ay tumakas sa
pamamagitan ng pagsusuot ng damit gerero dahil hindi niya maatim na
pakasalan ang ama ng kanyang tunay na iniibig. Samantalang si Laura
naman ay hindi tinanggap ang alok na pagmamahal ni Adolfo kaya‟t
dinala siya nito sa gubat upang pagsamantalahan subalit dumating si
Flerida at siya‟y iniligtas.
        Naging maligaya ang apat lalo na si Florante dahil napag-alaman
nitong hindi nagtaksil sa kanya si Laura. Lalo silang natuwa nang
dumating si Menandro at ibinalita na nabawi na nila ang Albanya.
        Umuwi ang apat sa Albanya na maligayang-maligaya.
Nagpabinyag sina Aladin at Flerida sa Kristiyanismo at nagpakasal.
Maging sina Florante at laura ay pinag-isang dibdib at sila‟y naging hari at
reyna ng Albanya. Muling nagbalik sina Aladin at Flerida sa Persya at
namuno sa kanilang kaharian.


                           ~wakas ng awit~

Isinilang si francisco

  • 1.
    Isinilang si FranciscoBalagtas sa Panginay, Bigaa (ngayo‟s Balagtas),Bulacan noong Abril 12, 1788. Ang mga magulang niya ay sina JuanBalagtas at Juana de la Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco Baltazar o Kikong Balagtas. Ang kanyang asawa ay si Juana Tiambeng taga Orion,Bataan at nagkaroon ng pitong anak.Bata pa si Kikong Balagtas as mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng mgadahon ang awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara and mga bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kanyangama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kanya ay inihambingniya sa musika.Sa murang idad, hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mgaEspanyol sa mga kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sanararamdaman na may hindi magandang nangyayari sa kanyang bayanngunit di niya ito lubos na maunawaan. Hanggang sa nasubukan niyangumibig sa pamamagitan ni Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito ang nagbigayng gulo sa kanyang buhay. Siya ay ipinakulong ng walang kasalanan atkatarungan ng kanyang karibal na Espanyol at may mataas na katuangkulansa bayan noong panahon ng kastila. At isa itong cacique, doon niyanaunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng kanyang mgakababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kanyang tula na “Florante atLaura”. Ito ang kanyang obra maestro, na nagbubulgar sa mga pang- aabusoat pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito aynaglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari sa kanyang bayan, at mgaaral sa pang-araw-araw ng buhay sa katarungan, sa pagmamahal, pag galangsa mga nakakatanda, sa sipag at tiyaga sa disiplina at sa kabayanihan. Atdahil sa tanyag na tula, pinangalanan siyang “Hari ng Makatang Pilipino.” SiFrancisco Balagtas ay namatay noong Pebrero 20, 1862.
  • 3.
    Ayon sa kayEpifanio de los Santos (isang historian), nalimbag ang unang edisyon ng“Florante at Laura” noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng„Florante‟” ni dalubhasang sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli. Unang Paglimbag Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang Tagalog at Ingles,subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas ang Ikalawang DigmaangPandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong ika-19 dantaon, nalimbaglamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel ( papel dearroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may misa atmga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ngChicago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at1875, kabilang sa tinatawag na Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong 1875. Nalilimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay Paglalarawan Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Quezonaria , at angnagsasalaysay ay mismong si Florante,habang nakikinig naman ang muslim na si Aladdin.Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante mula sa sariling karanasan atkasawian ni Francisco Baltasar, sapagkat nakulong ang huli dahil sa bintang ni MarianoKapule (kaagaw ni Selya) at kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR-ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano Kapule, na isang karibal sa pag-ibig. Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa piitan.
  • 4.
    Florante =>Si Florante angpangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ng mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanyang namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano. Mula sa kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay, siya ang nagsasalaysay. Ito ay isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sa kanya mula sa mga leon nang siya ay nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo. Konde Adolfo =>Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing kontrabida nito. Anak siya ng Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante sa Atenas kung saan nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang dalawang taon, kung saan si Adolfo ang mas matanda. Noong kakarating pa lamang ni Florante sa Atenas, si Adolfo ang pinakasikat na mag-aaral doon. Ito ay buhat ng kanyang angking talino at "kabaitan". Ngunit habang tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang kapurihan ni Adolfo. At dahil dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa isang dula- dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang gurong si Antenor. Aladin =>Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Si Aladin at Florante ay nagkita nang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng awit ay isinasalaysay sa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang pinakamagaling na mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam ni Florante na ang kausap niya ay si Aladin, ang kanyang idolo. Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya, siya na ang naging sultan.
  • 5.
