2. Florante
at Laura
• Isinulat ang Florante at Laura noong 1838,
panahon ng pananakop ng Espanyol sa bansa.
• Mahigpit na ipinagbabawal ang mga babasahin
at palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at
kalupitan ng mga Espanyol.
3. Florante
at Laura
• Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga
aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang
patungkol sa relihiyon o di kaya’y sa paglalaban
ng mga Moro at Kristiyano na tinatawag ding
komedya o moro-moro, pati mga diksiyonaryo at
aklat panggramatika.
4. Florante
at Laura
• Naging matagumpay si Balagtas na mailusot ang
kanyang awit dahil ang temang kanyang ginamit
rito ay relihiyon at paglalaban ng mga Moro at
Kristiyano pero iniugnay niya ito sa pag-iibigin
nina Florante at Laura.
5. Florante
at Laura
• Ang kanyang pagtuligsa sa mga Espanyol ay
naitago niya sa pamamagitan ng paggamit ng
alegorya.
• Gumamit din siya ng simbolismong kakikitaan ng
pailalim na diwa ng nasyonalismo.
6. Florante
at Laura
• Ang mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot
ng kaawa-awang kalagayan ng kahariang
Albanya ay masasalamin sa naging karanasan ng
Pilipinas noong nasa ilalim ng pamamahala ng
mga Espanyol.
7. Florante
at Laura
Masasalamin sa akda ang tinutukoy ni Lope K.
Santos na apat na himagsik na naghari sa sa puso
at isipan ni Balagtas:
Ang himagsik laban sa
malupit na pamahalaan
8. Florante
at Laura
Masasalamin sa akda ang tinutukoy ni Lope K.
Santos na apat na himagsik na naghari sa sa puso
at isipan ni Balagtas:
Ang himagsik laban sa
hidwaang pananampalataya
9. Florante
at Laura
Masasalamin sa akda ang tinutukoy ni Lope K.
Santos na apat na himagsik na naghari sa sa puso
at isipan ni Balagtas:
Ang himagsik laban sa mga
maling kaugalian
10. Florante
at Laura
Masasalamin sa akda ang tinutukoy ni Lope K.
Santos na apat na himagsik na naghari sa sa puso
at isipan ni Balagtas:
Ang himagsik laban sa
mababang uri ng panitikan
11. Florante
at Laura
• Ang Florante at Laura ang nagbukas ng landas
para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na
dantaon.
• Si Balagtas lamang ang tanging sumulat ng
akda sa wikang Tagalog sa panahong ang
karamihan sa Pilipinong manunulat ay wikang
Espanyol ang ginamit.
12. Florante
at Laura
• Ang Florante at Laura ay inialay niya kay
“Selya” o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng
minahal niya nang labis at pinagmulan ng
kanyang pinakamalaking kabiguan.
13. Florante
at Laura
• Ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan,
himagsik at walang katarungang nararanasan
ni Kiko sa lipunang kanyang ginagalawan ay
siyang nagtulak sa kanya upang likhain ang
walang kamatayang Florante at Laura.
14. Florante
at Laura
Ang awit na Florante at Laura ay nagsilbing
gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming
bagay tulad ng:
Wastong pagpapalaki sa anak.
17. Florante
at Laura
Pagpapaalala sa madla na maging
maingat sa pagpili ng pinuno
sapagkat napakalaki ng panganib na
dulot sa bayan ng pinunong sakim
at mapaghangad sa yaman.
18. Florante
at Laura
Ang kahalagahan ng pagtulong sa
kapwa maging doon sa may
magkakaibang relihiyon tulad ng
mga Muslim at Kristiyano.
19. Florante
at Laura
• Sa panahong ang kababaihan ay mailalarawang
mahinhin, hindi makabasag pinggan at mahina,
binigyang-diin sa akda ang taglay na lakas ng
kababaihan sa katauhan ni Flerida, isang
babaeng Muslim.
20. Florante
at Laura
• Sinasabing si Dr. Jose Rizal ay nagdala ng kopya
ng Florante at Laura habang siya’y naglalakbay
sa Europa at naging inspirasyon niya sa
pagsulat ng Noli Me Tangere.
21. Florante
at Laura
• Maging si Apolinario Mabini ay sumipi sa
pamamagitan ng sarili niyang sulat-kamay ng
kopya ng awit habang siya ay nasa Guam
noong 1901.
22. Florante
at Laura
• Bagama’t napakatagal nang panahon mula
nang isulat ni Balagtas ang awit ay hindi
mapasusubaliang ang mga aral na taglay nitong
gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani ay
nanatiling makabuluhan, angkop, at
makagagabay pa rin sa mga Pilipino hanggang
sa kasalukuyang panahon.
23. Florante
at Laura
“Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura, sa
Kahariang Albania Kinuha sa Madlang Cuadro
Historico o Pinturang Nagsasabi sa mga Nangyari
nang Unang Panahon sa Imperio ng Grecia at
Tinula nang Isang Matuwain sa Bersong Tagalog”