1. BUOD
Isang matinding dagok sa buhay ni Florante ang pagpanaw ng kaniyang pinakamamahal na ina. Ang puso niya
ay halos madurog dahil sa matagal na niya itong hindi nakasama. Nasukat ang kanyang pagiging matatag sa
sunudsunod na mabibigat na suliranin na dumadating sa kanyang buhay, at pagpapapunyagi upang
mapaglabanan niya ang matindi niyang kalungkutan.
Nabalot ng lumbay ang buong paaralan dahil sa balitang natanggap ni Florante sa nangyari sa kanyang
ina.nakiramay ang mga ito sa kanila lalo na ang matalik niyang kaibigan na si Menandro at ang kanyang mabait
na guro at parang itinuring na niyang pangalawang magulang na si Antenor.Ang pagdamay na iyon ay
nagpapakita sa kahalagahan ng pagtulong sa mga nangangailangang tulad ni Florante.
Makalipas lamang ang dalawang buwan matapos na matanggap niya ang liham na nagbalita tungkol sa nangyari
sa kanyang ina ay meron nanamang pangalawang sulat ang dumating, ang nilalaman ng sulat ay ang pagpapauwi
kay Florante sa kanilang lugar. Sa pamamaalam ni Florante sa kaniyang paaralan, Isang tagubilin ang pinabaon
ng maestro niyang si Atenor, Ito ay tungkol sa pagiging maingat nito sa kaaway,na walang iba kundi si Adolfo,
Nahuwag daw basta magtitiwala sa kung anuman ang ipakita ng simuman dahil hindi nakikita ang tunay na
nilalaman ng kanilang puso. Naging madamdamin ang pamamalam ni Florante sa kanyang mga kaklase lalo na
sa kanyang matalik na kaibigan na si Menandro, hindi na halos ito bumibitaw sa kanya kaya naman napilitan
narin niya itong isama.