    Laura =>Si Laura angminamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring Linceo ng Albanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos na kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa lamang.Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag-aakala na nililo Laura sa pagpapalit sa kanya kay Konde Adolfo. Menandro =>Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na lumigtas din ng buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang Albanya nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka. Flerida =>Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali- Adab. At sa pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal. Duke Briseo =>Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo. Prinsesa Floresca =>Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at maaagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya. Antenor =>Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at Menandro. Menalipo =>Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa isang buwitreng dadagitin siya sana nang siyang isang sanggol pa lamang gamit ang kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na mas matanda kaysa kay Florante.
  • 6.
    Konde Sileno =>Si KondeSileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay marangal. Haring Linseo =>Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Ang kanyang pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-uutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan ni Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono. Sultan Ali-Adab =>Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida mula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng kasal; ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang kailanman ay hindi niya mababalikan. Osmalik =>Si Osmalic ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos ni Aladin. Miramolin =>Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya. Emir => moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura Heneral Miramolin => heneral ng Turkiya Heneral Abu Bakr =>Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.
  • 7.
    Aralin 1 Kay Selya Ang araling ito ay nagsasalaysay at naglalarawan ng isang dalisay na pag ibig. Ito‟y tungkol sa unang pag-ibig ng may-akda na si Francisco “Balagtas” Baltazar kay Maria Asuncion Rivera na tinawag niyang Selya. Iniisip ng may-akda ang mga masasayang nangyari sa kanila ni Selya, gaya ng walang hanggang pagmamahalan nila sa isa‟t isa, ang larawan ni Selya na guhit sa sintang pinsel na ito raw ay inilimbag ng kanyang puso‟t panimdim na kahit kalian ay hindi mananakaw sa kanya at ang mga masasayang pangyayari sa ilog Beata. Nang matauhan siya sa kanyang pag-iisip napaiyak siya dahil sa labis na kalungkutan. Marami siyang tanong sa kanyang sarili na si Selya lamang ang makakasagot nito at naisip rin niya ang mga masasayang nimfas sa ilog ng Bai at ang mga sirena na ang mga tinig ay magaganda. Sinabi ni Francisco na kahit sumakabilang buhay na siya hinahangad parin niya na ang tapat na pag- ibig ay tumagal. Tinagurian niyang M.A.R. at tinawag na Selya ang kanyang unang pag-ibig. Aralin 2 Puno ng Salita Ang araling ito ay naglalarawan ng isang gubat at ng isang binatang lalaki na nakagapos sa isang puno.
  • 8.
    Inilarawan ang gubatbilang isang madilim dahil hindi makapasok ang sinag ng araw dahil sa mga malalaking puno gaya ng higera at sipres. Ang mga baging naman na namimilipit sa sanga ng kahoy ay puno ng tinik, may bulo ang mga bunga nito na nagbibigay-sakit kapag itoy kinain. Ang mga bulaklak sa nagtayong kahoy ay nakikiayon sa nakakahilong mabahong amoy ng gubat at karamihan sa mga hayop na gumagala rito ay syerpente at tigre na may masasamang loob. Ang gubat na ito ay malapit sa pinto ng Aberno Reyno na pinamumunuan ni Pluto na inilarawan bilang isang masungit at ang kanyang mga nasasakupang lupain ay dinidiligan niya ng tubig na galing sa ilog Kosito na makamandag ang tubig. Sa gitna ng malungkot na gubat ay may isang lalaking nakatali sa puno, inilarawan siya bilang isang binatang lalaki na maayos ang tindig kahit nakatali na ang kamay, paa‟t liig, makinis ang kanyang balat, at ang kanyang pilik-mata‟t kilay ay parang isang arko. Aralin 3 Kaliluha’y Hari Ang araling ito ay naglalarawan ng kaguluhan na nangyari sa Albanya at kung ano ang naramdaman ni Florante sa mga pangyayaring ito. Sa gubat na kinalalagyan ni Florante ay walang nakatirang nimfas o harpyas na mahihingian niya ng tulong, kaya naman kinausap ni Florante ang Diyos sa pamamagitan ng padadasal. Ang kanyang mga hinaing ay tungkol sa mga taong masasama at mabubuti ang loob na nakatira sa Albanya at tungkol sa ibang bandila na iwinawagayway sa Albanya. Tinanong niya ang Diyos kung bakit ang mga masasamang tao ang nakakaranas ng tagumpay at ang mga mabubuting tao naman ang nakakaranas ng kamalasan. Sa galit ni Florante nasisi niya ang Diyos sa lahat ng mga nangyayari sa Albanya, kung bakit raw ito pinababayaang mangyari. Alam niya na ang nais ni Konde Adlofo ay ang korona ni Haring Linseo at sabugan ng sama ang Albanya. Kaya naman hiniling ni Florante mula sa makapangyarihang kamay ng Diyos na itapon ang kanyang galit sa mga taong may masasamang loob na nakatira sa Albanya at natanong rin niya kung bakit raw bingi ang kalangitan sa anyang mga sinasabi at kung bakit hindi siya makaranas ng tagumpay sa buhay. Aralin 4 Ang Panibugo Ang araling ito ay tungkol sa pagseselos ni Florante kay Konde Adolfo dahil nasa sinapupunan ni Konde Adolfo si Laura Sinabi ni Florante sa Diyos na kung gusto niya talaga na siya‟y magdusa may hihilingin lamang siyang isang bagay, at iyon ay ipaalala kay Laura na may Florante pang nagmamahal sa kanya na nasa gitna ng sakit at pagdurusa. Si Laura na lamang ang tanging taong natitira kay Florante ngunit sa kasamaang
  • 9.
    palad nasa ibangkandungan na ito. Nahimatay si Florante dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, halos ang kanyang katawan ay puno ng sakit at pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay tiyak na maaawa ito. Ang gubat na madilim at malungkot ay nasasabugan ng libu-libong mga sakit at pagdurusa, na inuulit pa niyang sabihin at isinisigaw na bakit raw nagtaksil si Laura sa kanya na tapat naman ang kanyang hangarin at sumumpa raw si Laura sa harap ng langit na hindi magtataksil sa kanyang pag-ibig kaya ibinigay rin niya ang kanyang pag- ibig dahil wala sa isip niya na pagtataksilan siya ni Laura. Aralin 5 Halina, Laura Ko Ang araling ito ay tungkol sa pangungulila ni Florante kay Laura! Ang sabi ni Florante ay katiwala at kasintahan siya ni Laura, hindi raw niya akalain na sasayangin lamang ni Laura ang maraming luha na inalay nito para sa kanya at tinagurian pa siya nito ng “giliw” dahil si Florante ang lunas ng mga sakit na nararanasan ni Laura. Kapag umaalis o inuutusan si Florante ni Haring Linseo na pumunta sa ibang siyudad ay umiiyak si Laura, kapag tinatahi ni Laura ang plumahe ni Florante ay parang korales ang kanyang mga daliri, takot si Laura na masugatan si Florante sa pakikipaglaban, ang baluti‟t koleto ay hindi pinapayagan ni Laura na madampi‟t malapit sa katawan ni Florante hangga‟t hindi niya nasisigurong wala na itong kalawang, pinahihiyasan ni Laura ang turbante ni Florante ng perlas, topasyo‟t maningning na rubi, kapag hindi pa dumadating si Florante galing sa ibang siyudad o kahit saan ay hindi mapalagay si Laura dahil akala ni Laura na nasugatan siya at kung may galos lang si Florante sa balat ay labis na ang pag-aalala ni Laura rito at hindi naniniwala si Laura sa isang bagay kapag hindi pa niya ito nasusuri. Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ni Florante habang siya‟y nakatali sa puno. Si Laura na lamang ang natitirang magpapaligaya kay Florante ngunit nasa ibang kandungan na ito at ang kanyang lungkot ay umalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matinding pagseselos at sakit na nararamdaman ay nahimatay siya.
  • 10.
    Aralin 6 Ang Pagdatingni Aladin sa Gubat Ang araling ito ay naglalarawan ng isang lalaking gerero na pumunta sa gubat upang makalimutan ang masasakit na nangyari tungkol sa kanyang pag-ibig. Nang dumating ang isang gererong lalaki sa gubat na nakasuot ng putong na turbante na kahanga-hanga at ito ang pananamit ng mga Moro sa siyudad ng Persya. Huminto siya sa kanyang paglalakad at tumingin siya sa kanyang paligid upang humanap ng mapapahingahan at may nakita siyang isang bubong ng kahoy. Umupo siya sa puno ng isang kahoy at doon siya‟y umiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwang kamay at tinutop niya ang kanyang noo sa kanan. Tumagilid siya, nagwalang-bahala, tumigil siya sa kanyang pag-iyak at sinabi niya na ang tuwa na nararamdaman niya tungkol kay Flerida ay wala na dahil inagaw na ito ng kanyang ama. Ang sabi pa niya kung hindi raw ang kanyang ama ang umagaw kay Flerida malamang nakikipaglaban na siya ngayon upang ipaglaban ang kanyang mahal ngunit sa di sinasadyang pagkakataon ang ama niya ang umagaw kaya dapat niya itong igalang at inihambing pa siya kay Marte. Sinabi rin niya na talagang makapangyarihan ang pag-ibig dahil kahit anong panganib ang makakaharap, ito‟y hahamakin para lamang sa minamahal. Aralin 7 Duke Briseo: Amang Mapagmahal Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano walang awang pinatay ang ama ni Florante at narinig ito ng gerero habang isinasalaysay niya ito.
  • 11.
    Nang makarinig anggerero ng iyak ni Florante, siya‟y namangha kaya naman sinundan niya kung saan nanggagaling ang boses ng nagsasalita at dumating siya sa pinanggagalingan ng boses at narinig niya si Florante na umiiyak dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pira-pirasong pinatay ang kanyang ama ni Konde Adolfo. Ang sabi pa ni Florante ang mga kaibigan ng kanyang ama ay nahati sa dalawang parte, may kumampi sa masama at may kumampi sa mabuti ngunit walang magawa ang mga kaibigan niyang hindi bumaliktad sa kanya dahil mapaparusahan lamang sila kapag lumapit sa pira-pirasong katawan ng kanyang ama at hindi man lamang siya nabigyan ng maayos na libing at sabi pa ni Florante na ninanais pa ng kanyang ama na matabunan siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan at ng hindi mahulog sa kamay ni Konde Adolfo na higit pa sa halimaw ang ugali. Para kay Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil kahit sa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan parin ng kanyang anak ang iniisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa na kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya. Aralin 8 Ang Morong Nakikinig Ang araling ito ay tungkol sa isang gererong naghahanap ng tunay na kalinga at pagmamahal ng isang ama. Nang mapakinggan ni Aladin ang mga daing ni Florante ay agad niyang naisip ang kanyang ama at hindi niya napigilang umiyak. Parang ikinukumpara ni Aladin ang kanyang ama sa ama ni Florante kung paano ito mag aruga ng isang anak. Ang ama ni Aladin ay kilala niya bilang isang sakim at makasariling ama. Inagaw nito ang kanyang kasintahan at nais ng kanyang ama na lumubog siya sa dusa at siya‟y mamatay. Namatay ang kanyang ina ng siya‟y isinilang kaya naman ang kanyang ama nalang ang nagpalaki sa kanya, ngunit ang pagpapalaki nitoay pawing dusa at sakit ang kanyang nararamdaman. Aralin 9 O, Laura
  • 12.
    Nang matauhan siAladin sa kanyang pag-iisip sa kanyang ama, narinig niya ang muling pananambitan ni Florante at ito‟y tungkol kay Laura. Nagpapaalam siya at sinabi niyang kahit siya‟y sumakabilang buhay na mamahalin niya parin si Laura. Hindi pa natapos ni Florante ang pangungusap na ito ay may dalawang leon ng papunta sa kanya at ng nasa harapan na niya ito, ito‟y tumigil at mukhang naawa sa kanyang kalagayan. Nagpaalam si Florante sa Albanyang pinaglingkuran niya na ngayon ay pinamamayanan na ng kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan. Bata pa lamang si Florante nais na niyang paglingkuran ang bayan ng Albanya. Sa kabila ng lahat ng ito nagpapasalamat parin si Florante dahil sa Albanya niya nakilala ang kanyang magiging kasintahan ngunit sa di inaasahan si Laura ay nagtaksil sa kanya. Nasa harapan na ni Florante ang papatay sa kanya at mamamatay raw siya na hindi kapiling si Laura at iyon ang pinakamasakit na pangyayari sa kanyang buhay. Umiyak si Florante dahil hindi na niya nakayanan ang sakit na kanyang nararamdaman, narinig ng gerero ang lahat ng pananambitan ni Florante na nakakatakot kaya naman tinunton ni Aladin kung nasaan nanggagaling ang boses na kanyang naririnig. Nang malapit na si Aladin kung saan nandoon si Florante ay nakita niya ang matibay na pagkakatali nito sa puno at bigla siyang umiyak dahil sa awa. Nais ng silain ng mgaleon si Florante ngunit naabutan ito ni Aladin at inusig niya ng taga ang dalawang mababangis na leon at namatay ito. Aralin 10 Ang Pakikipaglaban ni Aladin sa Dalawang Leon
  • 13.
    Nang magtagumpay siAladin sa pagpatay sa dalawang leon, kinalagan niya kaagad si Florante at siya‟y umiiyak habang kinakalagan niya ito. Nakita ni Aladin ang dugo na nunukal sa gitgit dahil sa pagkakatali nito sa puno. Ang ginawa ni Aladin ay inalalyan niya si Florante upang maiupo at kinalong niya ito. Sa pagtitig ni Aladin kay Florante habang ito‟y natutulog, si Florante ay biglang gumising at hinahanap si Laura at bumalik ito sa pagkakatulog. Natakot si Aladin na sagutin si Florante kaya pinabayaan niya na lamang ito. Nang muling gumising si Florante nakita niya ang isang lalaki na nakadamit pang Moro at siya‟y nabigla, nais sana niyang ilayo ang kanyang katawan kay Aladin ngunit hindi niya ito nagawa dahil mahina pa siya. Sinabi niya kay Florante na ang baya‟t sekta nila ay magkaaway ngunit sa pangyayaring ito ay dapat silang maging magkaibigan at sinabi rin niya na siya ay tao lamang na sumusunod rin s autos o batas ng langit kaya naman tinulungan niya si Florante. Nagbuntung-hininga si Florante at sinisi niya si Aladin kung bakit siya nito kinalag sa puno hindi sana ngayon ay payapa na ang kanyang buhay sa loob ng tiyan ng leon dahil mas hinahangad pa ni Florante na mamatay na lamang siya kaya. Hindi napigilan ni Aladin ang umiyak sa mga pinagsasabi ni Florante. Aralin 11 Ang Pag-aaruga ni Aladin kay Florante Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano inalagaan ni Aladin si Florante hanggang sa ito‟y gumaling at ikinuwento ni Florante ang kanyang pagkabata.
  • 14.
    Nang mapansin niAladin na gumagabi na sa gubat humanap siya ng lugar upang doon alagaan si Florante at sa unang hinintuan niyang dako ay may nakita siyang isang malapad at makinis na bato at doon niya hiniga si Florante. Kumuha siya ng kanyang kunting baon upang kumain at inalok niya si Florante nito, sa una ito‟y umayaw ngunit hindi naglaon ito‟y tinanggap rin. Naluwag-luwagan ang kanilang paghihinagpis at nabawasan ang pagkagutom. Nakatulog si Florante sa sinapupunan ni Aladin at hindi natulog si Aladin dahil siya‟y natatakot na baka makagat si Florante ng mga masasamang hayop na gumagala sa gubat at kapag nagigising si Florante parang natatakot si Aladin baka may masama ng nangyari rito. Nang magmamadaling-araw ay nahimbing at munting napayapa sa dalang mga problema hanggang nagumaga ay walang binitawang hinagpis at daing si Florante. Lumakas na muli ang katawan ni Florante at dahil sa tuwa ni Aladin ay napayakap siya kay Florante. Tinanong ni Aladin si Florante tungkol sa buhay niya at sinabi ni Florante na ang buhay niya ay puno ng dusa at sakit! Sinabi niya kay Aladin na sana sa Krotona na lamang siya lumaki at hindi nalang sa Albanya, ang ama raw niyang si Duke Briseo ay ang tanungan ni Haring Linseo sa anumang bagay at ito ang pangalawang puno sa sangkaharian, mabait ang kanyang ama at sa katapangan ay siya ang pang-ulo sa siyudad ng Albanya. Ang sabi ni Florante walang mahahalagang nangyari sa kanyang buhay ng siya‟y musmos pa lamang, sabi ng kanyang ina ng siya raw ay natutulog sa bahay nila na malapit sa bundok pumasok ang isang ibong pang-amoy ay abot hanggang tatlong legwas sa patay na hayop, mabuti nalang at dumating ang pinsan ng kanyang ina na si Menalipo at pinana niya ang ibon at ito‟y namatay. Nang si Florante ay naglalaro sa salas may isang alko na kinuha ang kupidong diyamante sa dibdib niya at ng tumuntong siya sa siyam na taon, parati siyang naglalaro sa burol dahil parati siyang namamana ng ibon. Sa tuwing umaga bago lumalabas ang masayang sinag ng araw ang kanyang libangan ay sa tabi ng gubat a hanggang sa tingal-in ng ang sinag ng araw na hindi matitigan ay sinasagap niya ang kaligayahang handog ng hindi maramot na parang. Aralin 12 Kabataan ni Florante Ang araling ito ay tungkol sa mga bagay na ginagawa ni Florante ng siya‟y bata pa lamang.
  • 15.
    Nakatira si Florantesa Krotona na isang malayang bata na nagagawa kung ano ang gusto niyang gawin, gaya ng, mamana ng mga ibon o pumatay ng mga hayop. Ang sabi niya kay Aladin kapag may nakita raw siyang hayop na tinitingala niyang malapit sa bundok, bigla raw niyang ibibinit ang pana sa busog sa minsang tudla niya ay pilit na matutuhog at kapag napatay na niya ay mag-uunahang makarampot ang kanyang mga kasama at kapag nakakapatay raw siya ay halos hindi masukat ang kanyang kaligayahan. Natutunan niya sa kanyang ama na hindi nararapat palakihin ang isang bata na laki sa layaw at puro kaligayahan ang natatamasa dahil kapag dumating ang panahon na darating sa kanyang buhay ang kasawian at kalungkutan ay hindi niya ito malulutas dahil siya‟y nasanay sa kaligayahan. Sa lagay na ito ipinadala siya ng kanyang ama sa Atenas at ito ang dahilan ng pag-iyak ng kanyang ina. Sa Atenas ang nagging maestro niya ay si Antenor, lahi ng mga Pitako, ito‟y mabait at marunong na isang maestro. Aralin 13 Nahubdan ng Balatkayo Isang buwan na hindi kumain si Florante at parating umiiyak simula ng siya‟y ipinadala ng kanyang ama sa Atenas at hindi nagtagal napayapa siya dahil sa pag-aliw ng kanyang maestrong si Antenor. May nadatnan siyang isang batang madlang nag-aaral at iyon ay si Adolfo ang anak ng isang marangal na si Konde Sileno. Labing dalawang taon na si Adolfo‟t si Florante naman ay labing isa pa lamang. Kilala si Adolfo bilang isang mahinhin ang kanyang ugali ay hindi magaslaw, kung lumakad ito‟y laging patungo at mabinining mangusap at walang katalo, lapastanganin man siya ay hindi siya nabubuyo. Siya ang huwaran ng kanyang mga kaklase sa kabaitan. Sinabi rin ni Florante na ang katalasan ng kanyang maestrong si Antenor ay hindi mabatid ang lalim na lihim ni Adolfo at sinabi rin ni Florante na ang sabi ng kanyang ama na ang bait na hindi paimbabaw ito‟y namumunga ng kaligayahan. Sa madaling salita mabigat ang loob ni lorante kay Adolfo at alam niyang ganoon din ang nararamdaman ni Adolfo sa kanya.
  • 16.
    Isang araw natarokang kaalaman ni Florante ang lalim ng pilosopiya, natutunanrin niya ang astrolohiya at ang matimatika. Ang pagkatuto raw niya ay parang isang himala si Adolfo raw ay naiwan sa gitna at ang maingay na tagapamalita sa buong Atenas ay gumagala-gala. Siya na ang usap-usapan mapabata man o mapatanda ay nakatalastas ng pangalan ni Florante. Nahalata si Adolfo na nagbabalatkayo lamang ng dumating ang araw ng pagkakatuwaan ng mga mag-aaral na nagbibinata, iba‟t iang laro ang kanilang nisipan at sinukat nila ang galling sa sayawan na naaayon sa musika‟t awit na mapakikinggan. May laro ring buno‟t arnis na kinaitaan ito ng kanilang liksi‟t karunungan. Aralin 14 Nasalag ang Dagok Ang araling ito ay tungkol sa ipinalabas na trahedya nina Florante. Si Florante ay gaganap bilang si Etyokles ang magiging kapatid ni Polinese at anak nina Edipo at Yokasta at si Adolfo naman ay gaganap bilang si Polinese ang anak nina Edipo at Yokasta at kapatid ni Etyokles. Nang isinasadula na nila ang kwento, iba ang mga pinagsasabi ni Adolfo sa kanya ay wala ito sa orihinal. Sinabihan siya ni Adolfo na inagaw raw niya ang kapurihan na dapat ay nasa kanya at sinabi rin niya na dapat lng mamatay si Florante kaya inilabas ni Adolfo ang knyang dalang patalim at balak saksakin si Florante, sa kanyang kakailag iya‟y natumba buti nalang t nailigts siya ni Menandro, ang kanyang kaibigan. Pagkatapos ng pangyayaring ito hindi na nila nakita si Adolfo. Naging Isang taon pa ang pamamalagi niya sa Atenas at pinadalhan siya ng sulat ng kanyang ama upang ipaalam na namatay ang kanyang ina. Labis ang sakit na naramdaman ni Florante, dalawang oras siyang nawalan ng malay ng mabasa niya ang liham na ipinadala ng kanyang ama. Nang siya‟y magkamalay naisip niya agad ang sakit at ang kanyang dalawang mata‟y hindi mapigil sa pag-iyak at sabi pa niya na noong malaman niya na namatay ang kanyang ina ay pakiramdam niya pasan niya ang buong sandaigdigan at nag-iisa lamang siya sa gitna ng lumbay kaya naman ang ginawa ng kanyang maestroy inaliw siya nito Aralin 15 Ang mga Habilin ni Antenor kay Florante Ang araling ito ay tungkol sa mga habilin ni Anteno kay Florante papunta sa Albanya.
  • 17.
    Dalawang buwang hindinakatikim ng ligaya‟t aliw si Florante sa Atenas simula ng malaman niyang namatay ang kanyang ina. Dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama at ng sabi rito ay pauuwiin na siya sa Albanya at nagpaalam siya sa kanyang maestrong si Antenor. May hinabilin sa kanya si Antenor bago siya umalis. Dapat raw siyang mag- ingat sa handa na patibong ni Adolfo at kung ang isalubong raw kay florante ay masayang mukha , mas lalo raw siyang mag-ingat at wag magpapahalata na alam ang nasa ni Adolfo upang makapaghanda siya sa araw ng digma. Hindi niya napigilan ang umiyak ay niyakap siya nito ng mahigpit at ang huling tagubilin ng kayang maestro sa kanya ay dapat raw niyang tiisin ang mga problemang naghihintay sa kanyang pagdating sa Albanya. Naghiwalay sila ng kaniyang mga kaklase at si Menandro ay labis ang pagdaralita kaya naman ng magyakapann ang dalawang magkaibigan ay hindi na nila binitawan ang isa‟t isa kaya tinulutan na lamang ni Antenor na sumama si Menandro kay Florante patungo sa Albanya at silay umalis na. Nang makaraling na sila sa Albanya sinalubong siya ng kanyang ama at nagbatian silang dalawa, nadagdagan ang sakit na naramdaman ni Florante dahil sa kalagayan ng kanyang ama. Aralin 16 Ang Heneral ng Hukbo Nagpadala ng sulat ang lolo ni Florante na ang Krotona ay kinubkob ng mga Moro na pinamumunuan ni Heneral Osmalik ng Persya, ayon sa balita ay pangalawa ito ng prinsipeng kilala sa buong mundo. Si Aladin na hinahangaang kababayan ni Florante. Napangiti si Aladin at sinabi niya na bihira lang raw ang totoong pagbaybay ng balita at kung magkatotoo raw ito ay marami ang dagdag, madalas raw kilala ang isang tao na matapang kung ang kalaban ay takot sa kanya at sinabi rin ni Aladin na katulad lang sila ng nararamdaman ni Florante ng sakit tungkol sa kanilang pag-ibig. Singot siya ni Florante na hindi nararapat matulad ang isnag gerero sa tulad niyang api at sa kaaway may hindi niya raw ito ninanais sa laki raw ng dusa na kanyang natatamasa.
  • 18.
    Humarap si DukeBriseo kay Haring Linseo upang ipakilala ang kanyang anak na si Florante at ng makilala niya ito namangha ang hari at niyakap niya si Florante. Ginawa siyang heneral sa isang hukbo na dadalo sa bayan ng Krotona na sinakop ng mga Moro. Kahit labag sa kalooban ng kanyang ama ay pumayag na lamang ito at siya‟y walang sagot na naisabi kundi yakapin na lamang ang kanyang magiging kapalaran sa bayan ng Albanya. Aralin 17 Patay o Himala Isinalaysay ni Florante kay Aladin kung paano sila nagkakilala ni Laura. Nagkakilala sila ni Laura ng siya‟y inimbitahan ni Haring Linseo sa palasyo tungkol sa hukbo na kanyang pamumunuan. Nakilala niya ang isang napakagandang dilag roon at nagkwentuhan sila sa kanilang mga buhay. Sinabi ni Florante na kung hindi siya inimbitahan ni Haring Linseo na pumunta sa palasyo hindi niya makikilala si Laura at hindi siya masasaktan. Hindi niya akalain na pagtataksilan siya ni Laura at naisip niya na kung gaano ka kataas ang pagkadakila ito rin ang paglagapak kung mararapa, sinabi rin niya na inagaw raw ni Aladin ang isang gawain na nararapat ang ina niya ang gumawa ngunit sa kadahilanang sawi siya sa lahat ng bagay. Namatay ang kanyang ina na sa kaunting panahon lamang niya ito nakapiling at pinagtaksilan siya ng kanyang pinakamamahal na babaeng si Laura. Tatlong araw na pinigingan ng hari ng palasyo real si Florante. Aralin 18 Perlas sa Mata‟y Nunukal
  • 19.
    Sa araling itonatikman ni Florante ang lalong dalamhati at ito‟y higit pa raw sa naunang dalitang tiniis at pinasinungalingan niya ng lahat ng sakit dahilan lamang sa pag-ibig. Kinabukasan bago umalis ang hukbo ni Florante papuntang Krotona nakausap niya si Laura at sinabihan niya ito ng mga matatamis na salita nag buntong-hininga, luha at himutok ang matinding naramdaman ni Florante. Kahit hindi siya sinagot ni Laura ng matamis na oo may mababaon parin siya sa kanyang pakikipaglaban ang hiyang perlas na sa mata‟y tumulo. Dumating na ang araw ng pag-alis ni Florante papuntang Krotona at maraming tanong ang nais ni Florante na masagot bago siya umalis tungkol kay Laura. Dumating na ang hukbo ni Florante sa bayan ng Krotona at doon naglaban ang dalawang kampo at ito‟y umabot ng limang oras hanggang sa mapagod si Heneral Osmalik at ng mapatay ni Florante si Heneral Osmalik ay parang nagluksa ang langit. Aralin 19 Krotona‟y Nagdiwang Nang matalo ni Florante si Heneral Osmalik pumunta sila sa palsyo real at doon sinalubong sila ng kanyang lolo at mga mamamayan ng Krotona. Malaki ang pasasalamat ng mga mamamayan kay Florante dahil ang bayan raw nila ngayon ay muling nabuksan at ballot na balot ito ng kaligayahan. Nagsiakyat sila Florante sa palasyo real upang magpahinga. Tatlong araw na hindi natulog ang mga tao sa Krotona dahil sa kanilang hindi mapantayang ligaya. Sa ligaya raw nila ng kanyang nunong hari nakipagitan roon ang pagkamatay ng kanyang ina ay naungkat muli, kaya dn naniwala ang batang loob ni Florante na sa mundo‟y walang lubos na katuwaan dahil sa minsang ligayang nararamdaman may mga problema parin ang mapagdadaanan. Limang buwang nanatili si Florante sa Krotona at nagpilit bumalik sa Albanya. Sa kanilang paglalakad parang hindi siya mapalagay, parang nais na niyang makarating agad sa Albanya.
  • 20.
    Aralin 20 O, SintangFlorante Nang dumating ang hukbo ni Florante sa bayan ng Albanya, nakita nila ang pulutong ng mga Moro. May nakita siyang isang binibini na nasa kamay ng mga Moro at ito‟y nakagapos at pakiramdam nila ito‟y pupugutan ng ulo. Ang puso ni Florante ay lalung naipit ng lumbay dahil nangangamba siya na ito‟y si Laura. Hindi niya napigilan ang kanyang galit na nararamdaman at agad nilang nilusob ang mga Moro ang ibang Moro ay tumakbo kaya ng wala na siyang mapagbubuntungang galit inalis niya ang takip sa mukha ng isang binibini at tama nga ang kanyang hinala na ito‟y si Laura. Kaya raw ito pupugutan ng ulo dahil hindi tinanggap ni Laura ang pag-ibig na alay ni Emir, kaya ng magtangkang gahasain ni Emir si Laura ay sinampal niya ito. Kinalag niya ang gapos na lubid sa kamay ni Laura at nahihiya pa siyang madampian ang magandang balat nito. Dito nakatanggap ng lunas ng pag-ibig si Florante ng titigan siya ni Laura at banggitin ang kanyang pangalan. Nang malaman niyang ang Haring Linseo at ang kanyang ama ay nasa kulungan agad siyang pumunta sa bilangguan ng reyno at nakita niya roon si Haring Linseo, ang kanyang ama at si Adolfo. Hindi masukat ang kaligayahan ng Hari at ng kanyang ama sa kanyang natamong tagumpay habang si Adolfo naman ay nagdadalamhati sa tagumpay na nakamit ni Florante. Ang pangimbulo ni Adolfo kay Florante ay lalung lumala ng tawagin si Floranteng tagapagligtas ng siyudad ng Krotona at ipinagdiwang pa ito ng matataas na hari sa palasyo real. Aralin 21 Silu-Silong Sakit
  • 21.
    Hindi dumating ngilang buwan ang kasiyahan na natatamasa ng Albanya dahil may isang dumating na isang hukbong maninira na taga- Turkiya. Ang panganib at pag-iiyakan ay bumalik sa bayan ng Albanya lalung-lalo na kay Laura na natatakot na baka mapahamak si Florante. Sa kadahilanang inutusan siya ni Haring Linseo at siya ang napiling maging pinuno ng hukbo, hindi niya ito dapat suwayin. Natalo ni Florante ang hukbo ni Miramolin sa Etolya at nakatanggap ng sulat si Aldin na galling sa kanyang ama na siya‟y pinapabalik kaagad sa ALbanya. Gabi na ng dumating si Florante sa Albanya at pumasok kaagad siya sa Reyno at nahulog siya sa patibong na inihanda ni Adolfo. Nalaman rin ni Florante na pinatay ni Adolfo si haring Linseo at ang kanyang ama at ang pinakamasakit pa nito ay ikakasal na si Laura kay Adolfo. Sa pagkabilanggo niya ng labingwalong araw naiinip si Florante sa kanyang kamatayan at gabi na noong dinala siya sa gubat at iginapos siya sa isang napakalaking puno upang doon ay makagat ng mga gumagalang hayop. Aralin 22 Kawawang Aladin Pagkatapos magsalaysay ni Florante, si Aladin naman ang nagkuwento tungkol sa kanyang buhay. Sinabi niyang ang kanyang sariling ama ang nakaagaw niya sa pag-ibig kay Flerida. Binalak siyang papugutan ng ulo ng kanyang ama dahil sa pag-iwan sa hukbo habang nakikipagdigma sa Albanya. Pumayag si Flerida na pakasal kay Sultan Ali-Adab upang hindi mapatay si Aladin kung kaya‟t pinaalis na lamang siya ng kaharian at hindi na maaaring bumalik sa Persya. Aralin 23 Hatinggabing Kadiliman
  • 22.
    Habang nag-uusap sinaFlorante at Aladin ay may narinig silang dalawang babaing nag-uusap. Nakita nilang sina Laura at Flerida pala ang naririnig nilang nag-uusap. Nalaman nilang si Flerida ay tumakas sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit gerero dahil hindi niya maatim na pakasalan ang ama ng kanyang tunay na iniibig. Samantalang si Laura naman ay hindi tinanggap ang alok na pagmamahal ni Adolfo kaya‟t dinala siya nito sa gubat upang pagsamantalahan subalit dumating si Flerida at siya‟y iniligtas. Naging maligaya ang apat lalo na si Florante dahil napag-alaman nitong hindi nagtaksil sa kanya si Laura. Lalo silang natuwa nang dumating si Menandro at ibinalita na nabawi na nila ang Albanya. Umuwi ang apat sa Albanya na maligayang-maligaya. Nagpabinyag sina Aladin at Flerida sa Kristiyanismo at nagpakasal. Maging sina Florante at laura ay pinag-isang dibdib at sila‟y naging hari at reyna ng Albanya. Muling nagbalik sina Aladin at Flerida sa Persya at namuno sa kanilang kaharian. ~wakas ng awit~